Share

Kabanata 376

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-07-16 14:40:15

Hi, everyone!

Napansin ko po ang ilan sa mga comments na nagsasabing medyo bumabagal na raw ang pacing o kaya ay nagiging boring na ang story. Naiintindihan ko po kung bakit may ilan na nakakaramdam ng ganoon, at nagpapasalamat pa rin ako dahil honest kayo sa pagbibigay ng feedback.

Gusto ko lang po sanang ipaliwanag kung bakit ganito ang direksyon ng kuwento.

Sa timeline ng story, kaka-annul pa lang nina Marikit at Mikael. Para sa akin, kung bigla silang magkakabalikan pagkatapos ng lahat ng nangyari, parang mawawalan ng bigat ang lahat ng sakit, galit, at paghihirap na pinagdaanan nila.

Gusto kong magkaroon muna ng healing si Marikit. Gusto kong maramdaman niyang kaya niyang maging masaya kahit wala si Mikael. Gusto kong makita ninyo ang unti-unti niyang pagbangon bilang isang babae.

Kasabay noon, gusto ko ring ipakita ang natural na paglapit ni Kent sa kanya. Hindi dahil sila ang endgame, kundi dahil gusto kong makita ninyo kung paano unti-unting mararamdaman ni Mikael ang tunay na pagkawala ni Marikit.

Hindi sapat na magselos lang siya. Gusto kong dumating sa punto na mapipilitan siyang ipaglaban ulit ang babaeng minsan niyang binitawan—lalo na kapag nandiyan na sina Kent at Raiko.

Ayoko pong biglain ang transition na iyon. Mas gusto kong unti-unti ninyo itong maramdaman kaysa isang chapter lang, okay na agad ang lahat.

May mga readers din pong nagsasabing kulang daw sa SPG kaya parang nawawala ang kilig.

Actually, kung mapapansin ninyo, halos wala pa talaga tayong ganoong eksena.

At sinasadya ko po iyon.

Sa isip ko kasi, kung magkakaroon man ng ganoong klaseng moments, gusto kong kay Marikit at Mikael ko lang talaga ibigay iyon kapag dumating na tayo sa tamang punto ng kuwento.

Tanungin ko lang kayo...

Gugustuhin n'yo ba talagang magkaroon ng intimate scenes sina Marikit at Kent para lang masabing may SPG?

O kaya naman sina Mikael at Celine?

Sa tingin ko, mas masasaktan kayo kaysa kikiligin. 😅

Kaya hangga't maaari, gusto kong ilaan ang mga espesyal na eksenang iyon sa tamang tao at sa tamang panahon.

Hindi ko man mapapasaya ang lahat ng readers sa pacing na pinili ko, pero ipinapangako ko na bawat chapter ay may dahilan. Lahat ng nangyayari ngayon ay paghahanda para sa mas mabibigat na eksena at sa mga susunod na revelations.

Konting tiis lang po. Hindi ko gustong madaliin ang kuwento kung ang kapalit naman ay mababaw ang magiging ending.

Maraming salamat pa rin sa lahat ng patuloy na sumusuporta, kahit sa mga nagbibigay ng constructive criticism. Binabasa ko po ang comments ninyo, at naa-appreciate ko ang bawat opinyon.

Sana ay samahan ninyo pa rin sina Marikit at Mikael hanggang sa huli.

— Genn Writes 🤍
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (176)
goodnovel comment avatar
She Barry Villasis Recaña
exited ako kena marikit at mikael sila ang bagay ok lang sa akon mabagal kasi mamimiss ko sila
goodnovel comment avatar
Jn Naadat
cge miss a excited na ko kung anu maging ending nito love u talaga
goodnovel comment avatar
Clark Sevallo
Ang Ganda super
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 721

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 11: THE DRIVE HOME AND UNFORGOTTEN SCARS — MATAPOS ang ilang oras na pormal na programa at kwentuhan, dahan-dahang nabawasan ang mga bisita sa grand ballroom. Nang pormal nang magpaalam ang karamihan sa mga bisita, minabuti na rin ng pamilya na mag-labasan p

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 720

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 10: THE UNSEEN TENSION — MALIWANAG at napakaganda ng ayos ng grand ballroom sa isang sikat na five-sray hotel sa Bonifacio Global City. Ang dambuhalang crystal chandeliers sa mataas na kisame ay nagpapakalat ng kumikislap na gintong liwanag sa buong silid. A

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 719

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART KABANATA 9: AURA BY ANDREA'S MILESTONE — MALIWANAG at maaliwalas ang sikat ng araw sa kahabaan ng High Street sa Bonifacio Global City. Sa salaming p***o ng studio, nakatatak ang eleganteng gintong sulat—Aura by Andrea. Ngayong araw ang ikaapat na taong anibersaryo n

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 718

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 8: THE LATE NIGHT COFFEE — TAHIMIK na ang mga kalsada ng Bonifacio Global City habang patuloy na lumalalim ang gabi. Pagkatapos ng maikling kaguluhan, dahan-dahang inakay ni Gabriel si Andrea patungo sa isang tago at tahimik na café na matatagpuan sa isang p

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 717

    "Bitawan mo ako, Lance!" sigaw ni Andrea habang pilit na kumakawala mula sa mahigpit na hawak ng ex-husband. "Nasasaktan ako! Let go of me!" "Shut up and talk to me properly!" sigaw ng lalaki habang pilit siyang hinihila patungo sa gilid ng sasakyan. Bumagsak ang phone at ang folder ng mga tela n

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 716

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 7: SILENT PROTECTION — GABI na sa kahabaan ng High Street sa Bonifacio Global City. Kagagaling lang ni Andrea sa kanyang boutique studio ng Aura by Andrea. Bitbit ang kanyang leather shoulder bag at isang folder ng mga bagong fabric swatches, dahan-dahan siy

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 2: The Day She Stopped Chasing

    BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagma

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 1 : Six Months Pregnant, Still Unwanted

    ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 7: The Woman They Humiliated

    KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilal

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 6: The Family Who Chose Her

    ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status