"A-no? B-akit ako aalis ng bansa, Mommy? Paano ang baby ko?" histerya niya.Pinagpawisan na siya ng malamig. Kita niyang desidido ang Mommy niya na paalisin siya ng bansa."This is the best for you, Crystal. Doon ka muna hangga't hindi pa malamig ang ulo ng Daddy mo," pagpapatuloy nito habang pilit sinisiksik lahat ng gamit niya sa maleta.Kinakabahan man at natatakot ay pilit niyang pinigilan ang kamay nito."Mommy, don't do this to me—""Ano bang gusto mong gawin ko para sa'yo, ah?! Hayaan ka na mapunta sa mental at pagpiyestahan ng mga tao sa labas? Crystal, para din sa'yo ito. Kung alam mo lang kung ano'ng tingin sa atin ng mga tao ngayon, ikaw mismo ang lalayas!" galit na nitong turan.Natigalgal siya, "M-ommy, please, hindi ako lalabas ng bahay. Huwag po ganito—"Pumikit ito nang mariin bago siya hinarap. Mahigpit nitong hinawakan ang mga balikat niya."Listen to me, Crystal. Pansamantala lang naman, hindi ka magtatagal doon. Hayaan mo munang maayos namin ito ng Daddy mo. Hindi
SOMEONE'S POV"Mayaman ka?" pang-aasar sa kanya ni Philip.Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan, "You knew me even before."Ngumisi ito, "Naman! Pupunta ka roon? Makikita ka ni Courtney."Sandali siyang natigilan, "I don't care about her."Tanging si Crystal lang ang nasa pokus niya. Kung hindi niya ito mababawi baka kung ano'ng magawa niya sa pamilya nito."Kahit na magpunta ka pa ngayon doon. Huli na, kahapon pa yata nasa airport si Crystal at malamang na nakaalis—""F*ck! You should have told me that earlier!" Galit niyang kinuwelyuhan ang kaibigan na nagtaas lamang ng mga kamay."Easy. Hindi ko naman alam na maghahabol ka pa. Isa pa, may access ka naman sa mansyon. Sana ay pinigilan mo," rason nito.Mabagsik niya itong binitiwan at iniwan na roon. Kumukulo ang dugo niya at tingin niya makakasapak siya ngayon. Paanong basta na lang pinaalis ng bansa?!Wala siyang sinayang na oras at gigil na pinagana ang pick-up niya. Hindi niya alam kung aabot siya pero dapat lang na umabot siya.
Hindi alam ni Crystal kung paanong mag-u-umpisa sa banyagang lugar na iyon. Walang kahit sino sa tabi niya, ayaw niya ring tumawag sa mga magulang, hindi rin naman kasi tumawag ang Mommy niya para kamustahin kung nakarating siya ng ligtas.Pakiramdam niya ay inabandona na siya. Mabuti nga at hindi siya sa lansangan napadpad kaya lang sobrang lungkot ng bahay lalo pa't siya lang mag-isa.Gusto niyang magsimula muli, maghanap ng trabaho dahil duda siya kung padadalhan ba siya ng pera.Tahimik siyang nag-scroll sa cellphone para sana humanap ng online job ngunit iba ang nahanap niya. Latest news iyon sa doon—interview sa pamilya niya. Ngiting-ngiti sa camera ang Mommy niya habang seryoso lang ang Daddy niya."Himala po at bumalik kayo sa kumpanya? Senyales po ba ito na totoo ang balita na buntis ang dalawang anak ninyo sa isang lalaki?" pangahas na tanong ng reporter.Napataas ang kilay ng Mommy niya ngunit mabilis na umiling."That is just a rumor. Yes, Courtney is pregnant, but Crystal
Mabilis niyang nilukot ang papel na hawak. Paglingon niya sa katulong ay halatang kinakabahan ito sa reaksyon niya."M-a'am—""Sino po bang amo ninyo?!" mababa ngunit madiin niyang tanong.Napalunok ito, "Hija, huwag mo na lang intindihan iyan—""Kaligtasan ko po at ng anak ko ang nakasalalay dito kaya paanong hindi ko iisipin?!" hindi niya mapigilang magtaas ng boses.Pumikit siya nang mariin, pakiramdam niya talaga ay hindi siya ligtas at hindi siya kumportableng may nagmamatiyag sa kanya."Please, Yaya Lilit. Sabihin niyo na po sa akin. Hindi po normal lahat ng ito," pagmamakaawa niya.Pagmulat niya pa ng mga mata ay naiiyak na rin ang matanda."Aminin niyo nga po kung ang amo rin ba ninyo ang nagpapadala sa akin ng pera?""Hija, magpahinga ka na muna—""I'm right?" Natawa siya nang mapakla, "Bakit hindi niyo masabi sa akin kung sino?"Ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Yaya Lilit. Nainis lang siya kung kaya't iniwan niya ito sa ibaba. Si Royce lang ang kilala niyang Consunji at
AFTER SEVEN YEARS"Well, if you want that part removed, then I will. Perhaps it will give you more space for your kitchen," nakangiting pagkausap niya sa kanyang client."I guess that would be. You've been a big help, Miss Fuentes," natutuwang papuri nito.Muli siyang ngumiti bago nagpaalam dito. Sinisigurado niya na lahat ng client niya ay nasusunod lalo na pagdating sa disenyo ng bahay. Limang taon na rin niyang trabaho iyon, mas convenient lalo pa't nasa bahay lang siya at walang kumpanyang sinusundan."Tapos ka na, Anak? Pinaghanda na kita ng hapunan mo," ani Yaya Lilit na sumilip sa kwarto niya.Ngumiti siya rito. Mabuti nga at nanatili ito sa kanya sa kabila ng kagaspangan niya sa ugali. Kung wala siguro ito noon ay baka namatay na rin siya sa gitna ng daan. Ito pa ang nagmakaawa sa kanyang manatili sa tabi niya sa malaking pagsubok na iyon ng buhay niya.Nangako naman itong hindi na tatawagin pa ang amo nito at hindi na makikipagkomunikasyon dito. Iyon din ang dahilan kung baki
"Hija, sigurado ka na ba rito? Ako ang kinakabahan sa'yo," hindi mapigilang bulalas ni Yaya Lilit noong makarating na sila sa bansa.Buhat nito si Serenity na mahimbing ang tulog. Sinalubong sila ng init paglabas sa Airport pero mas mainit ang galit na nararamdaman niya ngayon. Hindi siya papayag na walang mapunta ni pisong kusing sa anak niya!"Nay, kung kinakabahan ka, kaya na namin ni Serenity 'to. Isa pa, bukas pa lang ako pupunta roon, sakto sa birthday ni... mommy."Umangat ang gilid ng labi niya. Sinadya niya talaga na marami ang tao. Hindi siya mamamahiya, gusto niya lang ipakilala sa madla ang anak niya. Hindi rin siya nahihiya kahit pa malaman ng lahat na iisa ang tatay ng anak niya at ng anak ng Ate Courtney niya. Sa dami na ng pinagdaanan niya, aatras pa ba siya?"Susmaryosep! Ikaw na bata ka talaga, baka atakehin sa puso ang Mommy mo."Napailing siya at kinuha sa bisig nito si Serenity, "Akala ko oh ba ay uuwi kayo sa probinsya?" balik na tanong niya dahil iyon ang balak
Lumakas ang bulungan sa paligid noong mas matitigan nila si Serenity. May narinig pa siyang nagsabi na totoo ang chismiss sa kanya, na totoo na anak ni din Royce ang anak niya.Nanatili siyang nakataas ang noo kahit pa alam niyang hinuhusgahan na siya. Hinawakan niya rin nang mahigpit sa kamay si Serenity noong makalapit sa kanya.Hinarap niya ang ina na nanlalaki pa rin ang mga mata."Mommy, this is Serenity Consunji, your first granddaughter," malakas na pagdidiin niya na kinasinghap ng mga naroon."Gosh, anak din ba ni Royce ang bata?" tanong ng isang Ginang.Sasagutin sana niya iyon kun'di lang namutla ang Mommy niya. Nangunot ang noo niya noong hawakan nito ang d*bdib na tila hindi makahinga. Lalapit na sana siya ngunit kita na niya ang Ate Courtney niya na patakbong lumapit."What is this commotion?!" galit na sigaw nito ngunit natigilan matapos siyang makita."C-rystal?" hindi makapaniwalang tanong nito.Umismid siya at hindi ito sinagot. Linapitan niya ang ina na naghahabol ng
"Hmp!" Pilit niyang inalis ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya ngunit hindi siya nagwagi."Where is she? I will get my daughter—F*ck!" mahina itong napahiyaw sa sakit noong kagatin niya ang palad niyo.Mabilis siyang kumawala sa hawak nito. Galit niya itong tiningnan ngunit sandaling natigilan sa itsura nito. Kahit ang buwan lang ang nagpapaliwanag sa paligid, kitang-kita niya ang itsura nito. Tingin niya nga ay bumagay ang pagdagdag ng edad nito. Ang lakas ding makahatak ng maruming panga nito dahil sa papatubong balbas.Pinilig niya ang ulo upang bumalik siya sa huwisyo. Mabilis niyang sinara ang pinto ng veranda upang hindi nito makita si Serenity."A-nong ginagawa mo rito?! Ngayon ka magpapakita kung kailan hindi na kita kailangan?!" mahinang angil niya.Umigting ang panga nito at halos muntik na siya muling mapasigaw noong hilahin siya nito sa braso."I have all rights to my daughter! Ano'ng karapatan mong ipagkait siya sa akin?!" gigil ngunit mababang angil din nito.Na