Share

CHAPTER 6

Gutom na ako at mag ta-tatlong oras ng hindi parin lumalabas ng silid ang masungit kong boss.

Hindi kalakihan ang bahay niya kaya madali ko lang nahanap ang kusina nila, pero ilang menuto rin akong naghanap ng nawawalang ref, para kumuha sana ng malamig na tubig pero ang seste! nalibot ko na ang boung kusina ,hindi ko man lang makita,

napasandal na lang ako sa lamesa ng mapagtanto ko na nasa harap ko lang ang hinahanap kong ref. konti na lang at lalamunin na ako nito sa laki.

Kung may bibig lang siguro ang ref na yan, malamang kanina pa niya akong sinigawan.

"Excuse me,What are you doing? " Muntik na akong mabulunan sa pag inum ng tubig ng may bigla na lang magsalita sa likod ko.

Dahan dahan kong ibinaba ang baso sa mesa saka humarap sa kanya.

Nakita ko naman ang pag salubong ng dalawa niyang kilay na tila nagtataka kong bakit ako nasa bahay niya.

kung pwede lang ahitin ang kilay niya ng oras na yon ay ginawa ko na.

Gwapo naman siya kong titingnan pero mas lamang ang pagiging ugaling sinto-sinto niya. psh...

*****

Sa kabilang banda tanghali na ng magising si Drake mula ng mawalan siya ng malay kaninang umaga.

As I finish taking a bath, I just wear a jogger and plain black sando, masakit parin ang ulo ko at hindi ko na matandaan ang nangyare kanina .Nang magising ako kanina nasa mesa na ang gamot ko at maayus na rin ang pakiramdam ko.

Tatawagin ko sana si Nanay Lisa ng maalala kong nag paalam nga pala siya kahapon na isang buwan itong mawawala,

Nang makarating ako sa kusina, kuno't noo kong tiningnan ang babaeng kumuha ng atensyon ko.

"Ako po muna ang papalit kay Nanay Lisa pansamantala habang wala siya"Napa kunot naman ang kilay ko sa sinabi niyang 'yon, papalit? magiging katulong ko siya?

Napailing iling na lang ako at umupo sa harap ng lamesa, habang siya naman ay nanatiling naka nakatayo at tila hindi alam ang gagawin.

"Mas maganda kong ipag luto mo na lang ako ng makakain "

"Sir, wala ho akong alam sa pagluluto"nahihiya pang sambit nito.

"WTF!.. Nagbibiro ka ba sa edad mong 'yan? "

saang Planeta ba siya nanggaling at kahit pag luto ay wala siyang alam.

"Ipagtimpla mo na lang ako ng kape " Tumayo ako at iniwan siyang hindi parin natitinag sa pagkakatayo, wala akong panahon na makipag biruan sa kanya.Ano bang akala niya? gusto ko siyang narito sa loob ng pamamahay ko

at isang buwan na magtitiis sa kagagahan niya.

*****

Hindi ko alam kong naniniwala ba siya sa sinabi ko na hindi ako marunong magluto,

nakita ko kasi ang pag ngiti nito ng palihim.

Ngayon naman kailangan ko magtimpla ng kape. Paano ba magtimpla ng kape? Way back in our Ranch, if I want a coffee our maids will served it to me kaya hindi ko alam kong paano ginagawa ng katulong namin 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang kaisa isang kaibigan ko "Hey! Kira paano na magtimpla ng kape? "tanung ko agad pag kasagut niya ng tawag.

"wtf..Samara Valderama!. hangang sa pagtimpla ba naman ng kape ay kailangan mo akong abalahin "pagmamaktol naman nito sa kabilang linya.

"Kira, just tell me how to make coffee ng hindi ka na maabala" gusto pa yata niyang mamatay ako dito kaka isip kong paano gumawa ng kape. Ano ba kasi 'tong pinasuk ko ,kahapon lang ay sekretarya ako ngayon naman ay katulong, kulang na lang talaga ay tumirik ang mata ko sa ka iirap kahit wala naman sa harap ko si Kira.Ngunit ang magaling kong pinsan ay pinatayan ako ng cellphone.

Ilang menuto pa akong nag isip kong ano gagawin, Nang biglang umilaw ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Kira.

Step 1: kumuha ka ng tasa

Step 2:Lagyan mo ng mainit na tubig

Step 3:Put some coffee and take note itim ang kulay ng kape'

Step 4 :and Add some sugar

Step 5: Higupin mo hanggang magpalpitate ang boung pagkatao mo ng dahil sa kape, peste!

Nang mabasa ko ang text ni Kira, mabilis pa sa alas kwatro na kumuha ako ng tasa ,then I follow the instructions that she sent.

inilibot ko ang paningin ko sa boung kusina para hanapin ang sinasabi ni Kira na kulay itim na kape. Pinili ko na lang ang kulay itim na nakalagay sa isang bote ,then I put a hot water at nilagyan ng dalawang kutsarang asukal.

Nang matapos akong mag timpla sakto naman dumating si sir Hanz

"Nagkakape ka? "nagtatakang tanong ni sir Hanz habang nakatingin sa hawak kong kape,

"Kay sir Drake po yong kape"nakangiti ko namang sagut sa kanya habang confident pa akong hinahalo halo ang isang tasang kape.

"Pwede muna ako iwan, ako na lang magluluto ng hapunan"pasalamat lang talaga ako at narito ang isa pang kaibigan ni Sir Drake, mas mabuti na rin at hindi si Marcus ang kasama ko dito, kong hindi ay baka pag awayan pa namin kong sino ang magluluto para sa boss kong ubod ng sungit. psh!...

"Sige po sir"

"Hanz na lang,wala naman tayo sa trabaho"

matipid na sabi naman nito habang nakangiti saka nag hiwa ng dala niyang karne, ngumiti na lang ako sa kanya saka umalis,

Kaagad kong hinanap kung nasaang lupalop ng bahay ang boss ko, bago ibinigay ang kape.

"Sir, ito na ho ang kape mo, may kailangan pa po ba kayo? saka nariyan na po si Hanz "inilapag ko ang kape sa study table niya at saka inilibot ang paningin sa paligid.

"Pagkatapos mo magluto. dalhan mo ako ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom"

tumango na lang ako at pinagmasdan siyang inumin ang kape na tinimpla ko para sa kanya.

"fuck!.. anong klaseng kape ba 'to? Gusto mo ba akong magka diabetis sa tamis ng tinimpla mo"Muntik pa akong mabasa ng bigla niyang ibinuga 'yong tinimpla kong kape. Buti na lang naka iwas ako agad.

"e,sir ano po bang lasa?" naka kunot noo ko pang tingin sa kanya.

"Lumabas ka na ! at baka ipa ubos ko pa sayo yan'g tinimpla mong kape, ng malaman mo kung gaano ka kapanget magtimpla! "

galit na galit na singhal nito.

Nakakatakot din ang tingin niya na parang kakainin ako ng buhay.

Wala pang isang segundo akong lumabas sa silid ,wala akong paki alam kong gaano pa kalaki ang hakbang ko papalayo sa kanya.

Kung hindi ko lang siya amo, malamang ay nakalbo ko na ang lalakeng 'to. Tomungo ako sa kusina at simahan na lang si Hanz sa paghahanda ng pagkain ng magaling kong amo.

-

Maya'maya, Bumalik ako sa silid kong nasaan si Drake at ibinuhos sa mukha niya ang natitirang kape na tinimpla ko para sa kanya. "Ang kapal ng mukha mong padilatan ako ng mata"malakas na sigaw ko sa kanya at pinaluhod siya sa harapan ko.Nakita ko naman sa kanya ang pag mamaaka awa na h'wag na siyang saktan ,pero syempre imagination ko lang yon at hindi 'yon mangyayare.Napangiti na lang ako ng maisip ko ang kalokohan na pumasuk utak ko.

Ayokong bumalik sa Rancho at bumalik sa dati kong buhay at pakasalan ang lalakeng hindi ko naman gusto, Kaya hangga't kaya kong magtiis, ay magtatrabaho ako sa huklobang boss ko. At ma-realize ni papa na ang pinaka maganda niyang anak ang mas mahalaga sa kanya kesa sa yaman ng Rancho.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status