Share

CHAPTER 3

"WHAT CAN YOU say about this movie? Are you happy to be partnered with Miriam?"

"Is it true that your partner was supposedly Yvette? Anong masasabi mo tungkol sa isyu na iyan?"

Hindi na alam ni Greg kung saan siya babaling ng mga oras na iyon dahil sa sunod-sunod na tanong ng mga reporter na nakatayo sa harap nila.

Hindi rin mapigilan ni Greg ang mainis ng mga sandaling iyon dahil sa mga tanong ng mga ito. Bakit pa nila isinisingit ang bagay na iyon? Nandito sila para sa storycon ng upcoming movie nila ni Miriam Rivera. Kung wala lang nakatutok na mga camera sa kaniya, baka kanina pa niya tiningnan ng masama ang mga ito.

Reporters or even paparazzi are always annoying. Nakakasira sila minsan ng reputasyon ng isang indibidwal. May mga bagay talaga na dapat hindi na isinisiwalat sa madla. Sila rin ang nagiging dahilan kung bakit may nabubuong isyu sa mga popular na tao.

Marahas na bumuntong-hininga si Greg at kahit naiinis, ngumiti pa rin siya sa harap ng mga ito. "I am so happy because Dir. Xavier chose me to be the leading man of this movie. I couldn't ask for more because my role here really fits my personality, I guess. So, my character here is… I am obsessed with Miriam's character, and I will do everything to catch her heart. I am also willing to sacrifice myself here even though there are obstacles. I can't share with you the twists of this movie right now, but I suggest you watch it next year. You'll be shocked, I swear. And yeah, I am beyond happy to be partnered with Miriam Rivera. Who wouldn't be happy, huh? She's the popular leading lady in the country, and I am so lucky because it has been my dream to work with her since I started this career."

F*ck this! I hate this place. I want to leave right now!

"Ikaw, Miriam, what can you say about working with Greg Estrada?"

Napatingin ang binata sa tabi niya kung saan presentableng nakaupo si Miriam Rivera. Napalunok siya dahil nakita na naman niya ang mukha nito. She's like an angel. She's so beautiful. She's almost perfect. Wala nang hahanapin pa kay Miriam.

Kinuha ni Miriam ang mic sa lamesa bago sinagot ang tanong na ibinato rito ng isang reporter. "Working with him was great. Hindi pa man tapos ang shooting namin, but I tell you, Greg is such a great leading man. It was my first time working with him, and I was really amazed because of his acting. Nadadala ako minsan sa role niya kaya nakakalimutan ko iyong dapat kong gawin o sabihin."

"Thank you, Miriam. So, how about the other question, Greg? Totoo ba ang usapan na si Yvette dapat ang leading lady ng movie na it—"

Greg's phone rang. Mabilis na kinuha ni Greg ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at tiningnan ang tumatawag. Nang makitang si Mark iyon, agad siyang tumayo at walang paalam na lumisan. Napuno nang bulungan ang apat na sulok nang kinalalagyan nila ng mga oras na iyon. Greg ignored it, and left the venue. Nang makalabas si Greg, saka niya sinagot ang kanina pang nag-iingay na cellphone.

"I have an update, Greg."

"Make sure it's good. You know, my head is spinning right now because of those stupid people who kept asking me nonsense questions."

"You can't believe this. Alam na ng babae na ikaw ang nakasama niya noong nakaraang buwan."

Greg's eyes widened. "What? Alam na niya?"

"Yup, and I know where you can see her."

"Where? Tell me."

"I'll send you the address right now. Puntahan mo na bago mahuli ang lahat. I have this feeling na may tinatago siya. Hindi siya mapakali nang malaman niyang ikaw iyong lalaki."

"Send me the address right now."

After that, Greg ended the line. Tatakbo na sana siya patungo sa parking lot nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Nang balingan niya iyon, nakita niya si Ojie, ang manager niya.

"Bakit ka umalis, Greg?"

"I have to leave, Ojie. May kailangan akong gawi—"

"Bumalik ka sa loob, ngayon na! They are disappointed because of you. You need to market your movie. Mataas ang expectation ng president and Fix Channel sa movie kaya bumalik ka sa loob. It's important."

"Mas importante itong gagawin ko."

Matapos noon, tuluyan nang umalis si Greg. Nang makarating sa parking lot, agad niyang pinuntahan ang kotse niya at sumakay roon. Sakto namang nag-text na si Mark. He clicked the message and he saw an address. Greg clicked the address and it directed to waze so he immediately had directions to the exact location he needed to go to.

Minaneho agad ni Greg ang kaniyang kotse patungo sa eksaktong lokasyon. Sinundan niya ang direksyon na nasa waze at makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin siya. Tumigil si Greg sa tabi ng kalsada at ibinaba ang bintana sa passenger seat. Pinakatitigan niya ang isang flower shop. This is the exact location of the address that Mark sent him a while ago. She's working here? Shaking his head, Greg got out of his car, and walked towards the flower shop. Pumasok siya sa loob at bumungad ang isang babae sa kaniya na abala sa pagma-mop ng sahig.

"Hey, excuse me. Can I ask you a question?"

Mabilis na bumaling ang babae sa binata at nanlaki agad ang mga mata nito nang makita siya. "G-Greg Estrada? Omo! Ikaw po ba iyan?"

"It's me. Where is Dane? Where is she? Is she working here? If so, where is she?" Iginala pa ng binata ang mga mata at nagbabakasakaling makita niya ito ngunit hindi niya ito mahagilap ng mga mata niya.

He knew her name because he looked at her id. She's Dane… Dane Solomon. He could still remember her name kahit isang buwan na ang itinagal. Kahit ang mukha nito, alang-alala pa ng binata. Kung tutuusin, mas maganda pa ito kaysa kay Miriam.

"Naku, siya po ang may-ari ng flower shop na ito pero umalis na po siya, e. Iniwan niya po muna itong shop niya sa kamag-anak niya."

Napa-awang ang binata. "Saan siya pumunta? K-Kailan siya babalik?"

"Naku, wala po akong ideya kung saan. Wala rin po akong ideya kung kailan siya babalik."

Sh*t!

"D-Do you have her number?"

"Opo, m-mayroon po."

"Can I have it?"

Nang tumango ito, agad na lumapit ang binata rito. Ibinigay niya ang numero ni Dane sa binata. Bilang kapalit, nakipag-picture rito si Greg bago bumalik sa kaniyang sasakyan.

Sunod-sunod na bumuntong-hininga si Greg bago tinawagan ang numero ni Dane. But sadly, it is unreachable. It didn't even ring. Pero hindi pinanghinaan ang binata. Tinawagan niya ulit ang numero pero ganoon pa rin ang nangyari. Paulit-ulit na tinawagan ni Greg ang numero at hindi na niya namalayan na inabot na siya ng kalahating oras.

Ibinaba niya ang kaniyang cellphone at diretsong tumingin sa kalsada. He needs to see Dane. He wants her. He will find her no matter what dahil imposibleng walang nabuo noong gabing may nangyari sa kanilang dalawa. Mabilis na nahulog ang loob ni Greg sa dalaga noong gabing iyon kaya hindi siya titigil na hanapin ito. Even if it takes years, wala siyang pakialam.

"APO, AYOS KA lang ba? Kanina pa kita tinatawag mula sa ibaba pero hindi ka sumasagot. What's bothering you, huh? Iyan bang bata sa tiyan mo? Nag-usap na tayo kagabi, 'di ba?"

Bumuntong-hininga muna si Dane bago bumaling sa Lola Lala niya. "I'm just scared, Lola Lala. Paano kung hanapin ako ni Greg? Paano kung kunin niya itong nasa loob ng sinapupunan ko?"

"Apo…" Umupo ang matanda sa tabi ng dalaga. Bahagya nitong inayos ang buhok niya bago ito nagsalita. "Hindi mo kailangang mag-overthink, all right? Kung hahanapin ka niya, then hindi ka niya mahahanap dahil malayo ka sa kaniya. Mabuti nga at napagdesisyunan mong umuwi rito. At sa tingin mo hahayaan ko siyang makuha ang nasa sinapupunan mo? No way, Dane. Sa akin muna siya dadaan. Don't be scared, apo. Malayo ka na sa kaniya kaya walang rason para matakot ka, okay? Just enjoy your life here with my great-grandchild. Naku, kung buhay pa ang mga magulang mo, masaya sila para sa iyo. Kasiyahan kaya iyan ng mga magulang—ang magkaroon ng apo. Kaya kayong mga apo ko, blessing kayong lahat hindi lang sa mga magulang niyo, pati na rin sa akin."

Ngumiti ang dalaga kapagkuwa'y ipinatong ang ulo sa balikat ng kaniyang Lola Lala. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sa ikalawang pagkakataon, bumuntong-hininga muli siya.

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang umuwi siya rito sa Laguna. Nang malaman ng dalaga na si Greg Estrada ang nakasiping niya noong gabing iyon, napagdesisyunan niya agad na lumisan. Para walang makaalam kung saan siya patungo, hindi niya ipinaalam sa mga tauhan niya kung saan siya pupunta dahil kung sakaling hahanapin siya ni Greg, alam niyang ang shop niya ang una nitong pupuntahan. Dito na lang napagdesisyunan ng dalaga na tumira habang inaalagaan ang bata sa sinapupunan niya. Alam niyang ligtas siya rito dahil nandito ang mga kamag-anak niya pero hindi pa rin mapigilan ng dalaga na mabagabag. Ayaw niyang gumising isang araw na nasa labas na ng bahay nila ang binatang bumuntis sa kaniya. Gagawin ni Dane ang lahat maprotektahan lang ang bata at kailanma'y hindi niya hahayaan na malaman ng binata na ang batang iluluwal niya ay anak nito.

"It was a mistake, Lola Lala. For you, it's a blessing, but for me, it's a mistake. Nang dahil sa kalasingan ko, hindi ko na alam ang mga ginawa ko. Nawala na ako sa sarili ko kaya hindi ko na namalayan na nakipagtalik na pala ako sa lalaking hindi ko kilala. It was a drunken mistake, Lola Lala. Pero nandito na ito, e. Tinanggap ko na. Hindi naman ako katulad ng iba na kapag nalamang buntis sila, ipapalaglag na nila agad para wala silang maging responsibilidad. Iba ako. Bilang babae, responsibilidad kong alagaan at gabayan itong bata sa sinapupunan ko."

"Tama iyan, apo. Manang-mana ka talaga sa mama ko. Nandito naman ako—kami ng mga tito at tita mo. Handa kaming gabayan ka sa pagbubuntis mo."

Ngumiti si Dane. "Salamat, Lola Lala."

Sandali pang nag-usap ang maglola hanggang sa magpaalam na sa dalaga ang Lola Lala niya kaya naiwan na naman siyang mag-isa sa balkonahe. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig ang dalaga kapagkuwa'y ibinaba ang tingin sa kaniyang tiyan. Sinapo niya iyon at malapad na ngumiti.

"I'll wait for you. Pasensya na kung lalaki kang walang ama. I'm sorry if I put you in this situation. But no matter what happens, I won't let you meet your father. Anak, I hope you can understand me…"

Dahil sa emosyon na nararamdaman, hindi na namalayan ng dalaga at unti-unti nang umaagos mula sa mga mata niya ang mainit na likido. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang tumigil sa pag-iyak ngunit hindi niya magawa. Natawa na lang siya sa at hinayaan na lang ang sarili na umiyak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Malungkot siya na masaya.

Umaasa ang dalaga na sana'y maging payapa ang buhay niya rito sa probinsya na kung saan malayo siya sa lalaking pinagtataguan niya.

Katulad ng kagustuhan, naging payapa nga ang pamumuhay ng dalaga sa probinsya hanggang sa iluwal niya ang isang malusong na batang lalaki. Pinangalanan ni Dane itong Damien, at sinunod niya iyon sa pangalan nang namayapa niyang ama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status