[MBI-THREE]
KYRAN'S POV "Ma please! Cut it out okay! I'm going to hung up now," I hung up. Napabuntong-hininga ako. Lagi na lang kaming nagtatalo pagdating sa ganoong bagay. She wants me to get married again. I don't want to drag myself into that kind of situation right now. Marrying someone you don't know is like a work, so stressful. My daughter is enough to fulfilled my happiness and I don't want to fall in love again. Lumabas ako agad ng Limousine at inayos ang coat ko. "Welcome, Sir. Table for how many, Sir?" The waiter asked me. "For two," I said. "Master Kyran?" tawag sa akin bigla ng Butler ko habang nakasunod sa akin. "Yes?" I puzzledly answered. He looks so worried. "Lady Ashley is rushed to the hospital. Mukhang may nakain po siyang masama," paliwanag niya."Shit!" I cussed. Awtomatiko akong nagmadali ng lakad palabas ng hotel. "Cancel all my appointments today!" utos ko. Agad kong hiningi ang susi ng isa pang sasakyan saka pumasok sa loob kotse.HALOS paliparin ko kotse makarating lamang sa hospital. Nang makapasok ako'y agad kong itinanong sa information desk kung nasaan ang kuwarto ng anak ko. Matapos ibigay sa akin ay tumakbo ako agad. Ni hindi na ako gumamit ng elevator. Nang makita ko ang kuwarto ay agad akong pumasok. Bumungad sa akin ang Mommy ko. "Hey why are panting?" taka niyang tanong. Umiling ako at lumapit agad sa hospital bed. "How is she Ma?" "She's feeling better now son." Napakuyom ako ng aking mga kamao. "Anong silbi ng dalawang katulong ng anak ko kung magkakaganito naman siya!" galit kong wika. Mahal na mahal ko ang anak ko. I don't want to lose her. "Kyran calm down please. . ." My Mom tap my shoulder. "No!" matigas kong sabi. Tumawag ako sa bahay at kinausap ang Mayordoma ko. "Fired that two maids! I don't wanna see their faces again!" I hung up. Bumalik ako sa loob. Karga ng Mommy Vina ko ang anak ko. Lumapit ako agad at kinuha ang bata. "How are you baby? Feeling good now? Huh?" lambing ko. My dearest Ashley gave me a wide smile. I feel relieved. "Son? I think you should accept my offer right now. Ashely is starting to grow up faster. She needs a mother to take good care of her. Don't get me wrong son but I guess it's time," my Mom said. Napabuntong-hininga ako. "Make sure you'll choose a woman who can take good care of Ashley Ma," sagot ko. Maybe my Mom is right. Hindi ko kayang alagaan si Ashley kung lagi akong wala sa tabi niya. Humalik naman sa pisngi ko ang Mama. Mukhang masaya siya dahil sa wakas ay napapayag niya na ako. Sana itong desisyon na ito ay hindi ko pagsisisihan sa bandang huli. LYKA'S POV HETO ako ngayon pagala-gala sa kalye. Lumapit ako sa isang matandang nagwawalis. "Manang may alam po ba kayong apartment na mauupahan?" "Bakit Ineng? Uupa ka?" Hindi! Hindi! Kaya nga nagtatanong 'di ba? "Ay opo," 'yan na lang isinagot ko. "Hayan sa likuran mo Ineng. Three thousand pesos ang upa kung maliit na kuwarto lang pero kung mas malaki naman four thousand five hundred. One month deposit," paliwanag niya sa akin. "Kayo po ang may-ari?" "Hindi. Iyong anak ko." Ah! Kaya naman pala niya alam. "Sige po kukunin ko 'yong malaking kuwarto" "Oh siya sige. Halika na sa taas." Umuna na siyang naglakad kaya sumunod na ako. Pagkadating namin sa ikalawang palapag ay agad niyang ipinakita sa akin 'yong kuwarto. Malaki nga, at okay na sa akin. Kumuha ako agad ng pera at inabot sa kanya tapos ibinigay niya sa akin 'yong susi. Ini-lock ko na 'yong pinto at lumabas pagkatapos ay pumara ako ulit tricycle para bumalik sa hotel.PAGKADATING ko ng hotel ay pinahakot ko agad ang mga gamit ko tapos bumalik ulit sa apartment ko. Ilang oras din akong natapos sa pag-aayos. Pasalampak akong naupo sa sofa dahil sa tindi ng pagod. Kailangan ko na ring maghanap ng trabaho. Ayaw ko rin namang umasa sa pension ni Papa. KINABUKASAN ay nagising ako ng maaga kaya agad akong nag-ayos ng sarili ko. Isinuot ko 'yong isa sa mga damit na binili ni Kyla sa akin tapos pinarisan ko ng sandals na two inches lang 'yong takong. Hindi kasi ako sanay sa matataas ang takong. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Sa labas na rin ako kakain. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si..."Kyla?!" gulat kong bulalas. "Wow! You looked me!" gulat niyang sabi.Binatukan ko siya. "Ouch!" d***g niya."Kaya nga ayaw kong magsuot ng ganito kasi nagmumukha tayong kambal," sagot ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Maganda nga 'yan eh," nakangiti niyang sagot. "Paano mo naman nalamang dito ako nakatira?" taka kong tanong. "Source. Natandaan kasi ng stepbrother mo 'yong plate number ng taxi kaya hayun, gumawa ako ng paraan para ma-locate ka." Pumasok naman siya sa loob at umupo sa sofa. Pansin kong iba ang aura niya ngayon at parang tumaba siya ng konti. Isinirado ko ulit 'yong pinto at umupo sa harap niya. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong. Bigla naman itong umatungal."Lyka ayaw kong magpakasal sa lalaking 'yon!" ngawa niyang bigla. Sinipa ko siya ng konti para tumigil. "Parang ka namang bata pero hello? Paano naman nangyaring ikakasal ka?" taka kong tanong. Na-alarma ako bigla nang umiyak siya ng todo kaya tumabi na ako sa kanya. "Kyla bakit?" tanong ko. "Isinali ako ni Mommy sa isang online aranged marriage tapos sa kasamaang palad ako 'yong napili! Ayaw kong magpakasal sa lalaking 'yon! Mahal ko boyfriend ko Lyka," umiiyak niyang paliwanag sa akin. "Paano 'yan? Kilala mo naman si Tita 'di ba? Lahat dapat ng gusto niya kailangang masunod," wika ko. "Lyka please help me." Nasapo ko ang aking noo."Paano naman kita matutulungan aber?" Nagliwanag naman bigla 'yong mukha niya. Mukhang 'di maganda 'yong tanong ko. "Magpanggap ka bilang ako." Napatayo ako sa sinabi niya."Ano!? Nababaliw ka na ba!" galit kong sabi. "Lyka please! Wala akong alam na ibang plano." Napabuntong-hininga ako. "Kyla pinsan kita at kahit anong mangyari tutulong ako sa kahit na anong paraan pero ang pumasok sa ganyang estado, labas na ako diyan Kyla. Ni ayaw ko pa ngang mag-boyfriend tapos kasal pa kaya," litanya ko. "Please! Ayaw ko talagang magpakasal sa kanya Lyka!" ngawa niya.Napabuntong-hininga akong muli. "Kakausapin ko si Tita bukas. Ako ang magpapaliwang sa kanya," sagot ko. Tumango lang siya. "Tahan na," alo ko sa kanya. "Saan ka ba pupunta? Bakit ka naglayas? Anong dahi—ummp!" Sunod-sunod niyang tanong kaya tinakpan ko 'yong bibig niya dahil kung hindi, magtatatanong lang siya sa akin ng kung ano-ano. "Titigal na?" Sabi ko. Tumango naman siya. Inalis ko na 'yong kamay ko. "Naglayas ako sa bahay dahil balak akong ibugaw ng madrasta ko kaya heto ako ngayon dito tapos kung bakit ako nakaayos ay maghahanap ako ng trabaho," paliwanag ko. Tinitigan naman niya ako tapos..."Ano!? Putang ina talaga 'yong witch na 'yon! Ugh!" Gulat akong napaurong ng upo. "Late reaction?" "Ewan! Pero—ugh! Lagot sa akin 'yong witch na 'yon!" Aakma siyang tatayo kaya pinigilan ko agad. "Baliw ka ba?! Paano 'pag nakita ka no'n ha!" litanya ko. Ngumuso naman siya na parang bata. "Lyka ah! 'yong usapan natin," seryoso niyang sabi. "Oo na," sagot ko. Tumayo na ako at hinila din siya patayo. "Saan tayo?" taka niyang tanong. "Sa beach para mawala stress mo," nakangiti kong sagot.[MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...