Share

Kabanata 4

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2025-11-14 19:08:53

Pray Boys

I'm going to tell you what a demon once told me; It's okay to want your own happiness. It's okay to care about yourself the most. When someone hits you, it's okay to hit back and then ask them; 'what the hell do you expect?' It's okay, you're not obligated to sit there and smile and swallow every drop of poison that they give you. You're more than furniture, you're not their shiny toy. You’re human, you have every right to say.

"Tangina, hindi mo alam pinagsasabi mo. Mali ka, kaya manahimik ka na lang, puwede?"

You have the right to protest your own mistreatment and set boundaries for respectful interactions. Hindi narerealize ng ibang tao na may ganito kang karapatan at kapag ginawa mo ito sa kanila they will act offended and appalled pero karapatan mo iyon. And that shit hits me. May point 'yong demonyong nagsabi no'n sa akin...at iyon ay ang sarili kong hindi ko maintindihan.

Alas dos ng hating gabi na, nakahiga ako sa aking kutson, yosi ang nasa aking labi at kisame lamang ang tanawin na aking nakikita. Si Jorge ay mahimbing na natutulog sa lapag dahil umuwi siyang lasing kaya bumagsak na lamang siya basta basta sa sahig at syempre isa akong mabuting kaibigan, pinabayaan ko lang siya roon...bahala siya sa buhay niya hindi ko naman siya responsibilidad.

"Tanginang buhay ito...napakalungkot." sabi ko sa aking sarili.

Ini-angat ko ang kaliwang manggas ng suot kong long sleeve shirt at tinignan ang mga bakas ng hiwa sa aking palapulsuhan. Parang ang weird lang? Buhay naman ako pero parang patay na sa kaloob looban. Wala naman kasing pakialam ang iba hangga't walang dramang nangyayari. Sa tingin ko, sa simula nang ipinanganak ang isang tao, nagsisimula na itong makaranas ng kamatayan...lalo na ako. Unti-unti ay pinapatay ako ng buhay.

Huminga ako ng malalim at sinulyapan si Jorge na mahimbing ang tulog sa lapag.

"Buti na lang may kasama ako ngayong gabi...walang paghihiwa na magaganap," sabay tingin ko sa kanan kong palapulsuhan, "Nakaligtas ka ngayon…" dugtong ko.

Mannerism ko na yata ang paghihiwa sa palapulsuhan na para bang parte na siya ng daily life ko. Hays, bakit ba nahantong sa ganito ang buhay ko?

"Ahh, ano ba namang isipan ito, gusto ko na matulog!" pagmamaktol ko habang bumabangon sa pagkakahiga upang dumungaw sa bintana.

Aking sinilayan ang liwanag ng buwan at mga bituin habang sinasabayan ang paghithit ng yosi.

"Gusto ko na lang mamatay..." bulong ko sa aking sarili.

Gusto ko na talaga, pero kaya ko ba?

***

Pagkapasok ko sa regular classroom namin nakaupo na ang tatlong kumag sa paborito naming pwesto, ang dulong row, malapit sa kabilang pinto.

"O himala, hindi mo suot 'yong paborito mong jacket ngayon?" bungad na tanong ni Niccolo sa akin.

Naka kulay itim akong long sleeve shirt, denim jeans, at low cut na converse dahil wash day naminsa school ngayon.

"Nilabahan ko." tugon ko.

Parang tanga namang sabay sabay na umaktong nagulat ang tatlo.

"Taragis! Himala! Papadasal na ba ako?" pang-aasar ni Seb na nakasuot ng plain white t-shirt na pinapatungan ng black 'n white na varsity jacket kahit hindi naman siya varsity player, black jeans at puting adidas na sapatos na sabi niya ay nabili niya online lang no'ng sale.

"Kami dadasal sa'yo Lance, para ka kasing tanga!" bwelta ni Niccolo na nakasuot ng puting long sleeve shirt din pero nakatupi ang manggas hanggang siko, black jeans at puting fila na sapatos.

"Ipagdadasal ko kayong dalawa, eh, pareho lang naman kayong tanga!" sabi naman ni Lucas na nakasuot ng kulay green na t-shirt na may naka print na baybayin ang sulat; teknolohiya, denim jeans at air max na sapatos na nabili rin online no'ng sale.

"Puro kayo dasal ng dasal, baka kunin kayo kaagad ni lord niyan." sambit ko sa kanilang tatlo.

"Lord patawad, madami pa po akong plano sa buhay." sabi ni Seb habang nagdadasal.

"Tsk tsk tsk masyado ka na raw makasalanan, kukunin ka na raw niya mamaya!" sambit ni Niccolo. Tanging tugon lamang ni Seb sa kaniya ay middle finger.

Kakadasal lang gumawa na agad ng kasalanan tsk tsk tsk hindi si lord ang kukuha rito, eh.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na 'yong prof namin sa Capstone 1 at dahil wala naman kaming gagawin, pinapunta niya kami sa library para gawin ang documentation namin na ilang beses ng ni-revise ang chapter 1 hanggang 4. Hay nako sayang pa-print!

Pagdating namin sa University Library, agad naman naming tinungo ang thesis corner.

"Ahh, katamad maghanap!" reklamo ni Seb.

"Mata kasi pinanghahanap hindi bibig!" sabi ni Lucas.

"Para kang nanay ko, paboritong linya 'yan!"

"Alam niyo kasi uso magtanong 'di ba? kaya nga may librarian ang library!" sabi ni Niccolo.

"Tara na nga magtanong na tayo puro kayo reklamo d'yan." sabi ko sa tatlo.

Tinungo namin ang table ng librarian, mga nasa edad forty na yata siya, halata naman sa kulubot niyang mukha at pagkaputi ng ilang hibla ng kaniyang nakapusod na buhok.

"What can I do for you?" mataray na tanong niya sa amin.

"Tangina english..." bulong ko sa tatlo.

"Ahmm ma'am, puwede po bang malaman kung saan--" tanong ni Lucas.

"In english please."

Ano ba 'yan pati ba naman librarian papahirapan ang buhay namin?

"Nevermind." sabi ko at tinalikuran na lamang ang librarian.

"Tangina Jaq, ano 'yon? Akala ko ba magtatanong tayo?" sabi ni Lucas sa akin na natatawa pa.

"Ayon na nga, eh, hihingian natin ng tulong maarte...kung ayaw niya e di 'wag!"

Tinawanan lang ako ng tatlo.

"Taragis ka! Dali na tanungin na natin! Face your fears hahahaha!" sabi ni Niccolo at hinihila ako pabalik do'n sa librarian.

Sa tutuusin pwede naman si lucas na lang dahil siya ang mahusay sa aming apat academically...mahiyain lang minsan.

"Ikaw kaya magsalita roon!" sambit ko kay niccolo na hinahatak ako pabalik doon.

"Ako sa umpisa, ikaw na bahala sa iba, ha?" aniya.

"O sige na nga," pagsuko ko.

Nasa harapan na kami ng librarian, pagkatingin niya sa amin ay tinaasan kami ng isang kilay.

"What can I do for you?" tanong niya ulit.

"Hi, ma'am." pag uumpisa ni Niccolo.

"Yes?"

"Huy..." bulong ni Niccolo sa akin sabay atras sa likuran ko.

Anak ng tinapa nga naman, siya nga sa umpisa. Hay nako!

"Ahmm can we ano ahmm..." sabay kamot ko sa aking tainga kahit wala namang makati.

Marunong naman ako mag ingles kaso kapag sa mga tropa ko lang o sa sarili ko...fluent pa nga ako! Pero kapag sa ibang tao na para akong pipe na walang salitang lumalabas sa aking bibig.

"Can we know kung saan---" sabi ko,

"In english, please."

"Can we know...ahmm where is the...the ano ahmm the ano ba tawag doon?" sabay tingin ko kay Niccolo.

"Thesis." sagot niya sa akin.

"Ahh, thesis. Can we know where is the thesis? We need it for reference...ahhmm where ano kasi where fourth year I.T students po."

"Fourth year student yet you can't even talk in straight English...what a shame."

Sa totoo lang nairita ako sa sinabi niya...can't even talk in straight english? Bakit amerikano ba ako? Mother tounge ko ba 'yon? Tounge na.

Sinabi niya sa amin kung pang ilang bookshelves makikita ang mga thesis at syempre hindi na kami nagtagal sa harapan niya. Ngayon, meron na akong rason para kaayawan ang pagpunta sa school library.

Nandito kaming apat sa may thesis corner kung saan nakatabi ang mga thesis works ng mga dating estudyante rito.

"Hay nako ang dami-dami! Nakakatamad basahin ng iba ang hahaba ng project title! Blah-blah-blah!" reklamo ni Seb.

"Thermo pulse meter, human body temperature with sms notification..." bigkas ni Lucas.

"Hanapin niyo na lang 'yong may konek sa guizduino fire fighter module blah blah blah smoke detector with sms notification." sabi ko habang tinatamad na rin maghanap at magbasa ng mahahabang project title.

"Dapat talaga tinanong na lang natin kung saan ba 'yong corner ng playboy rito, e di sana nag enjoy pa tayo!" sambit ni Seb

"Gagu." sambit ni Lucas.

"Malay mo may playboy nga rito, 'di ba?"

"E di mas happy happy kung meron nga! Tara tanong mo nga Jaq kung may playboy sila---" sabi ni Niccolo ng biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Anong playboy?" sambit ng isang boses ng babae sa aming likuran kaya agad kaming lumingon.

"Anong playboy, ha?" tanong niya ulit habang nakapameywang sa amin.

"Pre, future syota mo," pang asar na sambit ni Lucas sabay hampas sa likuran ko ng hawak niyang thesis.

"Anong gagawin niyo sa playboy magazine?" tanong nito sa amin.

"Ha? Si Jaq talaga may hilig do'n, noh! Hoy Jaq bakit ka naghahanap ng playboy magazine sa library?" sabi ni Seb habang nakaturo sa akin.

"Anong hilig? Anong naghahanap?" depensa ko.

"Oo! si Jaq nga 'yong may hilig do'n...ano ba 'yan Jaq 'wag mo naman kami idamay! Napaka inosente pa namin sa mga gano'ng bagay!" painosenteng sabi ni Niccolo.

"Narinig ko boses niyo, eh, kayo 'yong nagsasabi no'n." sabi ni Sining habang tinuturo sila Niccolo at Seb.

"Ha? kami?!" sabi ni Niccolo na nagtataka kunwari.

"Nagkakamali ka, ang sabi namin pray boy hindi playboy." depensa ni Seb.

Napaka husay talaga ng h*******k na ito.

"Tama! pray boy, madasalin kasi kami. 'yong kuwarto ko nga may limang picture ni papa jesus, eh, naka frame pa nga." sabi ni Niccolo.

"Oo, palagi nga ako nag pe-pray, eh, before meal and before sleep kaya pray boy na tawag sa akin ni nanay." sabi naman ni Seb.

"Tama tama atsaka mahilig ako sa pray boy na brochure, palagi akong nagsisimba at nagdadasal." sabi ni Niccolo.

"Anong nagsisimba at nagdadasal pinagsasabi mo d'yan? Are you crazy?" biglang sulpot ni Salem na may nakasabit na dslr sa kaniyang leeg. "Luwalhati na nga lang nabubulol ka pa!" dagdag pa niya.

"Ano ba naman 'yan Niccolo, luwalhati na lang ginagagu mo pa? Ganiyan ka na ba kasama?" pang-aasar ko.

"Wow, ha! As if naman kabisado mo 'yon?"

"Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at mapasawalang hanggan, Amen." bigkas ko.

"E di ikaw na!"

Mula elementary at highschool nagkaroon kami ng subject na katekesis, eh, tapos ilang summer katekesis lesson din sinalihan ko para sa free meryenda no'ng bata ako... imposibleng 'di ko pa makabisado 'yan!

"Ano pala ginagawa niyong dalawa rito?" tanong ni Seb sa dalawang babae.

"Bakit iyo ba 'tong library?" pagtataray ni Salem.

"Nandito ka ba para kuhanan ako ng litrato? Wait, okay na ba 'yong ganitong pose?" sabi ni Niccolo na nag-ala model sa bookshelves.

Isang bachelor’s in fine arts Major in Photography sina Salem at Maki rito sa univ.

"Ang panget mo para maging subject ko. Anyway, hinahanap ko si Maki madami pa kaming dapat kuhanan ng litrato, have you guys seen her?"

"Maki?" bigkas ni Sining habang nakahawak sa baba niya ang isa niyang kamay at para bang nag-iisip.

"Yup Sining, have you seen her?"

"Nasa gym yata siya Xowie, napansin ko kanina 'di ko lang alam kung nandoon pa siya."

"Thanks, ciao!" paalam ni Salem pero bago umalis mabilisan niya kaming kinuhanan ng litrato at maarteng naglakad palayo sa amin.

Hindi na ako magtataka na magkakilala ang dalawang ito, pareho silang kilala sa school. Si Salem sa ganda at pagiging maldita, Si Sining sa talino at pagiging SCC member.

Masaya kaya 'yong gano'ng takbo ng buhay? 'yong tipong madaming may pakialam sa buhay mo? 'yong tipong kilala ka nila? 'yong tipong kapag namatay ka, eh, madaming magdadalamhati sa pagpanaw mo...masaya kaya 'yon?

"Nandoon kasi ako sa may kabilang corner naghahanap ng reference para sa docu namin tapos may narinig akong pamilyar na boses kaya pumunta ako rito para makita si Jaq." sambit ni sining habang nakangiti sa akin.

Creepy shit!

"Nakita mo na ako, alis na!" pagtataboy ko sa kaniya.

"Anong oras uwi mo?"

"Huh?"

Ano naman balak ng isang ito? malaman schedule ko para i-stalk ako magdamag?

"I-aangkas kita sa scooter ko." alok niya sa akin.

"Ayiiieeeee!" pang-aasar ng tatlo.

"Taragis Jaq, ibang level na, ah!" pang-aasar ni Niccolo habang kinikiliti ang tagiliran ko. Buti na lang wala akong kiliti sa tagiliran.

"Ibang klase, babae na nanliligaw sa'yo ayaw mo pa?" sambit ni Lucas sa akin.

"Gwapo ka, ha? Gwapo ka?" sambit naman ni Seb.

Tangina alam kong pangit ako pero isa akong pangit na ma-pride!

"Ano, sasabay ka?" tanong ni sining sa akin.

"Hindi, Kahit kailan hindi iyon mangyayari."

"Okay, hindi naman ako pinanganak sa mundong ito para lang pilitin ang isang maarteng lalaki na umangkas sa scooter ko." sabi niya at tinalikuran niya na kami.

Ang attitude rin pala ng isang 'yon.

"Oo nga pala, kusa ka nga palang a-angkas sa scooter ko! Bye, Jaq!" sabi niya no'ng paglingon niya sa amin at syempre nag flying kiss na naman siya na sinalo ulit ni Niccolo.

Tinignan ko ang nakatalikod na naglalakad paalis na si Sining. Tuloy tuloy lang siya, hindi na lumingon sa amin.

"Kailan ba ko titigilan ng babaeng 'yon?" mahina kong dalamhati.

"E di kapag sinagot mo na siya!" sabi ni Seb habang nakaakbay sa akin.

"Hindi ko nga siya gusto!"

"Do'n naman nagsisimula 'yon pare, eh," sabi ni Lucas. "Ang tawag doon hate at first sight turned to love." dugtong niya.

"Kakapanood mo sa n*****x kasama 'yong ate mo, tignan mo nagiging madrama ka na rin." wika ko.

"Tama si Lucas, pare!" sabi naman ni Niccolo. "Sa ngayon hindi mo pa siya gusto pero kapag tumagal tagal kakainin mo rin 'yang mga sinasabi mo!" dugtong niya.

"Pag naging kayo babatukan kita ng isang daang beses! Malutong! Sagad hanggang mabulwak anit mo!" pananakot ni Seb.

"Atsaka wala ka bang puso, ha? Hindi ba 'yan marunong tumibok sa isang dalaga, ha?" sabi ni Niccolo.

"Bahala kayo mag isip ng kung ano-ano d'yan." tangi kong nasabi at nagpokus na lamang ako sa mga thesis na nasa aking harapan.

May puso nga ako, pero walang lugar para sa pagmamahal. Manhid na ang puso't isipan ko sa ideya ng pag-ibig. Sa tingin ko lahat ng tao deserve naman mahalin, puwera na lang siguro sa akin.

***

TBC.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter V

    I Am Not Nice To Anyone But You••After that event, sabay sabay kami umuwi no'n. I was so happy I finally got a picture of Parokya ni Edgar band with me. I was checking my phone gallery and watching a video I took around at no'ng makita ko ro'n si jaq ay bigla kong naalala iyong picture niya sa camera ko."Oh, yeah, I have to send that to him!"Ibinagsak ko ang aking iphone sa kama. Agad kong kinuha ang camera ko sa loob ng aking bag na nakasabit sa may pinto ng aking kwarto. Kinalas ko ang aking camera at kinuha ang memory card nito. Binuksan ko ang aking lappy na nakapatong sa aking study table. Mabilis ang pagtingin ko sa file para makita agad ang pakay ko."Should I edit this a little o huwag na?" I was talking to myself and the screen of my lappy.Masuri kong tinignan muli ang picture ni jaq na nakablack and white filter. Good profile...side view. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, mata'y bilugin at kahit itim ang kulay ng mata niya alam kong kayumangg

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter IV

    I saw you looking at someone else••At sa hindi ko alam na dahilan...sa tuwing nakikita ko 'yong apat sa canteen ay ginugulo ko na ang buhay nila. Jaq and I made a joke about sa nangyari sa amin ni Aaron, kesyo may gusto kami sa isa't isa na naging dahilan ng pagiging malapit namin sa isa't isa...but not that close na i-co-consider ko siyang friend like maki, but close enough to make jokes with each other. And of course sa iba rin...except kay lance...sama ng loob ang binibigay niya sa akin palagi na sinasabayan minsan nila lucas at jaq kaya mas lalong lumalakas ang loob ng bwisit!"Xowie, I know its a good thing na close ka sa mga friends ng pinsan mo pero...its making noises and chismis na naman about you!" maki said habang naglalakad kami papuntang library."I heard, and I don't care. Sila lang ba may karapatan na maging close sa opposite sex? Tss.""Tinatawag ka nilang malandi..." mahina ang pagkakasabi no'n ni maki."Pfft! They keep calling me such, and I don't fucking care. I h

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter III

    Like teenagers in a novel book••Nagkita pa ulit kami no'ng sining...same pa kami ng team sa pagtakbo bilang SSC. I don't know why destiny keeps making the same mistake twice na? I see myself not being her friend pero parang pinagtutulakan siya sa akin ng tadhana. My gosh!"Hala! Nagkita na naman tayo, xowie! Still remember me?" masaya niyang sambit.Ano akala nito? May amnesia ako? E, ilang araw pa lang lumilipas no'ng huli naming kita."No, who are you again?" I sarcastiacally told her."Sining, iyon ang name ko. We met at the debate competion last last week!"Patola naman ang isang 'to. Can't read the air."Ohh! Right."Tapos hindi ko na siya pinansin pero siya itong daldal ng daldal pa rin sa akin habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng building ng mga business major."Sining, I bet you know a lot of students here. Ang daldal mo kasi." sambit ko para naman hindi siya magmukhang stupid na nagsasalita sa walang may pake sa mga sinasabi niya."I have lots of friends kasi madal

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter II

    Every encounter with you••I tried my best na hindi magkasalubong ang landas ko kala niccolo sa univ. Kapag nakikita ko sila sa canteen sa favorite spot nila ay tinatalikuran ko iyon and then sit somewhere else o sa malapit na fastfood sa labas ng school kami kumakain ni maki. She never asks naman kung bakit nilalayuan ko ang pinsan ko. I guess she thinks I'm not close with him...which is the total opposite.After ng pangyayaring iyon tinadtad ako ni niccolo ng chat na nagsosorry at huwag ko raw siya isumbong kala daddy at sa mommy niya. Wala naman akong balak magsumbong dahil ayoko mag-explain at naiinis lang ako kapag naaalala ko ang humiliation na iyon sa harapan nila!"Alam mo xowie, narinig ko lang 'to kala athena..." maki started saying out of nowhere.Nasa CR kami at naghuhugas ng kamay. After no'n kaunting ayos sa mukha at buhok. Sa salamin kami nag e-eye contact. Kaming dalawa lang naman ang tao rito."What?""Alam mo ba na may isang varsity player daw na nagkakagusto sa'yo?

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   Special Chapter

    (Based on Salem's own story - SiguradoA sneek peek of chapters onwards.)The Boys••The first semester went well, and the second semester came out like a bullet in target. Ang bilis ng panahon. Maki was still with me, and she was the only friend I made. Iyong iba, I just treat them as blockmates and groupmates. There are times when I see Niccolo in the canteen with his friends, but I don't approach him because I don't want to know his friends that much o hindi lang ako gano'n kainteresado sakanila. I know Niccolo well enough; he gives his all, lalo na't mayroon naman siyang maibibigay, and that was his weakness. He gives his all for friendship and love, na hindi niya namamalayan na inaabuso na pala siya. At iyong katangahan niyang iyon ay minsan hinahayaan ko lang hanggang sa isang araw ay matuto siya."Nakatingin ka na naman sakanila...kilala mo ba mga 'yon?" tanong ni maki.We are drinking our shake na binili namin dito sa canteen."Have I told you na cousin ko 'yong isa sa mga 'y

  • Minsan, Madalas (Life Series 1)   KGMP - Epilogue

    Surprise••Niccolo's POV"Nandiyan na siya! Ready na, ready na!" sigaw ni lance pagkapasok sa bahay.After ng graduation, nagimpake na si jaq upang tumira sa bahay nila. Wala naman siyang halos gamit kaya mabilis lang siyang nakapag impake. Sa huli, iniwan din niya ako at mag-isa na naman ako sa bahay. Ang lungkot tuloy! Fifty-Five days ang tinagal ni Arroz caldo na akala namin hanggang Forty-nine lang. Close yata sila ng Diyos kasi it's a miracle!"Patayin mo na 'yong ilaw, niccolo!" utos ni lucas sa akin na agad ko naman sinunod.Dalawang linggo na rin ang nakakalipas no'ng tuluyang graduate na kami sa college at nag-aayos nang resume para makapag apply next month. Next month aalis na rin sina xowie at si maki papuntang spain. Badtrip kapag iinisin mo si xowie ngayon, kung dati ini-ingles niya kami, ngayon naman nag-espanyol na siya! Lumelebel up ang super katarayan niya! Anong laban ko sa spanish skills niya, eh, spanish bread lang alam ko!Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status