Share

Chapter Five

Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na si Lola. Saglit na pinagmasdan niya ang paligid ng hacienda mula sa balkonahe ng kanyang silid. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang pang-umagang ihip ng hangin at saglit na ipinikit ang mga mata.

Napangiti siya pagkatapos ay dali-daling muling pumasok sa kanyang silid at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa pinto ng banyo at agad na binuksan ang kanyang cabinet upang kumuha ng damit. Mabilis niyang isinuot ang puting long sleeves na tinernohan niya ng isang maong na pantalon pagkatapos ay ipinaloob niya ang laylayan ng kanyang long sleeves sa loob ng kanyang pantalon.

At dahil mangangabayo siya'y isang itim na boots ang kanyang isunuot pagkatapos ay bumaling siya sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang itsura. Pinasadahan na rin niya ng suklay ang hanggang balikat na buhok at pagkatapos ay itinali ito nang sa gayon ay hindi maging sagabal kapag mabilis na niyang pinapatakbo si Wind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status