“PAKATATAG ka hija, basta lagi mong tandaan ay lagi kang may lugar dito sa puso ko. Mananatiling apo kita at lola ako sa’yo anuman ang mangyari, Tracy.” Hinaplos-haplos pa ni Lola Meding ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo ng abuela sa sofa sa loob ng salas. Muli silang bumalik sa naturang lugar matapos ang pamamahiya ni Consuelo sa kanya.“Maraming salamat po, Lola,” naluluhang sabi niya sa matandang babae na puno ng pagmamahal sa kanya. Humupa na rin ang damdamin niya na natamo niya kanina. “Kayo ang malaking dahilan kung bakit inisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang kinamulatan ko.”“Isipin mo na muna ang sarili mo sa pagkakataong ito hija,” payo nito sa kanya. “Live at your own at huwag na munang bumalik kina Hernando. Ayoko na mabalitaan kong muli na inaapi ka ni Consuelo. Tama na ang nangyari kanina.”Tumango siya. “Ang Papa lang at kayo po ang aking kakampi sa pamilyang ito, Lola. Siguro kung wala po kayo, ay hindi ko mararanasan ang magkaroon ng isang pamilya.”Bagama’t m
BIGLANG naalala ni Tracy, may isang naging customer ang Zenai’s Diner na inireklamo ang kanilang restaurant. Isang ina na pinaratangan sila na-food poison nila ang anak nito. Ang laki ng takot niya dahil maapektuhan ang negosyo. Nagsama-sama ang stress, fear at anxiety noon. Tiwala siya na malinis ang mga pagkaing isini-serve nila sa kainan. Mabuti na lang na negatibo sa anumang contaminated germs of toxic ang mga pagkaing iniluto nila sa araw na iyon. Na-diagnos rin na may ibang sakit sa tiyan ang anak ng nagreklamong customer. Na-clear ang pangalan ng restaurant sa sanitation at maging sa bayan. Akala niya iyon ang magpapabagsak sa ipinundar na negosyo ng kanyang yumaong amo na si Ma’am Zenaida. Isang malaking pagsubok na nalagpasan niya pero nag-iwan ng trauma pa rin sa kanya.“Excuse me po Ma’am, ahm, kayo po ba ang nagluto ng mga tindang ulam dito?” untag na tanong sa kanya ng isang babae. Ipinilig niya ang ulo saka binalingan ito. Isang babaeng nasa kalagitnaan ang edad. Kay-ta
GANAP na ngang nadala si Tracy sa dalampasigan ng lalaking sumagip sa muntikan niyang pagkalunod. Ngunit hindi kaagad ito umalis sa tabi niya. Napapitlag pa siya nang marahan nitong iunat ang kalamnan niya sa binti niyang pinulikat.“Enough na Fien! Kayo ko na ito,” pagpigil niya dito. Oo, ang mayamang binata nga ang naging hero niya sa hapong iyon. Kaya hindi siya makapaniwala na magkikita pa sila dito sa bandang dulo ng Pilipinas. Para yatang lumiliit ang mundo sa pagitan nilang dalawa.“No, lubus-lubusin ko na ang pagtulong ko sa’yo,” seryosong sabi nito na ayaw papigil. Minamasahe na nito ang naninigas pa rin niyang binti. Halatang may alam ito sa ginagawang first aid sa injured na bahaging iyon ng katawan niya.Hindi siya nakapagsalita pa. pinipigilan niya ang mapasinghap sa bawat pagdampi ng balat nito sa balat niya. May kakaibang init na gumagapang sa bawat himaymay niya. Nakadarama siya ng kaginhawahan. Awtomatikong napatunghay ang mga mata niya sa gwapong mukha nito. Nabubuha
NAPABANGON bigla si Tracy sa pagkakahiga niya sa kama. Pawisan ang kanyang mukha. Saka niya napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. Akala niya ay totoo na nag-donate siya ng dugo at dinukot daw siya ng mga armadong kalalakihan. Tumambad sa kanya ang apat na sulok ng kuwarto na kinaroroonan niya. Ang ipinagamit sa kanya ni Tita Adora sa tinutuluyang bahay niya dito sa Pagudpud.‘Pero halos bangungot na iyon ah, mabuti na lang at nagising ako.’ pumapanatag ang paghingang sabi niya sa sarili. Kinapa niya ang cellphone niya sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang oras, mag-a-ala-singko na ng umaga.Sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya sa litrato sa panaginip niya. Malinaw pa sa alaala niya ang lahat at minsan pang naging pamilyar sa kanya. naisipan niyang buksan ang gallery ng cellphone niya at may partikular na picture siyang hinanap. At nakita rin niya kaagad.Lumakaas ang kabog ng dibdib niya. Gumitaw ang butil ng pawis sa noo niya. Hindi siya makapaniwala sa pinagmam
NAGULAT pa si Tracy nang bigla siyang hawakan ni Fien sa magkabilang balikat niya. May pagbabanta ang mga tingin nito sa kanya. Iyong tipong nagpapahiwatig na wala siyang kawala dito. “At siguro naman ngayon ay hindi mo na ako matatanggihang ipagluto muli.”Tinabig niya ang kamay nito at nagtagumpay siyang makawala sa pagkakahawak nito. “Okay fine, basta isipin mo na ang may-ari ng Zenai’s Diner ay walang word of honor.”“Okay good, Miss Alcantara, sige mamili na muna kayo ni Zela. Ipapahatid ko kayo kay Berto sa palengke,” tinalikuran na sila ng binata saka naglakad papasok ng magandang beach house nito.“Himala yata Ma’am na biglang nagbago ang isip ninyo,” ani Zela nang silang dalawa na lang ang tao sa paligid. May pagkamahang pinagmamasdan nito ang mukha niya.“No choice na ako eh,” medyo natigilan pa siya sa sunod sana niyang sasabihin. Gusto lang niyang isalba ang sarili dahil obvious na nahuli na siya ni Fien na pinapanood ito ng lihim sa paglangoy sa pool. Naipilig niya ang u
ISANG malakas na halakhak ang naging reaksyon ni Tita Adora pagkakita nito sa picture. Samantalang si Tracy ay naiintrigang nakatingin sa tiyahing iyon ni Frank. Maging si Janeth ay nagtataka pa rin pero maya’t maya ang tingin sa kanya. Halatang nagku-kumpara ito sa mukha niya.“Buhay pa pala itong album na ito,” kapagdaka’y kinuha ni Tiya Adora mula sa anak ang nasabing bagay. “Saan mo ba nakita ito Janeth?”“Sa lumang aparador sa taas, Nanang.” Naupo na rin sa Janeth sa tabi niya. “Naghahanap po kasi ako ng mga lumang damit at ayan nakita ko nga po ‘yan.”“Ngayon ko na lang ulit nakita ang picture na ito, ang tagal na nito ah.” Hinaplos pa ni Adora ang picture saka tumingin sa kanya. “Alam mo Tracy, noong bagong dating ka dito sa amin. Sa unang kita ko pa lang sa’yo, sabi ko ay may kamukha ka at parang matagal na kitang nakita.”Maging siya ay nagulat sa sinabing iyon ng matandang babae. “T-talaga po Tiya?”“Pero Nanang, kamukhang-kamukha talaga ni Ate Tracy ‘yung babaeng kasama po
“ARE you crazy, Mr. Montagne?” nangagalaiti sa inis na tanong ni Tracy sa binata. Ang bilis ng pangyayari na nagaw siya nitong buhatin at isakay sa land rover nito. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Tila labag pa sa loob niya na nakaupo na siya sa front seat.Nilingon siya nito saka nginisian pa siya. “Calm dowm Miss Alcantara. Hindi naman siguro ako masamang tao sa paningin mo dahil sa ginawa ko.”“Napaka-unpredictable mo talaga, you are always using your authority to me,” sinadya pa niyang arkuhan ito ng kilay. Gusto niyang iparamdam dito na hindi niya gustom ang ginawa nito.“Okay sorry,” biglang mababang tono na saad nito. “Gusto ko lang naman na may kasama akong mamasyal ngayon. Pasalamat ka nga at ikaw ang napili kong companion.”“Naku, ewan ko sa’yo,” mariing napailing siya. “Ayaw na ayaw mo talaga na iniri-reject ka ano? Gusto mo talaga na makuha lagi ang kapritso mo.”“Exactly, mabuti at alam mo ‘yan.” Kinindatan pa siya nito nang nakakaloko. Inalis na ang tingin sa
“ANONG ginagawa niya?” tanong ni Tracy sa sarili habang pinapanood ang binata na saglit siyang iniwan dito sa table nila. Nakita niya itong lumapit sa bagong dating na pamilya na umagaw sa pansin niya. Nakatalikod man ito sa kanya ay alam niya ang magiliw nitong pakikipag-usap. Nakikita niya ang engross reaction ng mga magulang.The other side of Fien Montagne. Hindi naman kasi ito literal na suplado at seryoso. May interesting na bahagi ang pagkatao nito na iilan lang ang nakakaalam. At marahil isa siya mga ‘yun.“Here we go,” sabi ni Fien na nagpatigil sa isip niya sa paglipad. Napansin niyang akay-akay nito ang batang lalaki. Kasunod ng mga ito ang mag-asawa na kaylapad ng ngiti sa labi.“Hoy Fien, anong balak mong gawin huh?” nagtatakang tanong niya dito. wala talaga siyang ideya sa gagawin nito ngayong tapos na silang kumain.He winked. “Tutuparin ko lang ang dream mo Miss Alcantara.”Hindi na siya nakahuma nang ilapit at ipinakalong sa kanya ni Fien ang batang lalaki. No choicen