Share

Chapter 66: eksena

“BESHY! NAMISS KITA, BRUHA KA!”

Halos matumba si Keirah nang sunggaban siya ng yakap ni Melanie. Buti na lang at napahawak siya sa hamba ng pintuan.

“Grabe, miss na miss,” natatawa niyang sabi habang inaalis ang mga braso nito sa leeg niya.

“Gaga, isang linggo kang nawala no, malamang,” ngumuso si Melanie. Na-miss niya talaga ito. Ngayon lang siya na-bored sa apartment niya.

“Sorry naman, papasukin mo muna ako, haha,” mahinang tinulak ni Keirah si Melanie para maipasok niya ang maleta niya.

“Oh, hindi ka na ba babalik dun at dala-dala mo na maleta mo?”

“Hmm, may pinapagawa kasi sa akin si Sir. Baka matagalan pa bago ako makabalik.”

“Ganun? Kumain ka na ba?” tanong nito habang naglalakad papuntang kusina.

“Hindi pa nga eh. May pagkain ka ba diyan?”

“Nag-luto ako ng ginataang labong. Hindi ko naman alam na darating ka, edi sana nagpa-buffet ako.”

“Haha gaga. Buffet ka diyan. Ako lang ‘to!” natawa siya sa biro ng kaibigan pero saglit ding natigilan? “What is labong?”

“Ah, eh. Kakain
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status