Share

Merry me ,Mr.Montereal
Merry me ,Mr.Montereal
Author: Haliyah

PROLOGUE

"Ano ba Kira! tulungan mo na lang akong tanggalin ang damit nato, kung hindi mo ako tutulungan ,ibabalik talaga kita kung saan ka nang galing! "sunod sunod na litanya ko sa kaibigan ko habang balisang sumisilip sa labas ng bintana ng bahay niya.

Hindi ko maalis ang Gown na suot ko dahil sa higpit nito sa pagkakatali, Ang plano ko lang naman ay wag ng umattend sa kasal namin ng lalaking hukluban na yon.

Ang seste! binantayan ako ni Mama hanggang sa pag suot ng masikip na gown na to! hanggang sa pagpunta dito sa simbahan, buti na lang talaga at ng malingat si Mama ay nakatakbo ako sa kaliwang bahagi ng simbahan at sumakay ng bus papunta dito sa bahay ng kaibigan kong si Kira.

Pinsan ko si Kira sa side ni papa at matagal din siyang tumira kasama ko sa Rancho.Kaya hindi lang kami basta mag pinsan kaibigan ko rin siya.

"Kira ! kalma.. ikaw ba ang tumakas sa kasal mo at hindi ka mapakali jan? "pabulyaw ko kay Kira habang hindi natitinag sa pagkakasilip sa bintana ng bahay niya.

kasalanan ito ng aking magaling na Ama kung bakit ako tumakas sa mismong araw ng kasal ko!. kung hindi niya lang ako pilit na ikasal sa lalaking ubod ng yabang na yun eh di...sana hindi ako umalis!.

Ang aking Papa ay tinatawag na Don Pablo habang si Mama ay si Donya Claveria na mismong anak ng dating may-ari ng Hacienda Valderama. Ipinagkasundo sila Mama at Papa ng kanilang mga magulang kaya hanggang sa lumipas ang henerasyon ay ipinama agad sakin ang pakikipag kasundo sa kasal, diba? ang talino ni Papa.

I was born in Hacienda Valderama sa probinsya ng Mindoro,kung saan kilala ang pamilya bilang hacienderos at hacienderas sa aming lugar. mayroon din kaming kumpanya na nag aangkat ng mga prutas sa iba't ibang sulok ng pilipinas at ganun din sa ibang bansa.

Sa edad na dalawampot apat na taon ay never pa akong nakapunta ng Maynila o ang malibot man lang ang boung pilipinas dahil sa sobrang higpit ni Papa. Ang nais lang ni papa ay makapagtapos ako ng pag aral at manahin ang pagiging haciendera nila.

"Samarra kung bumalik ka na lang kaya sa Simbahan? habang hindi ka pa nahuhuli ni tito Pablo" muling giit ng kaibigan ko habang kumakamot pa sa ulo niya.

Sa totoo lang ang daming sinasabi ng kaibigan kong ito! alam ko naman na tutulungan niya parin ako kahit mahuli pa ako ng tauhan ni Papa dito.

"Kira wag kana umapela please! ano natanggal mo na ba? pag ako naabutan ni Papa dito dahil sa tagal ng pag alis mo sa sesting! gown na yan, kakalbuhin talaga kita!" malakas kong sigaw sa kaibigan kong puro reklamo sa ino- utus ko.

"Oo na, Ano pa ba magagawa ko mahal na señorita ayan na ihahatid na po kita sa Antayan ng bus papuntang pantalan."

*

Makalipas ang ilang oras ng byahe ng bus ay sasakay naman ang bus sa roro papuntang Lucena at sasakay daw ulit ng bus pag baba ng pantalan ng Lucena! .

mahabaging langit ka Kira !. bakit hindi mo kasi ako hinatid. singhal ko habang bumaba ng barko hila-hila ang malaking maleta na matagal ko ng pinatago kay Kira bago pa maganap ang kasal.

Wala akong alam dito sa Maynila kaya naman nagpapatulong ako sa kanya,

plano ko sanang manirahan muna sa bahay ng pinsan kong si Zaldee kaso kakatawag niya lang ngayon sakin, na tumawag daw doon si Papa para sabihin na wag ako patuluyin kung sakaling sa kanya ako pumunta!.oh diba matalino talaga si papa, plano pa niyang pahirapan ang Unica ijah niya.

Nakatulog pa ako sa byahe at hindi ko na alam kung saang lupalop na ako ng Maynila napunta.

pagbaba ko ng bus nag lalakihang mga gusali ang nakikita ko sa paligid .

"Kira Help me! wala akong alam dito sa Maynila! " pasigaw sigaw ko pa sa kanya habang nakikipag usap sa telepono.

"Kalma Samara! Maynila lang yan wala ka pa sa ibang bansa" muling giit ng pinsan ko sa kabilang linya.

"Kira Valinger Sanchez! ito ang tatandaan mo ,kapag ako naligaw at napahamak dito, Sinasabi ko sayo! ibabalik talaga kita kung saan kita pinulot noon! " malakas kong sigaw sa kanya habang nasa kabilang linya parin ng telepono.

"Eto na susunod na! Nakakadalawa ka na po Señorita. natawagan ko na po si Marcus Susunduin ka niya kung nasaan ka mang lupalop ng Maynila, Salamat po Señorita sa pang aabala ha" pa balang naman na sagut niya.

Napa irap na lang ako sa sinabi niya. buti na lang at may kaibigan akong ma- aasahan.

pero wait? Nasaan na ba si Marcus! kanina pa ako nag aantay dito pero hindi parin siya dumadating.

Magsasalita pa sana ako ng naputol na ang tawag sa kabilang linya. pinatay na ng mabait kong kaibigan ang tawag, wala na akong ibang nagawa kundi maghanap ng coffeshop na pwedeng pag antayan sa busit! na Marcus na yun.

As I enter the coffeshop, naamoy ko agad ang aroma ng iba't ibang klase ng kape at amoy ng tinapay, na sadya naman lalong nagpagutom sa kumakalam kung tiyan.

umupo ako sa may gilid ng bintana at tiningnan ang wallet kong Isang libo na lang ang laman.

paano ko ba pagkakasyahin ng isang linggo ang Isang libong piso na tira ng pamasahe ko.

kibit balikat akong nag -iisip kung anong paraan ang gagawin ko para lang kumita ng pera habang nandito sa Maynila.

Hindi naman ako pwedeng mag apply ng Manager dahil wala akong Experience sa ganoong trabaho, Ang tanging alam ko lang ay manood ng k-drama mamasyal sa hacienda at umiyak habang nanonood ng drama. jusmio! ano ba itong pinasuk mo Samara, bulong ko sa sarili ko habang kumakamot sa ulo.

Nangangalay na ang leeg ko kakalingon sa kaliwa't kanan ko habang maraming dumadaan na tao, Gutom na gutom na rin ako pero p*****a! halos magdadalawang oras na akong nag aantay kay Marcus at ang pesting yan ay hindi parin dumarating . Tiningnan ko ulit ang wallet ko at nag iisip pa ako kung bibili pa ako ng makakain o aantayin ko pa ang napakatagal dumating na si Marcus.

******

Sa kabilang banda hindi alintana kay Drake ang init ng araw na duma- dampi sa kanyang balat, habang naglalakad patungong Coffee shop.

I went to the coffee shop next to my building, to buy coffee. para mawala rin ang lasa ng beer na ininum namin kagabi ng barkada.

Dire-diretso akong pumasuk hanggang sa counter para omorder ng gusto kong kape,

At ng makapag bayad na ay tumalikod ako upang humanap ng bakanteng upuan habang hinihintay ang order kong kape.

napatingin tingin ako sa paligid ng coffee shop ng mapansin ko ang isang babaeng naka upo sa gilid ng bintana ng coffee shop habang nakatingin sa direksyon ko.

She looks lost or something. kaya nag desisyon akong lumapit sa kanya at kausapin siya.

"Ms?..Are you lost? "pagtatanong ko sa babaeng kanina pa naka halumbaba at nakatingin sa direksyon ko.

naka dalawang tanong pa ako pero wala akong nakuhang sagut mula sa kanya.

mukhang malalim rin ang iniisip niya,

Natauhan lang siya ng kinaway-kaway ko ang kanang kamay ko malapit sa mukha niya.

pinunasan niya ang laway niya na malapit ng tumulo sa laki ng awang ng mga labi nito,

binigyan niya lang ako ng wierdong tingin habang magka salubong ang dalawang kilay nito, At umalis na ng coffe shop, dala- dala ang kulay asul na malaking maleta at isang maliit na back pack.

Okay naman siya kung titingnan ,naka suot ng puting backless at fitted na pantalon at suot na white sneakers. Maganda rin ang hugis ng balingkinitan niyang katawan. kaso sobrang wierd ng mga kini- kilos niya.Isa lang ang masasabi ko sa kanya. Sobrang wierd niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status