Share

CHAPTER 2

"ATE DANE, MUKHANG masama po yata ang pakilasa niyo. Mas mabuti yata kung umuwi ka na lang, at kami na ang bahala ni Lean dito sa shop tutal at dadating na rin naman iyon mayamaya."

Mabilis na inangat ni Dane ang kaniyang mukha kay Asheng at malapad itong nginitian. "Nah, I am fine. Medyo hindi lang naging maganda ang timpla ng katawan ko kaninang umaga. Ewan ko ba, nagising na lang ako dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang tiyan ko. I puked. Tapos pakiramdam ko ay matutumba ako na hindi ko maipaliwanag."

"Baka may sakit ka. Naku, mas maigi yata kung umuwi ka na lang. Huwag na po kayong mag-alala rito sa shop dahil kami na po ni Lean ang baha—"

"Kaya ko ang sarili ko," Dane cut. "Hindi na nga ako pumasok noong nakaraan, pati ba naman ngayon? No way!"

"Hmmm… kayo po ang bahala. Pero kung hindi mo na talaga kaya, magsabi ka lang po. At nga po pala, maitanong ko lang, bakit hindi ka po nakapasok noong araw na iyon?"

Biglang natigilan si Dane ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung sasagutin niya si Asheng. Actually, she had two reasons why she didn't work that day. Una, dahil sa ginawa ng kaniyang magaling na nobyo at mabait na kaibigan at ikalawa naman ay dahil doon sa nangyari sa bar. It has been a month at magpahanggang ngayon ay inaalala pa rin ni Dane kung ano ba ang nangyari noong gabing nasa bar siya. She's clueless and confused.

Pero sa mga nagdaang araw, may napansin si Dane sa sarili. Ilang araw na siyang palaging may morning sickness. Palagi siyang nasusuka pero puro laway lang naman. Tapos minsan ay sinusundan iyon nang pag-ikot ng paningin niya. Walang kaide-ideya ang dalaga kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon dahil baka normal lang. Maybe because of stress and tiredness. Kahit papaano naman ay unti-unti nang natatanggap ni Dane ang katotohanan na wala na silang dalawa ni Dalton. Ngunit may gatiting pa rin siyang nararamdaman kirot sa puso niya. Maybe ngayon lang ito, at lilipas din kalaunan.

Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Dane kapagkuwa'y inubos ang laman ng milk tea niya na pinasadya niya pa talaga kay Asheng kanina.

"Dalton cheated on me," pag-amin ng dalaga. "Huwag mo nang tanungin kung bakit. Basta't nagloko siya, that's it."

Naging tahimik at pipi si Dane ng mga nagdaang araw dahil ayaw na niyang alalahanin ang tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan. Sa tuwing naaalala niya ang nakita niya, nakakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso.

"Ganoon po ba? Kaya pala hindi na pumupunta rito si Sir. Dalton. Cheer up, Ate Dane. Lilipas din po iyang sakit…" nakangiting wika ni Asheng.

"Huwag na huwag mong tatawagin iyong Sir. Dalton dahil from now on, hindi mo na siya sir., okay? And he's not allowed to enter here anymore. Tawagin mo ako kapag nakita mong papasok siya."

"Masusunod po, Ate Dane."

Tinanguan lang ni Dane ang tauhan bilang tugon dito. Hinigop niya pa ang mga pearl ng milk tea niyang hawak bago nagsimulang abalahin ang sarili sa pamamagitan nang pagtingin ng mga inventory nitong mga nagdaang araw. Habang abala sa pagtingin, bigla na lang natigilan si Dane nang umikot ang paningin niya. Madiin siyang humawak sa gilid ng counter upang labanan ang nararamdaman niya. Ngunit hindi kaya ni Dane. Umikot at nandidilim na ang paningin niya. Sinubukan niya pang tawagin ang pangalan ni Asheng ngunit huli na sapagkat tuluyang na siyang natumba mula sa kaniyang kinatatayuan.

NANG MAGISING SI Dane, nagtataka niyang iginala ang mga mata upang alamin kung nasaan siya. In just a few seconds, nalaman agad ng dalaga kung nasaang lugar siya. Nasa ospital siya dahil sa mga kagamitang nasa paligid niya. Prente siyang nakahiga sa hospital bed at may kung anong aparatong nakakabit sa kaniyang braso. Hinugot iyon ni Dane at nang akmang bababa na sa kama, biglang bumukas ang pinto at ibinungad noon si Asheng habang kasama ang isang babaeng doktor.

"Ate Dane, saan ka pupunta? Huwag ka munang bumaba dahil may balita si dok sa iyo," masayang lintaya ni Asheng na ikinakunot-noo niya.

"B-Balita? Anong balita? And what am I doing here, Asheng? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ng dalaga sa tauhan.

"Aren't you expecting something, Mrs. Solomon?" the doctor asked.

"H-Hindi pa po ako mrs. And no, I am not expecting something. Ano po ba ang balita niyo sa akin?"

"Talaga ba? Naku, matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo. I'm happy to tell you that you're three weeks pregnant. I tested your blood, and the result is positive. Positive that you're pregnant."

Dane's eyes widened. "B-Buntis po ako? It can't be, doc. I can't be pregnant. Maybe it's a false pregnancy. B-Baka sa ibang dugo iyong na-test niyo. Paano po ako mabubuntis, e, wala naman po akong asawa o kinakasama?"

"Hindi ako puwedeng magkamali. It's your blood that I tested. It's positive in pregnancy."

Hindi alam ni Dane ang magiging reaksyon niya ng mga oras na iyon. Bakas naman kay Asheng ang gulat dahil napatakip pa ito ng bibig matapos marinig ang balita sa doktora. Sunod-sunod na napalunok si Dane. She's about to speak when she remembered what happened a month ago at the bar. She woke up in a room, naked. She even saw a stained of blood on the mattress. At isama pa ang mahapdi niyang pagkababae. Tama nga siya. May nanamantala sa kaniya noong gabing iyon at nabuo na. May mabubuong supling sa sinapupunan niya na hindi niya alam kung sino ang ama nito. It can't be. Kailangan niyang malaman kung sino ang ama ng dinadala niya sa lalong madaling panahon. Babalik siya sa bar.

KATULAD NG PANGAKO sa sarili, bumalik nga si Dane sa bar na pinuntahan niya isang buwan na ang nakalipas. Bumaba siya ng kaniyang sasakyan at dinako ang pinto ng bar. Kahit closed ang nakasulat sa signage na nakasabit sa pinto, kumatok pa rin ang dalaga, umaasang may magbubukas sa kaniya. She wasn't wrong because after almost a minute, the door opened at bumungad ang isang lalaki na mukhang nasa trenta na ang edad.

"Sarado kami, miss. Bumalik ka na lang mamayang gab—"

"May iba akong pinunta rito," putol ni Dane sa lalaki. "Will you help me?"

"A-Ano?"

"Gusto kong malaman kung sino iyong lalaking nakasama ko noong isang buwan. I wanna know him. Matutulungan mo ba ako?"

The man opened the door widely. "Depende na lang kung na-save ko iyong footage. By the way, I am Mark, the owner of this bar. Pasok ka."

Nang makipagkamay ang lalaki sa kaniya, agad iyong tinanggap ni Dane. Sumunod pa siya rito nang ayain siya nito sa loob.

"I am determined to know the man, Mr. Mark. Please, tulungan mo akong makilala siya."

"May I know the exact date and what time?"

"It's February 09, and probably the time is… 11 P.M. I don't know, lasing na lasing na ako kaya hindi ko na maalala."

"Oh, February 09? Iyan din ang araw na nagkagulo rito. But, I'll try, okay? Umupo ka muna rito at hahanapin ko lang sa computer ko."

Nakangiting tumango si Dane bago umupo sa upang itinuro ni Mark. After that, he left. Naiwang mag-isa si Dane. Halos mabingi siya sa katahimikan ng sandaling iyon. Ibang-iba pala ang loob ng bar kapag araw. Kapag gabi, punong-puno ito ng tao. Maingay pa dahil sa mga sabay-sabay na boses ng mga tao at isama pa ang malalakas na musika. Nakakapanibago lang.

Sa sobrang lalim nang pag-iisip ni Dane, hindi na niya namalayan na nakabalik na si Mark. Umupo ito sa harap niya at ipinatong ang hawak nitong laptop sa lamesang pinagigitnaan nilang dalawa.

"Nakita mo na ba?" may nerbyos niyang tanong dahil gusto niya talagang malaman kung sino iyong nakasama niya noong gabing iyon.

"Yup, I found it. Ahm, iyong gulo, it happened at exactly 10:30 P.M. Tapos… I think mas mabuti kung panoorin mo na lang. Ipa-fast forward ko na lang para hindi matagal."

Nang iharap ni Mark ang laptop sa kaniya, agad itinuon ni Dane ang mga mata sa screen. Nakita niya ang sarili na nakikipag-usap sa isang lalaki. Mabilis na napa-awang ng bibig si Dane nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking iyon. Hindi siya puwedeng magkamali. Pamilyar sa kaniya ang binatang iyon dahil maraming beses na niya itong nakita sa telebisyon. Makalipas ang ilang sandali, Dane saw herself fell down. Inakay siya ng binata patungo sa kuwarto. Kitang-kita ng mga mata ni Dane na pumasok silang dalawa ng binata sa kuwarto kung saan niya natagpuan ang sarili. Ibig-sabihin, ang lalaking iyon ang gumalaw sa kaniya at nakabuntis sa kaniya? Oh, my God!

"Imposible namang hindi mo siya kilala. Siya si Gr—"

"Greg Estrada," pagpapatuloy ni Dane sa iba pang sasabihin ni Mark. "Siya ang nakasama ko noong gabing iyon, tama ba?"

"Ganoon na nga. May mga clip din akong napanood na nakipag-usap ka sa iba't-ibang lalaki. You were just talking to them. Nga pala, bakit mo tinanong? May kailangan ka ba kay Greg Estrada? You know, I am really a fan of him."

Tumayo si Dane mula sa kinauupuan. "I appreciate your help. Mauna na ako."

Hindi na hinintay ni Dane na makasagot ang lalaki, tumalikod na agad siya at halos liparin na ang kaniyang sasakyan. Nang marating ang sasakyan, agad siyang sumakay roon. Bumuga siya ng hangin sa bibig at diretsong tumingin sa unahan. She was aghast. Hindi siya makapaniwala na ang lalaki pang iyon ang makakabuntis sa kaniya. Malinaw na ginalaw siya nito. Imposibleng hindi ito ang nakabuntis sa kaniya sapagkat ito lang ang huli niyang kasama. Greg Estrada is an actor and a model here in the Philippines. Alam niya kung sino ang binata dahil sa mga napanood niya. Mapa-telebisyon man o internet. Magulo ang buhay nito. Masakit man ang nangyari sa kaniya pero tanggap na ni Dane na buntis siya. Tanggap na niya na may mabubuong bata sa kaniya sa mga darating na buwan. Napagdesisyunan din niyang huwag sabihin kay Greg ang katotohanan sa kalagayan niya dahil ayaw niyang masangkot ang anak niya sa magulong buhay nang pinanggalingan nito. She will protect the child in her womb at all costs.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status