Inicio / Romance / Mine Even After Divorce / Kabanata 7: The Woman They Humiliated

Compartir

Kabanata 7: The Woman They Humiliated

Autor: GennWrites
last update Fecha de publicación: 2026-05-10 19:32:32

KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina.

Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilalagay sa thermal lunch container.

“Good morning, anak,” malambing nitong bati nang mapansin siya.

Bahagyang ngumiti si Marikit bago marahang umupo sa dining chair. Kagabi pa niya sinabi kina Roberto at Stella na magre-resign na siya sa Altaverde Group at pansamantalang magiging assistant ni Professor Kent Morales sa loob ng isang buwan.

Noong una ay tutol silang dalawa.

“Buntis ka, Marikit,” paulit ulit na saad ni Stella kagabi. “Kailangan mong magpahinga.”

Ngunit nagpumilit si Marikit.

“Ayos lang ako,” mahinahon niyang paliwanag noon. “Hindi naman mabigat ’yung trabaho. Mas okay nang busy ako kaysa magkulong lang sa bahay at mag overthink.”

At sa huli, wala na ring naisagot si Roberto. Tahimik na lamang itong pumayag.

Habang abala si Stella sa kusina, sinubukan ni Marikit na tumulong ngunit agad siyang pinaupo ulit nito.

“Hindi. Ako na rito,” saad ni Stella. “Ikaw, magpahinga ka.”

Bahagya na lamang napangiti si Marikit bago kinuha ang cellphone niya.

Tahimik siyang nag-scroll online, naghahanap ng prenatal Pilates classes na puwedeng salihan. Gusto niyang maging healthy ang pagbubuntis niya. At higit sa lahat... gusto niyang mapanatiling maayos ang isip niya.

Ilang studio na rin ang napili niya nang biglang nanigas ang ekspresyon niya. Isang bagong post ang lumitaw sa social media feed niya. Galing iyon kay James Vergara, kaibigan ni Mikael.

Dati niya itong nakausap nang ilang beses noong assistant pa siya ni Mikael. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, malinaw na nagbago ang trato nito sa kaniya.

Tahimik na bumagsak ang tingin ni Marikit sa larawan. Siyam na pictures sa isang private rooftop bar sa BGC. At sa gitna ng mga iyon, si Mikael at si Celine Lee.

Sa isang larawan ay nakasandal si Celine sa dibdib ni Mikael habang mahiyain itong nakangiti. Nakapulupot naman ang isang kamay ni Mikael sa balikat ng babae habang nakatitig dito nang puno ng lambing. Parang umaapaw sa sweetness ang buong litrato.

Sa caption nito ay nakasulat pa na, “Another night of being the third wheel. When are these two getting married?” Kasunod pa no’n ang laughing emojis.

Biglang sumikip ang dibdib ni Marikit. Parang may mabigat na kamay na marahas na pumiga sa puso niya hanggang sa halos hindi siya makahinga.

Tahimik niyang pinatay ang cellphone. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumayo at lumabas papunta sa balcony. Malamig ang hangin sa umaga ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ang gulo sa dibdib niya.

Marahan niyang hinaplos ang bahagyang nakaumbok niyang tiyan. At doon, unti unting namuo ang luha sa mga mata niya.

Kapag tuluyan silang naghiwalay ni Mikael, sigurado siyang pakakasalan agad nito si Celine. Magkakaanak sila, at alam ni Marikit kung gaano kamahal ni Mikael ang babae. Kung gano’n, mamamahalin din nito ang magiging anak ng mga ito.

Pero paano naman ang anak niya? Makikilala pa kaya nito ang sariling ama? Makakaranas pa kaya ito ng pagmamahal ng isang ama?

“Marikit, kain na,” tawag ni Stella mula sa loob ng bahay.

Biglang natauhan si Marikit nang marinig ang boses ng ginang. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa gilid ng mata bago pilit inayos ang ekspresyon niya at pumasok muli sa loob.

Paglabas niya mula sa restroom makalipas ang ilang minuto, kalmado na ulit ang mukha niya. Parang walang nangyari.

---

Pagkatapos ng almusal ay si Gabriel mismo ang naghatid kay Marikit papunta sa Altaverde Group.

Tahimik ang biyahe, ngunit ilang beses na napapatingin si Gabriel sa kapatid niya.

“May problema ba?” tanong nito sa huli.

Bahagyang umiling si Marikit. Ayaw na niyang pag usapan pa. Ngunit hindi nagpaawat si Gabriel.

“Hindi pwedeng kinikimkim mo lahat,” seryoso nitong saad habang nakatutok sa daan. “Buntis ka na ngayon. Hindi maganda ’yan sa’yo at sa baby.”

Matagal na natahimik si Marikit bago marahang nagsalita.

“Masakit lang siguro talaga...” pilit niyang ngiti. “Na tanggapin na may iba na si Mikael.”

Simple niya iyong sinabi, na parang wala lang. Pero alam ni Gabriel na nasasaktan siya. Hindi lang nito alam kung paano siya papagaanin.

“Lilipas din ’yan,” mahina nitong saad. “Dahan dahan kang magiging okay.”

Tahimik namang tumango si Marikit.

“Hmm.”

---

PAGDATING sa Altaverde Group, agad siyang bumaba ng sasakyan habang dala ang thermal lunch container. Nagpaalam siya kay Gabriel bago naglakad papasok ng building.

At doon, muli niyang nakita si Mikael. Kabababa lamang nito mula sa isang itim na Rolls Royce. Naka charcoal suit ito, malinis at elegante tulad ng dati. Broad shoulders, matangkad, at may napakalamig ng aura.

Tahimik na kumirot ang dibdib ni Marikit. Dati, kaya niyang tiisin lahat basta nakikita niya ito araw araw. Pero ngayon, bawat tingin niya rito ay parang unti unti siyang dinudurog.

Mabilis siyang tumabi at magalang na yumuko. “Good morning, President Altaverde.”

Ngunit gaya ng dati, hindi man lamang siya nilingon ni Mikael.

Mas lalo pa ngang lumamig ang ekspresyon nito nang mapansin siya. Diretso itong naglakad at nilampasan siya saka sa sumakay sa private elevator.

Tahimik na napapikit si Marikit bago huminga nang malalim. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa employee elevator.

---

DAHIL sa naging komprontasyon nila kahapon, mas lalo nang hindi maganda ang trato ni Samantha kay Marikit. Pagpasok pa lamang niya sa opisina ay agad na ipinasa rito ang mga trabaho nang walang kahit anong magandang salita. Ngunit wala nang pakialam si Marikit. Ang gusto na lamang niya ay matapos ang natitirang araw at makaalis.

Lumipas ang umaga nang ganoon. At nang mag-lunch break, dahil maganda ang panahon, naisipan niyang kumain sa maliit na eco park sa likod ng building.

Tahimik siyang bumaba ng elevator habang dala ang insulated lunchbox. Ngunit pagdating niya sa lobby ay bigla siyang natigilan. Papasok noon sina James Vergara at isa pang lalaking hindi niya kilala. Matangkad ito at halatang galing din sa mayamang pamilya base sa kilos at pananamit nito.

Ayaw sana silang pansinin ni Marikit kaya yumuko na lamang siya at naglakad palayo. Ngunit agad siyang napansin ni James. Sa laki ng katawan ni Marikit, imposibleng hindi siya mapansin nito.

Mabilis itong humakbang at hinarangan ang daraanan niya. Napahinto naman si Marikit. Pag-angat niya ng tingin ay agad niyang nakita ang disgusto sa mukha ni James.

“Bulag ka ba?” malamig nitong saad. “Hindi marunong bumati?”

Tahimik na napayuko si Marikit. Dati, maayos itong makitungo sa kaniya noong assistant pa siya ni Mikael. Pero ngayon, sa paningin ng mga kaibigan ni Mikael, isa na lamang siyang pangit, mataba, at desperadang babaeng nangarap ng higit sa kaya niya.

“Mr. Vergara,” mahina niyang bati.

Ngunit mapanuyang natawa lamang si James.

“Anong klaseng attitude ’yan?” sarkastiko nitong saad. “Akala mo ba talaga magiging reyna ka pagkatapos mong magpabuntis kay Mikael?”

Mariing napahigpit ang hawak ni Marikit sa thermal container habang ramdam niya ang matinding hiya. Ayaw na niyang patulan pa ito kaya tahimik siyang umiwas at naglakad palampas.

Ngunit sa mismong sandaling dumaan siya, biglang iniunat ni James ang paa nito.

“Ay!”

Hindi nakaiwas si Marikit. Malakas siyang natisod at tuluyang bumagsak paluhod sa matigas na marmol na sahig ng lobby. Napangiwi siya agad sa matinding sakit.

Kasabay no’n ay tumilapon ang hawak niyang insulated container. Tumapon ang mainit na arroz caldo at mga pagkain sa sahig. Biglang namutla ang mukha ni Marikit habang nanginginig ang katawan niya sa sakit.

At mula sa hindi kalayuan, biglang nanigas si Matthew Lee nang makita ang nangyari... Bakit kaya?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (50)
goodnovel comment avatar
kim Ationg
paayos namn po hirap namn nito
goodnovel comment avatar
kim Ationg
hala ano n to nsa 300 plus na ako bakit ako bumalik don na ako sa wla ng kasunod
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
grabe naman sila kung saktan si marikit🥲
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 768

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •EPILOGUE: THREADS OF FOREVER — MALIWANAG at napakaaliwalas ng sikat ng araw na tumatama sa malawak na garden lawn ng tahanan ng mga Vallejo sa McKinley Hill. Ang malamig na simoy ng hangin ngayong hapon ay nagpapadpad ng mabangong amoy ng mga sariwang white roses at

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 767

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 50: THE GREATEST GIFT — LUMIPAS ang mga buwan na tila mabilis na ilog na dumadaloy nang may kapayapaan at kasiyahan sa pamilya nina Gabriel at Andrea. Sa loob ng nakalipas na isang taon, ang buhay ng pamilya Vallejo ay napuno ng matatamis na alaala at tagum

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 766

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 49: A NEW CHAPTER FOR AURA BY ANDREA — MALIWANAG at punong-puno ng sigla ang buong boutique studio ng Aura by Andrea sa Bonifacio Global City ngayong umaga. Ang mga sinag ng araw na tumatagos sa malalaking salaming bintana ay nagbibigay ng maaliwalas na liw

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 765

    MATAPOS ANG kasal, naiwan muna si Yanyan sa poder nina Stella at Roberto upang magkaroon ang bagong kasal ng kanilang sariling panahon sa isa't-isa. Isang linggong honeymoon vacation sa Bali, Indonesia ang iniregalo ni Gabriel para sa kanilang dalawa, isang pribadong cliffside villa na may sariling

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 764

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 47: THE VOWS OF TRUE LOVE — NAG-AAGAW ang kulay kahel at abuhing kalangitan habang dahan-dahang lumulubog ang araw sa ulihit ng karagatan. Ang banayad na simoy ng hangin sa Marlboro Hills ay nagpapadpad ng napakasariwang amoy ng dagat at mga bulaklak, sumasa

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 763

    BOOK 4: THREADS OF THE HEART •KABANATA 46: THE CLIFFSIDE WEDDING IN BATANES — PUMAPATAK ang banayad at napakasariwang simoy ng hangin sa matataas na burol ng Marlboro Hills sa Batanes ngayong hapon. Ang malawak at luntiang damuhan sa dulo ng bangin ay pinalilibutan ng pambihirang tanawin ng Pacif

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 3: When She Chose Herself

    BAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Halos hindi niya agad nakilala si Marikit. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita. “Professor.” Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti. “Marikit.” Mabilis

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 2: The Day She Stopped Chasing

    BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagma

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 1 : Six Months Pregnant, Still Unwanted

    ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 6: The Family Who Chose Her

    ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago m

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status