Share

Chapter 14

“PAKATATAG ka hija, basta lagi mong tandaan ay lagi kang may lugar dito sa puso ko. Mananatiling apo kita at lola ako sa’yo anuman ang mangyari, Tracy.” Hinaplos-haplos pa ni Lola Meding ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo ng abuela sa sofa sa loob ng salas. Muli silang bumalik sa naturang lugar matapos ang pamamahiya ni Consuelo sa kanya.

“Maraming salamat po, Lola,” naluluhang sabi niya sa matandang babae na puno ng pagmamahal sa kanya. Humupa na rin ang damdamin niya na natamo niya kanina. “Kayo ang malaking dahilan kung bakit inisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang kinamulatan ko.”

“Isipin mo na muna ang sarili mo sa pagkakataong ito hija,” payo nito sa kanya. “Live at your own at huwag na munang bumalik kina Hernando. Ayoko na mabalitaan kong muli na inaapi ka ni Consuelo. Tama na ang nangyari kanina.”

Tumango siya. “Ang Papa lang at kayo po ang aking kakampi sa pamilyang ito, Lola. Siguro kung wala po kayo, ay hindi ko mararanasan ang magkaroon ng isang pamilya.”

Bagama’t m
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
wait...sino ung naghahanap kay Tracy????
goodnovel comment avatar
Diche Ian Lagumbay
nakakakaba naman sino kaya yung naghahanap
goodnovel comment avatar
Diche Ian Lagumbay
naku since kaya yun
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status