Share

Kabanata 36

Albana’s POV

Ilang araw na akong balisa dahil sa nalaman kong kalagayan ni Rev. Gayunpaman ay hindi ko pinahahalata sa kaniya na nalaman ko na ang tungkol sa sakit niya. Sa halip na ipakita sa kaniya na balisa ako ay pinagsilbihan ko na lang siya nang maayos at pinaramdam ko sa kaniya na inaalagaan ko siya.

“Wow, Sweety! Ang bango naman!” aniya at agad akong niyakap.

Hinalikan niya ang leeg ko habang nakayakap ang mga kamay niya sa aking baiwang. Abala ako sa pagluluto habang siya naman ay abalang-abala sa ginagawa niyang pagyakap sa akin. Para tuloy kaming sumasayaw at ang kulo ng Bulalo ang aming musika.

Hindi ko napigilan ang luha ko na pumatak. Alam ko na isang araw ay magigising ako na alaala na lang ang mga ginagawa ni Rev sa akin ngayon.

Humiwalay siya sa akin at agad niya akong pinaharap sa kaniya.

"Umiiyak ka ba, Sweety?” tanong niya sa akin.

Umiling ako at pumeke ng tawa. Ngumiti ako patingin sa kaniya. Inaral ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha mula sa kaniyang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status