LOGINPAPALAPIT na noon ang bisperas ng Bagong Taon. Abala ang buong Valejo Residence mula pa lamang sa umaga.Sa kusina, maagang naghahanda si Stella ng mga sangkap para sa nalalapit na salu-salo. Nakahilera sa countertop ang iba't ibang rekado, prutas, at mga pagkaing nakalaan para sa family dinner.Samantala, sina Roberto at Gabriel naman ay abala sa pag-aayos ng bahay. May mga bagong dekorasyong ikinakabit. May mga regalo ring maingat na inilalagay sa ilalim ng Christmas tree.Sa kabila ng malamig na hangin ng Disyembre, puno ng init at buhay ang buong tahanan. At nang araw ding iyon, ay may dumating na bisita. Si Raiko Altaverde.Pagkababa pa lamang nito ng sasakyan ay agad na sinalubong nina Roberto at Stella. May dala itong ilang paper bags, mga prutas, mga imported supplements, at ilang regalo mula sa mga kakilala nilang nagpapaabot ng pagbati para kay Marikit."Raiko, pasok ka," nakangiting sabi ni Stella."Salamat po." Pagkatapos ay bahagyang tumingin ang binata sa ikalawang palap
MATAPOS mamatay ang tawag, dahan-dahang ibinaba ang cellphone sa kanyang kandungan. Tahimik ang buong sala. Napakatahimik. Ngunit sa katahimikang iyon, lalo lamang lumalakas ang tunog ng sarili niyang paghikbi.Una ay pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Ngunit maya-maya lamang ay may panibagong luha na naman ang tumutulo sa kanyang pisngi.At isa pa.At isa pa.Hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.Mahigpit niyang niyakap ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa sofa. Hindi na niya napigilan ang sarili at tahimik siyang umiyak. Ang bawat hikbi ay parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso. Miss na miss na niya si Mithi, at sa bawat araw na hindi niya ito nakikita at nakakasama ay para siyang pinapatay.Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling ganoon. Hanggang sa kalaunan ay napagod na rin siya sa kakaiyak. Unti-unting kumalma ang kanyang paghinga. At dahil sa kahinaan ng katawan at emosyonal na pagod, nakatulog siya sa kanyang silid m
MAKALIPAS ang ilang sandali, tuluyan nang nilamon ng katahimikan ang paligid matapos umalis ang sasakyan ng driver ng mga Altaverde..Sa huli, si Roberto at Gabriel ang maingat na tumulong sa kanya papasok ng sasakyan. Dahil mahina pa rin ang kanyang katawan, bahagya siyang binuhat ni Gabriel upang hindi na siya mahirapang gumalaw."Dahan-dahan lang," mahinang sabi ni Stella habang inaayos ang kumot na nakabalot sa kanya.Tahimik na tumango naman si Marikit. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang kanilang sasakyan patungo sa Valejo Residence.---SAMANTALA, sa kabilang banda, kasasakay pa lamang ng driver sa kanyang sasakyan nang agad niyang inilabas ang cellphone. Mabilis niyang tinawagan si Mikael, at hindi nagtagal ay sinagot din iyon ng lalaki."Sir."Tahimik na nakikinig si Mikael sa kabilang linya."Nasundo na po si Ma'am Marikit ng pamilya niya. Dinala na po nila siya sa Valejo Residence."Sa mga oras na iyon, nakaupo si Mikael sa loob ng nursery room sa Altaverde Villa. Sa harap
SA MISMONG sandaling iyon...Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Marikit kaya napatigil si Stella. Akala niya noong una ay namalikmata lamang siya. Ngunit makalipas ang ilang segundo, muli niyang nakita ang bahagyang paggalaw ng kamay ng dalaga."Marikit?"Agad siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan at lumapit sa anak.Marahan namang kumurap-kurap ang mga mata ni Marikit. Mabagal sa una at mabigat, na para bang hirap siyang bumalik mula sa napakahabang panaginip. Kasunod niyon at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata."Marikit!" bulalas ni Stella nang makitang nagkamalay na nga ang anak. Matapos niyon ay mabilis siyang lumabas ng silid at tinawag ang doktor."Doc, nagising na po ang anak ko!"Agad na naging abala ang buong hallway matapos niyon. Naglabas-masok ang mga doktor at nurse na sumuri kay Marikit ng mga sandaling iyon.---SAMANTALA, sa kabilang silid ay narinig din nila ang ingay. Napalingon si Doña Esperanza."Mukhang nagising na siya."Bahagyang tumingin naman si
AGAD na lumiwanag ang mga mata ni Doña Esperanza. Hindi niya napigilang ngumiti habang nakatingin sa maliit na sanggol na nasa bisig ng nurse."Napakaganda niya," mahina nitong sabi.Samantala, mabilis namang napatingin si Roberto sa likod ng nurse. Ngunit nang hindi niya makita si Marikit, agad siyang kinabahan."Nasaan ang anak ko?" halos nanginginig niyang tanong.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng nurse. "Nagkaroon po ng matinding postpartum bleeding ang pasyente. Ginagawa pa po ng mga doktor ang lahat para ma-stabilize siya."Parang biglang nabingi si Roberto sa narinig. "Ano?!"Namutla ang kanyang mukha. Bahagya pa siyang napaatras at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi agad siya nasalo nina Stella at Gabriel."Dad!""Roberto!"Maging ang mga taong naroon ay agad ding nabahala.Samantala, dahil mas maagang isinilang ang sanggol kaysa sa inaasahan, mabilis itong dinala ng mga nurse sa neonatal care unit para sa masusing obserbasyon.Tahimik namang nagpalitan ng tingin sina
TANGHALI, pagbalik ni Mikael sa kanyang opisina ay agad siyang sinalubong ng kanyang sekretarya."Sir Mikael, may bisita po kayo."Huminto siya sa kanyang paglalakad at nilingon ito saka bahagyang kumunot ang noo."Sino?"Nag-atubili sandali ang sekretarya bago sumagot. "Si Gabriel Valejo po."Tahimik na natigilan si Mikael. Ito ang unang pagkakataon na kusang pumunta si Gabriel upang hanapin siya."Papasukin mo.""Yes, sir."Ilang minuto ang lumipas. Marahang bumukas ang pinto ng executive office. Pumasok si Gabriel habang malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. Diretso siyang huminto sa harap ng mesa ni Mikael.Samantala, kagagaling lamang ni Mikael sa water station at may hawak na baso ng tubig nang makita ang pagdating nito."Sit down."Ngunit umiling si Gabriel. "Hindi na kailangan. May sasabihin lang ako,” malamig na sabi nito.Tahimik na naupo si Mikael sa kanyang upuan saka inilapag ang hawak na baso sa mesa bago itinuon ang tingin sa binata."I'm listening."Bahagyang humakb







