[MBI-FOUR]
LYKA'S POVHABANG papasok kami ng entrance sa isa sa beach ng sa Kaputian ay halos pagtinginan nila kami. Napabuntong-hininga na lang ako at nagmadali nang naglakad habang hila si Kyla. Kaya nga ayaw kong mag-ayos ng ganito eh. Ayaw kong pinagtutuunan ako ng pansin. "Eh! You know what Lyka ganyan ka na lang dapat mag-ayos eh para kambal talaga tayo," tuwang-tuwa niyang sabi. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Naman eh!" angal niya. "Sira ka talaga! Ang laki kaya ng pagkakaiba natin kung sa mga gusto at ayaw ang pagbabasehan," sabi ko pa.One of the boys ako. Suntukan ang hilig ko at hindi pagma-make up at pagsusuot ng mga ganitong bagay. Rubber shoes ang gusto ko at hindi high heels. Hindi rin ako maarte at nagfe-feeling na mayaman kahit mukha talaga akong mayaman. "Teka Lyka nagugutom na ako eh, kumain muna tayo," pigil niya sa akin bigla. "Fine! Kaya ka tumataba kasi kain ka nang kain." Nag-pout naman siya. Huminto kami sa isang kainan. Pumasok na kami at umupo sa bakanteng mesa. Habang pumipili ako, si Kyla naman dada nang dada. Deadma lang ako at tinawag 'yong waiter. "Do you need anything ma'am?" tanong sa akin. Nagtaka naman ako bigla. Hindi pa naman ako nag o-order ah. Napatingin ako sa mesa namin. Laglag ang panga ko. Binalingan ko 'yong waiter. "Oh sorry. I already have it," nahihiya kong sagot habang pinapakita kunwari 'yong kutsara. Nginitian lang ako ng waiter pagkatapos ay umalis na. Ito namang kaharap ko kain naman nang kain. Hinampas ko siya ng menu list. "Ah! Mashakit ah!" angal niya. "'Di ka naman masiyadong gutom ano!" Sinimangutan niya lang ako. Bakit ba ang takaw niya na, dati naman kasi conscious siya sa figure niya tapos may Nutritionist pa siyang sinusunod. Tumaba din siya ng konti. Siguro nagbago ang isip. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. Matapos naming kumain ay gumala na kami ng walang kasawa-sawa pagkatapos umuwi nang mapagod. MATAPOS kong magbihis ay humiga na ako sa kama ko. Kailangan kong matulog ng maaga dahil may problema pa akong haharapin bukas. GUMISING ako ng maaga pagkatapos ay nag-ayos ng aking sarili. Isang simpleng rubber shoes lang tapos malaking t-shirt at 3/4 na maong. Jologs na jologs ang dating pagkatapos ay hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Instant noodles lang din ang kinain kong agahan para 'di ako malipasan ng gutom. Lalabas na sana ako ng apartment ko nang may biglang tumawag sa cellphone ko kaya agad ko din naman itong sinagot. Sandali pa akong napatingin sa screen ng aking cellphone, it was Kyla."Oh Kyla napa—" Naputol ang sasabihin ko dahil agad kong narinig ang hikbi niya kabilang linya. "Hello Kyla?" tawag ko ulit. "Lyka ang Tita Helen mo 'to." Nagulat naman ako sa narinig ko. "Tita bakit?" taka kong tanong. "Kyla is in the hospital right now Lyka. Please pumunta ka dito," umiiyak na paliwanag sa akin ni Tita. Kailangan pa sila lumuwas ng Davao?"Opo!" natataranta kong sagot at dali-daling lumabas ng apartment ko at pumara agad ng tricycle. Nagpahatid ako agad sa pantalan para maabutan ang biyahe sa barge.AFTER a couple of hours, agad akong nakarating sa Southern Philippines Medical Center o SPMC.Patakbo akong pumasok sa loob at nagtanong agad sa information desk. Matapos ibigay sa akin 'yong numero ng kuwarto ay tumakbo ako ulit. Pagkadating ko'y binuksan ko agad ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang pinsan kong si Kyla na walang malay. "Ija," salubong sa akin ni Tita Helen at niyakap ako habang patuloy na umiiyak. "Tita tahan na ho," alo ko sa kanya sabay tapik ng marahan sa balikat nito. Kinalas naman niya 'yong yakap niya sa akin at pinaupo ako sa sofa. Pinahiran niya muna ang mga luha niya bago nagsalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Nag-away kami kagabi ng anak ko. Siguro naman naikwento niya sa 'yo 'yong dahilan Lyka pero hindi ko siya pinakinggan sa katwiran niya." Napatingin naman siya kay Kyla pagkatapos ay nagsalita ulit. "Hindi ako puwedeng tumanggi sa pamilya ng lalaking pakakasalan ni Kyla dahil nakapirma na sa kontrata ang Tito mo para sa Merger. Hindi ko alam na didibdibin niya 'yong pagtatalo namin kagabi kaya naisipan niyang magpakamatay. Buti na lang at nadala siya agad ng personal maid niya sa hospital. Ang akala ko ija mawawala na sa akin ang anak ko pati na rin ang apo ko," mahaba niyang paliwanag sa akin. "Apo? Bu-buntis si Kyla?" gulat kong sambit. Tumango naman si Tita Helen. Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala ang takaw niya at tumaba siya ng konti, 'yon pala'y naglilihi na siya."Tita I want to help my cousin. Ayaw ko rin pong mawala siya." Naguluhan naman bigla si Tita sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na akong choice kundi gawin 'to. Ayaw kong magpakamatay ang pinsan ko kung may magagawa naman ako. "Kyla begged me na magpanggap bilang siya," panimula ko. Namamawis na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kabang susuungin ko. "Pero ija mahirap 'yan. I know na mukha talaga kayong kambal pero kasama sa requirements ang background ni Kyla at kung ano-ano pang mga ginagawa niya," sagot ni Tita Helen sa akin. May point siya. Paano ko nga naman gagawing magpanggap bilang pinsan ko, eh napaka-opposite naming dalawa. Bahala na!"Tita we don't have a choice. Kung pipilitin natin si Kyla ay baka magpakamatay siya ulit. Ayaw kong mawalan ulit ng mahal sa buhay Tita," malungkot kong sabi. Napabuntong-hininga naman ito. "Salamat ija. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ko 'to sa 'yo." Umiling ako. "Wala po 'yon," pilit kong ngiting tugon.Anong gagawin mo ngayon Lyka? Bahala na si Mr. Bean![MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...