JANINA MARIEHindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang may isang lalaking nagwawala sa labas ng bahay ni Xavier at nagpapakilala na dati kong nobyo raw siya. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam kung ano ang dahilan bakit niya ginagawa iyon. Ipinagsisigawan niya sa lahat na isa akong walang kwentang babae. Iniwan ko raw siya dahil sa pera. Marami pa siyang sinasabi na hindi naman totoo at puro paninirang puri lang. Uminit ang ulo ni Xavier dahil sa nagaganap. Naglabasan na rin kasi ang mga kapitbahay niya dahil sa ingay na likha ng nagpapakilalang ex boyfriend ko raw. Ang mga guards ay pilit na kinakausap ang lalaki ngunit wala itong planong tumigil. Naghahanap talaga siya ng atensyon kaya mas lalo pa siyang naging agresibo. "Do you know him, Janina?" tanong ni Xavier sa akin. "Hindi, Xavier. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Ngayon ko lang din nakita ang pagmumukha ng lalaking iyan," sagot ko. "Why is he making a scene here if you do not know who he is, huh, Jan
JANINA MARIE"Mas mabuting wala kang alam, Janina," seryosong sabi ni Xavier habang nakatingin sa mga mata ko. Tinatanong ko kasi siya kung ano ang mga inililihim niya sa akin. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya nagsinungaling kay Rhian. Imposible na gagawin niya iyon ng walang dahilan kasi kilala siya ng lahat na very straightforward. Sasabihin n'ya kung ano ang gusto niya at wala siyang pakialam sa iba. "Ang dami mong sikreto," mahina kong sabi para hindi kami marinig ni lolo. Ayaw kong malaman niyang nag-aaway kami ni Xavier. "What was the content of the text message you received?" he asked instead. "Bakit mo ako tinatanong? Hindi ba dapat ikaw muna ang sumagot sa mga tanong ko? Kung hindi mo ako sasagutin ng maayos, hindi ko rin sasabihin sa iyo ang laman ng text na natanggap ko. Ngunit hindi talaga nagpatalo si Xavier. Kahit anong pilit ko sa kaniya ay paulit-ulit niyang sinasabi na mas ligtas ako kung wala akong alam. Dahil doon kaya hindi ko rin sinabi sa kaniya an
JANINA MARIEHinablot ni Xavier ang mga braso ko. Hindi naman ako nasaktan dahil doon. Kinuha niya rin si Jude at kinarga ito. Inilayo n'ya kami sa nagpapambuno na sina Jake at Tommy. Tiningnan ko ang mukha niya at pilit kong binabasa ang saloobin niya. "I'm sorry." Nahihiya ako kaya mahina lang ang pagkakasabi ko noon. "Hindi ko alam na aabot sa ganito. Pumunta kami rito para mamili ng mga gagamitin sa birthday ni Jude at hindi para gumawa ng eksena.""Sa bahay tayo mag-usap," galit niyang tugon sa akin. "I am so disappointed with you. Why can't you obey me?""Akala ko ba sa bahay na tayo mag-uusap," balik ko sa kaniya. "Hindi ko talaga ginusto ito."Lumapit sa amin ang ilang guwardiya at saka niyaya kaming pumunta sa isang opisina na hindi ko alam na meron pala noon sa mall. Nakasunod sa amin si Althea habang ako ay hawak-hawak ni Xavier sa kamay. Nang lumingon ako sa aking kaibigan ay pilya siyang nakangiti at bahagya pang kumindat sa akin. "Tumigil ka," pabulong kong sabi sa kan
JANINA MARIEPilit na kinukuha ni Xavier si Jude ngunit umiyak ang anak ko. Mahigpit ang kapit niya sa aking leeg at ayaw bumitaw."Buddy, come to papa. May ipapakilala ako sa iyo," wika ni Xavier. Subalit lalong umiyak si Jude. Hindi ko siya mapatahan kaya nag-excuse ako kina Xavier at Rhian. Sumunod sa amin ni Jude si Xavier at hysterical na sumigaw naman si Rhian. "Xavier, if you leave us here, this will be the first and last time that you'll ever see your daughter!" banta ni Rhian. "I'm gonna cut your connections." "Do it!" sigaw ni Xavier."Hindi lang iyon ang kaya kong gawin; and you know it, Xavier!" sigaw ni Rhian. Tumigil si Xavier. Hindi ko na siya pinansin. Mas importante sa akin na asikasuhin ang aking anak kaysa ang sarili kong nararamdaman. Nasasaktan ako dahil sa tingin ko ay hindi ako o kami ni Jude kayang ipaglaban ni Xavier pagdating kay Rhian. Sa silid ay pilit kong pinatatahan si Jude. Kinausap ko ng masinsinan ang anak ko. He is a brilliant child kaya alam ko
XAVIER WESLEYAs I walked into the house, I noticed my daughter filming the scene. Rhian is out of control, and the guards are gripping her arms tightly. I snatched the cellphone from my daughter's grasp. She began to cry. Alam kong natakot siya kaya I tried to comfort her. "Guards, ako na ang bahala. Bitawan n'yo na si Rhian," I said. "Pero sabi mo…" "Let me handle the situation, Janina. Go upstairs and look after Jude," pakiusap ko sa aking asawa. Alam kong magagalit siya sa pagputol ko sa kaniyang sasabihin pa sana pero kailangan kong harapin ang sitwasyon sa mas matalinong paraan. Hindi agad nakakilos si Janina. Nakatingin lang siya sa akin at blangko ang expression ng mukha n'ya. Napapikit ako. I know she's deeply hurt pero hindi ko siya magawang yakapin. "Thank you, Jake. You may go home now," sabi ni Janina kay Jake. "I'm sorry sa lahat ng gulo na ito." "Don't worry. Sanay na ako, Janina." Tiningnan ko ng masama si Jake. Itinaas naman n'ya sa ere ang kaniyang dalawang pa
JANINA MARIE"Seryoso ka ba, Janina Marie? Ginawa ba talaga iyon ni bakla?" Hindi makapaniwala na tanong ni Althea. "Oo. Nagulat ako na siya iyong sumagip sa amin kahapon," saad ko. "Hindi ko rin alam na may mga bodyguards pala siyang binabayaran upang bantayan ako at si Jude. Ang sabi niya ay magpapaliwanag daw siya pag uwi niya.""Anong kapalit naman niyan, JM? Bakit kailangan pa ng bodyguard gayong wala namang banta sa buhay ninyo?""Hindi ko alam. Hindi naman siguro ako pababantayan ni Xavier nang walang dahilan. Tingin ko ay hindi niya lang gustong pabayaan ako kaya kahit nasa malayo siya ay meron siyang iniwan na mga tauhan na titingin-tingin sa amin ni Jude." "I hope so, Janina. Nagsisimula pa lang ang ex-girlfriend niya at nakikita ko base sa mga kwento mo, gagamitin niya ang anak niya para matalo ka. Hays, lahat na lang ng mga naging karelasyon mo ay puro sakit sa ulo. Try mo kayang iwan si Xavier at subukan si Jake. Baka lumigaya ka pa sa kan'ya."Narinig kong pinagalitan
JANINA MARIEHabang kumakain ay para akong nakalutang sa ulap. Panay ang ngiti ko habang nakatingin sa aking anak. Nagtatampo kasi si Jude kay Xavier kaya nakahalukipkip siya at nakasimangot. Kahit anong pilit ko ay ayaw niyang kumain. "Happy ka po ba, mama?" inosenteng tanong niya sa akin. "Yes. Kaya kumain ka na kasi malulungkot ako," tugon ko."Sorry na, buddy. Babawi ako," saad ni Xavier. Tumingin siya sa akin. "No! I hate you po," patuloy na pagmamaktol ng aking anak. "Kapag kumain ka, mamaya ay maghahanda tayo para sa extension ng birthday mo. Pupunta tayo sa isang magandang resort kung saan pwede kang maligo sa dagat buong maghapon," pangungumbinsi ni Xavier kay Jude. Parang milagro na biglang nagliwanag ang mukha ng aking anak. Napabuntung-hininga na lang ako. Masyado na kasing nagiging spoiled ang anak ko. Sumenyas ako kay Xavier na huwag n'yang ituloy ang plano niya pero pilyong kinindatan n'ya lang ako. Habang nag-iimpake ang yaya ni Jude ng mga gamit ng aking anak ay
JANINA MARIE"Umuwi na tayo! Walang kwenta ang bakasyon na ito!"Malakas kong itinulak si Xavier. Sinuntok ko rin ang kan'yang dibdib. Ayaw niya kasing magsalita at sa tuwing tinatanong ko siya ay pinagtatawanan niya lang ako. Gustong-gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko. Hindi na kasi ako mapakali kaya hinila ko siya sa may dalampasigan. Doon ko itinanong sa kaniya ang lahat ng gumugulo sa isip ko. "Hey, Loves, easy. Baka umiiyak na si Jude sa bahay," nakatawa niyang sabi habang sinasalag ang aking mga suntok. "Panakip-butas lang ba talaga ako ng kabaklaan mo? Kung mahal mo ako noon pa, bakit noong nagkita tayo sa Dynasty Resort ay narinig kitang ayaw mo akong maging asawa?" "Your question is out of line. Grabe ang imagination mo, Janina." Nilagay ko sa akin baywang ang aking dalawang mga kamay. Matalim ko siyang tinitigan habang nakangiti lang siya sa akin. Lalo akong nanggigil nang ilagay niya ang kan'yang kamay sa aking ulo at ginusot niya ang aking magandang buhok.