Share

Chapter 6: His Proposal

Akuji Morte

Hinarap ni Yiel ang kanyang kaibigan. Kanina pang malalim ang iniisip niya at hindi na malaman kung alin nga ba ang dapat niyang pakinggan.

"Hindi ko alam, Briana, kung sino ang susundin ko, ang puso ko ba o ang isip ko?" Naguguluhang tanong ni Yiel sa kanyang kaibigan na ikinabuntung hininga nito.

"Alam mo, kung ako sa iyo. Sundin mo ang . ."

"ang?"

"Ang sikmura mo! Kumain ka muna kaya para makapag-isip ka ng maayos? Tara na."

"Sabagay, gutom na rin naman ako."

"Oh halika na, gutom na rin ako, sasabayan kitang kumain hangga't wala pa sila Don Rafael. Naku! Hindi pa naman tayo pwedeng makita na magkasama ng matandang iyon."

"Bakit ba bawal akong makisama sa ibang tao rito?" Naguguluhang tanong niya dahil iyon talaga ang napapansin niya. Sa tuwing lalabas siya ay masiyadong ilag ang mga tauhan sa kanya, ni tumingin sa mata sa nito tuwing kinakausap niya ay hindi magawa.

"Hindi ko rin alam, ang weird 'no?"

"Weird?"

"Oo weird, parang kakaiba, hindi normal, magulo, ganoon."

"Ibig sabihin, weird ako?"

"Hahaha! Oo. Parang ikaw!" Natatawang tugon ng kanyang kaibigan na ikisinimangot naman agad ni Yiel.

"Biro lang! Halika na nga, kumain na tayo. Basta sabihin mo agad kapag paparating na sila Don Rafael ah? Dating gawi. Malakas naman ang pakiramdam mo eh." Natatawang paalala ng kanyang kaibigan.

Nakasanayan na nila ang ganitong patagong pagsasama sa harap ni Don Rafael, hindi rin naman malaman ni Briana ang dahilan kung bakit kailangan nilang iwasan na tignan ang dalaga sa mata o sa mukha at hangga't maari ay dapat nila itong iwasan.

Hindi naman makita ni Briana ang mali kay Yiel kung bakit ito kailangan iwasan, kaya patago na lamang sila kung magsama at para hindi mahuli ni Don Rafael ang kanilang ginagawang pagsasama ay parating pinakikiramdaman ni Yiel ang mga taong paparating sa kanyang paligid.

"Wow. Sinigang na baboy, sino ang nagluto nito?" Natutuwang sambit ni Yiel at mabilis na naglakad patungo sa doble ang laki na lamesa nang makita niya ang isa sa mga paborito niyang ulam noon pa lamang.

"Si Aling Nene ata, hindi ko nakita eh. Masiyadong maraming tao kanina sa kusina kaya naman hindi na ako pumunta pa." Sagot naman ni Briana at naupo na rin sa katabing upuan ni Yiel. Nagsimula na silang sumandok ng kanin at ulam. Ganito ang kinasanayan ni Yiel, dahil sa ganoon siya sinanay ni Briana, ang kumain ng kanin at ulam. Dahil paniguradong hindi naman mabubusog si Yiel kapag sumabay siya sa mag-amang si Don Rafael at Don Giovanni dahil madalas, ang mga kinakain lamang nito ay mga lobster, truffle, veal dishes, and rich chocolate desserts sabayan pa ng wine.

"Mag dahan-dahan ka sa pagkain, Yiel, ano ka ba." Suway ni Briana kay Yiel nang mapansin nito ang sunod-sunod na pagsubo ng kanin at ulam.

"Pasensya na, masarap kasi." Natutuwang tugon nito bago punasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang table napkin na nakasalansan sa gilid ng kanyang pinagkainan.

"Pagkatapos mo ay muli kang magbuhos at mag-ayos, nakakahiya naman kay Don Giovanni kung haharap ka sa kanya ng ganyan kadungis. Dapat ngayong ikakasal na kayo ay dapat mag-inakto ka na rin na normal, palagi ka dapat malinis at mabango, para hindi ma-turn off saiyo si Don Giovanni sa tuwing maghaharap kayo." Pangangaral ni Briana kay Yiel na mabilis na tumatango bilang tugon, itinatatak niya naman iyon sa kanyang isipan dahil gusto niya ring gawin iyon.

"Ano iyung turn off?" Nagtatakha na namang tanong nito, madalas ay hindi siya nakakaintindi ng ingles dahil hindi naman ito nakapag-aral dahil nga matagal na panahon itong itinago ni Don Rafael at ngayong nagdalaga lamang siya nakakalabas ng kwarto niya. Natututo lamang siya ng kakaonting simpleng bagay kay Briana kapag may oras ang mga ito na mag-usap at magsama.

"Turn off, iyun bang nadidismaya, nakakawala ng interes. Gusto mo ba iyon? Mawalan agad si Don Giovanni ng interes saiyo?" Mabilis na umiling si Yiel.

"Ayoko."

"Kaya dapat gawin mo ang mga payo ko para hindi siya saiyo ma-turn off."

"Gagawin ko iyon- oh!" Biglang napalingon si Yiel mula sa pintuan ng kanilang mansyon nang maramdaman niya ang presensya ng dalawang tao malayo sa kanilang pwesto.

"Nariyan na sila Don Rafael?" Agad na tanong ni Briana at nagmadaling inayos at kinuha ang kanyang pinagkainan para dalhin sa kusina at umalis na.

"Mauuna na ako, Yiel. Magkita na lamang tayo bukas." Paalam ni Briana kay Yiel na mabilis na tumango bago siya tuluyang iwanan ng mag-isa ni Briana sa harap ng hapagkainan.

"Yiel." Malaki ang ngiti ni Don Rafael na bumungad kay Yiel nang buksan ng kanilang gwardya ang pintuan ng kanilang mansyon. Mabilis namang tumayo si Yiel sa kanyang kinauupuan at inayos ang sarili bago lumapit sa kanyang ama-amahan na si Don Rafael.

"Maganda gabi po, Ama." Nakangiti ring bati ni Yiel kay Don Rafael na saglit itong niyakap. Nasulyapan pa muna ni Yiel si Giovanni mula sa likuran ng kanyang ama-amahan na nakangiti rin pala sa kanya, kaya naman sinuklian niya ito ng mas maganda pang ngiti.

"Oh, hindi mo sinabi. Naghahapunan ka na pala, sana ay hinintay mo na kami nang sa ganoon ay sabay-sabay na tayong kumain, ija." Muling nabaling ang atensyon ni Yiel kay Don Rafael nang magsalita ito at alalayan siyang makaupo muli kung saan siya kaninang nakapuwesto.

"Paumanhin, ngunit, nagutom na po kasi ako kaya hindi ko na kayo nahintay pa." Pagsisinungaling nito sa kanyang ama-amahan na kung tutuusin ay inaya lang siya ng kanyang sikretong kaibigan na si Briana.

"Ayos lamang iyon. Sige na, kumain ka pa ng marami." Nakangiting pagpapatuloy nito sa pag-kain ni Yiel, kaya naman bumalik na siya sa kanyang kinakain kanina at mabilis itong tinapos habang inihahanda naman ng mga katulong ang pagkain ni Don Rafael at Don Giovanni.

"Yiel, ija. Kumusta ang iyong araw?" Mula sa kawalan, ay bigla iyung natanong ni Don Rafael kay Yiel dahilan para matigilan ito at dahan-dahan niyang maibaba ang kutsara't tinitidor na kanina niya pang hawak. Saglit pa muna siyang tumitig sa kanyang ama-amahan bago saglit na ngumiti at kumurap. Bago sa kanya ang ipinapakitang ugali ni Don Rafael ngayon, ang madalas na pag-ngiti at ang pangangamusta ng kanyang kalagayan. Para din itong si Giovanni na bigla na lamang siyang kinamusta.

"Maayos naman po, Ama. Katulad pa rin po ng dati." Pormal na tugon ni Yiel at bahagyang ngumiti.

"Mayroon bang taong nagpapasaya sa iyo ngayon?" Hindi mapigilan ni Yiel na maikunot ang kanyang noo ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa kanyang ama-amahan at mabilis na umayos.

"Ano po ang inyong ibig sabihin?" Naguguluhang tanong ni Yiel.

"Wala ka bang taong napupusuan ngayon na nagpapasaya saiyo o hindi kaya ay matalik na kaibigan." Saglit na natahimik si Yiel nang marinig niya ang huling sinambit ng matanda. Hindi niya mabasa sa itsura ni Don Rafael kung ano ang gusto nitong malaman at kailangan niyang tanungin iyon na kung tutuusin ay wala naman talaga itong pakialam sa kanya.

"Yiel?" Muling tawag sa kanya ni Don Rafael. Naalala naman ni Yiel ang kanyang nag-iisang babaeng kaibigan na si Briana na minsan pang pinaalala nito na huwag na huwag niyang sasabihin sa kahit kanino na magkaibigan sila o ano, dahil paniguradong malalagot ito sa kanyang amo na si Don Rafael.

"W-wala po, Ama. Madalas lamang po ako sa loob ng aking kwarto at lalabas lamang po kapag magpapahangin." Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nagsinungaling kay Don Rafael na minsan lang itong lumabas ng kanyang kwarto dahil madalas ay kasama nito ang kanyang kaibigan na si Briana na kakuwentuhan sa garden ng kanilang hacienda.

"Ganoon ba? Eh si, Giovanni? Ang balita ko ay nag-propose siya sa iyo kanina. Ano ang balak mong isagot sa kanya?" Nakangiti na namang tanong ni Don Rafael kay Yiel, tinutukoy ang kanyang lalaking anak na ngayon ay dumiretso sa sarili nitong kuwarto upang saglit na magbuhos at maglinis ng katawan.

'Propose? Ano iyon?' Nagtatakhang tanong ni Yiel sa kanyang isipan.

"Dad." Sumulpot mula sa likuran ni Yiel ang binatang si Giovanni na mukhang kakatapos lamang maligo dahil sa basa ang buhok nito at nakasuot na ng panibagong damit at pajama. Hindi naman mapigilan ni Yiel ang patagong matitigan ang postura ng lalaki dahil sa ganda at laki ng katawan nito. Sisilay na sana ang magandang ngiti sa kanyang labi ngunit agad itong naglaho nang mapansin niyang nakatingin na rin pala sa kanya ang binata, kaya naman mabilis niyang iniiwas ang kanyang paningin at mabilis na yumuko at napapikit dahil sa pagkapahiya na nahuli siya ni Giovanni na nakatingin sa kanya.

"Maupo ka, Giovanni." Utos ng Ama nitong si Don Rafael na mukhang mas natutuwa pa sa anak niyang siyang ikakasal kinabukasan.

"What are you guys talking about?" Tanong ni Giovanni sa kanyang ama nang makaupo siya sa kanyang upuan at nagsimula ng kumain ng mga pagkain na nakahanda sa kanilang harapan. Hindi naman na nagawa pang makalingon ni Yiel sa kanilang direksyon at nanatili na lamang na nakayuko dahil bukod sa hindi niya naman naintindihan ang sinabi ni Giovanni ay ramdam niya pa rin ang kahihiyan na dulot ng kanyang ginawa kanina.

"About your wedding tomorrow." Simpleng sagot ni Don Rafael na sinulyapan pa si Yiel.

"Yiel?" Tawag ni Giovanni kay Yiel mabilis namang lumingon sa kanya dahilan para magtama ang mata ng dalawa. Mabilis namang muli na iniiwas ni Yiel ang kanyang paningin sa lalaki nang maramdaman nito ang pagkailang.

"A-ano iyon?"

"Bukas ang kasal natin kung papayag ka, kaya naman . ." Nagtatakhang muling nilingon ni Yiel ang direksyon ni Giovanni nang makita nito sa gilid ng kanyang mata ang pagkilos na ginawa nito. Nagulat pa ito nang mapagtanto niya ang ginawang pagluhod ni Giovanni sa kanyang harapan habang may hawak-hawak ito na singsing na nakalagay sa isang maliit na pulang kahon.

"Will you marry me?" Nakangiting tanong nito. Para naman siyang biglang nalagutan ng hininga dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang muling magtama ang mga mata nila ng binata. Nakaramdam siya ng tuwa, sobrang tuwa at pagkagulat dahil hindi niya inaasahan ang gagawing pagluhod niyon ni Giovanni mismo sa kanyang harapan.

'wala kang ibang isasagot sa kanya kundi ay oo.' muli niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang babaeng kaibigan, kaya naman saglit pa siyang napasinghap ng hangin sa kawalan bago sambitin ang katagang.

"Oo, Giovanni. Pumapayag akong magpakasal sa iyo." Nakangiti na sambit ni Yiel, naramdaman niya ang saya kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pang sabihin ang kanyang sagot sa binata na ngayon ay nakayakap na sa kanya.

"Maghanda ka, bukas na bukas rin ay pakakasalan kita." Hindi maitago ni Giovanni ang doble-dobleng saya na nararamdaman niya dahil sa oras na iyon ay nararamdaman niya na. Nararamdaman niya na ang simula ng kanyang pagtatagumpay.

Luyanared

hi, the schedule update will every 8 in the morning or 7;30 in the evening. please enjoy reading, maaari rin kayong mag-iwan ng inyong komento o feedback mula sa aking kwento. :)

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jho Ventura
maganda po ang kwento ,more updates author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status