Share

Meant to be Yours
Meant to be Yours
Penulis: Eckolohiya23

Chapter 1

“Everyone is ready na ba?” masayang tanong ni Tracy Alcantara sa mga empleyado niya sa restaurant niyang Zenai’s Diner. May tatlong waiter siya, tatlo ring cook at isang kahera. Tumutulong rin siya sa pagululuto lalo sa mga specialty menu nila. Hindi man kalakihan ang negosyo niya pero kita niya ang pag-asenso.

“Handang-handa na po kami Ma’am,” matikas na sagot ng isa sa mga waiter niya na si Rigor. Katulad ng ibang kasamahan nito, suot na rin nito ang bagong patahing collared t-shirt na may logo ng kainan. Nagsitanguan naman ang iba pa niyang empleyado.

Matamis siyang ngumiti sa mga ito. “Salamat sa inyong pakikiisa, asahan ninyo na mapapagod tayo sa araw na ito. Asahan na natin at sana nga dagsain tayo ng maraming customer mamaya. So do our best at I’ll guarantee naman na may overtime pay kayo.”

SA araw na iyon ay hindi magkamayaw ang maraming tao na dumagsa sa kabayanan ng Sta. Maria. Maya’t maya ang pagdating ng mga sasakyan na may mga sakay na turista na galing pa ibang sulok ng bansa. May mga ilang foreigner din ang naroroon. Tanyag kasi ang bayan sa pamosong Niyogan at Anihan Festival. Ang niyog kasi ang isa sa pangunahing produkto na nagbibigay ng kabuhayan sa mga naninirahang mamamayan. Nagsimula na ring magmartsa at tumugtog ang banda musiko na lumilibot sa buong kabayanan. Isang masaya at masiglang ingay ng kapistahan ang nagaganap. Ang lahat ay abala lalo na ang mga negosyong kainan.

“Lalo akong gaganahan na sarapan pa ang luto ko nito,” ani ng isang cook na si Myrna. Kilala na niya ang babae pagdating sa kahusayan sa kusina. Katabi nito ang isang cook na lalaki na si Menard. Bago pa lang ito sa restaurant niya at inalalayan pa sa sa pagluluto lalo na sa best-selling menu.

Mga ilang minuto pa silang nag-meeting para matiyak na naka-ready na ang lahat. Tiniyak niya na may sapat silang supply ng sangkap ng mga lulutuin at back up kung kailangan ng additional supply. Dalawang taon ang Tracy’s Diner at masasabing nagagamay na niya ang pagiging isang restaurateur.

Sa pagiging isang working student niya ay nakatapos siya ng HRM sa isang state university sa kanilang bayan. Ang restaurant na iyon ay orihinal na pagmamay-ari ng dating amo niyang Mrs. Zenaida Galvez. Namasukan siyang katulong dito noong nabubuhay pa siya. Makalipas ang isang taong pagsisilbi niya dito ay pinag-aral siya nito ng kolehiyo. Sa pagtatapos niya ay naisipang magtayo ng kainan at siya ang kinuha nitong mamahala. Ngunit nagkasakit ito ng malalang karamdaman at naging dahilan ng kamatayan nito. sa last will and testament ay ipinamana nito sa kanya ang restaurant. Wala namang pagtutol sa mga kaanak ng ginang dahil sa ipinakita niyang kagalingan at katapatan sa trabaho niya. Sa edad niyang bente-sais ay na siyang negosyante.

Sa pagkakataong iyon, ganap nang nagbukas ang Zenai’s Diner. Kaagad na nagsipuntahan sa mga trabaho ng mga ito ang mga empleyado niya. Siya naman ay inilagay niya ang sarili para maging parte ng accommodation sa mga papasok na customer. Isang trabaho na nakagawian niya. Gusto niya na personal na babatiin at sasalubungin ang mga kakain sa restaurant niya.

Wala pang sampung minuto, nagsimula na ngang pumasok ang mga customer sa Tracy’s Diner hanggang mapuno na ang capacity. Naging abala na ang lahat para sa kani-kanilang mga trabaho. Mamaya ay tutulong naman siya sa kusina.

Natutuwa na naman siya dahil sa bawat may aalis ng customer ay may pumapasok namang bago. Nagbigay din siya ng promotional flyers para lalong maka-engganyo na sa kanila kumain ang iba pa at maging mabenta rin ang iba pa nilang menu. May mga discount ding ibibigay at free menu basta masunod ang minimum order.

“Hi po good morning Ma’am, welcome po sa dito sa Zenai’s Diner,” magiliw niyang bati sa dalawang matatandang babae na kapapasok lang pinto ng restaurant. Kay-tamis ng ngiti sa labi niya para sa mga ito.

Tinanguan siya ng isa pero kapagdaka’y pinakatitigan nito ang mukha niya. nagtaka at nakadama siya ng pagkailang. “Yes po Ma’am, may problema po ba?”

Kaagad naman itong nagbawi mula sa pagkabigla pero nanatiling nakatitig sa kanya. “Pasensya na Ineng, pero masasabi ko na napakaganda mo at may kamukhang kamukha kang artista.”

“Oo nga hija,” segunda naman ng isang kasamahan nito na pinakatitigan din ang mukha niya. “Iyong sikat na artista ng kapanahunan namin. Iniisip ko nga kung nanay mo ba siya eh.”

Mahina siyang napatawa sa sinabi ng dalawang matandang babae. Flattered naman siya dahil may kamukha pala siyang artista noong araw. Siya kasi ang tipo ng babae na hindi masyadong aware o maarte pagdating sa itsura niya. basta nakapaglagay siya ng konting make-up ay ayos na sa kanya. “Salamat po mga Ma’am at na-appreciate ninyo ang aking mukha. Pero tinitiyak ko po sa inyo na hindi po artista ang aking nanay.”

“Naku, pasensya ka na sa aming ineng. Idolo kasi namin noong kabataan namin ang artistang kamukha mo at sayang nga lang dahil bigla na lang siyang nawala sa showbiz noon,” muling sabi ng unang matandanng babae.

“Pero huwag ka mag-alala hija, kakain naman talaga kami at mukhang masarap ang mga pagkain ninyo dito,” natutuwang sabi ng pangalawa.

Dahil sa pagkaaliw sa dalawang matandang babae ay siya na mismo ang naghatid sa mga ito sa isang bakanteng lamesa. Siya na rin ang nag-abot ng menu book sa mga ito. Ipina-asiste na niya ang mga ito sa isa sa mga waiter.

Sa muling pagbabalik niya sa may pintuan ng restaurant ay bigla siyang napaisip. Sino kayang sinaunang artista ang kamukha niya at tintukoy ng mga ito. Nahiya naman siyang magtanong sa dalawang matanda.

Nagkibit-balikat na lang siya. Natural lang naman na may kamukha ang bawat tao dito sa mundo. Pero may kung anong kuryusidad ang nabuhay sa sistema niya sa sinuman na kamukha niyang iyon. At minsan pa siyang nainggit sa isang pamilya naman ang bagong pumasok lalo sa isang anak na babae na kasama.

MAY halong pananabik ang namahay sa dibdib ni Fien nang pumasok na ang kinaluluanag kotse niya sa malawak na bakuran sa mansyon ng pamilya sa bayan ng Sta. Maria. Dalawang taon ding nawalay siya sa sa sariling bayan at pamilya. Nilabanan niya ang kalungkutang dulot ng pag-alis niya sa dating kompanyang pinagtrabahuhan niya sa Maynila. Mga ilang sandali pa ay natatanaw niya ang apat na palapag na malaking bahay- ang mansyon ng mga Montagne.

Sa paghimpil ng kotseng minamaneho niya sa may porch ay kaagad niyang nakita ang mga taong naghihintay sa kanyang pagdating. Excited ang mga ito napatingin sa sasakyan niya para sa kanyang pagbaba.

Hanggang sa bumaba na nga siya ng kotse niya. kaagad siyang sinalubong ng kanilang mga katulong para kunin ang mga bagahe niyang dala. Naghabilin siya sa isang driver ng pamilya para siyang magparke ng kotse niya.

“Welcome home again my dear unico hijo,” kaylapad ng ngiti sa labi na paglapit sa kanya ng ina niyang si Mrs. Margaux Montagne. Kahit nasa bahay lang ito ay laging naka-postura. Niyakap siya nito ang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap dito.

Sumunod na lumapit sa kanya ang isang lalaki na may taglay ng katandaan pero may katikasan pa rin ang katawan. Ang kanyang ama naman na si Mr. Fiel Montagne. “Salamat naman anak at hindi mo ako binigo sa pagkakataong ito para sa aking pabor sa’yo.”

“Maraming salamat po Mom at Dad sa muling pagtanggap ninyo sa akin. Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito,” makahulugang sabi niya sa mga magulang na magkasunod niyang tinapunan ng tingin.

Nginitian siya ng ina samantalang tinapik siya sa balikat ng Daddy niya. “And I am thankful hijo na tinaggap mo ang responsibilidad bilang isang Montagne.”

“I miss you hon.” Payakap na lumapit naman sa kanya ang isang balingkinitang babae. Napakaganda nito sa suot na dress na parang isang modelo. Kaagad naman kumalas ito sa katawan niya.

He smiled dryly. “Wow Viena, talagang hinintay mo pa ang pagdating ko dito sa amin.”

“Of course hon, excited na akong makasama ka

my future husband ko.” umarisete naman ito sa kanya. “Gusto na kitang makasama kasi malapit na naman akong umalis ng Pilipinas.”

Isang ramp-model si Viena at madalas na nasa abroad ang trabaho nito. Nangako naman ito na iiwan na ang trabaho kapag kasal na sila at handa daw itong maging plain housewife. Anak ito ng malapit na kaibigan na pamilya nila at ipinagkasundo na silang dalawa sa isa’t isa.

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob ng bahay para makakain na, lalo ka na hijo,” baling ng ina niyang si Margaux. “Take note, si Viena pa ang personal na nagluto ng mga putahe ngayong gabi.”

Kunwa’y nahiya pa si Viena pero makikita sa kislap ng mga mata nito ang pagka-proud. “Ang Tita talaga oh, talagang ibinuko pa ako dito kay Fien.”

Mahinang napatawa ang Mommy niya. Tanging ngiti lang ang naging tugn niya.

“Ayan Fien.” Pagtapik muli ng Daddy niya sa kanyang balikat. “Ngayon pa lang ay pinapatunayan na ni Viena na handa kang pagsilbihan.”

Napahigikhik ang dalawang babae sa patriyarka ng Montagne. Hanggang si Margaux na ang nag-ayang muli na pumasok sa loob ng mansyon ng pamilya. Alam ni Fien na sa pagpasok niya sa marangyang tahanang iyon ay pagpasok niyang muli ng pagtanggap sa buhay na itinakda ng ng mga magulang niya. Pikit-matang gagaawin niya ang lahat para hindi biguing muli ang Daddy niya.

PAGOD na pagod si Tracy pagkaupo niya sa isang bakanteng upuan sa bus na sinakyan niya ng gabing iyon. Pabalik na siya ng Sta. Maria at sa restaurant ang diretso muna niya. Sinipat niya ang dalang bag na may kalakihan na nasa paanan niya. Kinailangan niyang magtungos karatig-bayan na Amante para mabili ng sangkap para sa mga specialty food na ino-offer ng Zenai’s Diner. Tamang-tama na naka-pwesto siya sa tabi ng bintana.

Nagsend muna siya ng message sa group chat ng mga kasamahan niya sa restaurant para sabihing pabalik na siya doon. Nasa thirty minutes din ang itatagal ang byahe niya bago makarating sa sariling bayan.

Naramdaman niya ang paghinto ng bus sa isang bus-stop para magbaba at magsakay ng pasahero. Hanggang sa naramdaman niya na may naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. narinig niya ang pag-igik n’on ng sinumang bagong pasahero na sumakay.

Biglang nalanghap ng ilong niya ang isang napakabangong sanghaya ng isang male perfume. Hindi maikakaila na na nanggagaling iyon sa katabi niyang pasahero. Naagaw tuloy nito ang atensyon niya.

“Sino kaya siya? Ang bango-bago niya ah,” may papuring sabi niya sa sarili. Mula sa sulok ng mga mata niya ay palihim niyang pinagmasdan ang katabi. Hinid niya ganap na masilayan nang buo ang mukh nito. Prominente ang makinis at maputi nitong balat.

Isang malaking attraction para sa kanya ang ganoong katangian ng lalaki. Nang maramdaman niya na gumalaw ito at tila titingin sa gawi niya, mabilis niyang inalis ang atensyon dito.

Itinutok niya ang mga mata sa panonood ng isang movie na nakasalang sa player sa bus. Saka lang niya napansin na isang family drama movie ang palabas. Marahil ay wala nang maisip na i-play na movie ang conductor kung kaya iyon ang naipalabas.

Subalit napukaw ang atensyon niya sa pinapanoond na pelikula. Naantig ang damdamin niya sa isang eksena, ang bidang babae ay humihingi ng pagkalinga sa mga magulang nito. Iyong ginawa na nito ang lahat para matanggap ng ama at ina. Tila nakita niya ang sarili sa naturang eksena.

At hindi tuloy niya namamalayan na umiiyak na pala siya. Panay singhot niya sa mga kamay niya dahil wala siyang mahagilap na pwedeng pampahid man lang. masyado na siyang nadadala sa pinapanoood.

“Take it,” anang ng isang baritonong boses ng isang lalaki na siyang katabi niyang pasahero. At isang panyong puti ang iniaabot nito sa kanya. An unexpected gesture from a stranger.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Diche Ian Lagumbay
mukhang may mabubuong pag ibig sa bus
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
parang ako lng ganyan din kpag nanonood nadadala sa pinapanood cno kaya ung lalaking nagbigay ng panyo sa knya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status