Share

Kabanata 3

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2025-11-14 19:06:58

Heto Nanaman Siya

Nandito kami ngayon sa university canteen. Ang isang table malapit sa poste ay aming sinakop dahil gusto lang namin sa pwestong ito at medyo natatapatan ng ceiling fan.

"Hay nako, may paparating na delubyo..." sabi ko habang nakatingin sa magandang babaeng brunette ang kulay ng straight nitong buhok at mataray kung makatingin habang nakahalukipkip at maarteng naglalakad papalapit sa table namin.

"Musta mga panget?" bungad niyang bati.

"Ano kami, salamin mo?" sabi ni Seb at para kaming tangang nagtawanang apat bigla.

"Excuse me, wala sa lahi namin ang kapangitan. Baka sa inyo mayroon?" maarte niyang pagkakasabi.

"Tama tama! Wala sa lahi natin 'yon, 'di ba couz?" sabi ni Niccolo, tumayo pa ito at inakbayan si Salem.

"Kaso ewan ko na lang kung anong nangyari sa'yo, couz." aniya na para bang nandidiri kay Niccolo sa maarteng pagtanggal ng kamay nito sa balikat niya.

"Tanga, as if naman gusto kitang maging kadugo! Napilitan lang ako noh! Eeeww!" Pag-iinarte rin ni Niccolo.

Magpinsan nga talaga sila...ang kaartehan ay dumadaloy sa kanilang pagkatao.

"Balita ko kakahiwalay mo lang doon sa panglabing-dalawa mong syota, ah?" pag change ng topic ni Niccolo. Mabilis din kasi kumalat ang news flash dito sa school lalo na kapag isa ka sa mga sikat na maganda o gwapo na estudyante.

Isa si salem sa magandang estudyante na napapalibutan ng kung ano-anong chismis na madalas wala siyang pake roon. Kaming apat? Normal lang na estudyante. Average. Hindi pansinin pero 'yong dalawa...si seb at niccolo...papansin sila. Sa klase lang siguro kami pansinin, hindi sa buong univ. Iyong itsura't karisma namin piling tao lang siguro naaakit. Hindi naman kasi kami varsity player, lakambini, SSC member, miyembro ng school band o choir o dance team, rich kid na may service na kotse, estudyante na may motor, o suki sa mga contest na nakakapagbigay parangal sa univ. Kaya paano kami mapapansin? May requirements para mapansin, hindi pa kami qualified para sa lahat.

"Ibang klase talaga karupukan tsk tsk, lalahatin mo ba mga basketball player sa school bago grumaduate?" pang-aasar ko kay Salem na medyo nakasanayan na.

"Oh, Jaq, bakit parang nagseselos ka na naman? Alam ko naman na crush mo ako, aminin mo na kasi!" aniya.

"Ha! Baka ikaw ang may gusto sa akin? Aminin mo na kasi, tatanggapin ko naman."

Nakasanayan na rin namin ang mag-asarang dalawa tungkol sa kung sino ang may pagtingin sa isa't isa. Napagkamalan kasi kami ng isa niyang ex na may relasyon daw na naging dahilan ng hiwalayan nila kaya ginawa na naming biro ni Salem ang tungkol doon.

"Actually, tama ka roon," lumapit siya sa akin at umupo sa table, "Kinukwento nga kita palagi kay lord. Sabi ko kapag hindi kita nakuha, siya na lang kumuha sa'yo." dagdag niya pa.

Pinagdikit ko ang dalawa kong palad na para bang nagdadasal ako sa harapan niya.

"Maraming salamat Salem dahil gusto mo ako mapunta kay lord. Napaka buti mong tao. Nawa'y pagpalain ka pa." wika ko.

"Kailan ko ba sasabihin sa'yo na it's Xowie! X-O-W-I-E! Xowie and not Salem!"

"Ang arte-arte mo naman, Xowie Salem naman buong pangalan mo!" pagrereklamo ni Seb.

"Shut up, dugyot! Stupid creature!" inis na bigkas ni Salem sa kaniya.

"Shatap dugyut nyanyanyanya...arte!" panggagaya ni Seb sa boses ni Salem para lalong maasar.

"Ewan ko sa inyo mga panget!"

"Xowie!" napasulyap kami sa nasigaw na isang babae na mahaba ang buhok, kulay itim pero may highlights na kulay tanso. Kung makatingin kala mo aawayin ka at kung maglakad kala mo kung sinong siga. Ang tanging kaibigan ni Salem, si Maki. Kumakaway siya kay Salem habang papalapit sa puwesto namin.

"Ma-le-late na tayo sa klase!" sabi ni Maki sa kaibigan niya ng malapitan na niya ito at sabay cling sa braso nito.

"Kay Sir pogi?" tanong ni salem.

"Oo, gaga!"

"Taragis na 'yan, mas sabik pa sa pagsilay sa prof kaysa pag-aaralan, ah?" sambit ko.

"Baka inaakit mo lang 'yon para mataas ang grades mo? Nako po! Hahahaha!" pang-aasar ni Seb.

"Excuse me, nag-aaral ako ng mabuti. Priority ko ang pag-aaral kaya 'wag niyo akong itulad sa inyo, pumapasok lang pero walang natututunan. Ga-graduate lang kayo sa attendance at hindi sa learnings, tss!" maarteng naglakad paalis si Salem sa pwesto namin habang si Maki ay nginitian lang kami at sumunod na rin sa kaibigan.

"Hindi ba nabobroken hearted 'yong babaeng 'yon? Pota ang bilis mag move on baka nga kinabukasan sila na no'ng tinatawag niyang sir pogi." sabi ni Seb.

"Sir pogi ampotek, baka kamukha lang 'yon ni master pogi hahaha!" pagbibiro ko.

"Pwede ba, huwag niyo ngang anuhin 'yong pinsan ko, kitang hapit 'yon sa pagmamahal kaya dapat inuunawa natin. Atsaka wala naman masama roon...kung magkaroon man sila ng relasyon no'ng prof nila, ano pake natin? Nagmamahalan sila, bawal ba 'yon? Atsaka kung walang naaagrabyado, why not? ‘diba lucas?" bwelta ni Niccolo.

“Ewan, hindi ko alam.” Tugon ni lucas.

Napatigil ang aming pag-uusap ng may biglang umakbay sa akin at umupo sa aking tabi.

"Hi, Jaq." Nakangiting bati sa akin ng isang babaeng hanggang balikat ang itim na buhok, may bangs at style na yata nito ang medyo magulong hairdo na parang hindi uso sa kaniya ang magsuklay.

Ngayong ko lang din napansin na medyo may freckles siya sa mukha at ang kulay ng mata niya ay may pagka light brown.

"Crush ka raw ni Jaq!" biglang sambit ni Seb kaya napatingin ako sa kaniya ng masama.

"Anong crush ka r'yan? Hindi, ah!" bulyaw ko.

"May gusto ka rin pala sa akin pero sa iba mo sinasabi, paano tayo magmamahalan niyan?" sambit ng katabi ko.

"Puwede ba? Hindi nga kita gusto!" sambit ko.

"Naintindihan mo na ba 'yong binigay ko sa'yong sulat?"

"Oh!" abot ko ng nakatuping papel sa kaniya, "Ayan 'yong reply ko sa'yo!" dugtong kong sambit.

Binuklat niya ang papel at tinignan ito na may ngiti sa kaniyang mukha. Ineexpect ko na medyo maguguluhan siya dahil panigurado ako na hindi niya ito maiintindihan pero hindi, para bang ineexpect na niya na mangyayari iyon. Sa totoo lang, ang sarap tabasin ng labi niya para hindi na siya ngumiti sa harapan ko.

"Binary code?" tanong niya sa akin.

"Hindi, lotto digits, itaya mo baka manalo ka."

"Hahaha pilosopo ka rin, e, noh?" sabay hampas niya sa balikat ko na may kalakasan.

"Ano, close ba tayo?"

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko na kinagulat ko naman.

"Hindi pa ba?" tanong niya sa akin habang nakangisi.

Agad ko naman nilayo ang mukha ko sa mukha niya kasi baka magkapalit pa kami ng mukha, mahirap na!

"Hindi! Ayan nakuha mo na reply ko, aalis na kami, tara na boys!" aya ko sa tatlong kumag.

"Ano ba 'yan Jaq, KJ? Hindi pa nga kami nagpapakilala sa future syota mo, e!" sabi ni Niccolo.

Future syota? Future ko nga wala, syota pa kaya?

"Hala, Sorry!" sabi ni Sining at kaniyang ipinakita sa amin ang I.D niya,

Fedeli, Sining M.

BSBA - 4A

"Ano 'yong M?" tanong ni Lucas.

"Magayon, I'm Sining Magayon Fedeli."

Pinakita naman ni Seb ang kaniyang I.D,

Jimenez, Lance Sebastian A.

BSIT - 4A

"My friends call me Lance, Jaq calls me Seb, but you can call me babe." sabay kindat niya kay Sining.

"Why Seb?" tanong nito sa kaniya.

"May hobby kasi 'yang future syota mo," sabay turo sa akin, "...na tawagin ang kung sino man may second name, sa second name nila." sagot ni Seb.

"Future syota ampotek! Hindi ko nga siya gusto! Tara na uwi na tayo!" aya ko ulit sa tatlo may pagmamakaawa na sa aking tono.

"Wait lang naman Jaq, hindi pa nga kami nagpapakilalang dalawa, e! Getting to know your future syota tayo ngayon!" reklamo ni Niccolo.

"Walang getting to know na mangyayari kaya dalian niyo na!"

"Oo na, oo na, heto na! We have already met, I'm Niccolo Rodriguez Nuevo at your service!" pakilala ni Niccolo sabay salute kay Sining.

"Lucas Pagal." simpleng pakilala ni Lucas.

"Hello, hello, hello sa inyo! Mga future friend-in-law! Hahahaha!" isa-isa siyang nakipag shake hand sa kanila at tumigil sa akin...tinignan ko lang siya ng masama.

"Ikaw, hindi ka ba magpapakilala sa akin?" tanong niya.

May tao bang magkakacrush tapos hindi kilala 'yong crush niya? Pambihira...wala yatang stalking skills ang isang 'to!

"Ako si kamatayan, susunduin ka na." irita kong sabi.

"Creepy!" sarkastiko niyang tugon. 

Agad na hinablot ni Sining ang suot kong I.D. at tinignan iyon.

"Matteo, Jaq S. Ano 'yong S mo? Santos? Sanchez?" wika niya.

"Satanas hahahaha!" pabulong na bigkas ni Seb pero narinig ko ‘yon kaya binatukan ko siya ng malakas.

"Awts! sorna!" sabi ni Seb habang hinahaplos ang kaniyang ulo at dahan-dahan pinupukpok ang kaniyang baba.

"Suarez." sagot ko.

"Jaq Suarez Matteo, okay. Bakit ka pala laging naka jacket?" tanong niya.

"Pake mo." mabilis kong hinablot sa kaniya ang id ko.

"Ang init kaya rito, hindi ka naiinitan?"

"Oo nga naman Jaq, tanggalin mo na 'yan! Ang init-init sa pinas atsaka wala naman tayo sa room. Wala na 'yong aircon, hindi kayang lumabas!" sabat ni Niccolo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi hindi pa naghihilom 'yong huling hiwa ko sa palapulsuhan.

"Tanggalin mo na 'yan, Jaq! Ako naiinitan sa'yo, e!" sabi ni Seb.

Kapag tinanggal ko ito makikita nila 'yong mga hiwa ko. Baka isipin nila na hindi ako normal...baka sabihin nila kailangan ko ng propesyonal na tulong...baka sabihin lang nila sa akin; 'Just Think Positive, pare, lumilipas din ang problema.' hindi naman gano'n 'yon, lalo na kapag hindi mo maintindihan 'yong isipan mo at 'yong nararamdaman mo. Hindi, hindi, hindi! Ano ba itong iniisip ko? Heto na naman ako! Pesteng isip 'to!

Halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa kaloob-looban ko nagpa-panic na ako pero 'yong pang labas kong anyo kalmado lang, hindi pinapahalata sa kanila na kabado ako mga isang daan porsyento ng aking lakas!

"Hoy Sining!" isang babae ang lumitaw at hinawakan si Sining sa balikat. "Magrereview pa tayo, 'di ba?" dagdag pang sambit nito.

Salamat! Saved by someone!

"Ah! Oo nga pala! Sorry, Lycka." tumayo na si Sining sa pagkakaupo niya sa tabi ko. "Osya, kitakits na lang bukas, lalo na sa'yo Jaq." sabi niya sabay flying kiss bago umalis na syempre inilagan ko at parang tangang sinalo ni Niccolo at inilagay ito sa pisngi niya.

Sana talaga hindi ko na makita 'yong babae na 'yon habang buhay!

"Taragis ka Jaq! Babae na naghahabol sa'yo!" reklamo ni Niccolo.

"Sana all na lang talaga, pre!" bigkas ni Lucas.

"E di inyo na nga 'yon! Pambihira!" Tumayo na ako sa pagkakaupo na ginaya naman ng tatlong kumag.

"Uwi na agad? Alas singko palang, e!" reklamo ni Seb.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Lucas.

"Pass ako. Uuwi na ako."

"Luh, Jaq, bakit?" tanong ni Niccolo.

Nawalan ako ng energy bigla...wala na ako sa mood. Gusto ko mapag-isa at mag-isip. Gusto ko nang umuwi sa bahay.

"Tara, yosi?" aya ko sa tatlo na agad naman nilang sinang ayunan.

***

May limang metrong kalayuan sa unibersidad, sa isang matandang puno ng hindi ko alam kung ano ang bunga. Kaming apat ay may kaniya kaniyang hawak na isang yosi sa aming daliri at isa sa mga nakilahok sa aming cigarette session ay ang malapit naming prof na si Sir. Gray...gray kasi paborito niyang kulay. Nakita lang namin siya na patawid patungo sa katapat na tindahan sa aming pwesto.

"Anong oras klase niyo, sir?" tanong ni Lucas kay Sir Gray.

"Alas sais."

"Anong year at subject? May chixx bang estudyanteng puwede mo i-reto sa akin, sir?" tanong ni Niccolo.

Kung si Salem hapit sa lalaki, siya naman hapit sa babae. Magkadugo nga talaga.

"First year, basic electronics. Madaming freshman ang fresh ngayon hindi tulad ng batch niyo, mga haggard na! Hahahaha!" sabi ni sir na tinawanan naming lahat.

"Paanong hindi ha-haggard, 'yong computer sa laboratory ayaw ipagamit! Parang tanga 'yong school na 'yan, e, pasunog ko 'yan!" sabi ni Seb na nagtatapang tapangan.

"Gawa nga, pasunog mo nga!" panghahamon ko.

"Gagu joke lang!"

"Kingina ninyo mga fourth year na pala kayo. Akalain mo nga naman ang bilis ng panahon...pinapahirapan ko pa kayo dati gumawa ng system sa Operating System." sabi ni sir habang natatawa…siguro naaalala iyong nakaraan.

"Oo nga po sir, e,kaso  nag fourth year na walang alam! Hahahaha!" sabi ni Niccolo.

"Tanga, ikaw lang 'yon!" bwelta ni Lucas.

"Paano naman kasi kayo matututo niyan, kulang sa facilities tapos kulang pa sa mga prof kasi walang budget 'yong school." reklamo ni sir.

"Bakit sir, delay pa rin ba 'yong sahod ninyo?" tanong ni lucas.

"Tanginang sahod 'yan... delay ng isang buwan! Pasunog mo na nga 'yang school na 'yan Lance ng magkaroon ka ng silbi! hahahaha!"

"Taragis 'to si sir papahamak pa ako!" sabi ni Seb habang kinakamot ang batok niya.

"Delay sahod tapos mababa pa hahahaha yawa, pakamatay na hahahaha!" sabi ni sir pero pabiro 'yong last part.

"Balak ko pa naman kapag naka-graduate na ako, mag part time r'yan sa school para iparanas sa magiging estudyante ko 'yong naranasan ko rito sa school." sabi ni Lucas.

"Tulad ng ano?" tanong ni sir.

"Tulad ng pagtulog lang sa klase habang hinihintay matapos 'yong oras hahahaha!" sabi ni Niccolo na pinagsang ayunan namin.

"O kaya 'yong ginagawa mo sa amin sir, 'yong magpapa introduce sabay may talent tapos kamukhang artista! Bwiset kaya 'yon!" sambit ni Seb.

"Sabi ni sir wala ka raw talent noon hahahaha!" sambit ko.

"Hindi ba talent ang pagkanta ng bahay kubo?" sabi ni Seb.

"Buti nga bahay kubo kinanta mo, hindi lupang hinirang! Baka tumayo pa kami at inilagay 'yong kamay namin sa dibdib!" sambit ni sir na natatawa pa nga.

"Sayang! Dapat pala ayon na lang sir, para at least maramdaman ko man lang maging makapangyarihan sa klase at maging makabayan na rin!"

"Subukan mong iligtas ang flag kapag may bagyo, instant hero ka niyan. Ipagmamalaki ka dahil sa pagiging makabayan mo tapos ibabalita ka pa sa tv...kasi flag ng pilipinas niligtas mo, hindi Pilipino mismo." Sabi ni Lucas.

"Tangina, oo nga noh? Husay! Mas madaming makaka-appreciate sa akin kapag gano'n nga! Kaysa kapag trabaho mo, e, nagliligtas ng buhay...kinukwestyon pa nga ng iba hahahaha!" wika ni seb.

Tinitignan ko lang sila mag usap-usap tapos maya-maya lalamunin na naman ako ng sarili kong isipan. Mawawala ako saglit sa kanila kahit nandito lang naman ako sa tabi. Patuloy ako sa paghithit ng yosi at pinapanood ang usok na aking binubuga kung paano sila tangayin ng hangin papalayo...parang ako.

Minsan, madalas, ang pinakamasamang lugar na maaari mong mapuntahan ay ang iyong sariling isipan. Walang tutulong sa'yo kapag nandoon ka. Wala.

***

TBC.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter V

    I Am Not Nice To Anyone But You••After that event, sabay sabay kami umuwi no'n. I was so happy I finally got a picture of Parokya ni Edgar band with me. I was checking my phone gallery and watching a video I took around at no'ng makita ko ro'n si jaq ay bigla kong naalala iyong picture niya sa camera ko."Oh, yeah, I have to send that to him!"Ibinagsak ko ang aking iphone sa kama. Agad kong kinuha ang camera ko sa loob ng aking bag na nakasabit sa may pinto ng aking kwarto. Kinalas ko ang aking camera at kinuha ang memory card nito. Binuksan ko ang aking lappy na nakapatong sa aking study table. Mabilis ang pagtingin ko sa file para makita agad ang pakay ko."Should I edit this a little o huwag na?" I was talking to myself and the screen of my lappy.Masuri kong tinignan muli ang picture ni jaq na nakablack and white filter. Good profile...side view. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, mata'y bilugin at kahit itim ang kulay ng mata niya alam kong kayumangg

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter IV

    I saw you looking at someone else••At sa hindi ko alam na dahilan...sa tuwing nakikita ko 'yong apat sa canteen ay ginugulo ko na ang buhay nila. Jaq and I made a joke about sa nangyari sa amin ni Aaron, kesyo may gusto kami sa isa't isa na naging dahilan ng pagiging malapit namin sa isa't isa...but not that close na i-co-consider ko siyang friend like maki, but close enough to make jokes with each other. And of course sa iba rin...except kay lance...sama ng loob ang binibigay niya sa akin palagi na sinasabayan minsan nila lucas at jaq kaya mas lalong lumalakas ang loob ng bwisit!"Xowie, I know its a good thing na close ka sa mga friends ng pinsan mo pero...its making noises and chismis na naman about you!" maki said habang naglalakad kami papuntang library."I heard, and I don't care. Sila lang ba may karapatan na maging close sa opposite sex? Tss.""Tinatawag ka nilang malandi..." mahina ang pagkakasabi no'n ni maki."Pfft! They keep calling me such, and I don't fucking care. I h

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter III

    Like teenagers in a novel book••Nagkita pa ulit kami no'ng sining...same pa kami ng team sa pagtakbo bilang SSC. I don't know why destiny keeps making the same mistake twice na? I see myself not being her friend pero parang pinagtutulakan siya sa akin ng tadhana. My gosh!"Hala! Nagkita na naman tayo, xowie! Still remember me?" masaya niyang sambit.Ano akala nito? May amnesia ako? E, ilang araw pa lang lumilipas no'ng huli naming kita."No, who are you again?" I sarcastiacally told her."Sining, iyon ang name ko. We met at the debate competion last last week!"Patola naman ang isang 'to. Can't read the air."Ohh! Right."Tapos hindi ko na siya pinansin pero siya itong daldal ng daldal pa rin sa akin habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng building ng mga business major."Sining, I bet you know a lot of students here. Ang daldal mo kasi." sambit ko para naman hindi siya magmukhang stupid na nagsasalita sa walang may pake sa mga sinasabi niya."I have lots of friends kasi madal

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter II

    Every encounter with you••I tried my best na hindi magkasalubong ang landas ko kala niccolo sa univ. Kapag nakikita ko sila sa canteen sa favorite spot nila ay tinatalikuran ko iyon and then sit somewhere else o sa malapit na fastfood sa labas ng school kami kumakain ni maki. She never asks naman kung bakit nilalayuan ko ang pinsan ko. I guess she thinks I'm not close with him...which is the total opposite.After ng pangyayaring iyon tinadtad ako ni niccolo ng chat na nagsosorry at huwag ko raw siya isumbong kala daddy at sa mommy niya. Wala naman akong balak magsumbong dahil ayoko mag-explain at naiinis lang ako kapag naaalala ko ang humiliation na iyon sa harapan nila!"Alam mo xowie, narinig ko lang 'to kala athena..." maki started saying out of nowhere.Nasa CR kami at naghuhugas ng kamay. After no'n kaunting ayos sa mukha at buhok. Sa salamin kami nag e-eye contact. Kaming dalawa lang naman ang tao rito."What?""Alam mo ba na may isang varsity player daw na nagkakagusto sa'yo?

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter

    (Based on Salem's own story - SiguradoA sneek peek of chapters onwards.)The Boys••The first semester went well, and the second semester came out like a bullet in target. Ang bilis ng panahon. Maki was still with me, and she was the only friend I made. Iyong iba, I just treat them as blockmates and groupmates. There are times when I see Niccolo in the canteen with his friends, but I don't approach him because I don't want to know his friends that much o hindi lang ako gano'n kainteresado sakanila. I know Niccolo well enough; he gives his all, lalo na't mayroon naman siyang maibibigay, and that was his weakness. He gives his all for friendship and love, na hindi niya namamalayan na inaabuso na pala siya. At iyong katangahan niyang iyon ay minsan hinahayaan ko lang hanggang sa isang araw ay matuto siya."Nakatingin ka na naman sakanila...kilala mo ba mga 'yon?" tanong ni maki.We are drinking our shake na binili namin dito sa canteen."Have I told you na cousin ko 'yong isa sa mga 'y

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   KGMP - Epilogue

    Surprise••Niccolo's POV"Nandiyan na siya! Ready na, ready na!" sigaw ni lance pagkapasok sa bahay.After ng graduation, nagimpake na si jaq upang tumira sa bahay nila. Wala naman siyang halos gamit kaya mabilis lang siyang nakapag impake. Sa huli, iniwan din niya ako at mag-isa na naman ako sa bahay. Ang lungkot tuloy! Fifty-Five days ang tinagal ni Arroz caldo na akala namin hanggang Forty-nine lang. Close yata sila ng Diyos kasi it's a miracle!"Patayin mo na 'yong ilaw, niccolo!" utos ni lucas sa akin na agad ko naman sinunod.Dalawang linggo na rin ang nakakalipas no'ng tuluyang graduate na kami sa college at nag-aayos nang resume para makapag apply next month. Next month aalis na rin sina xowie at si maki papuntang spain. Badtrip kapag iinisin mo si xowie ngayon, kung dati ini-ingles niya kami, ngayon naman nag-espanyol na siya! Lumelebel up ang super katarayan niya! Anong laban ko sa spanish skills niya, eh, spanish bread lang alam ko!Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status