共有

Chapter 3

作者: Eckolohiya23
last update 最終更新日: 2022-07-15 11:45:09

ANG ama na si Hernando ang nabungaran ni Tracy sa salas. Nakaupo ito sa sofa saka nakatingin sa kanya. “Opo Pa, kauuwi ko lang po, namili pa po kasi ako ng mga rekado sa Amante.”

Tumango-tango ito sa tinuran niya. “Mabuti naman kung gano’n. Halatang pagod na pagod ka nga. Wala akong masabi sa kasipagan at pagpupunyagi mo sa buhay.”

She smiled bitterly. “Kailangan kong gawin Pa, para sa sarili ko. all the time ay sarili ko mismo ang aking kakampi. Kapag ako pa ang sumuko ay lalo akong talo.”

Sa mga salitang binitawan niya ay sapat na para maging malaman iyon. May katipiran man pero kahit papaano ay nailabas niya ang mga hinaing at sama ng loob sa pamilyang mayroon siya. At kung pamilya ngang maiituring.

May tila guilt na kumislap sa mata ng ama sa pagkakatitig nito sa kanya. Kasunod ang tila pag-iwas na ng mga tingin. “Halika ka nga muna Tracy, gusto lang kitang makausap man lang. iyon ay kung okay lang sa’yo.”

Tumango siya saka kusang tinabihan si Hernando sa kinauupuan nito. may saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang mag-ama. Halatang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.

Tumikhmim ang Papa niya. “K-kumusta ka na nga pala hija?”

Nilingon niyan ang Papa niya at diretsong sinalubong ang mga tingin nito. Pinasaya niya ang ekpresyong ng mukha niya sa kabila ng pagod na nadarama. “Heto Pa, masaya naman po ako sa patuloy na paglago ng restaurant na minana ko po sa dating amo ko. kung nabubuhay nga lang po si Ma’am Elena ay siguradong matutuwa po iyon.”

“Ibig sabihin ay mahusay ka talaga hija lalo na sa pagni-negosyo. Noon pa man ay nakita ko na magaling ka,” isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi nito.

Imbes na matuwa siya sa compliment na iyon ng ama ay may nasaling pa sa damdamin niya. ‘Sana Pa, nakita rin ninyo ni Mama ang pagiging anak ko sa inyo. Ginagawa ko ang lahat ng ito para ma-appreciate n’yo rin ako.’

At nanatiling nasa isip niya ang mga nasabing kataga. Parang nawawalan siya ng lakas ng loob na maisatinig iyon. Natatakot siya na baka biglang marinig ni Consuelo ang sasabihin niya sa ama. At kung ano naman ang iisiping hindi maganda sa kaya ng Mama niya.

“S-salamat Pa,” may pilit na kislap ng katuwaan ang sumungaw sa mga mata niya. nagpipigil siyang mapaluha. “Katunayan nga po sa Anihan Festival kanina, kahit na nasa may palabas na po ng kabayanan ang restaurant ay dinagsa pa rin po kami ng maraming customer kanina. At nakakatuwa nga po kanina.”

At inikwento rin niya sa Papa niya ang tungkol sa sinabi sa kanya ng dalawang matandang babaeng customer noong pista. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya iyon.

“At binanggit ba nila kung sino ang artista na kamukha mo?” bagkus ay tanong ni Hernando bilang reaksyon sa sinabi niya. may tila hindi maipaliwanag na pagkagulat sa mukha nito.

Umiling siya. “Wala po Pa at nahiya naman po akong mag-usisa. Kung sana ay nalaman ko, kanina ko pa siguro hinanap sa g****e.”

“Baka sa ayos mo lang kanina ay nakamukha kang artista. Sabagay hija, maganda ka naman talaga. Sige, pumunta ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na.”

“Sige po Pa, matulog na rin po kayo huh.” Tumayo na rin siya. Nanumbalik ang pagdaing ng katawan niya na makapagpahinga na siya.

Tinanguan lang siya nito bilang tugon. Saka lang niya napanin na may bote ng beer sa mesita. Kilala niya ang Papa niya at halatang nagpapaantok ito.

Iniwan na niya sa salas ang ama saka nagtungo na siya sa sariling silid niya. May pagmamadali siyang naghilamos saka nagpalit ng damit. Langit ang pakiramdam niya nang makahiga na siya sa kanyang kama. Subalit tila naging mailap ang antok sa kanya. At hindi maiwasang magbalik-tanaw siya sa nakaraan.

Sixteen Years Ago.

Masaya siyang umuwi ng bahay ng tanghaling iyon na dala ang isang napakagandang balita. Kagagaling lang niya ng paaralan matapos ang pang-umagang klase niya. Sa pagpasok niya sa loob ng kabahayan ay kaagad siyang nagtungo sa komedor. Alam niya naroon ang mga magulang niya at kapatid niya dahil naririnig niya ang mga munting pag-uusap doon at maging ang tunog ng kubyertos.

“Magandang tanghali po, andito na po ako,” masayang bati niya sa pamilya niya na nakaupo na sa harap ng hapag. Kaylapad ng ngiti sa labi niya. kaagad siyang lumapit ang sa ama niyang si Hernando para magmano. Kasunod ay sa ina niyang si Consuelo pero inilayo nito ang kamay sa kanya.

“Maupo ka na Tracy, para makakain na tayo nang sabay-sabay. Huwag nating paghintayin ang grasya,” nakaismid na sabi ng Mama niya na tila ayaw sa presensya niya.

Napatungo ang ulo niya dulot ng pagkapahiya. Bumaba tuloy ang momentum ng kasayahang dala-dala niya. tahimik siyang naupo sa silyang katabi ng kapatid niyang si Lyra. Isang taon ang agwat niya dito at magkasunuran sila ng taon sa high school. Grade twelve na siya sa taong panuruang iyon.

“Mukhang masaya ata ang aming panganay ah,” sabi ng Papa niya pagkasandok nito ng kanin sa sariling pinggan. “May good news ka ba sa amin Tracy?”

Tumingin siyang mukha ng ama. Pinasigla niya ang sarili at binalewala pagiging malamig sa kanya ng ina. “O-opo Pa, top two po ako sa klase ngayon pong third grading.”

“Aba congratulation hija, mahusay ka talaga,” natutuwang bati ni Hernando. “Dapat pala magkaroon tayo ng celebration mamaya, kakain tayo sa labas mamayang gabi pagka-out ko sa trabaho.”

Isang municipal employee sa kanilang bayan ang Papa niya. nauwi ito ng bahay nila tuwing tanghali para kumain. Walking distant mula sa kanilang bayan ang munispyo ng Sta. Mari na pinagtatrabahuhan nito.

“Pero Hernando,” singit ni Consuelo sa sinabi ng asawa. “Mag-aaksaya lang tayo ng pera kung kakain pa tayo sa labas. Alalahanin mo ay marami pa tayong bayarin dito sa bahay. Okay lang sana kung mapapalamon tayo ng pagiging top two niyng si Tracy.”

Tila may apoy na lumabas sa mata ng Mama niya sa pagtuon ng tingin nito sa kanya. kapag ganoong nanlilisik ang tingin nito ay hindi dapat niyang kontrahin.

“Pa, kahit huwag na po tayo kumain tayo sa labas. Tama po ang Mama,” pilit niyang tinatagan ang sarili sa magkasunod na pagtingin niya sa mga magulang. “Kailangan po nating magtipid ngayon.”

“Pero Tracy a-”

“Hernando, narinig mo naman na ang sinabi ng anak mo,” putol ng Mama niya sa sasabihi ng ama. “Ang mabuti pa ay kumain na tayo at baka ma-late ka pa sa trabaho mo ngayong hapon.”

Sa pagitan ng pagsubo niya ng pagkain ay naroon ang hindi maipaliwanang na lungkot sa puso niya. naroon ang kinikimkim niyang sama ng loob lalo na sa Mama niya. ginagawa na niya ang lahat para ma-appreciate siya nito pero parang napakalayo ng loob nito sa kanya. nakamulatan na niya ang ganoong trato simula noong bata pa siya. Siya ang madalas na napagbubuhatan nito ng kamay kaysa sa bunsong kapatid niya. kabaligtaran ng pakikitungo sa kanya ng ama niya na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya.

May isang gabi noon na nakita niya na nahihirapang magsagot ng assignment nito sa Mathematic si Lyra. Nilapitan niya ang kapatid.

“Gusto mo bang tulungan kita magsagot d’yan?” pagbo-boluntaryo niya. Isa sa edge niya ang naturang subject at mataas ang nakukuha niyang marka.

Nakataas ang kilay na binalingan siya ni Lyra. “Bakit pa Ate Tracy? Para ipamukha mo na naman sa akin na mas matalino ka sa ating dalawa? At ako na naman ang lalabas na bobo lalo na kay Papa.”

Bahagya siyang napaurong sa narinig. Nangilagis ang ngipin niya. “Hindi ‘yan ang intensyon ko, gusto lang kitang tulungan bilang kapatid mo.”

“Pwes! Hindi ko kailangan ang tulong mo!” singhal nito sa kanya. “Hindi mo kailangang magmagaling ka sa akin. Huwag ka nang magpakitang-tao pa sa akin Ate.”

Ang hidwaan nilang magkapatid ay patuloy sa paglaki sa pagdadalaga nila. Naiingit ito sa kanya dahil sa mas malaking atensyon na ibinibigay sa kanya ng Papa nilang si Hernando. At ito naman ang laging pinapaboran ng kanilang ina.

Isang bagay na palaisipan sa pamilya na mayroon siya bilang isang Alcantara. Ang malaking dahilan kung bakit hindi niya ganap na maituring na isang tahanan ang kanilang bahay.

“Anong nangyayari dito huh?” biglang pagdating ni Consuelo sa salas. Pareho silang natigilan ng kapatid pagkakita sa presenya ng ina. Mas tumuon ang tingin nito sa kanya na halatang siya ang kakatiguhin.

Si Lyra ang naunang nagsalita. “Ma, paano po kasi si Ate, iniistorbo ako sa pag-aaral ko. Inaaya akong lumabas pero ayoko nga po dahil busy ako.”

Napaawang ang labi niya sa pagsisinungalin na iyon ng kapatid niya. Diretso siyang tumingin sa ina. “Pero Ma, hindi po totoo iyon, gusto ko lang siyang tulungan sa assignment niya.”

Biglang umiyak ng pilit si Lyra at naroong nagpahid ng luha sa mata nito. “Tamo Ma, ako pa pinapalabas na sinungalin ni Ate. Ayaw niya talaga ako na mag-aral na mabuti at gusto niya akong b-bulabugin.”

Bigla siyang hinaklit ni Consuelo sa magkabilang balikat niya. halos bumaon ang kuko nito sa balat niya. “Ganyan ka ba talaga Tracy? Matalino ka nga pero wala ka namang ugali! Sa susunod ay hayaan mong mag-aral ang kapatid mo.”

Nagpipigil na mapaluha na napatango na lang siya. Muntikan siyang bumagsak sa sahig sa biglaang pagbitaw ng ina sa katawan niya. mabuti na lang ay nabawi kaagad ang panimbang niya.

“Ayan kasi, masyado kang pakialamera,” sarkastikong sabi ni Lyra. Kinuha nito ang gamit saka iniwan na siya sa salas. Nang mapag-isa siya ay hindi niya napigilan ang sarili na mapaiyak.

Pakiramdam niya ay wala siyang lugar sa bahay na iyon. Kung wala marahil ang Papa niya ay baka matagal na siya initsapwera ng Mama at kapatid niya sa pamilyang mayroon siya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (2)
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
palagay ko di totoong anak si tracy ng mama consuelo nya kasi bakit gnun nlang ang trato s knya
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
bakit ganun ung turing ng mama ni Tracy sa knya, baka d nga xa totoong anak ng mama Consuelo nya baka iba ung ina nya
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status