Share

Meet Me in My Dreams
Meet Me in My Dreams
Author: kemekemelee

Prologue

PROLOGUE

The Man in My Dreams

“You’re so beautiful,” bulong niya sa akin. Marahan niya ring hinaplos ang braso ko habang nilalapit niya ako sa kaniya.

Pakiramdam ko pinamulahan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa baywang ko. Mariin niya akong tinitigan mula sa mata ko pababa sa labi ko.

“You’re so beautiful with or without this,” bulong niya na mas lalo pang nakapagpahina sa akin. Hawak niya ang strap ng spaghetti top na suot ko at ramdam kong unti-unti niyang binababa iyon.

“W-wait..”

Halos habulin ko ang hininga ko pagkatapos ng intense na panaginip na iyon. Agad akong bumangon sa higaan ko at dumiretso sa banyo. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napansin kong nakababa ang isang strap ng suot kong spaghetti top. Agad ko itong inangat at naalala ko na naman kung paano ibaba ng misteryosong lalaki ang strap ng damit ko. Ramdam kong pinamulahan ako kaya naghilamos na lang ako ng mukha.

Malala na ito. Habang tumatagal mas lumalala na ang mga panaginip ko tungkol sa misteryosong lalaki na iyon. Kahit nga pangalan niya ay hindi ko alam. Basta isang araw ay lagi na siyang nasa panaginip ko. Tuwing gabi siyang nadalaw sa panaginip ko. Wala yatang araw na hindi ko siya napapanaginipan at habang tumatagal lumalala ang mga panaginip ko sa kaniya. 

“Anong nangyari sa’yo Blair?” bungad sa akin ni Dixie, kaibigan ko.

“Bakit?” inis kong binaba ang bag ko at umupo na sa arm chair. Maaga ako ngayon at siguradong mamaya pa mag-uumpisa ang klase.

“Namumula ka. Inatake ka ba ng allergy?”

Inatake ng lalaki. Kidding.

“Wala naman. Siguro naiinitan lang ako. Huwag mo na lang pansinin. Ayos lang naman ako,” pinaypayan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nag-iinit ako sa tuwing maaalala ko ang panaginip ko. 

“Bakit parang init na init ka naman? Ang lakas kaya ng aircon. Sigurado ka bang ayos ka lang?”

Umiling na lamang ako at itinigil ang pagpaypay sa sarili ko. Nanahimik na lang ako hanggang sa mag-umpisa ang klase pero parang kahit anong pilit ko sa sarili ko wala akong naiintindihan. Sinubukan kong makinig pero hindi ko talaga maintindihan ang lesson.

“Parang kanina ka pa wala sa sarili. May problema ka ba?” tanong sa akin ni Dixie.

Hindi pa rin maalis ang kiliti galing sa bulong ng lalaking iyon. Shit, I should stop thinking about it. Blair, kalmahan mo ang sarili mo. Hindi ako dapat maging aligaga dahil lang sa lalaking hindi ko naman kilala.

“Saan tayo kakain?” 

“Sa fastfood na lang sa tapat ng -” hindi pa ako tapos magsalita nang makita ko ang isang lalaking may kausap na babae. Matangkad siya at mapungay ang mga mata. Tulad ng lalaking napapanaginipan ko, makapal ang kilay niya at mapula rin ang labi. 

“Blair, lutang ka ba?”

Hindi ko pinansin si Dixie at parang hindi na yata ako nag-iisip dahil nilapitan ko ang lalaki at kinalabit. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko kaya natauhan ako. Shit.

“Yes, miss?” nakita kong nagtaas siya ng kilay at mukhang nagtaka sa ginawa ko.

“Blair, ano bang ginagawa mo?” bulong sa akin ni Dixie.

Nanatili namang nakatitig sa akin ang lalaking kamukha ng lalaking nasa panaginip ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong iisa lang sila.

“G-gusto ko lang sanang tanungin kung kumain ka na…”

Narinig ko namang humalakhak siya sa tanong ko. Naramdaman ko namang kinurot ako ni Dixie.

“Pasensya na po sa kaibigan ko. Nagugutom na po kasi siya kaya siya ganiyan,” saad ni Dixie.

“Yes, kumain na ako,” sagot niya at mariin niya akong tinitigan.

Hindi na ako nakasagot at hinayaan ko na lamang na hilain ako ni Dixie. Damn, kahit pagsasalita niya ay katulad ng nasa panaginip ko. Mababaliw na yata ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status