Share

Chapter 35: Happy Ever After

Ilang araw ding nagpabalik-balik si Cathy sa bahay para sa tutor niya kay Dan. Hindi din naman sila aging sa kwarto lang, dahil minsan ay sa sala na sila lalo pa ng malaman ni Tristan. Muntik pa kaming mag-away na mag-asawa at sinermonan ako. Kung ano-ano na lang daw kasi ang mga pinaggagawa ko. Pero sa bandang huli ay naipaliwanag ko naman sa kanya ng maayos. Last day of tutorial na nila ngayon at sila ay nasa sala. Sa naglipas na isang linggo, napansin kong mula sa day one na pagiging masungit ni Dan ay nabawasan na ito sa mga sumunod na araw. Madali din naman daw kasi matuto si Cathy sabi nya. Totoo naman at hindi naman sya basta-basat pipiliin na representative ng klase nila kung hindi siya magaling.

Masaya akong pinagmamasdan ang dalawa sa sala mula dito sa mini kitchen namin ng lapitan naman ako ni Clara.

"Bagay sila ano?"mukhang kilig na kilig din naman si Clara sa dalawang bata.

"Sinabi mo pa."sang-ayon ko naman.

"Kaya lang ang babata pa nila, Jill."

"Alam ko naman eh."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status