Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)

Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)

By:  Luyanared  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
32Chapters
690views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Chaos Dale Vante is the most well-off CEO of the Delta Apparel, but was also a secret agent under the Morte Organization, who was assigned to find and kill Akuji Morte, the most wanted heiress. As the process of searching the identity of this heiress, they found Yiel Amaro, as their lead to track Akuji Morte easily. Chaos took the opportunity to make his move by offering Yiel Amaro a business proposal by marrying him as he found out that she is homeless and was looking for a decent job. But Yiel Amaro turn the offer down even it was a high pay, knowing that it was Chaos's group who killed her brother. But could she still refused the proposal if Costa De Leon, one of the richest old man in the black market was about to buy her body and soul? or will there be a Chaos Dale Vante who will stole her for a large sum of money?

View More
Mission: Terminate the Heiress (Tagalog) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Queenregina1994
Keep it up beb. I'm proud of you
2023-03-14 06:22:26
1
32 Chapters
Prologue: Auction
12 YEARS LATER . . .“You sure, bro, dito ‘yun?” Paniniguradong tanong ko kay Agent Z nang parehong huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang building na hindi ako pamilyar.Spedo Underground“Oo, sinabi ko naman sa’yo. Nanggaling na ‘ko rito kanina,” sagot niya pa. Nang makababa ako ng sasakyan ko ay saglit akong sumandal roon upang pagmasdan ang building na ito.Could she be really here?“Sigurado ka rin bang andito si Yiel Amaro?” He asked. Matapos no’n ay naramdaman ko ang presensya nito na papalapit sa tabi ko.“That’s what my assistant told me,” sagot ko. Hindi ko sigurado kung makikita ko nga siya rito, but what I have to assure tonight is to get her out of the hands to who fucking ever dare buy her.Nang may makita kaming tao na papasok sa building ay sumabay kami ni Agent Z sa kanila. We don’t know what’s inside this building and how we can enter. We have to hide kung ano talaga ang siyang pasya namin kung bakit kami naririto, kaya sumabay kami sa mga taong nasa unahan nam
Read more
Chapter 1: The Attacker
12 YEARS AGO . . . Morte's Family "Pakiusap Mia, ilayo mo na ang anak natin dito at itago mo siya sa pinakaligtas na lugar." Sambit ni Isiah sa kanyang asawa habang unti-onti na nitong nararamdaman ang panghihina ng kanyang katawan, ni hindi na rin nito magawang makapagsalita pa ng maayos dahil sa iniindang hindi mabilang na tama ng bala mula sa kanyang nanghihinang katawan. "You know that I can't just leave you here alone, Isiah! They're beyond any reasonable amount to deal with, you can't just go and fight them now that your body is debilitated. Marami na ang tauhan mo ang nawala, huwag ka naman nang dumagdag pa, Isiah, please. Let's just surrender. I can't take this anymore, hindi ko kayang ibigay sa kanila ang anak natin at mas lalong ayokong mawala ka. Tumakas na lang tayo, pakiusap..." Tugon ng kanyang asawa habang bakas sa tono ng pananalita nito ang pag-aalala. Halata na din ang takot at pa
Read more
Chapter 2: Find the missing heiress
DON RAFAEL LASTRA POVHanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Don Rafael kung paano niya napag-tagumpayan ang kanyang mga plano noon na paslangin ang mag-asawang Morte at makuha ang anak nila, na kung saan ay siyang taga-pagmana sa lahat ng kayamanan at kapangyarihang mayroon ang mga Morte."Hindi natin sigurado kung namatay nga talaga ang anak ng Don at Doñia Morte dahil wala namang naipakita na kahit anong bangkay nito. Maari lamang natin mailipat ang posisyon kay Don Rafael, kung mapipirmahan ng anak nila ang kontrata, dahil noon pa lamang ay nakapangalan na talaga ang lahat ng kontrata kay Akuji Morte na kung saan ay siya lamang ang may karapatan na magbigay ng posisyon kay Don Rafael, dahil siya na ang tumatayong heir ng ating kompanya simula nang pumanaw ang mag-asawa."Mahabang lintana ng sekretarya sa unahan. Bahagyang natawa si Don Rafael sa kanyang isipan dahil alam niyang hawak nito ang nawawalang anak ng Morte. Si Akuji."Paano naman masasabing siya na ang namamahal
Read more
Chapter 3: Confession
Akuji Morte"Wow! Ano namang tawag sa nakakamanghang bagay na iyan?" Tanong ng inosenteng babae na nag-ngangalang Akuji Morte, ngunit mas kilala siya sa pangalang Yiel. Kausap nito ang isa sa mga kaibigan niyang katulong mula sa loob ng mansion ng mga Lastra. "Ang tawag rito ay bulaklak. Hindi ito uri ng pagkain, isa itong mahalimuyak na bagay, kung saan ibinibigay ng mga lalaki mula sa kanilang napupusuang babae." Kumislap at nagliwanag ang mga mata ni Yiel sa kanyang nalaman mula sa kanyang babaeng kaibigan."Maari rin ba akong magbigay ng ganyang klase ng bulaklak para sa lalaking aking napupusuan?" Nasasabik na tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan."Aba, oo naman! Nakakaganda ng araw kapag mayroong tao na nagbibigay sa iyo ng mababangong bulaklak, ano!" Nakangiting sagot ng kanyang kaibigan."Sandali lamang, bakit mo naman natanong? Huwag mong sabihin sa akin na may lalaki ka ng napupusuan?" Hindi naman napigilan ni Yiel na makagat ang kanyang pang-ibabang labi at bahagyang tuman
Read more
Chapter 4: Unplanned Marriage
Matapos marinig ni Yiel ang sinabi nito ay hindi na nito alam ang irereak o sasabihin sa binata dahil masiyado itong nabigla. Gusto niya rin ang lalaking ito, hindi niya iyon maipagkakait sa kaniyang sarili. Ngunit pakiramdam niya ay parang hindi tama ang nangyayari.'Tila may mali.' Saad ni Yiel sa kanyang isipan."Gusto mo rin ba ako, Yiel?" Ilang beses itong napakurap ng mata dahil sa sobrang direkta magtanong ng binata. Hindi manlang nito iniisip na masiyado nang natutuwa ang puso ni Yiel dahil nalaman nitong gusto rin siya ng lalaking kanyang napupusuan."Oo, gusto rin kita." Walang pag-aalinlangan na tugon ni Yiel sa lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapan kahit pa parang humahadlang ang kanyang isipan sa kanyang nararamdaman."Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, nakangiti namang tumango si Yiel bilang tugon.Kitang-kita ang saya sa mga mata nilang dalawa. Tila ba ay nanalo sila sa lotto nang marinig nila ang sagot ng isa't-isa."Will you marry me?" Agaran na tan
Read more
Chapter 5: Rethinking her decision
Don RafaelSa gitna ng biyahe ay naroon si Don Rafael prenteng nakaupo sa upuan habang katabi ang kanyang sekretarya na kanina pang kausap."How about the wedding gown and suit?""Kailangan pa pong sukatan ang bride and groom, Don Rafael," sagot ng secretary nito. "Hmm, just hire for a wedding gown designer, pupunta tayo bukas sa venue." Nakangiting utos ni Don Rafael, hinahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal ni Akuji at Giovanni kinabukasan. Hindi na ito makapag-hintay pa na masilayan ang sariling muling magtagumpay sa susunod na kanyang mga plano."Noted, sir." Sagot ng kanyang secretary habang inililista lahat ng gagawin sa kanyang mini pad. "Who will be Don Giovanni's bride po pala, sir? Baka po kasi itanong ng planner bukas ang names." Nalilitong tanong ng secretary."It's Yiel Lastra.""Yung babaeng kinukwento niyo po lagi?" "Yeah." Nakangiting tugon ni Don Rafael."Hindi ko pa siya nakikita, pero mukhang bagay sila ni sir Giovanni, sayang nga lang at hindi ako 'yon.
Read more
Chapter 6: His Proposal
Akuji MorteHinarap ni Yiel ang kanyang kaibigan. Kanina pang malalim ang iniisip niya at hindi na malaman kung alin nga ba ang dapat niyang pakinggan."Hindi ko alam, Briana, kung sino ang susundin ko, ang puso ko ba o ang isip ko?" Naguguluhang tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan na ikinabuntung hininga nito."Alam mo, kung ako sa iyo. Sundin mo ang . ." "ang?""Ang sikmura mo! Kumain ka muna kaya para makapag-isip ka ng maayos? Tara na." "Sabagay, gutom na rin naman ako.""Oh halika na, gutom na rin ako, sasabayan kitang kumain hangga't wala pa sila Don Rafael. Naku! Hindi pa naman tayo pwedeng makita na magkasama ng matandang iyon.""Bakit ba bawal akong makisama sa ibang tao rito?" Naguguluhang tanong niya dahil iyon talaga ang napapansin niya. Sa tuwing lalabas siya ay masiyadong ilag ang mga tauhan sa kanya, ni tumingin sa mata sa nito tuwing kinakausap niya ay hindi magawa."Hindi ko rin alam, ang weird 'no?""Weird?""Oo weird, parang kakaiba, hindi normal, magulo, ganoon.""
Read more
Chapter 7: Wedding
The Peninsula Hotel, Metro ManilaAkuji Morte "Ayos ka lang ba, Yiel? Bakit nakatulala ka lang riyan?" Nagising ang diwa ni Yiel nang maramdaman niya ang mahinang tapik ng kanyang kaibigan sa balikat nito. Kanina pa siyang nakatitig sa kawalan at hindi manlang magawang igalaw ang kanyang katawan. Tila may bumabagabag sa kanyang isipan."Araw ng kasal mo pero parang Biyernes Santo ang mukha mo, iyung totoo? Lutang ka ba ngayon?" Hindi na napigilan ni Briana na hawakan ang parehong balikat ni Yiel para iharap sa kanya ang katawan nito."Ano bang iniisip mo?" Nag-aalalang tanong ni Briana kay Yiel. Bahagya namang bumuntong hininga si Yiel."Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayon," Yiel sighed. "Ganito ba talaga ang pakiramdam ng ikakasal?" Bumaling ang tingin ni Yiel sa kanyang kaibigan na siya ring Maid-of-Honor niya ngayon.Kasalukuyan silang na sa loob ng isang suite ng Peninsula Tower, one of the five-star luxury hotel in the Philippines located at t
Read more
Chapter 8: Witness of Murder
Giovanni LastraMalaking ngisi ang bumalatay sa kanyang labi habang pinapanood ang kotse ng kung sino na paparating gamit ang kanyang telescope."Lapit pa, tanda." Hindi nito maiwasan ang sarkastikong matawa nang makita niya ang paparating na BMW Sedan. Itim na itim ang kulay nito at nangingintab. Mas lalo pang kumurva ba ang ngisi sa labi ni Giovanni ng maisip niyang parang karwahe ng patay ang sasakyang iyon. Naaakma lang iyon dahil ang ilang segundo lang ay doon fin naman mapupunta ang katawan na matandang iyon."Your time has come, old man." Sambit pa ni Giovanni. Matagal na panahon din ang hinintay ni Giovanni ang pagkakataon na ito upang maisakatuparan ang matagal niya ng binabalak.Tumalim ang kanyang mga mata ng masipat niya na mas papalapit pa ang sasakyan nito. Marami na siyang napatay at ipinapatay sa mga tauhan niya. Wala siyang awa o maski kapatawaran. Wala siyang sinasanto- lalaki, babae, matanda man o bata. Basta gusto niya, babawian at babawian niya ng buhay ang taong i
Read more
Chapter 9: Pretty run-away bride
Chaos Dale VanteMabilis na tinadyakan ni Chaos ang pinto papasara at saka niya itinutok ang baril sa babae."Sino namang nagpadala sa'yo rito?" Walang gana niyang pinasadahan ng tingin ang isang babae na naka-trahe de boda. A bride? He thought. O, baka naman nagdamit bride lang?Pagod at puyat siya kaya naman ganoon na lang kakunot ang noo niya nang gulantangin siya ng isang napakalakas na pagsabog na sa tingin niya ay nanggaling sa labas ng hotel. Babalewalain niya na lamang sana iyon at babalik na sa pagtulog nang sumunod naman siyang gambalain ng sunod-sunod na katok ng isang . . bride?His suite is equipped with a high-tech gadgets. Kaya naman nakikita niya sa monitor kung sino ang na sa labas ng kuwarto niya. Gusto niya pang matawa dahil mukhang masiyadong nag-effort ang babaeng na sa harapan niya. Seriously? A bride? Ano namang klaseng palabas 'to? Kailangan niya pang mag-costume para lang maniwala siya na walang binabalak itong masama sa kanya.But then, he saw a panic in her
Read more
DMCA.com Protection Status