Share

KABANATA 2

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-10 09:49:32

BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagmamaneho ang driver.

Sa loob ng sasakyan, tanging mahinang tunog lamang ng air conditioner ang maririnig. Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa sariling tiyan bago muling nagsalita.

“Monday naman bukas,” mahina niyang sabi. “Kung may free time ka sa hapon… baka puwede na nating asikasuhin nang mas maaga ’yung annulment papers.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Mikael.

“Hindi rin naman aabutin agad ’yon. May process pa after filing.” Pilit niyang pinanatiling kalmado ang boses. “Mas okay na ring maaga.”

Tahimik na tumingin si Mikael sa kaniya. Walang emosyon ang gwapong mukha nito ngunit bakas ang pagsusuri sa mga mata nito. Parang nagtataka kung bakit bigla siyang naging ganoon kadaling bumitaw.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ito malamig na nagsalita.

“Sabihin mo na lang kung anong oras.”

Mabagal na tumango si Marikit at hindi na nagsalita pa. Itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana.

---

HINDI nagtagal ay tuluyan nang pumasok ang Rolls-Royce sa napakalawak na gate ng Altaverde Mansion sa Forbes Park. Agad bumungad ang engrandeng ancestral mansion ng pamilya Altaverde.

Maliwanag ang buong paligid. Nakahilera ang mamahaling sasakyan sa driveway habang abala ang mga kasambahay sa loob ng mansyon.

At alam ni Marikit kung bakit sila pinapunta roon. Dahil sa batang dinadala niya. Sa pamilya Altaverde, halos puro lalaki ang ipinapanganak sa bawat henerasyon.

Ang matriarch ng pamilya na si Doña Esperanza Altaverde ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki. Ang panganay nitong si Alejandro Altaverde ay may dalawang anak ding lalaki. Samantalang ang bunsong anak nito na si Roberto Altaverde ay iisang anak lamang—si Mikael.

Kaya naman nang malaman ng pamilya na babae ang magiging anak ni Marikit, labis iyong ikinatuwa ng matanda.

Pagkapasok nila sa loob ng mansion, agad silang sinalubong ng head maid.

“Nandito na po sina Sir Mikael at Ma’am Marikit.”

Mabilis na lumapit si Doña Esperanza. Nang makita ang tiyan ni Marikit, bahagyang luminaw ang mukha ng matanda.

“Come here, hija.”

Tahimik namang lumapit si Marikit.

“Confirmed na babae ang baby?”

“Opo, Grandma.”

Agad namang napangiti ang matanda. “Napakagandang balita.”

Maging si Don Emilio Altaverde ay mukhang gumaan ang pakiramdam matapos marinig iyon.

“Finally,” natatawa nitong sabi, “magkakaroon na rin tayo ng little princess sa pamilya.”

May ilan pang kamag-anak ni Mikael ang naroon sa sala. Isa na roon si Veronica Altaverde, asawa ng pinsan ni Mikael. Bahagya itong ngumiti kay Marikit.

“Congrats.”

Ngunit kahit nakangiti ito, ramdam pa rin ni Marikit ang malamig na pagsusuri ng babae sa kaniya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Marikit knew exactly what they were thinking. Hindi siya bagay sa pamilya Altaverde.

Sa magandang mood ni Doña Esperanza, agad nitong pinakuha ang isang velvet jewelry box. Pagkabukas nito, tumambad ang mamahaling jade bracelet.

“Para sa’yo,” sabi ng matanda.

Bahagyang natigilan si Marikit. “Grandma, hindi na po kailangan—”

“Kunin mo na,” sabat agad ni Veronica. “Bigay ’yan ni Grandma.”

May bahagyang iritasyon sa tono nito na para bang naiirita sa pagtanggi ni Marikit.

Tahimik na lamang siyang tumango. “Thank you po.”

“Take care of yourself,” sabi ni Doña Esperanza habang nakatingin sa tiyan niya. “Ang importante ay healthy ang baby.”

Mabagal na ngumiti si Marikit. Ngunit alam niyang hindi para sa kaniya ang kabaitan ng matanda, kundi para sa batang dinadala niya.

Matapos ng kaunting huntahan ay nagtungo na rin sila sa dining area para maghanda ng hapunan. Subalit biglang tumunog ang cellphone ni Mikael at agad naman nitong sinagot ang tawag. At sa unang pagkakataon buong gabing iyon, lumambot ang malamig nitong mukha.

May bahagyang ngiti sa labi nito habang kausap ang nasa kabilang linya. Punong-puno ng gentleness ang mga mata nito. Parang ibang tao.

Tahimik na napatitig si Marikit sa lalaki.

“Have you eaten already?” tanong ni Mikael sa mahinang boses.

Ilang segundo itong natahimik bago bahagyang natawa.

“Ang kulit mo.”

Nakapakalmado at lambing ng tono nito ng mga sandaling iyon.

Walong taon niyang minahal si Mikael. Ngunit ni minsan, hindi siya kinausap ng lalaki nang ganoon. Pero nang mga sandaling iyon, para bang maingat at mahalaga rito ang kausap.

“I’ll go there now,” dugtong pa ni Mikael bago ibaba ang tawag.

Agad napansin iyon ni Doña Esperanza.

“Paalis ka?”

“I have somewhere to be.”

Bahagyang kumunot ang noo ng matriarch.

“Kakauwi mo lang.”

Ngunit nanatiling kalmado si Mikael habang isinusuot muli ang coat nito.

“Important.”

Pagkatapos sabihin iyon, tuluyan na itong naglakad palabas. Habang papalayo ang lalaki, hindi man lang nito nilingon si Marikit. Tahimik na lamang siyang napatitig sa direksiyong nilisan nito. At sa gabing iyon, saka niya tuluyang na-realize... na kahit kailan, hindi siya naging espesyal kay Mikael Altaverde.

Bago umalis, muling ipinatawag si Mikael nina Don Emilio at Doña Esperanza sa study room. Tahimik lamang na nakaupo roon ang matandang mag-asawa habang seryosong nakatingin sa apo nila.

“Mikael,” panimula ni Doña Esperanza, “alam naming hindi mo mahal si Marikit.”

Nanatiling tahimik si Mikael. Ngunit bahagyang nagsalubong ang makakapal nitong kilay.

“Pero malapit nang dumating ang bata,” dugtong ng matanda. “At si Marikit ay educated, mabait, at tahimik. She’s suitable to become the mother of your child.”

Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Mikael, kaya muli namang nagsalita si Don Emilio.

“Hindi puwedeng masira agad ang kasal ninyo. Maraming nakatingin sa pamilya ngayon. Kung talagang ayaw mo sa kaniya, saka mo na ayusin pagkatapos lumaki nang kaunti ang bata.”

“Yes,” dagdag pa ni Doña Esperanza. “Hindi madaling maging Mrs. Altaverde. Kailangan niyang matutunang panatilihin ang posisyon niya.”

Tahimik na nakinig si Mikael bago marahang tumango. “I understand.”

---

SAMANTALA, nasa veranda naman si Marikit nang muling lapitan siya ni Doña Esperanza makalipas ang ilang sandali.

“Mikael had to leave early,” sabi ng matanda. “May urgent matter daw sa company.”

Mabagal siyang tumango. “Okay po.”

Bago siya umalis ng mansion, muli siyang pinagsabihan ng matanda.

“Marikit, kailangan mong alagaan ang sarili mo. Hindi puwedeng pabayaan mo ang katawan mo nang ganiyan.”

Tahimik lamang siyang nakinig.

“Noong panahon namin, kahit buntis kami, sumasama pa rin kami sa mga business event ng asawa namin. You have to learn how to maintain yourself.”

Bahagyang nagbaba ng tingin ni Marikit. Alam niyang may ibang ibig sabihin ang matanda. Ikinahihiya siya ni Mikael

“At higit sa lahat,” dugtong pa nito, “huwag mong hayaang mawala ang sarili mo.”

Mabagal siyang tumango. “I understand, Grandma.”

---

NANG gabing iyon, hindi inaasahan ni Marikit na uuwi si Mikael sa villa. Nagulat siya nang makita ang lalaki na paakyat ng hagdan habang tinatanggal ang necktie nito.

“You’re home…”

Hindi man lang siya nito tiningnan nang magsalita. “Make me hangover soup,” malamig nitong utos. “Dalhin mo sa study room.” Pagkatapos sabihin iyon ay dumiretso na ito sa taas.

Tahimik na lamang na nagtungo si Marikit sa kusina. Sanay na siya sa ugali nito. Kaya sa halip na sumama pa ang loob ay sinunod niya ang utos nito. At makalipas ang ilang minuto, maingat niyang inilapag ang mangkok ng sabaw sa study room.

Tahimik na nagbabasa ng documents si Mikael habang nakaupo sa swivel chair nito. Gwapo pa rin ito, cold, at distant.

Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lamang na lumabas ng study room. Kahit umuwi si Mikael, hiwalay pa rin sila ng kuwarto. Nasa master bedroom ang lalaki habang si Marikit ay nasa guest room sa first floor. At nasanay na siya sa ganoong set-up.

---

KINABUKASAN, maagang naghanda ng breakfast ang mga kasambahay dahil nasa bahay si Mikael. Tahimik itong nakaupo sa dining table ngunit napansin agad nitong wala si Marikit.

Dati, si Marikit mismo ang naghahanda ng breakfast niya at nag-aayos ng damit nito bago pumasok sa trabaho. Ngayon, wala kahit isa roon.

“Nasaan siya?” malamig nitong tanong.

Agad namang nagsalita si Aling Lydia, ang kasambahay na tagapag-alaga ni Marikit.

“Naku, Sir Mikael, ang hirap na pong pakisamahan ni Ma’am ngayon. Ayaw bumangon, ayaw kumain kasama namin. Kapag tinatanong naman kung ano gustong kainin, hindi sumasagot.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Mikael. “Puntahan mo.”

“Yes, sir.”

Pagpasok ni Aling Lydia sa kuwarto, nadatnan nitong gising na si Marikit habang tahimik na nakaupo sa sofa.

“Wow,” may halong pang-iinsultong sabi nito. “Talagang hinihintay pang sunduin.”

Mabagal na nag-angat ng tingin si Marikit. “At kung hindi ako ang young madam dito,” malamig niyang tanong, “ikaw ba?”

Natigilan si Aling Lydia. Hindi nito inaasahang sasagot si Marikit.

“If you continue disrespecting me,” dugtong pa ni Marikit, “ako mismo ang magsasabi kay Grandma.”

Namula sa inis ang mukha ng babae ngunit wala itong nagawa. “Sir Mikael is waiting.”

Tahimik na tumayo si Marikit bago nagtungo sa dining area. Pagdating niya roon, agad siyang tiningnan ni Mikael. Nakasuot lamang siya ng simpleng white knitted dress na halos ma-stretch na dahil sa laki ng tiyan niya. Mabagal din siyang maglakad dahil sa bigat ng katawan.

Tahimik siyang naupo sa pinakamalayong upuan. Ngunit maya-maya, malamig na nagsalita si Mikael.

“Sina Aling Lydia ang matatandang kasambahay ng pamilya. Hindi porket buntis ka, lahat na lang kailangang umikot sa’yo.”

Bahagyang humigpit ang hawak ni Marikit sa kutsara. ‘Hindi porket buntis ka...’ Napakasimple para sabihin iyon ng lalaking hindi kailanman dumanas ng pagbubuntis.

Tahimik niyang hinalo ang lugaw bago sumagot. “Kung ayaw nila akong asikasuhin, puwede naman silang bumalik sa mansion. Kaya ko naman ang sarili ko.”

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Mikael. Alam ni Marikit ang ibig sabihin niyon. Hindi nito gusto na sinasagot siya.

“I’m reminding you,” malamig nitong sabi. “I’m not asking for your opinion.”

Tahimik na lamang siyang yumuko.

Pagkatapos ng breakfast, umalis si Mikael. Samantalang si Marikit ay nagtungo naman sa University of the Philippines Business Center upang makipagkita kay Professor Lucas Reyes.

Pagdating niya sa opisina, marahan siyang kumatok sa pinto. Sa loob, nadatnan niya isang gwapong lalaking nasa late twenties na nakasuot ng suit at rimless glasses ang nakaupo habang may binabasang documents.

Si Kent Morales— ang pinakabatang finance professor ng unibersidad at isa sa mga kilalang pangalan sa financial industry.

Ano ang magiging papel nito sa buhay ni Marikit?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 13

    BAHAGYANG natigilan si Mikael nang makita ang itsura ni Marikit. Basa ng tsaa ang buhok at damit nito habang namumula ang balat sa gilid ng leeg at pisngi. Ngunit mabilis ding naging malamig muli ang ekspresyon ng lalaki.“Mom,” mababa nitong saad habang bumababa ng hagdan, “what happened?”Agad namang tumayo si Veronica at inayos ang laylayan ng damit nito.“Tinuruan ko lang ng leksyon ang asawa mo,” malamig nitong sagot. “Mas lumalala na kasi ang ugali.”Tahimik na napayuko si Marikit. Ramdam niya ang hapdi ng balat at ang mabigat na tensyon sa buong sala, ngunit wala na siyang lakas para makipagtalo pa.Maya-maya ay mabilis na lumapit ang isang kasambahay dala ang bimpo.“Ma’am, punasan n’yo po agad,” anito habang iniiaabot iyon.Ngunit hindi man lang inabot ni Marikit ang bimpo. Tahimik lamang niyang pinunasan ang gilid ng mukha gamit ang manggas ng suot niyang jacket.bIlang segundo siyang nanahimik bago marahang nagsalita.“Pasensya na po kung naging disappointment ako sa pamilya

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 12

    PAGKAALIS ni Mikael ay ilang segundo lamang na nanatiling nakatayo si Marikit sa gitna ng living room. Pagod na pagod na siyang habulin ang isang taong kailanman ay hindi naman lumingon pabalik sa kaniya.Marahan siyang napabuntong-hininga bago tumalikod at naglakad papunta sa sofa. Doon niya napansin ang makapal na stack ng documents na pinapagawa sa kanya ni Mikael kaga i.Tahimik siyang naupo at isa-isang inayos ang mga papel bago muling inilapag ang basurahan sa dating puwesto nito. Nang silipin niya ang laman ng documents, agad niyang napansing mga lumang files lamang iyon ng kumpanya. Mga reports at contracts na matagal nang obsolete.Unti-unting bumigat ang dibdib niya. Hindi pala talaga mahalaga ang mga papel na iyon. Ginawa lang iyon ni Mikael para ipahiya siya at iparamdam kung gaano siya ka-walang silbi sa bahay na ito.Tahimik niyang tinipon ang mga dokumento saka dahan-dahang tumayo habang inaalalayan ang tiyan. Pagbalik niya sa kuwarto ay muli niyang sinubukang buksan a

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 11

    TAHIMIK na napahawak si Professor Kent sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Marikit.“Paano mo nasugatan nang ganiyan ang tuhod mo?” mahinahon nitong tanong.Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang umiling.“It’s nothing,” mahina nitong sagot, halatang ayaw nang pag-usapan pa ang nangyari sa villa.Hindi na siya pinilit ni Kent. Tahimik na lamang na bumagsak ang katahimikan sa loob ng private room habang mahinang tumutunog ang ECG monitor sa gilid.Makalipas ang ilang minuto ay marahang nagsalita si Marikit.“Professor…” mahina nitong saad habang nakahawak sa tiyan, “gusto kong isama ang baby ko kapag umalis ako ng bansa.”Agad napatingin si Kent dito.“What do you mean?” kalmado nitong tanong.Bahagyang napatitig si Marikit sa kisame bago marahang ipinatong ang palad sa tiyan niya.“Natatakot akong maiwan siya sa pamilya Altaverde.”Tahimik na natigilan si Kent matapos marinig iyon. Alam na alam niya kung gaano kahalaga ang batang dinadala ni Marikit para kina Doña Esperanza

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 10

    SUBALIT wala nang pakialam si Marikit nang mga oras na iyon. Mahigpit niyang inalalayan ang tiyan niya bago diretsong naglakad palabas ng living room.Nang makita naman iyon ni Mikael ay bigla itong huminto. Unti-unting tumalim ang ang mga mata nito habang pinapanood ang asawa, pero katulad ng dato ay hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong pinanonood ang papalayong babae.Paglabas ni Marikit ng villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala siyang suot na jacket at manipis lamang ang tela ng damit niya kaya agad siyang nanginig sa ginaw. Naiwan din sa loob ng kuwarto niya ang cellphone at susi ng sasakyan.Sandali siyang napalingon sa napakalaking villa ng pamilya Altaverde. Unti-unting tinangay ng malamig na hangin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tuluyang naglakad palayo nang hindi na lumilingon pa.Tahimik siyang naglalakad sa ilalim ng mapuputlang ilaw ng exclusive subdivision habang mabagal na hinahaplos ang tiyan

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 9

    SUMAKAY si Marikit ng taxi pauwi sa villa sa Ayala Alabang. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pagdating sa villa ay wala siyang nadatnang kasambahay sa sala kaya diretsong umakyat siya sa kuwarto.Tahimik niyang inilabas ang isang malaking maleta mula sa cabinet bago nagsimulang mag impake. Mahigit kalahating taon din siyang nanirahan sa villa na iyon. Napakarami niyang gamit. Pero essentials at ilang damit lang muna ang dinala niya. Babalikan na lang niya ang iba kapag tuluyan na silang nag divorce ni Mikael.Tahimik siyang nagtitiklop ng damit nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang nakita si Aling Lydia. Pagkakita sa maleta ni Marikit ay agad kumunot ang noo nito.“Ano ’yang ginagawa mo?” mataray nitong tanong. “Uuwi rito mamaya si Sir Mikael. Saan ka pupunta?”Tahimik lamang na napatingin si Marikit dito.“Maghanda ka na ng dinner para kay Sir,” utos pa nito.Biglang natahimik si Marikit. Uuwi si Mikael? Marahil ay dahil

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 8

    BIGLANG natigilan si Matthew Lee nang makita ang nangyari. Akala nito ay may nakasalubong lamang na kakilala si James kaya hindi siya lumapit kanina. Ngunit nang makita niyang nakaluhod ang babaeng buntis sa sahig habang namimilipit sa sakit, agad siyang mabilis na humakbang palapit. “Miss, okay ka lang ba?” mahinahon nitong tanong habang inaabot ang kamay sa kaniya. Ngunit bago pa makahawak si Matthew, agad siyang pinigilan ni James. “Hey, Matt. Hayaan mo na ’yan,” malamig nitong saad habang nakataas ang kilay. “Deserve naman niya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Matthew bago malamig na nilingon si James. Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki at diretsong inalalayan si Marikit para makatayo. “Nasaktan ka ba?” tanong nito. Ngunit sobrang sakit ng pagkakabagsak ni Marikit kaya hindi siya agad nakasagot. Tahimik lamang siyang umiling bago pilit na naglakad papunta sa tumilapong insulated container. Tahimik na napabuntong hininga si Matthew bago nilingon si James.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status