“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?”
Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan.“I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.”Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito.“Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.”Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure.“Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang makalabas siya ng kwarto. Nakangiti ito at halatang nang-aasar lang.Alam ng pinsan kung gaano ka-dedicated ang kanyang ina sa trabaho nila. Kaya malamang, inasahan na nitong napagalitan siya.“Saan ka nga ba galing kagabi? Akala ko ba on the way ka na no’ng tawagan kita?”“May tinulungan lang ako,” maikli niyang sagot.Ilang minuto lang naman siyang nahuli pero mahalaga ang bawat segundo sa kanilang misyon. Kaya naman mas pinili na lang ng mga kasama na maiwan siya kaysa pumalpak iyon nang dahil sa kanya.Naalala niya ang nangyari kagabi. Nang makita niya ang mukha ng babae nang malapitan ito, sandali siyang nag-panic. Namukhaan kasi niya ito. Alam niyang nag-aaral sila sa iisang University. Maging ang lalaking may hawak dito ay mula rin doon. Kahit kasi hindi niya pinapansin ang mga taong nasa paligid, ino-obserbahan niya ang mga ito. Huli na para itago niya ang pagmumukha. Kung namukhaan man siya ng mga ito, wala na siyang magagawa. Wala rin siyang balak ipaalam iyon sa kahit sino sa headquarters. Kung gagawin pa niya iyong big deal, baka mas magka-problema lang. Kapag umabot kasi iyon sa kanyang ina, baka kung ano pa ang gawin nito.Napakunot ang noo niya nang makarating sa University. Nasa entrance pa lang kasi siya ay tanaw na niya ang babaeng tinulungan kagabi. At sa nakikita niya, sa kanya ito nakatingin. Inaabangan ba siya nito?Nang nasa tapat na siya nito, napahinto siya nang humarang ito sa kanyang dinaraanan.“Hi, Oliver!” Nakangiti nitong bati sa kanya.Hindi niya akalain na may ganoon pala itong personality. Hindi man sila close, madalas na niya itong natatanaw. Madalas ay tahimik lang ito at mukhang hindi namamansin. Kaya naman nabigla talaga siya nang makita itong nakangiti sa kanya.“Thank you nga pala sa pagtatanggol mo sa `kin kagabi. Tanggapin mo `to bilang pasasalamat ko.”Hindi na siya nakapag-react nang ito na mismo ang humawak sa kamay niya at isinabit doon ang paper bag na dala nito.“Thank you ulit.”Napatingin siya sa dalang paper bag. Hello Kitty pa talaga ang design niyon. Lalo tuloy siyang nailang. Nakatingin kasi sa kanya ang maraming tao. Ganoon pa man, hindi niya mapagiling mapangiti habang tinitingnan si Serenity na tumatakbo papalayo.HABANG tumatakbo siya palayo kay Oliver, nagulat si Serenity nang harangin siya ni Maricris.“Nakita ko `yong ginawa mo. Korean pala ang type mo, ha. Kaya mo ba hindi pinapatulan si Jason kasi si Oliver ang crush mo? Kailan pa?”“Wala `yon, nag-thank you lang ako.”Iniwasan niya si Maricris pero sinundan lang din siya nito. Wala din naman talaga siyang takas dito dahil blockmates sila. At hindi talaga siya nito tinigilang kulitin hangga’t hindi siya nagsasalita. Kaya naman napilitan na lang siyang sabihin dito ang ginawa ni Jason.“Really? Ang sama pala talaga ng lalaking `yon. Mabuti pala at nadaanan ka ni Oliver.”“Oo nga, eh,” maikli niyang sagot.Pero sa totoo lang, nagbigay siya ng regalo kay Oliver hindi lang para mag-thank you. Pagkatapos siya nitong ipagtanggol, hindi na ito nawala sa isipan niya. Para siya nitong ginayuma. Bigla siyang na-in love dito. Ibinigay talaga niya iyon dito para magpa-pansin. Syimpre hindi na niya iyon ibabahagi kay Maricris. Nakakahiya.Mapapansin kaya ni Oliver ang iniwan niyang cellphone number dito?PAGDATING pa lang ni Oliver sa classroom, si Kristoff agad ang napansin niya. Nauna siyang umalis ng headquarters pero dahil motor ang sinasakyan nito, nauna pa rin sa kanya ang pinsan.Kahit nasa iisang bahay sila nakatira, walang may ibang alam no’n. Kahit nga pareho sila ng last name, itinatanggi rin nilang magkamag-anak sila. Dapat nga ay hindi sila masyadong nag-uusap. Pero dahil malapit na talaga sila mula pa man noong bata, hindi nila iyon napanindigan.Natawa si Kristoff sa dala-dala niyang paper bag.“Kailan ka pa nahilig sa pink at kay Hello Kitty?”Hindi pa man siya nakakapagsalita, kinuha na nito iyon sa kamay niya at binuksan.“Ano `to? Chocolates?” kinuha nito mula roon ang isang box ng mamahaling chocolate. Korteng puso pa ang box niyon. “Para kanino `to? May nililigawan ka ba?”“Bigay lang sa `kin `yan.”Muli itong natawa. “From an admirer? Amazing. Unang beses ata ito na may babaeng nagkalakas ng loob na bigyan ka ng regalo. Who is this brave woman?” muli itong sumilip sa paper bag. “Oh, there’s a card.”Kukunin sana niya dito ang card pero mabilis nito iyong naiiwas at tahimik na binasa ang card. Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa kanya.“Is this for real?” pabulong itong nagsalita. “Hindi ba’t ito ang pangalan ng crush mo?”“Ibalik mo na nga lang `yan sa bag.”“You’re not denying it so it must be her. Akala ko ba wala kang balak magkaroon ng girlfriend? So what’s the meaning of this? Why she’s thanking you for last night? Kaya ka ba hindi nakapunta dahil nakipag-date ka?”“It’s not what you think it is but yeah, she’s the reason why I got late.”Bago pa man niya tinulungan si Serenity Oh, kilala na niya ito. Hindi lang dahil sa magka-schoolmate sila kundi crush niya rin ang dalaga. Madalas niya itong nakikita sa canteen at ilang beses na rin siyang nakita ni Kristoff na ginagawa `yon. Kaya naman kahit wala siyang inaamin, ito na ang nag-assume na crush niya si Serenity. Ito nga rin ang nagtanong-tanong para malaman niya ang pangalan ng dalaga. Ganoon ka supportive sa kanya ang pinsan.Pero sa kabila ng effort ni Kristoff, hindi siya nagsumikap na mas makilala pa si Serenity. Sa uri ng mundong meron siya, mailalagay lang niya sa kapahamakan ang buhay nito. Wala rin siyang magiging oras para kay Serenity. Kaya naman hanggang tingin na lang siya dito.Isinumpa na rin niya na kahit kailan, hindi siya mag-aasawa. Lumaki siyang palipat-lipat ng bahay dahil laging nasa panganib ang buhay nila. Hindi rin niya na-enjoy ang kanyang kabataan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-insayo bilang paghahanda sa pagiging ganap niyang miyembro ng Merciless.Kilala rin niya ang kanyang ina. Siguradong hindi nito matatanggap si Serenity o kahit sino man babae na hindi kabilang sa grupo nila. Iisipin lang nito na hadlang sa mga pangarap nito para sa kanya ang sino man na maging girlfriend niya. Kaya mas maigi na rin sigurong tumanda siyang mag-isa.“Gusto mo ba `yang chocolate? If you want it, you can have it.”RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is