Umawang ang mga labi niya at hindi pa rin makapaniwalang hawak siya nito. Hindi siya makabuo ng salita kahit pa ang dami niyang gustong itanong. Para din siyang kakapusan ng hininga ngayong nakadikit ito sa kanya.
"I know you want me," muling bulong nito at dinampihan pa ng h*lik ang punong tainga niya.
Doon siya napakurap at mabilis itong tinulak. Lumayo siya rito habang tumikwas lang ang kilay nito.
"A-no bang ginagawa mo rito? Bumalik ka sa kwarto ni Ate," may kabang utos niya.
Marahan itong humakbang dahilan upang umatras siya.
"So you don't want me here?"
Napaiwas siya ng tingin at hindi makasagot. Nagdadalawang isip siya sa sasabihin. Masaya siya ngayong nasa harap niya ito pero nakokonsensya siya dahil dapat na nasa loob ito ng kwarto ng ate niya.
"A-no bang kailangan mo?"
Napapikit siya nang mariin noong inilang hakbang lang siya nito at agad na hinuli ang bewang niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi rin siya makahinga nang maayos sa lapit nito. Ayaw niyang imulat ang mga mata sa takot na masalubong ang mainit nitong titig.
"What if I tell you that I like it here... beside you," naging paos ang boses nito.
Kinuyom niya ang kamay dahil hindi niya mapigilan ang sayang naramdaman sa narinig. Totoo ba talaga ang sinabi nito?
"T-his is wrong. Bumalik ka sa ate ko—"
"You're pushing me away? Akala ko ba gusto mo ko, hm?"
Nahigit niya ang hininga matapos masamyo ang mabangong hininga nito. Napasinghap pa siya matapos bumaba ang palad nito sa hita niya.
"S-andali, hindi pwede 'to. Doon ka na."
Muli niya itong tinulak ngunit mas lalo lang siya nitong hinapit dahilan upang mapamulat siya nang mga mata. Para siyang nalulunod matapos masalubong ang mga maitim nitong mata na puno ng pagnanasa.
"I want you, Crystal," madiin nitong bigkas na tila ba wala siyang pagpipilian kun'di um-oo.
Napalunok siya ngunit nangilid din ang luha sa mga mata niya. Pilit niyang linalaban ang tukso dahil gahibla na lang ay siya na ang hah*lik dito.
"P-aano ang ate ko? Mali na nandito ka—"
"Shh. She's sleeping, she's not my type."
Mas hinapit siya nito at akmang hah*likan ngunit pinigilan niya ang d*bdib nito.
"Bakit mo pa siya pinakasalan kung hindi mo pala siya gusto?"
Kita niyang pumikit ito nang mariin na tila ba nainis sa tanong niya. Umigting din ang panga nito. Halatang nauubusan ng pasensya.
"Do you like me or not?" aroganteng tanong nito.
Napakurap siya, para bang minamadali siya nito. Kahit gusto niya ito, ayaw naman niyang gumawa ng kasalanan.
"Kapag ba pumayag ako, hihiwalayan mo si ate?"
Nanliit ang tingin nito, dumiin din ang hawak sa bewang niya. Matagal bago ito nagsalita.
"This is just a matter of whether you want me or not, Crystal. Lalabas na ako kung hindi mo gusto," malamig na bigkas nito.
Binitiwan siya nito at tinalikuran. Naalarma siya at agad na pinigilan ang siko nito.
"S-andali."
Nilingon siya nito mula sa likod. Nanginginig ang kamay niyang binitiwan ito. Bahala na!
Lumunok siya at huminga nang malalim.
"Gusto kita—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin matapos siya nitong sunggaban ng h*lik. Kusang pumikit ang mga mata niya at humawak sa braso nito habang madiin nitong hinapit ang bewang niya. Agad niyang sinagot ang mapusok nitong h*lik hanggang sa bumagsak sila sa kama.
Alam niyang lunod na lunod siya sa pagkakagusto rito kaya't kahit alam niyang mali ang ginagawa ay hindi niya pinigilan ang sariling magpa-*ngkin dito. Buong loob niyang binigay ang pinaka-iniingatan niya. Para naman talaga kay Royce iyon kaya't wala siyang pinagsisihan sa gabing iyon.
Akala niya ay panaginip lang ang nangyari noong paggising niya at hindi ito makita sa tabi niya. Napabalikwas siya ng bangon ngunit napad*ing sa sakit ng katawan niya partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Sandali siyang natigilan at napagtantong wala rin siyang ni ano mang saplot. Pagtingin siya sa kama ay may kaunting mantsa ng dugo sa bed sheet.
Napakurap siya at inaalala ang nangyari, totoo talagang nasa kwarto niya ito lalo pa't kasabay niya itong umungol kagabi! Siya ang sinamahan nito imbis na ang ate niya!
Para siyang maiiyak sa tuwa. Nawala lahat ng pagluluksa niya at napalitan ng pag-asa na baka gusto rin siya nito. Wala na siyang pakialam kahit pa masaktan ang ate niya kapag hiniwalayan ito ni Royce, ang importante sa kanya ay siya ang pinili nitong samahan sa mismong gabi ng kasal nito.
Wala siyang sinayang na oras, gusto niyang makita agad si Royce kaya't kahit manhid pa ang mga hita niya at nahihirapan siyang maglakad ay bumaba siya sa kusina. Nag-a-almusal na ang mga magulang niya roon.
"Mukhang maayos ka na, anak," puna ng Mommy niya.
Napahawak siya sa pisngi niya, "Tanggap ko na po."
Ngumiti ito nang malawak. Tumayo pa ito para h*likan siya sa pisngi at yakapin.
"Balang araw, ikaw naman ang ikakasal pero huwag mo na ngayon ah? Bata ka pa tsaka wala na akong baby girl kapag kinasal ka na." Napanguso pa ang Mommy niya.
Tipid siyang ngumisi at tumango. Talagang balang araw siya naman ang ikakasal kay Royce!
Sa sobrang sweet ng Mommy niya ay ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Saktong pasubo siya noong lumitaw sa kusina ang Ate niya, nakapang-opisina na rin ito. May bitbit itong dalawang roba na mukhang ipapalaba nito. Natigilan pa siya matapos makita ang asul na roba, mas lalo tuloy niyang nakumpirma na hindi panaginip ang kagabi. Iyon ang suot ni Royce kagabi!
Napaangat siya ng tingin dito. Malaki ang ngiti nito na akala mo ay hindi ito iniwanan ng asawa kagabi. Nainis siya bigla pero baka nakatulog nga ito kaya't iniwan ni Royce.
"Magtatrabaho kayo agad? Bakit hindi muna kayo mag-honeymoon?" suhestiyon ng Mommy niya.
Simpleng umikot ang mga mata niya sa narinig. Tinikom niya ang bibig upang hindi makapagkomento.
"Dapat nga ay hindi dito sa bahay ang first night ninyo," dagdag pa ng Mommy niya.
"Ma, naman. Okay lang, tatapusin muna namin ni Royce ang mga trabaho bago magbakasyon para naman hindi mamroblema si Crystal."
"Aysus, gusto ko na ng apo ano. Di ba, Daddy?" baling pa ng mommy niya sa kanyang Daddy Javier.
"Huwag mong madaliin ang mga bata. Hayaan mo munang mag-enjoy sila sa isa't isa."
Mahinang natawa ang Ate niya, "Daddy, naman. Darating ang apo ninyo, maghintay lang kayo."
Napangisi siya sa narinig. Darating nga ang apo nila pero baka sa kanya pa manggaling.
Niyaya itong umupo ng mommy niya ngunit tumanggi ito. Sakto naman ay lumitaw si Royce kaya't napaupo siya nang tuwid. Kiniling niya ang ulo at simpleng inipon ang buhok niya sa kaliwang balikat upang makita nito ang leeg niya. Alam niyang nag-iwan ito ng marka roon kagabi.
Napakurap siya noong tila hindi siya nito napansin na nasa mesa rin matapos mag-good morning din ito sa mga magulang niya.
"Let's go, Love?" Hinapit pa nito ang bewang ng ate niya.
"Aalis na kayo agad? Ayaw niyo bang kumain muna?" alok ng Mommy niya.
"Hindi na, Mommy. Drive-thru na lang. May maaga pang meeting si Royce," tanggi ng ate niya.
Sinubukan niyang sulyapan si Royce ngunit nakatitig lang ito sa ate niya na tila ba wala itong ibang nakikita kun'di si Courtney Fuentes lang.
Kumuyom ang kamao niya at napayuko. Bahagyang nanakit ang puso niya. Huwag mong sabihing nakalimutan na nito ang nangyari kagabi? Nagpalipas lang ba ito ng init sa kanya?
"Isabay niyo na si Crystal, sa kumpanya rin naman kayo didiretso," suhestiyon ng Daddy niya.
Napaangat siya ng tingin, sakto na nakatingin sa kanya ang bagong kasal.
"Gusto mo bang sumabay, Baby sister—sandali, nakagat ka ba ng lamok? Ano iyang nasa leeg mo? Bakit namumula?" Lumapit ang ate niya at hinawakan pa iyon.
Napatayo siya kasabay ng kabog ng d*bdib niya. Ang gusto niyang makakita at makaalala no'n ay si Royce!
"Lamok? Patingin nga." Tumayo rin ang Mommy niya ngunit umiwas siya.
"Wala ito." Tinakpan niya ang leeg ngunit ang tingin niya ay dumiretso kay Royce.
Kita niyang gumalaw ang adams apple nito pero nakayakap pa rin sa Ate niya. Kumabog ang d*bdib niya matapos mapunta sa leeg niya ang tingin nito.
"It's not a mosquito bite, it looks like a kissmark," mabigat nitong bigkas na kinatahimik ng kusina.
Hindi niya maialis ang tingin kay Royce, hindi rin naman ito nag-iwas ng tingin. Hinihintay niyang umamin ito dahil handa naman siyang tanggapin ang parusa niya basta sila hanggang huli.
"Who gave you a kiss mark last night, Crystal?" maingat nitong tanong bago umangat ang gilid ng labi nito.
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m