Share

Chapter 2

CHAPTER 2

Fortune Teller

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may mga taong nag-uusap sa kuwarto ko. Sobrang bigat ng ulo ko at parang mabibiyak anytime.

“Gising na ata siya,” ramdam kong may papalapit sa pwesto ko pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

“Blair, akala namin ano na nangyari sa’yo. Kaninang umaga ka pa namin tinatawagan pero hindi ka sumasagot tapos kanina kinakatok ka namin hindi ka man lang sumasagot.”

Masyado pa akong naguguluhan sa nangyayari. Hindi ko naman magawang idilat ang mata ko dahil parang binibiyak sa sakit ang ulo ko.

“Ang sakit ng ulo ko. Tubig nga,” utos ko. Pakiramdam ko isang buwan akong hindi nakainom ng tubig sa sobrang uhaw.

“Ang daming bote ng gin. Gusto mo ba lumaki tiyan mo?”

“Teka nga muna. Huwag niyo na muna ako sermunan. Masakit ang ulo ko,” inabot naman nila sa akin ang tubig. Masakit pa rin ang ulo ko pero naimulat ko na rin ang mga mata ko. Nandito pala si Dixie at Autumn.

“Ininom mo lahat ng ito tapos ikaw lang?” dagdag pa ni Autumn. Nakakarindi ang boses nila. Ang sakit na nga ng ulo ko pero may mga kaibigan pa akong daig pa si mommy kung magalit.

“Oo na, ininom ko na iyan lahat tapos ako lang. Bakit ba nagagalit kayo? Broken ako, okay? Gusto ko lang naman makalimot.”

Nagulat naman ako dahil binatukan nila ako parehas. Naramdaman ko namang lumundo ang kama ko dahil umupo silang dalawa.

“Hindi ka kasi nagyaya. Mag-isa ka lang uminom. How about us? Alak na alak kami tapos ikaw nag solo ka,” ramdam ko talagang inis si Dixie dahil hindi ako nagyaya. Natawa naman ako sa kanila. Para bang nakalimutan kong masakit ang ulo ko dahil sa presence nila

“Gusto niyo ba mag-inom?” yaya ko sa kanila.

Umiling naman sila. Nakita kong may kinuha rin si Dixie at nakita kong soup iyon.

“Kumain ka gaga. Buong araw kang tulog at alam kong may hangover ka. Hindi ka pa nakapasok dahil sa kagagahan mo. Pagbibigyan ka namin ngayon pero huwag mo nang uulitin iyan. Hindi mo pwedeng sirain ang buhay mo dahil lang sa hiwalay na kayo ni Matthew,” dagdag pa ni Autumn.

“Pero mahal ko siya,” sagot ko. Kinuha ko naman ang soup at dahan-dahan kong hinigop ang sabaw. Muntikan naman akong mapaso nang maramdaman kong hinila ni Dixie ang buhok.

“Anong sagutan iyan? Tanga lang?”

“Naghiwalay lang kayo pero hindi ka pa patay,” saad ni Autumn. Mababakas mo na talaga ang inis sa boses nila.

“Anong magagawa ko? Mahal ko siya. Gusto ko na lang mamatay.”

Kinurot naman ako ni Autumn. Grabe talaga magmahal itong mga kaibigan ko. Love language yata nila ang manakit.

Thankful ako sa mga kaibigan ko dahil kung wala sila baka kanina ko pa sinaktan ang sarili ko. Hindi nila ako iniwanan the whole night. Dito sila natulog para siguraduhin na wala akong gagawing masama sa sarili ko. Nagpatuloy ang ganoong gawain nila. Dito sila pansamantalang nagstay hanggang sa masigurado nilang wala na akong gagawin sa sarili ko. Tinulungan din nila ako na iwasan si Matthew.

Sa dalawang linggo ko silang kasama, nakalimutan ko pansamantala si Matthew. Marami akong narealize at tama nga sila. Hindi dapat huminto ang mundo ko dahil lang sa naghiwalay kami ni Matthew. Masyadong maikli ang buhay para sayangin ko iyon sa pagmumukmok. Mukha rin namang maayos na si Matthew kaya dapat ipakita ko rin sa kaniya na maayos na ako.

“Birthday ni Kathryn mamaya. Punta raw tayo,” nagulat naman ako dahil tinabihan ako ni Autumn bigla.

“Pupunta ba kayo? Kung pupunta kayo sasama ako.”

“What if nandoon si Matthew?” dagdag pa niya.

“Huwag na lang pala.”

Naramdaman ko namang pinitik ako ni Autumn sa tenga. Ang brutal talaga ng mga kaibigan ko.

“Ano lagi ka na lang magtatago? Girl, dadating din ang araw na magkakasalubong kayo.”

“Alam ko pero huwag naman agad mamaya,” sagot ko. Maisip ko pa lang na makikita ko si Matthew pakiramdam ko manlalambot agad ang tuhod ko. Ang hina ko pa naman pagdating sa kaniya.

“Kasama mo naman kami.”

Ilang minuto pa kaming nagtalo bago ako tuluyang nakumbinsi na pumunta sa birthday party ni Kathryn mamaya. Nag-usap kami na magkita-kita sa bahay. Hindi raw nila ako iiwan kahit nasa venue na kami. Mas maayos na rin iyon para kapag nanlambot ang tuhod ko, may aalalay sa akin. 

Pagdating namin sa venue, parang sasabog ang lugar sa sobrang lakas ng music. Napansin kong may pool din sa malayo pero hindi naman namin sadya iyon at wala rin kaming balak mag swimming. Hinanap namin sa venue si Kathryn pero natatagalan kami dahil kada madaanan namin ay may nabati sa amin.

“Blair, ang ganda mo!” sabi ng isang pamilyar na mukha. Nakipagbeso pa nga sa akin. Nginitian ko na lang siya dahil hindi ko rin maalala kung anong pangalan niya at wala na rin akong oras para alalahanin kung sino siya. 

Nakita ko pa ang ilang mga kaklase ni Matthew at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko pa siya nakakasalubong. Ayaw ko rin naman siyang makasalubong dahil panigurado hindi ko alam ang gagawin ko. 

“Happy birthday, Kath!” ang ganda ni Kath sa suot niyang low-cut dress, revealing her cleavage. Makita mo pa lang siya alam mo na agad na siya ang bida ngayong gabi

“Thank you, Blair. You look so stunning,” nakipagbeso pa siya sa akin.

“Mas lalo ka!”

Natawa naman siya sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan hanggang sa mahagip ng mata ko si Matthew. Tahimik siyang sumisimsim sa inumin niya habang nagtatawanan ang mga kasama niya. Bahagya siyang natawa pero nanatili pa ring tahimik. Nagulat ako dahil bigla siyang tumingin sa gawi namin kaya iniwas ko agad ang tingin ko at nagpanggap na nakikipagtawanan kina Kathryn kahit ang totoo’y ramdam kong nanlalambot na ang tuhod ko.

“Enjoy the night, ladies. Kain lang kayo ha. Huwag kayong mahiya,” nagpaalam na si Kathryn dahil marami pa siyang bisita.

“Pwede bang umuwi na tayo?”

Kumunot naman ang noo ng dalawa. Alam kong hindi pa sila kuntento sa gabing ito pero gusto ko na umuwi.

“Bakit? Hindi pa nga ako natatamaan ng alak tapos magyayaya ka ng umuwi,” sagot naman ni Dixie.

“I saw him,” mahina kong sambit.

“And so?”

“Baka manghina ako kapag alam kong nasa malapit lang siya.”

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Alam kong kokontrahin lang nila ako. Hindi ko pa talaga kayang harapin si Matthew. Dali-dali akong naglakad upang hanapin ang restroom. Ilang minuto rin akong nagpaikot-ikot hanggang sa makita ko na ang restroom. Huminga muna ako ng malalim pero hindi pa ako nakakapasok nang maramdaman kong may humila sa braso ko. 

“What the f- Matthew?”

Nagulat ako dahil hinila ako ni Matthew at halos sumubsob ang mukha ko sa d****b niya. Nakatitig lang siya sa akin habang hawak ang mga kamay kong nakapatong sa d****b niya. Mukhang may gusto siyang sabihin.

“Bakit mo ko hinila?” nagawa ko pang magtanong kahit ramdam kong nanginginig na ang tuhod ko.

“Kamusta ka?” mahinang tanong niya.

“Hinila mo ako para lang tanungin kung kamusta ako?” pakiramdam ko sasabog ako sa inis ngayon. Bakit ba ganito siya umakto?

“Oo.”

Tinulak ko siya at itinaas ko ang gitnang daliri ko. “Fuck you.”

Hindi pa siya nakakasagot nang marinig ko ang isang boses ng babae na hinahanap siya. Nilingon ko naman kung saan nanggaling ang boses at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng cocktail dress at may hawak na inumin. Mukhang hinihintay niya si Matthew.

“Alis na ako.”

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Nagmadali akong lumabas ng venue at pumara ng taxi. 

“Saan po ma’am?” tanong sa akin ng taxi driver.

“Basta malayo dito. Magbabayad po ako.”

Hindi na sumagot ang taxi driver at hinayaan na lang akong umiyak. Ang dali naman niyang maghanap ng bago. Ganoon ba ako kawalang halaga sa kaniya? Ang bilis ko naman palitan.

“Manong dito na lang po,” pinahinto ko na lang nang makita kong may paresan. Nagbayad ako sa driver at dumiretso na ako sa loob. Umorder agad ako ng pares at umupo sa isang gilid. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakita kong maraming miscalls galing sa mga kaibigan ko. Tinago ko na lang ang cellphone ko. Bukas ko na lang sila rereplyan. Hindi pa rin ako makapaniwala na may bago agad si Matthew.

Sinungaling siya. Sabi niya walang iba. Akala ko pa naman feelings niya ang problema, may iba na pala siya.

“Hello, neng.”

Napaangat naman ako ng tingin sa matandang lumapit sa akin. Malambot ang puso ko sa mga matatanda kaya nakaramdam ako ng awa nang lumapit sa akin ang matanda.

“Magandang gabi po. Nagugutom po ba kayo?” pinunasan ko naman ang luha ko. Nakita kong tinitigan niya ako at nginitan.

“Hindi ako nagugutom neng. Gusto ko lang hulaan ang kapalaran mo,” mahinahon ang boses ng matanda. 

Honestly, I’m not really a fan of fortune telling. Tingin ko nga ay kabaliwan lamang ang mga tarot card na iyan pati ang bolang kristal.

“Kayo pong bahala.”

Inabot naman na sa akin ang order kong pares. Hinayaan ko na lang din ang matandang babae na maglatag ng tarot cards sa harapan ko. Nanatili akong tahimik habang humihigop sa sabaw ng pares ko.

“Pwede ko bang makita ang palad mo neng?” ngumiti siya sa akin. Nilahad ko naman ang kamay ko at tinitigan niya ang palad ko. Pagkatapos noon ay may kinuha siyang mga card at pinakita niya iyon sa akin.

“Ano pong ibig sabihin niyan? Hindi po ako marunong magbasa ng tarot cards.”

Tumango naman ang matanda at binaba ang tarot cards na hawak niya. Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako na para bang nagbibigay siya ng babala.

“May mga magbabalik mula sa nakaraan mo. Ang isa ay magdudulot ng kapahamakan habang ang isa naman ay magdudulot ng kapayapaan. Mag-ingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo dahil maaari ka nilang ipahamak.”

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paghigop ng sabaw. Hindi naman totoo ang hula. Nasa sa atin na lang kung hahayaan nating ito ang magkontrol sa buhay natin.

“Thank you po sa paghula, lola.”

Ngumiti ang matanda at niligpit ang gamit niya. “Babala iyon, neng. Mag-iingat ka palagi.”

Umalis na rin agad ang matanda. Nagpatuloy na lang ako sa kinakain ko. Hindi ako dapat magpaapekto sa sinabi ng matanda.  Mas marami pa akong kailangang isipin kaysa sa hula ng isang hindi ko kilalang matanda. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status