“Huwag po, Daddy! Maawa ka naman po sa akin! Huwag naman po sana ganito! Hindi ko pa gustong mag-asawa! Wala pa ito sa bokabularyo ko,” iyak ko habang nasa magkabilang-balikat ko ang mga kamay ng mga guwardiya ng lalaking lubos kong kinamumuhian. “Masyado pa akong bata para mag-asawa! Hindi ko k-kaya ang mga responsibilidad, D-Daddy!” nauutal kong wika habang patuloy na pumipiglas.
Balewala lamang sa dalawang lalaki ang aking pagpiglas. Ang lalakas nila. Kahit isang kamay lang ng isa sa kanila ay alam kong kaya niya akong pigilan.“Bata ka man o matanda na, it does not make sense! Mag-aasawa ka dahil ito ang nararapat! You should marry that man, Jenissa!”“Para saan?” Nakita kong nanigas ang mga panga ni Daddy noong sinambit ko ang tanong na iyon.Hindi pa ako handa pasukin ang mundo ng pag-aasawa. Subalit ito ang dapat, ito ang kailangan at ito ang kabayaran sa malaking halagang natalo ni Daddy sa casino.“This is for everybody's welfare! For your-”“Liar! This is for your own good! This is for the amount you must pay because of gambling! Ginawa mo akong kabayaran sa utang mo! Hindi mo man lang inisip kung gusto ko o hindi! You are so selfish!” Hindi ko makontrol ang sarili ko kaya'y nasigawan ko na ang Daddy ko. Which I know he deserve.Mabilis na humakbang papalapit sa akin si Daddy. Napapikit na lamang ako nang makita paano pinalipad ni Daddy ang palad niya sa ere. Maya't maya'y umanghang at tila ba kumapal ang ang aking pisngi dahil sa malakas na sampal ni Daddy.“I fed you! I clothed you! Gagawin ko ang gusto kong gawin with or without your consent! Anak lang kita... At panahon na para singilin kita. Pakasalan mo ang anak ni Henry,” gigil na sabi ni Daddy.Tumulo ang mga luha ko habang dinamdam ang masakit na salitang sinabi ni Daddy.All this time, akala ko ay binuhay niya ako dahil mahal niya ako. Nagkamali ako. Binuhay, pinakain at binihisan niya pala ako para gawing pambayad sa utang niya kay Henry Bennett, isang Australianong nakalaban niya sa sugal.“D-Daddy n-naman." Ito ang mga salitang tanging lumabas sa aking bibig.“Dalhin niyo na iyan kay Henry para maipakasal na siya sa anak niya," anang Daddy bago ako tinalikuran. “Gawin na nila ang gusto nila, ang importante ay bayad na ako sa kaniya at tigilan niya na ako sa kakasingil niya! Nalilintik na ako!”“I'm your daughter, D-Daddy. D-Don't just give me like I'm just a puppy. D-Daddy, p-please!” hikbi ko subalit parang wala lamang kay Daddy ang lahat.Malabo man ang aking mata dahil sa mga luha na nakaharang sa ilalim ng mga talukap nito ay malinaw pa rin sa aking damdamin ang sakit na malamang tinalikuran ako ng Daddy ko ng basta-basta. Parang pinunit na papel ang puso ko.Nanghina ako at tuluyang bumigay ang aking katawan. Tulo lang ng tulo ang mga luha ko habang sumasabay sa ayon ang katawan ko.Hindi ko namalayan na pinayuko na pala ako ng mga guwardiya ni Henry hanggang sa makapasok ako sa loob ng kaniyang kotse.“You're pretty. Magkakasundo kayo ng anak ko,” aniya noong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.Sinamaan ko lang siya ng titig.Gusto ko siyang patayin sa oras na ito.“Bakit niyo ako ginaganito? Bakit niyo ako ginagawang pustahan?” galit na galit kong tanong sa kaniya.Tumawa si Henry kaya'y kinilabutan ako. Tumingin siyang muli sa akin habang patuloy niyang dala ang mala-demonyong ngiti sa mga labi niya. He's evil.“Don't ask me that stupid question, Darling. Tanungin mo ang Daddy mo.” He sighed. “Kasalanan niya naman talaga ito, nagsugal siya kahit wala na siyang ipupusta. I pity you for being the payment for his debt,” pagpapatuloy niya.Lumunok ako. Simula sa araw na ito ay hindi ko na tinuturing ama si Daddy. Balang araw ay magkikita kami. Ipapamukha ko sa kaniya na hindi niya ako dapat ginanito.“I-Ilan ba ang u-utang ng Daddy ko sa’yo?" nauutal kong tanong kay Henry.“Why, Darling? Are you going to pay it in cash?" seryusong tanong niya sa akin.Bumuntung-hininga ako. Kahit papaano ay may naipon ako. Simula kasi noong namatay si Mommy ay sinimulan ko na ang umipon ng pera. Tantiya ko ay nasa Isang Milyon na iyon. Kahit walang matira sa akin ni isang kusing ay hahamakin kong bayaran ang utang ni Daddy kapalit ng kalayaan ko.“O-Oo. Isang Milyon ba? P-Palabasin mo ako at b-bayaran kita! Ngayon mismo-”Isang malakas na pagtawa ang narinig ko mula kay Henry. Nainsulto ako kaya matalim ko siyang tinitigan. Walang nakakatawa sa turan ko.“Don't try to push yourself more, Mihija. Save your coins,” aniya na siyang nakapagpalumo sa aking damdamin.Wala na ba akong takas nito?“Higit Tatlumpung Milyong Piso ang utang ng Daddy mo. So better stop trying your luck.”Nagulat ako sa nalaman ko. Wala nga sa isang daliri ng dalawang kamay ang halaga ng pera ko kumpara sa utang ng aking ama.“W-Wala na bang ibang paraan?”Imbes na sumagot ay kinuha niya ang kaniyang smartphone at may tinawagan siyang agad namang tumugon.“Wala na.”Sinubukan kong buksan ang kotse subalit nabigo ako nang maratnan ako ng mga tauhan ni Henry.“Pakawalan niyo ako! Fuck you all! Mga wala kayong awa! You should pay for t-this,” iyak ko.“Itali niyo ang mga kamay at paa niya at lagyan ng duck tape ang bibig niya. She's too noisy!” utos niya sa mga guwardiya niya.“Pakawalan niyo ako! M-Maawa kayo sa akin! I-I'm too young for this,” iyak ko.Wala silang pakialam sa aking pagsusumamo. Patuloy pa rin sila sa ginagawa nilang pagtali sa aking mga kamay at sinunod din nila ang aking mga paa.Ubos na ang lakas ko. Unti-unti na ring nauubos ang katiting na pag-asang pinanghahawakan ko.Puwersa akong umiling ng ilang beses. Iniiwasan ko ang duct tape pero huli na ang lahat. Tanging pag-gulong na lang ng mga luha ko sa namamaga kong pisngi marahil sa mainit na sampal ni Daddy kanina ang aking naramdaman.Akala ko ay hindi aabot sa ganito ang lahat. Ang bata-bata ko pa para mag-asawa.Ang nakakatakot pa ay hindi ko pa nasilayan ang mukha ng lalaking ipapa-asawa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ugali niya. Wala akong ideya kung ano'ng uri siya ng tao. I'm gonna marry a total stranger.Ang masakit ay ang Daddy ko pa ang gumawa sa akin nito. Tinakwil niya ako at inabandona na parang isang tutang gala.Ano'ng uri ng ama si Daddy? Sana hindi na lang namatay ng maaga si Mommy. Kung buhay lamang iyon ay tiyak na hindi mangyayari sa akin ang bagay na ito.Bumalik ang aking ulirat noong nakita ko paano lumalabas ang tubig sa dulo ng maliit at sobrang tulis na karayom. Namataan kong nilapit sa akin ang karayom.“Patulugin niyo na iyan,” utos ni Henry sa kanila.Tinugon ng mga tauhan niya ang kaniyang utos. Napapikit ako at naramdaman ko na lang paano mangilo-ngilong pumasok sa laman ko ang maliit na karayom. Hindi na ako nanlaban pa. Wala rin namang mapupuntahan ang lahat.Nanghina ako ng tuluyan. Lumabo ang aking paningin at nakarinig ako ng malakas at mahabang bagting.Hindi ko na kaya pang imulat ang mga mata kong napagod. Wala na rin akong lakas.Bahala na.Pagod na ako.Kusang pumikit ang mga mata ko at hindi ko na alam kung ano ang sumunod na naganap.Inangat ko ang aking sulyap. Nasilawan ako sa ilaw na aking nakita. Pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ko mawari kung bakit ganito katamlay ang aking katawan. Para akong gabi na tinapunan ng mainit na tubig sa kakapusan ko ng lakas.Nanuyo ang lalamunan ko kaya'y sinubukan kong umahon mula sa aking pagkakahiga.Napatitig ako sa aking katawan. Nanliit ako sa aking sarili nang makita ko ang katawan ko na walang saplot. Ang ibang parte ng balat ko ay may pula-pula pa.“N-No! Nooooooo!” sigaw ko habang yakap-yakap ko ang sarili ko.Nanigas ang katawan ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa akin. Wala akong saplot. May mga bakas ng pagsipsip sa aking balat.This is bullshit!Pinagsamantalahan niya ako.“Aaaargh! Sinusumpa kita k-kung sino ka man! H-Hayop ka!” namamaos kong sigaw.Nanliit pa lalo ang sarili ko nang makita ko ang aking maselang bahagi na namamaga-maga.Paano na ang mga salitang winika ko noon? Paano ko pa ito maibibigay sa lalaking mamahalin at pipiliin ko?“Ang b-baboy m-mo! H-Halimaw ka!” Nanatili akong nakatitig sa mantsa ng dugo sa puting tela na kinaibabawan ko.Sumikip ang dibdib ko dahil sa inis sa taong gumawa sa akin nito. Demonyo siya! Hindi pa ako handa sa bagay na ito.Pangarap kong mangyari ito kasama ang lalaking mamahalin ko.Paano na ito ngayon? Wala na!Wala na ako! Hindi na ako dalaga!Muli na naman akong lumuha ng lubusan.“M-Mommy!? Hindi na ako dalaga.”Hindi ko nagampanan ang anang Mommy ko. Sabi niya sa akin noong bata pa ako ay huwag na huwag kong ipapakita at ipapahawak ang aking p**e sa kahit na sino maliban sa kaniya at sa akin.Hindi ko naprotektahan ang sarili ko.Wala man lang akong nagawa para ipaglaban ang bandila ko bilang babae.Wala siyang awa! Wala siyang awa sa mura kong katawan!Hindi ba babae ang ina niya?Wala ba siyang kapatid na babae o kahit kamag-anak na babae?Hindi niya ako nirespeto.Nilapastangan niya ang aking katawan habang mahimbing akong natutulog dahil sa gamot na tinurok sa akin.Paisa-isang hakbang ang ginawa ko patungo sa sala. Nakita ko na nakaupo si Jen sa ibabaw ng sofa. Tumingin siya sa akin at agad na sumimangot. “Hi, Wifey!” bati ko sa kaniya. Sa halip na batiin ako ay umirap siya nang malagkit. Pinaghahampas niya ang kamay kong humawak sa maputi niyang braso. Galit na naman ang asawa ko. “Palagi ka na lang lasing kung umuwi, Farris! Nakakainis ka! Napatulog mo nga si Varris pero ginising mo naman ang lasinggero mong katauhan,” galit na sabi niya at agad na tumayo. Humawak ako sa sandalan ng sofa at marahang umupo, hindi ko alam kung marahan pa ba iyon, halos matumba kasi ako. “Dumalaw ako kay Doctora Riz, Wifey—”“Huwag mong marason-rason sa akin si Doctora Riz! Nagkita kami kanina at ang sabi niya, around 10 AM ka pang umalis. Kung mag-rarason ka, iyong matino naman at acceptable, hindi ‘yong rarasunin mo ako ng mga walang kuwentang rason,” galit pa rin niyang sabi. Inabot ko ang kamay niya pero binawi niya ito mula sa pagkakahawak ko. Masama si
Apat na taon na ang lumipas mula noong namalagi kami ni Abuela rito sa France. Mahirap magsimula pero nakayanan ko. Dalawang buwan na lang ay makakalaya na si Carli. Matayog na rin ang mga kompanyang pinamunuan ni Daddy. Ang BGC ay magkatuwang na inalagaan nina Maitha at Shiva. Umaangat na rin ang sales ng BGC kahit papaano. Ako naman ay bumalik sa pagiging volunteer-teacher sa France. Masaya ako sa ginagawa kong ito lalo na kasi ay anak ng mga kababayan ko ang tinuturuan ko. Isang lingggo akong magpapahinga at ito ang ika-lawang araw. Ayaw ko sanang mag-leave sa pagtuturo pero ang paaralan na ang pumilit sa akin. Sabi nila, kailangan ko raw magpahinga at hanapin ang lalaking para sa akin. Tinawanan ko lang ang sabi nila. Pumasok ako sa bahay. Wala na naman si Abuela. Palagi na lang siyang pumupunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Tumungo ako sa ikalawang palapag ng bahay at agad akong humiga sa kama kong napakalambot nang makapasok na ako sa aking kuwarto. Kinuha ko ang smartpho
Jenissa’s POVLumunok na lamang ako habang tinitigan ko ang keychain na nasa palad ng isang pulis. Nagsidatingan ang iba pang mga pulis at agad na binuhat palabas ang bangkay ng kambal ni Farris. Ang dami ng mga nangyari sa gabing ito. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Lumalabas na mali ang ginagawa kong paghihiganti kay Farris dahil unang-una ay hindi pala niya kagustuhan ang pag-aalipusta niya sa akin noon. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng kambal niyang si Jarris. “Dalhin niyo na iyan,” utos ng kataas-taasang pulis. “Stop!”Tumingin ako kay Carli na kumaripas sa pagtakbo. Malakas niyang tinulak ang mga pulis upang malayo sila sa akin. “Carli,” tawag ko sa kaniya. She opened her arms to protect me from the men. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Alam ko na kung ano ang binabalak niya. “Carl–”“Ako ang pumatay kay Henry Bennett. Ang keychain na iyan ay pag-mamay-ari ko. Ang tunay kong pangalan ay Aena Carlisse Antacio. AA ang ginagamit ko kapag ma
Farris’ POVNasa tabi lang ako habang nakatanod sa paligid. Nilalaro ko ang kupitang hawak ko habang binato ang sulyap ko sa isang sulok. Kinabahan ako sa aking nakita. Jarris is looking at Aki. Sinabi niya sa akin na wala na siyang pakialam kay Aki pero alam ko na gusto niya pa rin ito. Basang-basa ko sa mga mata ni Jarris na mahal niya pa si Aki. Nagmadali akong tumayo upang dumako sa kinaroroonan ni Jarris. Lumakad siya papalayo kaya ay sinundan ko siya. Tumigil siya sa likod ng bahay kaya ay tumigil na rin ako sa paglalakad. “Huwag kang mang-gulo rito, Jarris.”Lumingon siya sabay ngiti. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at halos mag-abot ang mga kilay ko. “Bakit hindi, kung kaya ko naman? Ayaw mo noon? Malalaman ni Aki na ako pala ang may gusto sa kaniya at ako ang nakabiyak sa kaniya.”“Hindi kita hahayaan na sisirain mo ang gabing ito, Jarris.” Kung hindi lamang buntis si Aki ay hahayaan ko na lang si Jarris upang magka-alaman na. Kaso, inaalala ko an
Farris’ POVNasa labas ako ng clinic ni Doctora Riz Monreal. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik dito dahil akala ko ay kaya kong kontrolin ang sakit ko. Nagkamali ako nang inakala. Hindi ko pala kaya. Lumala pa ang karamdaman ko nang hindi na ako bumabalik para magpatingin sa kaniya. No one knows that I am crying alone. No one knows how scared I am. Wala akong mapagsabihan. No one knows that I am fighting against this battle alone.Wala akong mapagkakatiwalaan. Natatakot akong matawag na baliw. Natatakot na baka ay magalit lang si Daddy sa akin kapag nalamam niya itong karamdaman ko. I discovered my disorder when I was young. Nasa labas si Jarris noon at naglalaro habang ako ay nasa loob naman kasi nga ay bagong gising pa lang ako. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama namin ni Jarris. Narinig ko na may taong kumakatok kaya ay pinagbuksan ko ito. “F-Farris, fix your things! Umalis na tayo rito!” iyak na sabi ni Mommy sa akin. Hinahabol ko ang hininga ko habang
Farris’ POVIlang beses akong bumabalik sa Saint Jude Hospital para lang tingnan ang kalagayan ng Abuela ni Jenissa. I disguised behind my grey cop and black mask. Pinalalim ko pa ang boses ko para lang hindi nila ako makilala. Kahit na alam kong magiging ka-boses ko si Jarris ay ginawa ko pa rin iyon para hindi ako makilala ni Jen. Nang magkabanggaan kami malapit sa entrance ay iba ang tingin ko sa kaniya noon. I saw worries in her eyes. Hindi ko inisip na aabot pala sa ganito si Jen. Hindi ko siya masisisi kung bakit napuno siya ng galit at puro paghihiganti ang layon niya. She took my company. Nadala ako ng aking emosyon kanina kaya ko siya nasakal. Now, I am blaming myself because I was unable to control my anger. Nag-sisisi ako sa ginawa ko kanina. Sana humingi na lang ako ng tawad sa kaniya kahit na hindi niya ako patatawarin. Nandito ako ngayon sa rooftop ng BGC. Humihinga ako nang malalim bago at pagkatapos kong lagukin ang bawat laman ng lata ng alak. Napatayo ako nang b