Share

KABANATA 3

Nangatal ang dila niya at hindi agad nakasagot. Napatitig pa siya nang matagal kay Royce. Gusto na ba nitong ibunyag ang nangyari sa kanila? Handa naman siya.

Tumikhim siya at simpleng ngumiti, "It's y—"

Hindi niya naituloy ang sagot matapos humalakhak ang ate niya. Hinampas pa nito si Royce.

"Huwag mo ngang ipressure ang kapatid ko. Baby pa iyan, baka nakagat lang talaga ng lamok." Nagtaas baba pa ang kilay ng Ate niya sa kanya.

Nabura ang ngiti niya at naikuyom ang kamao. Wala ba talaga itong ideya na wala ang asawa nito kagabi?

"I'm just guessing." Kumibit balikat si Royce at inosenteng ngumiti.

Lalo siyang nanlumo sa reaksyon nito. Napakaduwag! Hindi man lang nito kayang aminin ang ginawang pag-*ngkin sa kanya kagabi!

Nakaalis na lang ang mag-asawa ay hindi pa umaayos ang pakiramdam niya. Nagulat pa siya noong maramdaman ang palad ng Mommy niya sa kanyang noo.

"Are you sick, Crystal? Namumutla ka, Anak. Huwag ka na munang pumasok sa opisina—"

Agad siyang tumayo na kinagulat nito, "Papasok po ako."

Hindi na niya hinintay ang reaksyon ng mga ito. Alam niyang kab*stusan ang ginawa niya pero gusto niyang makarating na agad sa opisina. Gusto niyang panindigan siya ni Royce. Hindi pwedeng basta na lang siya nitong ginamit at babalik sa ate niya! Kailangan nitong panagutan ang nangyari sa kanilang dalawa! Hindi naman siya ang lumapit kun'di ito!

Wala siyang sinayang na oras. Agad siyang nag-ayos at nag-drive papuntang kumpanya nila. Kukumprotahin niya si Royce pero hahanap siya ng tamang oras. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang plano nito!

"Good morning, Miss Crystal," si Ella, ang sekretarya niya.

Tinanguan niya lang ito bago pumasok sa loob. Sumunod naman ito at nilapag sa mesa ang schedule niya. Tinapunan niya lang iyon ng tingin.

"Uhm, may mga rereview-hin po kayong designs—"

"Anong oras ang free time ni Royce—I mean, ni Kuya Royce?" agad niyang tanong.

"Po?" Napakurap ito ngunit tinaasan niya ng kilay kaya't alam nitong hindi na niya uulitin ang tanong.

"H-indi ko po alam ang schedule ni Sir Royce—"

"Alamin mo. Get in touch with his secretary," malamig niyang dagdag.

Kita niyang nanginig ang kamay nito, "Ma'am, kayo na lang po kaya ang magtanong kay Miss Courtney—"

"Sinabi ko bang si Courtney ang tatanungin? I told you to get in touch with his secretary!"

"Yes, Ma'am! Copy!"

Tumalima ito palabas habang siya ay napabuga ng marahas na hangin. Kailangan niya pang sumigaw para lang sumunod ito. Kailangan niyang makausap si Royce pero hindi pwedeng malaman ng ate niya.

Kinuha niya ang sign pen at kinagat ang dulo niyon bago nagbukas ng folder. Hindi siya makapagpokus sa binabasa, pilit bumabalik sa isipan niya ang nangyari kagabi at ang pag-a-aktong inosente ni Royce kaninang umaga. Mabigat siyang bumuntong hininga, ang gusto lang naman niya ay umamin ito at hiwalayan ang ate niya. Handa naman siya sa magiging galit ng mga magulang niya basta pakasalan siya nito at panagutan!

Lumipad ang tingin niya sa pinto noong bumukas iyon at sumilip si Ella.

"What?"

"Ma'am, may patapos na meeting po si Sir Royce. Pagkatapos po no'n ay babalik na siya sa kumpanya nila."

Naningkit ang tingin niya at tipid na tumango. Agad din naman nitong sinara ang pinto.

Kinuha niya ang puting bag niya at agad na lumabas ng opisina. Nagtataka pa ang tingin sa kanya ni Ella pero hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa conference room kung saan madalas ang meeting. Tumayo siya roon at naghintay. Hindi siya papayag na hindi ito makausap ngayon!

Tumayo siya nang tuwid matapos makita ang papalabas na mga Ginang at lalaking naka-meeting nito. Pilit siyang ngumiti na tinanguan ng mga ito.

Noong masigurado niyang wala ng ibang tao sa loob ay agad siyang pumasok doon at sinara ang pinto. Dinatnan niya si Royce na nag-aayos ng mga folder. Nag-angat ito ng tingin at mukhang nagulat pa na nandon siya.

"What brought you here, Crystal?" nakangiting tanong nito.

Hindi niya maibalik ang ngiti. Napakainosente nitong tingnan ngayon kumpara kagabi na napaka-wild at napakaseryoso.

Tumikhim siya at mabagal na lumapit sa mahabang mesa. Gumawa pa ng tunog ang pagpatong niya ng bag sa mesa.

"I was wondering what happened last night," mabagal niyang bigkas para naman agad nitong makuha ang gusto niyang pag-usapan.

Kumunot ang noo nito bago pinagpantay-pantay ang mga folder.

"Why? What happened? Did someone sneak in your room and gave a kiss mark?" natatawang tanong nito na tila ba biro lang iyon, "Or did you sneak out and go to the bar?"

Umawang ang mga labi niya. Bakit ba 'to umaaktong walang alam?!

"Nakalimutan mo na?" hinanakit niya.

Bumakas ang gulat at kalituhan sa mukha nito, "Anong nakalimutan ko na?"

Bumikig ang lalamunan niya at parang gusto na lang maiyak. Hindi ganoong reaksyon ang gusto niyang makuha!

"Nakalimutan mo na iyong kagabi?" mahinang tanong niya, nanghihina dahil mukhang siya lang nakakaalala.

Mas lumalim ang gitla sa noo nito, "I was sleeping peacefully with your sister last night. I don't understand, Crystal. What were you trying to say?"

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Gusto na niya itong sigawan at ipaalala ang mga ginawa nila kagabi.

"You know, if you hooked up with a guy last night, don't worry, I won't tell your parents. It's normal since you are single and still young. Just be careful," dagdag pa na paalala nito.

Napatawa siya nang mapakla. Kuyang kuya ang asta nito samantalang kagabi ay kulang na lang hindi siya patulugin at kulang na lang ay ibabad nito ang ulo sa pagitan ng mga hita niya!

"Gosh, you forgot," sarkastikong bigkas niya bago umiling.

Napatingala siya at kumurap upang hindi bumagsak ang mga luha niya.

Dinig niyang bumuntong hininga ito, "You're a sister to me now, Crystal. You can tell me what's going on and I might give you some advice. Iba na ang mga lalaki ngayon, mas magandang nag-iingat ka."

Pinipiga na talaga ang puso niya sa mga sinasabi nito. Kapatid lang ang tingin nito sa kanya ngayon samantalang kagabi ay daig pa niya ang maging asawa nito sa bawat galaw nito sa loob niya.

Linunok niya ang pananakit ng lalamunan niya at kinuha ang bag niya. Wala rin siyang mapapala kahit sabihin niya ang nangyari dahil mukhang itatanggi nito.

"Just forget it. Nevermind. I hope someone will not sneak into my room tonight," makahulugang bigkas niya rito bago lumabas ng conference room.

Bahala na kung ano ang isipin nito. Nawala siya sa mood buong araw.

Gigil niyang nilukot ang dokumentong binabasa, "Arggh! How dare you, Royce!"

Nagtagis ang mga ngipin niya. Siya na lang ang magsasabi sa mga magulang niya. Wala naman siyang pakialam kahit pa masira ang relasyon ng Ate niya at ni Royce.

Kinagibahan noong umuwi ay iyon ang plano niya. Kaya lang ay hindi niya magawa matapos makitang tapos ng kumain ang mga ito at maging ang bagong kasal. Nasaktan siya na hindi siya hinintay ng mga ito.

"Ipaghahanda ka ng katulong ng makakain, Hija. Didiretso kami sa garden at may magandang balita. Napapayag ng Kuya Royce mo ang mga investors kanina," masayang balita ng Mommy niya.

Hilaw siyang napangiti lalo pa't nakita niyang umakbay ang Daddy niya kay Royce at giniya ito paalis ng kusina. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Royce! Sumunod doon ang Mommy niya. Paglingon niya sa ate niya ay nakangiti ito habang sinusundan ng tingin ang asawa.

Binagsak niya ang bag sa mesa na kinalingon ng ate niya. Imbis na mainis ay ngumiti pa ito habang iniipon ang mga maduming plato.

"Sinabi ng Kuya Royce mo na pinuntahan mo siya kanina. So, you're seeing a guy now?" Nakangising tanong nito, "Tell me. Is he handsome? Cute? You should date him, Baby Crystal!"

Simple siyang umirap dahil naiinis siya. Ngumuso siya upang pagtakpan ang pagkainis. Seryoso ba talaga si Royce na sabihin iyon sa ate niya? Hindi man lang ba ito kinabahan na baka ibunyag niya ang nangyari sa kanila?

"I dropped him like a hot potato. May nakita akong mas hot at wild. I think I should meet him tonight. What do you think?" makahulugang tanong niya.

Ngumiti ito muli, "Why not if he is hot! Go for him!" pagmo-motivate nito, walang ideya na asawa nito ang tinutukoy niya.

Ngumisi siya at muling kinuha ang bag. Tinalikuran niya ito at hindi na pinansin kahit pa tinawag siya nito para kumain. Agad siyang nagh*bad ng damit pagkapasok sa kwarto. Kinuha niya ang reserbang wine sa kabinet niya at wine glass bago dumiretso sa banyo at nagbabad sa bathtub. Gusto niyang mawala ang stress niya kahit sandali lang.

Matalim ang titig niya sa kawalan habang naririnig ang tawanan sa labas. Mukhang nagsasaya sila habang siya ay nagagalit. Makakangiti pa kaya sila kapag inamin niya ang totoo?

Nilagok niya ang wine at nagsalin muli sa baso. Ang tagal niya sa bathtub. Hindi siya umahon. Hinintay niyang mamatay ang tawanan bago siya nagbanlaw. Tinapis niya ang tuwalya bago lumabas.

Iyon nga lang paglabas niya sa banyo ay naroon ang hindi niya inaasahang bisita. Nakatagilid ito ng higa sa kama habang nakatingin sa relong nakasabit sa dingding na tila inoorasan ang pagligo niya. Nakaroba muli ito ngunit puti na iyon ngayon. Agad na dumapo sa kanya ang titig nito. Mainit iyon at tila h*bad agad siya sa isip nito.

Lalo siyang nainis. Ang kapal ng mukha nitong puntahan siya samantalang hindi nito maalala ang nangyari sa kanila!

"Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka sa asawa mo. Hindi ko kailangan ng duwag na lalaki," maanghang niyang bigkas bago dumiretso sa closet.

Dinig niya ang pagbaba nito sa kama at pagsunod sa kanya. Balewala siyang humugot ng nighties kahit pa alam niyang malapit ito.

"What's with that attitude? Didn't you like what we did last night?" bulong na tanong nito.

Mapang-akit at malalim na naman ang boses nito, kaibahan kaninang umaga na napaka-inosente.

Hindi siya nakatiis at hinarap ito, "Wow ah? Kapal mo naman na itanong iyan samantalang hindi mo maamin kanina na may nangyari sa atin!"

Natahimik ito. Naningkit ang mga mata at umigting ang panga.

"You're mad because of that?"

Tuluyan siyang namewang sa harap nito, "Sino bang hindi magagalit? Tapos ngayon nandito ka na naman? A-*ngkinin mo na naman ako? Sorry, but no. Kung gusto mong magpa-init, doon ka sa asawa mo!"

Galit niya itong tinalikuran ngunit muli siya nitong hinarap at sinandal sa pinto ng closet. Namilog ang mga mata niya matapos makita ang inis sa mga mata nito.

"Don't play that attitude with me, Crystal. I already marked you last night. I don't f*cking care what makes you mad. Ano ba ang hindi malinaw na hindi ko gusto ang ate mo at ikaw lang gusto kong makasama—"

"Saan? Sa kama?" sarkastikong tanong niya.

Nagulat siya matapos makita ang pag-alon ng adams apple nito na tila uhaw sa kanya. Luminaw ang pagnanasa sa mga mata nito at halos hindi siya nakalaban noong pareho nitong itaas ang mga kamay niya sa kanyang uluhan at hawakan ang mga iyon sa isang kamay lang. Napasinghap siya noong hilahin nito ang tuwalya at ibagsak iyon sa sahig. Agad niyang iniwas ang ulo noong ilapit nito ang labi sa kanyang panga at marahang h*malik doon.

Ramdam niya ang mabibigat nitong paghinga, "I didn't wait for years for nothing, Baby. D*mn, all I want is you," nahihirapang bulong nito bago kalasin ang tali ng sarili nitong roba.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha, nakatama man tingale Ning lakiha,pagka way ayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status