Share

Chapter 2

Author: Eckolohiya23
last update Huling Na-update: 2022-07-15 11:42:10

WALANG pagngiming tinanggap ni Tracy ang panyong iniabot sa kanya ng katabi niyang pasahero. Kaagad niyang ipinampahid iyo sa luha sa mukha niya. Nahihiya siya sa sarili at sa katabi dahil naging mababaw ang emosyon niya sa napapanood na pelikula sa bus na kinaluluaanan niya.

“T-thank you,” paglingon niya sa katabi. Napaawang ang labi niya nang mamasdan ang mukha ng lalaki na kapwa pasahero niya. Mestizo ito, ang mukha ay binagayan ng may kakapalang kilay, ang may pagka-chinitong mga mata at tamang pagkatangos ng ilong. Ito ang depinisyon ng gwapo na mukhang suplado. Isang paghanga kaagad ang naiukol niya sa estranghero kahit ngayon lang niya ito nakita.

“It’s alright Miss,” ang baritonong boses nito ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Bahagyang naningkit ang mga mata nito sa pagtingin sa mukha niya. “Ayoko lang magmukhang pinapaiyak kita at baka kung ano ang isipin sa atin ng ibang pasahero. Kung may vacant seat nga lang ay kanina pa ako lumipat.”

Napahiyang nagbawi siya ng tingin dito. kapagdaka’y muli siyang tumingin dito. “Okay, I got it mister, pasensya na huh dahil mababaw ang luha ko. Palitan ko na lang ng panyo ko ang panyo mong ito.”

Napapantikuhan itong umiling. Tila hindi makapaniwala na nagawa niyang salagin ang iritasyon nitong ipinakita sa kanya. “Take it, marami pa naman ako n’yan.”

Kumibit-balikat siya. “Oh sure, lalabhan ko na lang then pag nagkita ulit tayo ay saka ko ibibigay sa’yo. Sayang din ito at halatang mamahalin pa naman.”

Hindi na ito tumugon pa. Parang naiinis na inalis ang tingin sa kanya at bumaling sa unahan.

Lihim naman siyang nagbunyi. Kinuha niya ang cellphone para mag-check ng message sa messenger niya. Doon na lang niya ibinaling ang atensyon kaysa sa masungit na estrangherong katabi niya. Pero may kakaibang hatid sa pang-amoy niya ang gamit nitong perfume na nalalanghap pa rin niya. Mabango iyon na tila sandal wood ang amoy. Lalaking-lalaki ang dating.

Sa dami ng uri ng tao na nakasalamuha niya sa kanyang restaurant ay nakakaya niyang pakiharapan ang mga ito. Pero sa katabi niyang ito ay may hindi maipaliwanag na pakiramdaman. Ngayon lang niya naranasan na parang interesado siya sa isang lalaki.

Calm down Tracy, huwag mo na siyang isipin at siguradong hindi magkakasundo kayo. Malayo siya sa gentleman na inaasahan mo at halatang may pagka-alpha ang personality niya, saway ng isang bahagi ng utak niya.

Maya-maya pa, nasa Sta. Maria na ang bus at tumigil iyon sa unang bus stop na madaraanan. Napansin niya na tumayo na ang katabing lalaki para bumaba na ito.

So, kababayan ko pala siya? tanong niya sa sarili na nakasunod ang tingin niya sa lalaki. May taglay itong katangkaran at mas mataas sa kaibigan niyang si Frank. Halata ang suot nitong damit ay signature brand. Aral na aral ang bawat paghakbang ng paa nito na hindi maikubli kahit makisalamuha sa kanilang mga common citizen ng bansa.

May lungkot na nadarama ang puso niya nang mawala na ito sa paningin niya. Iniisip niya kung magkikita pa rin ba sila? Sana possible dahil parang nasa iisang bayan sila.

Minsang natampal niya ang sariling noo sa mga isiping iyon. Kinuha niya ang bag na dala niya para maihanda ang sarili sa pagbaba niya sa kasunod na bus-stop.

“FIEN, at last, dumating ka na rin!” natutuwang salubong sa kanya ng isang kaibigan niyang si Resty. Pagkababa pa lang niya ng sinakyang tricycle sa labas ng bahay nito sa Sta. Maria, nilapitan na agad siya.

“Pwede ba namang mawala ako sa birthday ng playboy kong kaibigan,” ganting tudyo niyang bati dito.

Napatawa ito sa sinabi niya. “Nagsalita ang well-behaved kong friend ah. Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob at kanina pa naghihintay ang barkada sa’yo.”

Pumasok na nga sila sa loob ng malaking bahay ni Resty sa isang subdivision sa Sta. Maria. Pagdating nila sa malawak na salas, naroon ang iba pang barkada nila. Isang pagkakkaibigan na nabuo noong high school pa sila. Bale lima sila. Tuwang-tuwang na sabay siyang nilapitan ng mga ito at niyakap pa siya. Ngayon na lang kasi niya nakasama ang mga ito.

“Akala ko naman ay iindyanin kami ng aming CEO, kaibigan,” sabi ni Troy, ang isa sa pinakakwela sa barkada. Naupo na silang muli kanilang mga upuan. Apaw ng maraming pagkain at inumin ang lamesang nasa gitna nilang magkakabarkada.

“Sira ka talaga!” natatawang saad niya. “Pwede ba naman ‘yun? Lahat ay gagawin ko para makapunta lang ako dito. Kahit ma-discomfort ako sa pag-commute.”

No choice siya kanina kundi sa sumakay ng bus. Nasa talyer sa bayan niya sa Amante ang kanyang kotse. Naipilig niya ang ulo nang maaalala ang nakatabing babaeng pasahero na inabutan niya ng panyo. Ayaw niyang humiram ng sasakayan sa ama o ina niya dahil pipigilan siya nito na umalis. Katwiran ng mga ito lalo na ng Papa niya, na marami siyang dapat aralin sa negosyo ng pamilya. Ngunit sadyang may rebellious side siya. Hindi siya papapigil at gagawin niya ang lahat basta makaalis lang.

“At siguradong sasakit na naman ng ulo ng Dad mo n’yan,” sabi naman ng pinaka-seryso sa kanilang barkadahan na si Niel.

Balewalang nagkibit-balikat siya. Kumuha na siya ng sariling baso na may yelo at tinagayan iyon ng isan mamahaling alak. Tinungga niya ang laman n’on. Hinayaan niyang gumuhit ang matapang na likido sa lalamunan niya.

“Let it be,” aniya matapos uminom ng alak. “Sumunod naman ako sa gusto niya at heto nga, CEO na ako ng Montagne Development Corporation.”

Ang Montagne Development Corporation ay kilalang developer ng mga malalaking residential subdivision na nakakalat sa iba’t ibang bayan sa probinsya nila. In short, isa na siyang real estate magnate bukod sa pagiging heredero niya sa kanilang pamilya.

“At mukhang magiging masunurin ka na sa father mo ah,” tila hindi makapaniwalang sabi naman ni Renz. Ito naman ang hindi na single sa kanila. Kakasal lang nito last month.

Sumeryoso bigla ang badya ng mukha niya. “I have no choice guys, matagal ko ring hinintay na i-approach ako ng Dad ko. alam n’yo naman na minsan ko siyang binigo. This time, gusto kong makabawi sa kanya.”

“Masyado nang nagigign seryoso ang usapan natin huh,” ani Resty na itinaas ang sariling baso. “Cheers muna tayo! Dahil nakumpleto muli tayong magkakabarkada.”

Sa ere ay nagdikit at nagbungguan sa isa’t isa ang hawak nilang mga baso na may lamang alak.

ALAS-ONSE na ng gabi nang makarating sa kanilang bahay si Tracy. Kinailangan pa niyang ihatid restaurant ang mga binili niyang sangkap. Lumakad na siya papasok sa loob ng kanilang bahay. May bahagyang kaba siyang naramdaman nang mapansin niya na bukas pa ang ilaw sa may salas. Napausal siya ng panalangin na huwag sana iyon ang ina niyang si Consuelo. Ngunit dapat ihanda niya ang sarili kung sakali ang presensya nito ang mabungaran niya mamaya. Naging marahan ang bawat paghakbang ng paa niya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang nasa harap na siya ng pintuan. May pagtantiya na pinihit niya ang seradura. Napansin niya na hindi iyon naka-lock kung kaya ganap na niyang nabuksan at nakapasok na siay sa loob ng kanilang bahay.

“Kauuwi mo lang ba hija?”

May bumundol na kaba sa dibdib niya pagkarinig sa tinig na iyon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
so c Fien pla ung nag-abot ng panyo kay Tracy..ang suplado nman ni Fien...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status