Farris’ POVNasa labas ako ng clinic ni Doctora Riz Monreal. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik dito dahil akala ko ay kaya kong kontrolin ang sakit ko. Nagkamali ako nang inakala. Hindi ko pala kaya. Lumala pa ang karamdaman ko nang hindi na ako bumabalik para magpatingin sa kaniya. No one knows that I am crying alone. No one knows how scared I am. Wala akong mapagsabihan. No one knows that I am fighting against this battle alone.Wala akong mapagkakatiwalaan. Natatakot akong matawag na baliw. Natatakot na baka ay magalit lang si Daddy sa akin kapag nalamam niya itong karamdaman ko. I discovered my disorder when I was young. Nasa labas si Jarris noon at naglalaro habang ako ay nasa loob naman kasi nga ay bagong gising pa lang ako. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama namin ni Jarris. Narinig ko na may taong kumakatok kaya ay pinagbuksan ko ito. “F-Farris, fix your things! Umalis na tayo rito!” iyak na sabi ni Mommy sa akin. Hinahabol ko ang hininga ko habang
Farris’ POVNasa tabi lang ako habang nakatanod sa paligid. Nilalaro ko ang kupitang hawak ko habang binato ang sulyap ko sa isang sulok. Kinabahan ako sa aking nakita. Jarris is looking at Aki. Sinabi niya sa akin na wala na siyang pakialam kay Aki pero alam ko na gusto niya pa rin ito. Basang-basa ko sa mga mata ni Jarris na mahal niya pa si Aki. Nagmadali akong tumayo upang dumako sa kinaroroonan ni Jarris. Lumakad siya papalayo kaya ay sinundan ko siya. Tumigil siya sa likod ng bahay kaya ay tumigil na rin ako sa paglalakad. “Huwag kang mang-gulo rito, Jarris.”Lumingon siya sabay ngiti. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at halos mag-abot ang mga kilay ko. “Bakit hindi, kung kaya ko naman? Ayaw mo noon? Malalaman ni Aki na ako pala ang may gusto sa kaniya at ako ang nakabiyak sa kaniya.”“Hindi kita hahayaan na sisirain mo ang gabing ito, Jarris.” Kung hindi lamang buntis si Aki ay hahayaan ko na lang si Jarris upang magka-alaman na. Kaso, inaalala ko an
Jenissa’s POVLumunok na lamang ako habang tinitigan ko ang keychain na nasa palad ng isang pulis. Nagsidatingan ang iba pang mga pulis at agad na binuhat palabas ang bangkay ng kambal ni Farris. Ang dami ng mga nangyari sa gabing ito. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Lumalabas na mali ang ginagawa kong paghihiganti kay Farris dahil unang-una ay hindi pala niya kagustuhan ang pag-aalipusta niya sa akin noon. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng kambal niyang si Jarris. “Dalhin niyo na iyan,” utos ng kataas-taasang pulis. “Stop!”Tumingin ako kay Carli na kumaripas sa pagtakbo. Malakas niyang tinulak ang mga pulis upang malayo sila sa akin. “Carli,” tawag ko sa kaniya. She opened her arms to protect me from the men. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Alam ko na kung ano ang binabalak niya. “Carl–”“Ako ang pumatay kay Henry Bennett. Ang keychain na iyan ay pag-mamay-ari ko. Ang tunay kong pangalan ay Aena Carlisse Antacio. AA ang ginagamit ko kapag ma
Apat na taon na ang lumipas mula noong namalagi kami ni Abuela rito sa France. Mahirap magsimula pero nakayanan ko. Dalawang buwan na lang ay makakalaya na si Carli. Matayog na rin ang mga kompanyang pinamunuan ni Daddy. Ang BGC ay magkatuwang na inalagaan nina Maitha at Shiva. Umaangat na rin ang sales ng BGC kahit papaano. Ako naman ay bumalik sa pagiging volunteer-teacher sa France. Masaya ako sa ginagawa kong ito lalo na kasi ay anak ng mga kababayan ko ang tinuturuan ko. Isang lingggo akong magpapahinga at ito ang ika-lawang araw. Ayaw ko sanang mag-leave sa pagtuturo pero ang paaralan na ang pumilit sa akin. Sabi nila, kailangan ko raw magpahinga at hanapin ang lalaking para sa akin. Tinawanan ko lang ang sabi nila. Pumasok ako sa bahay. Wala na naman si Abuela. Palagi na lang siyang pumupunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Tumungo ako sa ikalawang palapag ng bahay at agad akong humiga sa kama kong napakalambot nang makapasok na ako sa aking kuwarto. Kinuha ko ang smartpho
Paisa-isang hakbang ang ginawa ko patungo sa sala. Nakita ko na nakaupo si Jen sa ibabaw ng sofa. Tumingin siya sa akin at agad na sumimangot. “Hi, Wifey!” bati ko sa kaniya. Sa halip na batiin ako ay umirap siya nang malagkit. Pinaghahampas niya ang kamay kong humawak sa maputi niyang braso. Galit na naman ang asawa ko. “Palagi ka na lang lasing kung umuwi, Farris! Nakakainis ka! Napatulog mo nga si Varris pero ginising mo naman ang lasinggero mong katauhan,” galit na sabi niya at agad na tumayo. Humawak ako sa sandalan ng sofa at marahang umupo, hindi ko alam kung marahan pa ba iyon, halos matumba kasi ako. “Dumalaw ako kay Doctora Riz, Wifey—”“Huwag mong marason-rason sa akin si Doctora Riz! Nagkita kami kanina at ang sabi niya, around 10 AM ka pang umalis. Kung mag-rarason ka, iyong matino naman at acceptable, hindi ‘yong rarasunin mo ako ng mga walang kuwentang rason,” galit pa rin niyang sabi. Inabot ko ang kamay niya pero binawi niya ito mula sa pagkakahawak ko. Masama si
“Huwag po, Daddy! Maawa ka naman po sa akin! Huwag naman po sana ganito! Hindi ko pa gustong mag-asawa! Wala pa ito sa bokabularyo ko,” iyak ko habang nasa magkabilang-balikat ko ang mga kamay ng mga guwardiya ng lalaking lubos kong kinamumuhian. “Masyado pa akong bata para mag-asawa! Hindi ko k-kaya ang mga responsibilidad, D-Daddy!” nauutal kong wika habang patuloy na pumipiglas. Balewala lamang sa dalawang lalaki ang aking pagpiglas. Ang lalakas nila. Kahit isang kamay lang ng isa sa kanila ay alam kong kaya niya akong pigilan. “Bata ka man o matanda na, it does not make sense! Mag-aasawa ka dahil ito ang nararapat! You should marry that man, Jenissa!”“Para saan?” Nakita kong nanigas ang mga panga ni Daddy noong sinambit ko ang tanong na iyon. Hindi pa ako handa pasukin ang mundo ng pag-aasawa. Subalit ito ang dapat, ito ang kailangan at ito ang kabayaran sa malaking halagang natalo ni Daddy sa casino. “This is for everybody's welfare! For your-”“Liar! This is for your own go
Jenissa’s POVHalos mabitawan ko ang hawak kong kawali dahil sa pagmamadali. Nahuli kasi ako ng gising dahil sa pagod ko kagabi. Napasinghap na lang ako dahil sa sakit ng aking buong katawan. Tinali lang naman ako ni Farris kagabi sa dulo ng kama habang binabarurot niya ako ng malalakas at walang pag-aalinlangang mga kiyod niya. Gusto ko na nga lang mamatay dahil sa patuloy na pambababoy ng walang hiya kong asawa sa akin. Limang taon na ang nakalipas noong ginawa akong pambayad-utang ng aking Daddy na inakala ko’y magiging kakampi ko matapos kaming iwan ni Mommy. I was wrong on giving my hope to my useless father, siya pa kasi ang dahilan bakit ko tinatamasa ang trahedyang ito. Yes! Para sa akin ay trahedya ang buhay ko. Puno ito ng pasakit, pang-aabuso, lungkot at pambababoy. Nakalimutan ko na nga ang huling sandali na gumuhit ng ngiti ang mga labi ko. Ang mga mata ko naman ay walang humpay kaluluha. Limang taon, limang taon na akong nakulong sa rehas na ito, rehas ng impyerno na si
Jenissa's POVAng sakit ng katawan ko. Sumusungaw pa ang init sa aking mukha. Kahit ganoon pa man ay nandito pa rin ako sa silid-aralan ng mga musmos na batang ito. Gusto kong magtrabaho sa opisina pero hindi ako pinayagan ni Farris na gawin ang bagay na iyon. Nais niya lang na manatili ako sa sulok na ito at mag volunteer na lamang. Kung sabagay ay hindi ko rin naman problema ang pera, sa katunayan nga ay madalas akong bumibili ng mga kailanganin sa paaralan para sa mga bata rito. Natutuhan ko na lang din tanggapin ang katotohanan na hanggang dito na lang talaga ako. Napamahal na rin ako sa mga bata kahit papaano. “Jen, kumain na tayo?” Lumingon ako kay Jack at akmang ngingiti pero binawi ko agad ito dahil sa hapdi ng pisngi ko. Hindi ako makangiti ng maayos dahil nauunat ang aking balat. Maging ang panay na pagsasalita ay hindi ko rin magawa. “I-Ikaw na lang, Jack. Busog pa naman ako,” matamlay kong sabi. Sinubukan kong ikubli ang sakit na nararamdaman ko pero talagang magaling