Share

CHAPTER 2

Penulis: Tearsxme
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-10 17:45:40

Maagang nagising si Angge kinabukasan para makapaghanda ng kanilang agahan. Ganito ang daily routine niya, ayaw din kasi niya na ang Lola Apolinaria pa niya ang magluluto ng agahan nila dahil alam naman niya ang kalagayan mg kalusugan nito kahit pa sabihin nitong okay lang siya.

Pero pagpasok niya sa kusina ay nandu'n na pala ang kanyang Lola, kasalukuyang nagkakape habang naghihiwa ng mga gulay na lulutuin nito at nagsasaing.

"Lola, ang aga niyo naman," sabi niya rito saka lang siya nito napansin.

"Alam mo naman 'yong tulog ng mga matatanda," sagot  naman nito saka ito kumuha ng isang tasa para pagtimplahan siya ng kape na siya namang agad niyang inagaw.

"Kayo ang dapat na pinagsisilbihan hindi 'yong ikaw ang naninilbihan," sabi niya habang tinitimplahan niya ng kape ang kanyang sarili.

"Masaya ako sa ginagawa ko kaya bakit mo naman ako kinukontra," tanong din ng matanda.

"Lola, hindi ko kayo kinukontra. Ang sa akin lang, hindi niyo na ako dapat pagsilbihan pa. Tama na 'yong ilang taon niyo akong inaruga," sabi niya saka niya niyakap mula sa likuran ang kanyang Lola Apolinaria.

"...hayaan niyong ako naman ang mag-aalaga sa inyo," pabulong niyang sabi.

Napangiti ang matanda sa kanyang binitiwang mga salita.

Malaki na rin ang pasasalamat niya rito dahil kahit papaano, kahit sa kabila ng kahirapan, hindi siya nito pinabayaang malugmok at mamatay na lamang sa gutom noong mawalan siya ng sariling mga magulang.

"Hayaan mo na akong gawin ang ganitong mga bagay habang kaya ko pa. Hmmmm?" sabi ni Lola Apolinaria nang humarap ito sa kanya.

Napatingin siya sa mga mata ng matanda at nakita niya ang senseridad sa mga mata nito at ang pakikusap na hahayaan na lamang niya itong gagawin kung ano ang gusto nito hangga't kaya pa nito.

Napangiti siya sabay tango na siyang nagpasaya sa matanda.

Nang umagang 'yon, dalawa sila ang naghahanda ng kanilang almusal. Simpleng agahan lang ang kanilang pinagsaluhan pero puno naman ng tuwa at kaligayahan.

Nang nasa trabaho na si Angge ay ganu'n pa rin ang kanyang ginagawa gaya ng araw-araw niyang ginagawa.

Babatiin ang mga kapapasok lang na customer kahit pa wala siyang response na makukuha mula sa mga ito.

Laging nakangiti kahit na medyo pagod na para naman gaganahan ang mga tao at mai-engganyo na sa kanilang store lalapit at mamimili.

"Hindi nga!"

Napatingin sina Angge sa isang customer na bigla na lang sinisigawan ang isa sa kanilang mga katrabaho.

"Wala akong kinuha doon!" sigaw nito uli.

"Nakita kita nang kunin mo 'yang item na 'yon doon," giit ni Jocelyn.

"Pinagdududahan mo ba ako?!" bulyaw nitong tanong.

"Hindi po pero nakita ko talaga kayo."

"Ano bang tingin mo sa akin? Manluluko?!" matapang na tanong nito.

"Nagsasabi lang po ako ng katotohanan at-----"Katotohanan? Pinag-iisipan mo ba ang mga pinagsasabi mo?!" agad nitong singit.

"Ano kayang nangyari?" pabulong na tanong ni Reah kay Angge pero kibit-balikat lang din ang naging tugon ng dalaga dahil pareho naman silang walang alam sa puno't-dulo nan eksenang 'yon.

"Anong problema?" tanong ng isa pang katrabaho nila na kalalapit lamang na si Margarita.

"Huwag kang makialam dito. Gusto kong makausap ang manager niyo. Ipapatanggal ko 'to!" bulyaw nito sabay turo kay Jocelyn.

"Ma'am, pwede ho bang huminahon muna tayo."

"Inaakusahan niya akong nagnakaw tapos sasabihin mong huminahon ako? Seryoso ka?!"

"Hindi po natin maso-solve ang problema kapag naninigaw ka."

"Kung ayaw mong sigawan kita, umalis ka sa harapan ko dahil hindi naman ikaw ang kailangan ko!" muli pa nitong sigaw.

Napatda silang lahat nang biglang lumuhod si Jocelyn sa harapan ng babae.

"Sorry po," paghihingi nito ng tawad na siyang ikinabigla ng lahat.

"Sorry is not enough! I want to talk with your manager para mabigyan ka ng kaukulang leksiyon! Mga hampas-lupa!"

Biglang nakaramdam ng pagkulo ng dugo si Angge nang marinig niya ang huling sinabi ng babae.

"Anong sabi mo?" naiinis na tanong ni Margarita at matapang na sinalubong nito ang titig ng babae na para bang anytime, kakain na ito ng buhay.

"You heard me, right? Do I need to repeat it?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Lahat kayo dito ay mga hampas-lupa at-----" Hindi na naituloy pa ng babae ang iba pa sana nitong sasabihin nang biglang dumapo sa pisngi nito ang palad ni Margarita na siyang labis na ikinabigla ng lahat nang nakakita.

Napaawang ang mga labi ng babaeng sinampal niya at talagang hindi makapaniwala na sa isang iglap lang, nasapo na ang kanyang pisngi ng palad ng isang sales lady lamang.

Galit na hinarap ng babae si Margarita.

"How dare you?!" sigaw nito sabay taas ng kanyang kanang kamay sabay sampal kay Margarita pero bago pa man dumapo ang palad nito sa pisngi ng kasamahan ni Angge ay agad na niya itong pinigilan.

Gulat na napatingin sa kanya ang babae!

"Who are you?!" tanong nito sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri nito ang buo niyang pagkatao saka lang ito napatawa ng pagak nang makita nito ang unipormeng suot-suot niya na katulad lang din ng unipormeng suot-suot nina Jocelyn at Margarita.

"Kaya pala," sabi nito, "...hampas-lupa rin pala."

Nang muli niyang marinig ang salitang hampas-lupa ay lalo pa niyang nilakasan ang pagkakahawak niya sa kamay nito dahilan para mapangiwi ito sa sakit.

"Let me go!" pasigaw nitong sabi.

Kakalmutin sana siya nito gamit ang isa pa nitong kamay pero maagap din itong hinawakan ni Margarita kaya wala na itong nagawa.

Gamit ang hintuturo ni Angge, itinaas niya ang mukha ng babae at sinalubong niya ang matatapang nitong mga titig.

"Nais ko lang malaman mo, hindi kami hampas-lupa rito. Nagtatrabaho kami ng maayos at hindi kami humihingi ng anuman galing sa inyo, hindi kami umaasa sa inyo!"

Pagalit na binitiwan ni Angge ang kamay nito na hawak niya kaya napangiwi uli ito sa sakit.

"Pagbabayaran niyo 'to! Idedemanda ko kayo!" matapang nitong saad.

Dahan-dahan na inihakbang ni Angge ang kanyang mga paa palapit sa babae at napaatras naman ito sa takot.

"A-anong binabalak mo?" nanginginig nitong tanong.

"Gusto ko lang ipaabot sa'yo na kahit ganito lang ang trabaho namin, wala ka pa ring karapatan para lait-laitin kami," nandidilat ang mga mata nang sabihin niya ang mga katagang 'yon na siya namang pagdating ng kanilang manager.

"Ms. Ramirez?" tawag ng manager nila kay Angge na may pagbabanta sa boses.

Napalingon sila sa kanilang manager na kararating lamang at nang muling tapunan ng tingin ni Angge ang babae ay napakalapad na ng ngiti nito na para bang nakakita ng kakampi.

Kinausap sila ng manager sa loob ng opisina nito habang ang ibang taong nandu'n na nakikiusosyo na rin sa nangyari ay pinakiusapan ng mga security guard na kung maaari, huwag na nilang pansinin ang kung ano man ang kanilang nakita at narinig.

Natahimik at napaamin na rin nila ang babae sa nagawa nitong kasalanan dahil kitang-kita naman sa cctv ang pandadaya nito.

Kitang-kita sa cctv camera na may kinuha ito na isang item tapos pasimple nitong isinuksok sa dala nitong shoulder bag. Malinaw na malinaw ang pagkakakuha pero may lakas ng loob pa itong i-deny ang nagawang kasalanan kanina lang.

Humingi ng tawad ang babae at nangako itong hindi na uulit pero nakiusap naman ito na sana huwag na siyang kakasuhan pa. Isang beses pa naman itong ginawa ng babae pero kung sakali mang may kumalat na balitang nagnakaw uli siya, ilalabas nila ang kuha ng cctv para makasuhan siya.

Nakaalis na ang babae pero sina Angge at ang dalawa pa niyang kasamahan ay nakatikim ng pangaral galing sa kanilang manager.

Aminado naman ang mga ito na may mali rin sila. Sana hindi na lamang nila pinatulan ang babae dahil may cctv camera namang magpapatunay sa kagagaguhang ginawa nito. Pero tapos na, nangyari na kaya wala nang magagawa pa ang kanilang manager kundi ang pagpasensiyahan na lamang sila at naiintindihan naman sila ng kanilang manager kung bakit nila nagawa iyon.

Sa kabila ng nangyari, nagpatuloy pa rin ang buhay nina Angge at ng mga kasamahan niya.

"Kuya guard, ano 'yan?" tanong ni Angge sa kanilang security guard na may idinikit sa labas ng kanilang store.

"Nagha-hire sina Madam ng sales lady saka salesman para sa ibang branch nila kasi kulang daw sila ng empleyado," paliwanag ni Kuya security guard.

"Ganu'n po ba?" aniya.

"Oo kaya kung may kakilala ka na nangangailangan ng trabaho, ayain mo nang mag-apply dito."

"Titingnan ko ho," tugon niya saka siya muling bumalik sa kanyang trabaho at inabala ang sarili sa pag-e-entertain ng mga customers kahit na ang iba ay parang walang pakialam sa kanila.

Kinabukasan, dahil day-off ni Angge, maghapon siyang nasa bahay lamang kasama ang kanyang Lola Apolinaria. Pinagsisilbihan niya ito, gusto niyang gawin ang mga bagay na 'yon habang buhay pa ang kanyang Lola.

"Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa karamahin ang totoong mukha ni Mr. Rhodly James Smith at kung ano nga ba ang panlabas na anyo ang mayroon ito," pahayag ng news anchor sa t.v na pinapanood ni Angge.

Matagal na niyang naririnig ang pangalan na 'yon pero hanggang ngayon ay nanatiling lihim sa lahat ang mukha nito at curious naman ang dalaga tungkol sa tunay na pagkatao ni Rhodly kaya she picked up her phone and then she started to browse in the internet to get some information about that mistery man pero gaya ng iba, nabigo lang din siya.

"Sino ka ba? Bakit masyado mo itinatago ang totoo mong pagkatao?" tanong ni Angge sa sarili habang patuloy pa rin niyang hinahanap si Rhodly.

"Bakit kaya nakatago ang buo nitong pagkatao?" muling tanong ng kanyang isipan habang nakadikit sa kanyang chin ang dulo ng kanyang hawak na phone.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Memory Of Love   Chapter 48

    "Ganito pala talaga ang love story nina Angge at Rhodly?" tanong ng isang babae sa mga kasama nito habang nakatingin ito sa hawak na phone. "Ang sweet talaga," sabi naman ng isa. "Hindi ko talaga inakala na ganito pala ang love story nila," segunda rin ng isa pa. Matapos ang engagement party nina Daphne at Gilbert ay nagpalabas naman ng article ang ilang publishing company tungkol sa love story nina Angge at Rhodly, ayon na rin sa kagustuhang mangyari ng binata. They let the whole world know about their love story. From the start that Angge claimed him as her boyfriend para lang mapansin ng madla kahit hindi naman pala totoo at kahit hindi pa siya nito nakikita. Alam na rin ng lahat ang ginawa niyang pagpanggap bilang isang empleyado sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga just to see her everyday whenever he wants, just to be with her every single day of his life hanggang sa naaksidente siya na siyang dahilan upang makalimutan niy

  • Memory Of Love   Chapter 47

    "Yes! I will marry you!" luhaan niyang sabi.Kaylaki-laki ng ngiti ni Rhodly nang marinig niya ang sagot ng dalaga at wala na siyang inaksaya pang sandali. Agad na niyang isinuot sa daliri ni Angge ang hawak niyang singsing saka mabilis na umupo siya sa tabi nito."I love you," nakangiting sabi ni Rhodly habang hawak nito ang kanyang kamay."I love you, too," maagap ding sagot ng dalaga at walang anu-ano'y inangkin ni Rhodly ang mga labi ng babaeng pangarap niyang makasama habang-buhay!Napamaang si Daphne nang may nakita siyang kapo-post lang ni Rhodly sa social media account nito kung saan makikita ang magkasalikop na dalawang kamay at ang isa ay may suot na singsing sa daliri tapos ang nakalagay ay ang siyang muling nag

  • Memory Of Love   Chapter 46

    "Bakit ka nakangiti?" kunot-noong tanong ni Angge sa katabi niyang si Rhodly habang abala ito sa pagmamaneho."Natutuwa lang akong isipin na ang Mommy ko saka ang girlfriend ko, eh okay na," sagot naman nito habang pasimple lang siya nitong nililingon.Napangiti na lang din siya dahil kahit siya mismo ay hindi rin makapaniwala."What did you do to her?" Napaisip ang dalaga kung ano nga ba ang ginawa niya kaya ganu'n na lamang ang naging pagtrato sa kanya ng ginang."Wala naman! Nag-usap lang kami tungkol sa pamilya namin. 'Yon lang.""Did she tell you that she was an orphan?" hindi makapaniwalang tanong ng binata at marahan naman siyang tumango bilang sagot.

  • Memory Of Love   Chapter 45

    "Daph, don't focus yourself on me dahil hindi mo alam may isang taong mahal na mahal ka."Napatingin ang dalaga kay Rhodly saka niya naalala ang huling sinabi sa kanya ni Gilbert."Why don't you try to look around you. Daphne, hindi mo lang alam that there's someone who has been in love with you secretly, kaya lang hindi mo napansin 'yon dahil bulag ka na sa pag-ibig mo sa isang tao na hindi ka naman kayang mahalin kagaya ng hinahangad mo!""I do love you not as my sister but as a woman.""Minahal kita ever since from the first time I met you.""Sa tingin mo, pakakasalan kita just because of what had happened between us during that night? No, Daphne! I'

  • Memory Of Love   Chapter 44

    "No!" tanggi niya na siya namang lihim na kumurot sa puso ng binatang katabi niya."And what do you want? Do you want others to talk behind your back if how disgusting you are as a woman?!"Muling napadaloy ang mga luha ni Daphne. Pangarap niya ang ikasal balang-araw sa taong mahal niya at hindi sa taong hindi niya minahal."You already slept together and the whole world knew it tapos ayaw mong magpakasal?""I want to get married but with Rhodly and not with him!" matapang niyang sagot habang ang binata naman ay punit na punit na ang puso."Para sa'n pa? You want Rhodly to take the responsibility he never done? Do you think he can accept you after knowing about the immoral thin

  • Memory Of Love   Chapter 43

    "Stop drinking," agad na awat ni Gilbert kay Daphne nang maabutan niya itong panay ang tungga sa harap ng isang bartender."Hey! You are here. Join me," nakangiti nitong sabi sabay abot sa kanya ng hawak nitong maliit na basong may lamang alak."Let's go home," aniya saka niya kinuha ang basong hawak nito saka niya ito inilapag sa mesa at kanyang itinaas ang isa nitong kamay saka niya inakbay sa kanyang batok pero biglang napabitaw ang dalaga saka ito muling binalikan ang basong inilapag niya at walang anu-ano'y tinungga nito ang laman bago pa man niya ito napigilan."Stop it, Daphne," muli niyang awat sa dalagang wala namang balak na magpaawat sa kanya at muli pa itong nagsalin ng alak sa basong hawak-hawak.Nang tutunggain na sana n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status