Share

Chapter 4: Unplanned Marriage

Matapos marinig ni Yiel ang sinabi nito ay hindi na nito alam ang irereak o sasabihin sa binata dahil masiyado itong nabigla. Gusto niya rin ang lalaking ito, hindi niya iyon maipagkakait sa kaniyang sarili. Ngunit pakiramdam niya ay parang hindi tama ang nangyayari.

'Tila may mali.' Saad ni Yiel sa kanyang isipan.

"Gusto mo rin ba ako, Yiel?" Ilang beses itong napakurap ng mata dahil sa sobrang direkta magtanong ng binata. Hindi manlang nito iniisip na masiyado nang natutuwa ang puso ni Yiel dahil nalaman nitong gusto rin siya ng lalaking kanyang napupusuan.

"Oo, gusto rin kita." Walang pag-aalinlangan na tugon ni Yiel sa lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapan kahit pa parang humahadlang ang kanyang isipan sa kanyang nararamdaman.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, nakangiti namang tumango si Yiel bilang tugon.

Kitang-kita ang saya sa mga mata nilang dalawa. Tila ba ay nanalo sila sa lotto nang marinig nila ang sagot ng isa't-isa.

"Will you marry me?" Agaran na tanong ni Giovanni na ikinatakha at ikinagulat ni Yiel.

Hindi dahil nabigla ito sa tinanong ni Giovanni, kundi ay, hindi nito mawari kung ano ang gustong iparating ng binata sa kanya.

'Marry? Ano iyon?' Naguguluhang tanong niya sa kanyang isipan.

"Ah- alam kong masiyadong mabilis ang mga nangyayari. Pero huwag mo sanang masamain ang aking mga sinasabi. Siguro ay epekto lamang ito ng pagmamahal ko sa iyo. Kaya naman, hihintayin ko na lamang ang iyong kasagutan mamaya sa oras na sumapit ang gabi." Nakangiting saad nito bago magpaalam kay Yiel. At saka tuluyang lumabas ng kanyang silid.

Hindi man ito naintindihan ni Yiel, ngunit nasisigurado niyang maganda ang ibig sabihin ng lalaki. Dahil narinig nito ang salitang pagmamahal.

"Kung ganoon ay nagtugma ang tibok ng aming puso." Nakangiting bulong ni Yiel sa kanyang sarili, at hindi napigilan na mapalundag sa kanyang kama dahil sa tuwa na kanyang nararamdaman.

"Napaka-sarap pala sa pakiramdam kapag nalaman mo na gusto ka rin ng iyong napupusuan." Ngingiti-ngiting sambit ni Yiel.

'Ngunit, mayroon paring parte sa aking puso ang hindi kampante at ang pagtutol ng aking isipan. Ano ang ibig sabihin nito? Sa tingin ko talaga ay may mali sa mga nangyayari.'

Hindi maiwasan ni Yiel na isipin ang bagay na kanyang nararamdaman ngayon. Masaya siya, ngunit may pag-aalinlangan.

Tumayo si Yiel mula sa kanyang pagkakahiga sa kama at mabilis na lumabas ng silid upang hanapin ang kanyang babaeng kaibigan.

"Kuya Alan, nakita niyo po ba si Briana?" Tanong ni Yiel sa isang hardinero.

"I-ikaw pala, Yiel. N-naroon siya sa hardin." Tugon ng lalaki.

Nagtatakha naman ito sa inasta ng matanda dahil hindi manlang siya nito tinitignan sa mata. Ngunit isinawalang bahala niya na lamang ang isang iyon dahil sanay na siya sa ganoong pakikitungo sa kanya ng bawat tauhan sa kanilang mansyon. Hindi niya alam ang dahilan dahil nakasuot naman siya ng contact lense, kaya bakit natatakot pa rin ito sa kanya?

Ngunit hindi niya na iyon pinapansin pa dahil sapat naman na sa kanya ang isang kaibigan.

"Briana!" Tawag atensyon niya sa kaniyang babaeng kaibigan nang makita niya itong nagdidilig ng halaman.

"Yiel! Bakit naman lumabas ka ng kwarto mo? Bumalik ka na roon, baka biglang dumating si Don Rafael at mahuli ka!" Nag-aalalang sabi sa kanya ng babae.

"Huwag kang mag-alala, nakasi-siguro naman akong wala siya rito at nakaalis na din si Giovanni."

"Ganoon ba? Hanga talaga ako sa pakiramdam mo! Ah, oo nga pala. Tungkol kay Don Giovanni, ano naman ang pinag-usapan niyo, ha?" Nangingiting tanong ni Briana, tila ba ay nanunukso ang tono nito, dahilan para makaramdam ng tuwa si Yiel at maalala niya ang mga pinag-usapan nila kanina ni Giovanni.

"Alam mo ba ang sinabi niya?" Natutuwang tanong ni Yiel.

"Ano?"

"Yiel . . gusto kita." Panggagaya niya pa sa linya ng lalaki at saka ito paimpit na tumili, animo'y kinikiliti nang dahil sa kilig.

"Talaga?! Sinabi niya iyon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Briana, sinabayan pa nito ang pagtili ni Yiel.

"Nakakatuwa naman! Hindi naman pala masama na gustuhin ang masungit na lalaking iyon!" Natutuwang saad ng babae.

"Ganoon na nga, saka may isa pa siyang sinabi, hindi ko nga lang alam ang ibig sabihin. Ang sinabi niya pa, hihintayin niya raw ang sagot ko mamayang gabi." Dagdag nito.

"Ano ba ang sinabi niya sa iyo?"

"Will you marry me."

"A-ano?!"

"Will you marry me!"

"Inaaya ka niyang magpakasal?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Briana.

"Kasal? Ano iyon?"

"Kasal! Ang ibig sabihin niyon ay ang pag-iisang dibdib sa harap ng panginoon, kung saan ay magiging ganap mo na siyang kasintahan!" Nanlalaking mata na paliwanag nito kay Yiel dahil sa pagkabigla.

"Kasintahan? Ang ibig sabihin ba noon ay magiging pagmamay-ari na namin ang isa't-isa sa oras na pumayag ako sa gusto niya?"

"Tumpak! Nakuha mo!"

"Kung ganoon, pakakasalan ko siya!" Nakangiting sabi nito.

"Oo tama! At kapag pinakasalan mo siya, lahat ng nakikita mo sa hacienda na ito ay magiging iyo na rin! Yayaman ka na, Yiel!"

"Talaga?! Kung ganoon, pati ang mga trabahador at katulong dito ay pagmamay-ari ko na rin? Nakakamangha naman ang bagay na iyon!" Hindi makapaniwalang tanong ni Yiel, dahilan para makatanggap ito ng hampas sa kanyang kaibigan.

"Aray!"

"Sira ka. Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"

"Ang sabi mo kasi ay lahat ng nakikita ko."

"Oo nga, pero hindi ko naman sinabing tao!"

"Ganoon ba iyon?"

"Oo. Ah, basta! Mamayang gabi, kapag nagkita kayo, wala kang ibang isasagot sa kanya kundi ay oo." Pagpapaalala ng kanyang kaibigan na ikinatango naman nito.

"Oo!"

"Oo tama, oo lang ng oo!"

"Oo!"

"Oo!"

"Oo!"

"Oo na, tama na."

"Oo!"

"Anak ng.."

"Oo!"

"Yiel!"

Giovanni Lastra

"Alam niya na bang bukas ang kasal ninyo?" Tanong ni Don Rafael sa kanyang anak na si Giovanni na kagagaling lang sa kanilang hacienda. Habang si Don Rafael naman ay mabilis na nakakuha ng wedding coordinator para ayusin ang venue, reception, invitations, give-aways, flowers, cake, motif and design for the entourage and more importantly, Akuji and Giovanni's wedding gown and suit.

"Hindi pa, pero alam kong papayag siya na pakasalan ako." Tugon ng binata, mahihimigan ang pagkatuwa sa tono.

"Kung ganoon ay tama lamang pala na ipinahanda ko na ang lahat." Nakangiting saad ni Don Rafael.

"Bakit nga pala kailangan naming ikasal? Para saan naman iyon?" Naguguluhan na biglang tanong ni Giovanni.

"Para sa oras na mahanap na siya at kumalat na mag-asawa kayo, lahat ng ari-arian ng Morte ay madaling mapupunta sa kamay natin at mas lalong sa akin na mapupunta ang kontrata bilang pinuno mg Morte Organization."

Nakangising tugon ng matandang lalaki sa kanyang anak na lalaking si Giovanni. Hindi nito maitago ang pagka-galak, dahil nararamdaman niya na ang unti-onting pagbagsak ng Morte, at ang kanyang pagtatagumpay na mapasakamay ang lahat ng kayamanan na mayroon ang Morte, sa oras na makasal ang anak nitong lalaki kay Akuji Morte

Habang ang anak naman nitong lalaki ay natutuwa rin sa mga nangyayari, dahil ito na ang pagkakataon upang maisagawa ang kaniyang matagal ng pinaplano na maagaw ang posisyon at kapangyarihan na pinanghahawakan ng kanyang ama na si Don Rafael.

"Alam kong kayamanan at kapangyarihan lang ang habol mo sa babaeng iyon, ama. Tama ba?"

"Ngunit mukhang lingid sa iyong kaalaman na mayroong tao na nakahadlang." Nakangising saad ni Giovanni, dahilan para matigilan ang matanda at mapaharap ito sa kanyang anak.

"Kilala mo ba?" Muling tanong ng binata.

Napasinghap na lamang ang matanda at hindi nito binigyan pansin ang sinabi ng kaniyang anak. Alam niya kung sino ang tinutukoy ng binata, ngunit hindi ito sigurado, dahil hindi niya pa naiimbestigahan ang taong iyon.

"Oo nga pala, hindi ba't pinapatay mo ang mga taong tumitingin sa mata ng babaeng iyon?" Natutuwang saad ng binata, tila pinaglalaruan ang isipan ng matanda.

"Manahimik ka." Madiin na saad ng matanda, at saka nito pinakatitigan sa mata ang kaniyang anak.

"Kung ginagawa mo iyon, bakit buhay pa ang kaibigan niya? Hindi ba't magiging hadlang ang taong iyon sa sikreto na itinatago mo sa babaeng ninakaw mo sa kamay ng mga Morte?" Mahinang bulong ng binata na nagbigay palaisipan kay Don Rafael.

'May kaibigan ang babaeng 'yon? Sino naman?'

Naguguluhang tanong nito sa kanyang isipan.

"Sino ang tinutukoy mo?" Tanong nito.

"Bakit hindi mo alamin?" Natatawang sagot ng binata, bago nito nilisan ang opisina ni Don Rafael.

'Hindi kana magtatagal pa, tanda.'

Natatawang saad ni Giovanni sa kaniyang isipan.

'Sisiguraduhin kong oras na makasal kami ng babaeng iyon, ay malilipat na sa akin lahat ng pinaghirapan mo.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status