Mag-log inBAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Halos hindi niya agad nakilala si Marikit. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita.
“Professor.” Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti. “Marikit.” Mabilis nitong isinara ang hawak na documents at tumayo mula sa swivel chair. “It’s been a while.” Tahimik na tinanggal ni Marikit ang suot na face mask bago pumasok sa opisina. “It’s been a long time, Professor.” Masuyong ngumiti si Kent habang pinagmamasdan ang dating estudyante. Halatang nagulat pa rin ito sa malaking pagbabago ng babae. “I almost didn’t recognize you.” Bahagyang natawa si Marikit ngunit puno iyon ng pait. “To be honest, nahihiya nga akong humarap sa inyo sa ganitong itsura ko.” Mabagal na umiling si Kent. “Pregnancy changes a woman’s body. Normal lang ’yan.” Lumapit ito sa maliit na coffee table at nagsalin ng maligamgam na tubig sa baso. “Sit down first.” Tahimik na naupo si Marikit sa sofa habang maingat na hawak ang tiyan. Iniabot ni Kent ang baso sa kaniya. “Warm water.” “Thank you.” Bahagyang bumaba ang tingin ng lalaki sa nakaumbok niyang tiyan. “How many months?” “Twenty-five weeks.” Tumango si Kent. “Then next semester… halos kasabay na ng due date mo.” Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang nagsalita. “Professor… possible po bang ma-delay muna nang kaunti ang enrollment ko?” Natahimik si Kent. Alam nitong hindi basta-basta bibitaw si Marikit sa pagkakataong iyon kung hindi talaga mahalaga. “Why?” direkta nitong tanong. Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa basong hawak. “After kong manganak… makikipaghiwalay na si Mikael sa akin.” Direkta ngunit kalmado ang boses niya. “Ayaw ko nang ipagpatuloy pa ’yung relasyong wala namang patutunguhan. I want to start over.” Tahimik na napabuntong-hininga si Kent. Kitang-kita nito kung gaano nagbago si Marikit. Dati, napakaliwanag ng mga mata nito, masayahin, ambitious, and confident. Subalit ngayon, para bang napagod na ito sa buhay. “I’m glad natauhan ka rin finally,” mahinahon nitong sabi. “You and Mikael were never a good match.” Tahimik lamang na nakinig si Marikit. Masakit sa dibdib na marinig niya ang bagay na iyon, kahit alam niyang totoo naman. “You deserve someone who will genuinely love you.” Bahagyang kumurap si Marikit bago marahang tumango. Noon pa man, tutol na si Kent nang piliin niyang maging assistant ni Mikael pagkatapos ng graduation. Pero sobrang mahal niya ang lalaki kaya hindi siya nakinig. At heto siya ngayon, wasak. Ilang sandali pa’y muli siyang nagsalita. “Professor…” “Hmm?” “Anong klaseng tao ba si Mikael… sa tingin ninyo?” Bahagyang natahimik si Kent bago sumandal sa sofa. “Mikael Altaverde is the type of man who will do anything to achieve what he wants.” Malamig at diretso ang boses nito. “He prioritizes power, control, and results. A person like that…” saglit itong huminto, “rarely understands love.” Tahimik na napangiti si Marikit. “Gan’on ba…” Ngunit hindi iyon ang nakita niya kahapon. Malamig si Mikael sa kaniya pero napakabait nito sa ibang babae, sweet, at gentle. Kapag pala totoong mahal mo ang isang tao, kusa kang lumalambot. At malinaw na hindi siya ang babaeng iyon para kay Mikael. Hindi na nagtanong pa si Marikit matapos marinig iyon. “Don’t worry,” sabi ni Kent. “I’ll help you process the deferred enrollment.” Agad siyang napatingin dito. “Thank you, Professor.” Maya-maya ay pinasagutan siya nito ng ilang documents at application forms. Tahimik lamang na nagsusulat si Marikit. Pagkatapos ng ilang minuto, muling nagsalita si Kent. “What about the baby?” Bahagyang natigilan si Marikit at nag-angat ng tingin. “Anong mangyayari kapag ipinanganak na siya?” Mabagal siyang napangiti ngunit halatang pilit iyon. “Kukunin siya ng pamilya Altaverde.” Wala siyang choice. Imposibleng hayaan ng mga Altaverde na mailayo sa kanila ang unang babaeng apo ng pamilya. At kahit gustuhin man niyang isama ang anak… wala siyang laban sa kapangyarihan ng mga iyon. Bahagyang tumango si Kent, at hindi na ito nagtanong pa. Pero maya-maya ay muling nagsalita ang lalaki. “I actually need an assistant for a month habang may inaasikaso akong project.” Bahagyang nag-angat ng tingin si Marikit. “Would you like to work for me?” Halos hindi na siya nagdalawang-isip pa ng sumagot. “Yes.” Kailangan niya ng bagong distraction. Kailangan niyang mahanap ulit ang dating sarili. Mula nang mabuntis siya, unti-unti siyang inalis ni Mikael sa importanteng trabaho sa Altaverde Corporation hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng silbi roon. From executive assistant… to nobody. Kaya ngayon, gusto niyang bumangon ulit. Makalipas ang ilang oras, nanatili si Marikit sa opisina ni Kent bilang temporary assistant nito. At surprisingly, mabilis siyang nakapag-adjust. Sanay siya sa pressure. Sanay siya sa trabaho. Habang abala sa pag-aayos ng financial reports at schedules, unti-unti niyang naramdaman ang bagay na matagal nang nawala sa kaniya— ang sarili niya. Tama si Kent. Hindi dapat umiikot lang sa pag-ibig ang mundo niya. May pangarap siya bago dumating si Mikael. At gusto niyang balikan iyon. Kinagabihan, hindi umuwi si Mikael. Katulad ng madalas nitong gawin. Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam... --- KINABUKASAN, maaga siyang nagtungo sa Altaverde Corporation dala ang printed resignation letter. Ang Altaverde Corporation ang may hawak sa banking, investment, at finance industries ng pamilya. At si Mikael Altaverde mismo ang namamahala sa lahat ng iyon. Sa murang edad, nagawa nitong palawakin pa ang kapangyarihan ng kompanya. Kaya naman halos lahat at kinatatakutan ito at hinahangaan. Pagdating ni Marikit sa building, eksakto namang kabababa lang ni Mikael mula sa itim nitong Bentley. Naka-charcoal suit ito habang walang emosyon na naglalakad papasok sa building. Gwapo, matalino, makapangyarihan. Parang lalaking hindi kayang abutin ninuman. “Good morning, President Altaverde.” Sunod-sunod na yumuko ang mga empleyado. Mabilis namang umiwas ng tingin si Marikit at bahagyang umurong. Ngunit dumaan lamang si Mikael sa harapan niya na para bang hindi siya nakita. Parang estranghero. Matapos niyon ay diretsong nagtungo si Marikit sa secretary department at inilapag ang resignation letter sa mesa ni Samantha Ruiz. Dating assistant lamang niya si Samantha, pero ngayon, ito na ang executive secretary ni Mikael. Minsan talaga, mabilis magbago ang panahon. Tahimik na binasa ni Samantha ang resignation letter bago dahan-dahang umangat ang tingin kay Marikit. Bahagyang bumaba ang tingin nito sa tiyan niya bago ngumisi. “At least marunong ka ring tumingin sa salamin,” saad nitong puno ng pang-uuyam. “Huwag mong isipin na dahil nabuntis ka, magiging bahagi ka na ng pamilya Altaverde.” Tahimik lamang si Marikit habang nakikinig. “Alam mo ba kung anong klase ng pamilya meron sila?” patuloy pa ni Samantha. “Hindi sapat na magkaanak ka para makapasok sa mundo nila.” Mariing hinigpitan ni Marikit ang hawak sa bag ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya. Dahil walang nakakaalam sa kompanya na siya ay legal na asawa na ni Mikael Altaverde... Sa panigin ng iba, isa lang siyang babae na ginamit ang katawan at nagpabuntis kay Mikael Altaverde. Subalit walang nakakaalam na darating ang araw na babaliktan ang sitwasyon... Na si Mikael naman ang maghahabol at magmamakaawa na balikan niya...BAHAGYANG natigilan si Mikael nang makita ang itsura ni Marikit. Basa ng tsaa ang buhok at damit nito habang namumula ang balat sa gilid ng leeg at pisngi. Ngunit mabilis ding naging malamig muli ang ekspresyon ng lalaki.“Mom,” mababa nitong saad habang bumababa ng hagdan, “what happened?”Agad namang tumayo si Veronica at inayos ang laylayan ng damit nito.“Tinuruan ko lang ng leksyon ang asawa mo,” malamig nitong sagot. “Mas lumalala na kasi ang ugali.”Tahimik na napayuko si Marikit. Ramdam niya ang hapdi ng balat at ang mabigat na tensyon sa buong sala, ngunit wala na siyang lakas para makipagtalo pa.Maya-maya ay mabilis na lumapit ang isang kasambahay dala ang bimpo.“Ma’am, punasan n’yo po agad,” anito habang iniiaabot iyon.Ngunit hindi man lang inabot ni Marikit ang bimpo. Tahimik lamang niyang pinunasan ang gilid ng mukha gamit ang manggas ng suot niyang jacket.bIlang segundo siyang nanahimik bago marahang nagsalita.“Pasensya na po kung naging disappointment ako sa pamilya
PAGKAALIS ni Mikael ay ilang segundo lamang na nanatiling nakatayo si Marikit sa gitna ng living room. Pagod na pagod na siyang habulin ang isang taong kailanman ay hindi naman lumingon pabalik sa kaniya.Marahan siyang napabuntong-hininga bago tumalikod at naglakad papunta sa sofa. Doon niya napansin ang makapal na stack ng documents na pinapagawa sa kanya ni Mikael kaga i.Tahimik siyang naupo at isa-isang inayos ang mga papel bago muling inilapag ang basurahan sa dating puwesto nito. Nang silipin niya ang laman ng documents, agad niyang napansing mga lumang files lamang iyon ng kumpanya. Mga reports at contracts na matagal nang obsolete.Unti-unting bumigat ang dibdib niya. Hindi pala talaga mahalaga ang mga papel na iyon. Ginawa lang iyon ni Mikael para ipahiya siya at iparamdam kung gaano siya ka-walang silbi sa bahay na ito.Tahimik niyang tinipon ang mga dokumento saka dahan-dahang tumayo habang inaalalayan ang tiyan. Pagbalik niya sa kuwarto ay muli niyang sinubukang buksan a
TAHIMIK na napahawak si Professor Kent sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Marikit.“Paano mo nasugatan nang ganiyan ang tuhod mo?” mahinahon nitong tanong.Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang umiling.“It’s nothing,” mahina nitong sagot, halatang ayaw nang pag-usapan pa ang nangyari sa villa.Hindi na siya pinilit ni Kent. Tahimik na lamang na bumagsak ang katahimikan sa loob ng private room habang mahinang tumutunog ang ECG monitor sa gilid.Makalipas ang ilang minuto ay marahang nagsalita si Marikit.“Professor…” mahina nitong saad habang nakahawak sa tiyan, “gusto kong isama ang baby ko kapag umalis ako ng bansa.”Agad napatingin si Kent dito.“What do you mean?” kalmado nitong tanong.Bahagyang napatitig si Marikit sa kisame bago marahang ipinatong ang palad sa tiyan niya.“Natatakot akong maiwan siya sa pamilya Altaverde.”Tahimik na natigilan si Kent matapos marinig iyon. Alam na alam niya kung gaano kahalaga ang batang dinadala ni Marikit para kina Doña Esperanza
SUBALIT wala nang pakialam si Marikit nang mga oras na iyon. Mahigpit niyang inalalayan ang tiyan niya bago diretsong naglakad palabas ng living room.Nang makita naman iyon ni Mikael ay bigla itong huminto. Unti-unting tumalim ang ang mga mata nito habang pinapanood ang asawa, pero katulad ng dato ay hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong pinanonood ang papalayong babae.Paglabas ni Marikit ng villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala siyang suot na jacket at manipis lamang ang tela ng damit niya kaya agad siyang nanginig sa ginaw. Naiwan din sa loob ng kuwarto niya ang cellphone at susi ng sasakyan.Sandali siyang napalingon sa napakalaking villa ng pamilya Altaverde. Unti-unting tinangay ng malamig na hangin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tuluyang naglakad palayo nang hindi na lumilingon pa.Tahimik siyang naglalakad sa ilalim ng mapuputlang ilaw ng exclusive subdivision habang mabagal na hinahaplos ang tiyan
SUMAKAY si Marikit ng taxi pauwi sa villa sa Ayala Alabang. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pagdating sa villa ay wala siyang nadatnang kasambahay sa sala kaya diretsong umakyat siya sa kuwarto.Tahimik niyang inilabas ang isang malaking maleta mula sa cabinet bago nagsimulang mag impake. Mahigit kalahating taon din siyang nanirahan sa villa na iyon. Napakarami niyang gamit. Pero essentials at ilang damit lang muna ang dinala niya. Babalikan na lang niya ang iba kapag tuluyan na silang nag divorce ni Mikael.Tahimik siyang nagtitiklop ng damit nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang nakita si Aling Lydia. Pagkakita sa maleta ni Marikit ay agad kumunot ang noo nito.“Ano ’yang ginagawa mo?” mataray nitong tanong. “Uuwi rito mamaya si Sir Mikael. Saan ka pupunta?”Tahimik lamang na napatingin si Marikit dito.“Maghanda ka na ng dinner para kay Sir,” utos pa nito.Biglang natahimik si Marikit. Uuwi si Mikael? Marahil ay dahil
BIGLANG natigilan si Matthew Lee nang makita ang nangyari. Akala nito ay may nakasalubong lamang na kakilala si James kaya hindi siya lumapit kanina. Ngunit nang makita niyang nakaluhod ang babaeng buntis sa sahig habang namimilipit sa sakit, agad siyang mabilis na humakbang palapit. “Miss, okay ka lang ba?” mahinahon nitong tanong habang inaabot ang kamay sa kaniya. Ngunit bago pa makahawak si Matthew, agad siyang pinigilan ni James. “Hey, Matt. Hayaan mo na ’yan,” malamig nitong saad habang nakataas ang kilay. “Deserve naman niya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Matthew bago malamig na nilingon si James. Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki at diretsong inalalayan si Marikit para makatayo. “Nasaktan ka ba?” tanong nito. Ngunit sobrang sakit ng pagkakabagsak ni Marikit kaya hindi siya agad nakasagot. Tahimik lamang siyang umiling bago pilit na naglakad papunta sa tumilapong insulated container. Tahimik na napabuntong hininga si Matthew bago nilingon si James.







