ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit.
“Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto.
Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago marahang tumayo.bPaglabas niya ng kuwarto, eksaktong kakapasok lamang nina Roberto at Gabriel sa loob ng condominium unit.
Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ang mga ito.
“Dad! Kuya!”
Napangiti si Gabriel nang makita siya.
“Hey, bunso.” Agad nitong inilapag ang mga bitbit na paper bags sa coffee table. “May pasalubong ako sa’yo.”
Biglang kumislap ang mga mata ni Marikit. “Talaga? Ano ’yon?”
Natatawang umiling si Gabriel bago kumuha ng isang maliit na luxury paper bag.
“Open it.”
Excited na tinanggap iyon ni Marikit. At nang mabuksan niya ang velvet jewelry box sa loob, agad tumambad ang isang eleganteng gold bracelet na may minimalist diamond details.
“Kuya…” natutuwang sabi niya. “Ang ganda!”
“If you like it, then good.”
Ngumiti si Gabriel bago magulong ginulo ang buhok niya na para bang bata pa rin siya.
May iba pa itong pasalubong para kina Stella at Roberto. Luxury skincare set para kay Stella at imported tea at mamahaling whiskey naman para sa ama niya. Maging mga delicacies mula Japan ay dala rin nito.
Unti-unting napuno ng init at tawanan ang buong bahay. At sa mga sandaling iyon, saka lamang tunay na nakahinga nang maluwag si Marikit. Kapag nasa bahay siya… pakiramdam niya ligtas siya.
Tahimik siyang umupo sa sofa habang nakikinig kina Gabriel at Roberto na nagkukuwento tungkol sa business trip nito abroad. Maya-maya, napatingin si Gabriel sa tiyan niya.
“When’s your due date?”
Napahawak si Marikit sa tiyan bago ngumiti. “Two months na lang.”
“Siguradong babae ’yan,” nakangiting sabi ni Stella habang naghahain ng juice.
Tumango si Marikit. “Actually… confirmed na.”
Napatingin si Roberto sa anak. “Nagpa-gender reveal check ka na?”
Bahagyang natigilan si Stella habang lihim na kinabahan.
Tumango naman si Marikit saka marahang ngumiti. “Yes.”
“Maganda ’yan.” Bahagyang gumaan ang mukha ni Roberto. “At least magiging mas maayos ang trato sa’yo ng pamilya Altaverde.”
Tahimik na yumuko si Marikit ng mga sandaling iyon. Biglang bumigat ang dibdib niya. Hindi pa niya kasi alam kung paano sisimulan ang sasabihin. Dahil ang totoo, nakipaghiwalay na sa kaniya si Mikael. At balak na rin niyang umalis sa villa ng mga Altaverde pagkatapos manganak.
Ngunit nang tingnan niya ang masayang atmosphere sa bahay, hindi niya magawang sirain agad iyon. Kaya nanahimik muna siya.
Ilang sandali pa’y tinawag na sila ni Stella para mag-dinner. Punong-puno ng pagkain ang mahabang dining table. Paborito niyang kare-kare, garlic butter shrimp, at caldereta. At iba’t ibang lutong bahay na matagal niyang hindi natikman.
Habang kumakain, ikinuwento ni Gabriel ang tungkol sa company nito. Dalawang taon na ang nakalipas nang magtayo ito ng sariling AI technology company kasama ang kaibigan nito.
At noong nagsisimula pa lamang iyon, si Roberto mismo ang nagbigay ng malaking capital nang walang pag-aalinlangan.
Ngayon, mabilis nang lumalaki ang kompanya. Kaya ang business trip nito sa Japan ay para sa malaking partnership deal. At sa awa ng Diyos ay naging successful iyon.
“Actually,” biglang sabi ni Roberto habang umiinom ng wine, “ibebenta ko na rin ’yung real estate company.”
Bahagyang nagulat si Marikit sa narinig.
“Dad?”
Napabuntong-hininga ang matanda. “Hindi na talaga maganda ang market ngayon. Mahirap nang i-salba.”
Tahimik na nakinig si Marikit. Totoo naman.nKahit nakabangon sila noon dahil sa tulong ng dowry mula sa mga Altaverde, hindi pa rin naging madali ang lahat.
“At mas gusto kong i-invest ’yung pera sa company ni Gabriel.”
Napangiti si Gabriel sa sinabi ng ama. “Dad…”
Ngunit mabilis iyong pinigilan ni Roberto. “I’m getting old.” Natatawa nitong sabi. “Kayo na ang future.”
Maya-maya, biglang napatingin si Stella kay Roberto. At doon tila may naalala ang lalaki.
“By the way,” saad nito habang nakangiti, “magpapakasal na kami officially ni Tita Stella niyo next month.”
Biglang natigilan si Marikit bago tuluyang napangiti ng malapad. “Totoo?”
Namula ang mata ni Stella. Matagal na nitong hinintay ang araw na iyon, at alam iyon ni Marikit. Sa loob ng maraming taon, kahit hindi kasal ang mga ito, nanatili ito sa tabi nila.
Tahimik itong naghintay, nag-alaga, at minahal sila bilang pamilya. Kaya wala siyang kahit anong pagtutol dahil doon. In fact, napakasaya niya para sa dalawa.
Tahimik na napangiti si Marikit habang pinagmamasdan ang pamilya niya. At doon niya lalong na-realize kung aano siya kaswerte.
Ngunit kasabay no’n ay lalo ring bumigat ang dibdib niya. Dahil hindi na niya kayang itago pa ang totoo. Kaya huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita.
“Dad, Kuya, Tita Stella...”
Agad napatingin ang mga ito sa kaniya.
Tahimik namang ibinaba ni Marikit ang kutsara bago lumunok na parang nag-iipon ng lakas ng loob.
“Makikipag-divorce na si Mikael sa akin.”
Biglang natahimik ang buong dining area sa narinig. Parang huminto ang oras. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Roberto habang mahigpit nitong nahawakan ang wine glass. Maging si Stella ay hindi agad nakapagsalita.
At si Gabriel, biglang tumalim ang ekspresyon. Hindi naman sila naging bulag. Alam nilang hindi naging maayos ang pagsasama nina Marikit at Mikael. Walang engrandeng kasal. Walang public announcement. At sa loob ng anim na buwan, ni minsan ay hindi bumisita si Mikael sa bahay nila.
Tuwing may okasyon, si Marikit lang palaging umuuwi mag-isa. At kahit nagpapadala sila ng gifts sa Altaverde Mansion, alam nilang hindi naman talaga iyon tinatanggap nang maayos.
Minsan pa nga, mismong si Veronica Altaverde ang nag-utos sa mga kasambahay na itapon ang mga ipinadala nila. At si Mikael mismo ang nagsabing huwag na silang gumawa ng “meaningless things.”
Tahimik na napapikit si Roberto. Parang lalo itong tumanda sa isang iglap. Ngunit bago pa lumala ang atmosphere, agad muling nagsalita si Marikit.
“But it will happen after I give birth.” Tahimik siyang napangiti. “I’ll go to Stanford next year.”
Napatingin sa kaniya si Gabriel. “Stanford?”
Tumango siya. “Professor Kent helped me.”
Ilang segundo pa’y si Gabriel ang unang nagsalita. “That’s good.”
Agad napatingin si Marikit dito.
“You’re too smart para ikulong ang sarili mo sa marriage na hindi ka naman masaya.” Diretso ang boses nito ng sabihin iyon. “Whatever decision you make… I’ll support you.”
Biglang uminit ang mata ni Marikit sa sinabi ng kuya niya.
“Thank you, Kuya...”
Tahimik namang napabuntong-hininga si Roberto. “Kasalanan ko rin ito…”
“Dad—”
“Ordinaryong tao lang tayo.” Mapait itong ngumiti. “Hindi talaga natin kayang sumabay sa pamilya tulad ng mga Altaverde.”
Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Marikit. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi dahil kay Mikael kundi dahil sa pagmamahal ng pamilya niya.
Dahil kahit gaano siya kasaktan, may mga taong handang saluhin siya. At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
Mabilis namang kumuha ng tissue si Stella at pinunasan ang mga luha niya.
“Enough crying,” malambing nitong sabi. “Masama ’yan sa baby.”
Napatawa nang mahina si Marikit habang pinupunasan ang mga mata. At matapos noon, pilit nilang ibinalik ang masayang atmosphere sa hapag-kainan.
---
SAMANTALA, sa kabilang bahagi ng siyudad ay isang itim na Bentley ang dahan-dahang huminto sa tapat ng isang lumang villa sa Corinthian Gardens.
Tahimik lamang na nakaupo si Matthew Lee sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa bahay. Dating bahay iyon ng pamilya Valejo. Bahay na matagal nang ibinenta matapos malugi ang negosyo ng padre de pamilya.
Maliwanag pa rin ang buong paligid dahil sa warm lights mula sa garden lamps. Tahimik lamang na nakatitig ang lalaking iyon sa bahay. Hindi mabasa ang emosyon sa gwapo nitong mukha.
Ngunit sa mga mata nito, may kung anong komplikadong lungkot. Maya-maya ay kumuha ito ng sigarilyo at tahimik na nagsindi. Kasabay no’n ay tumunog ang cellphone niya. Pagtingin sa screen, agad lumambot nang bahagya ang ekspresyon niya.
“Celine...”
Mahinang tawa ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya.
“Kuya, gutom na ’ko. Ayaw pa akong pakainin ni Kuya Cedrick hangga’t hindi ka raw dumarating.”
Maya-maya ay narinig din niya ang mahinang boses ng isa pang lalaki.
“Kasalanan niya ’yan. Hindi nakikinig.”
Bahagyang napailing ang lalaki bago pinatay ang sigarilyo.
“Kumain ka na kung gutom ka. I’m on my way.”
Pagkababa ng tawag, muling sinulyapan ni Matthew ang bahay sa labas ng bintana. Pagkatapos ay dahan-dahang itinaas ang car window. At tuluyang pinaandar ang sasakyan palayo...
---
Sino kaya si Matthew? May magiging papel ba ito sa buhay ni Marikit?