[MBI-SIX]
LYKA'S POVDAYS gone by unnoticeable. Heto ako ngayon sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kasi makikita ko na 'yong mapapangasawa ko. Ang sabi kasi ni Tita Helen, susunduin ako ni Kyran tapos sa ibang kotse daw sila sasakay. "Be your self anak," sabi sa akin ni Mommy. Mommy na kasi dapat ang itawag ko kay Tita Helen kasi nga si Kyla na ako 'di ba? Ngumiti lang ako. "Sis, dapat 'di ka kunwari ma-atract sa kanya, kunwari deadma ka sa kagwapuhan niya," tawang-tawang bulong sa akin ni Kyla pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ma'am nandito na po si Sir Kyran," bungad sa amin ng katulong. Agad kong pinakalma ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating naman bigla iyong isang lalaki na parang Butler niya kasunod ay... pesti! Ang guwapo! Isa nga siyang Adones. Halos pigilin ko ang paghinga ko."Hello Mrs. Willson," bati nito. Pati boses parang vocalist ng isang banda. "You should start calling me Mommy," nakangiting wika ni Mommy Helen. "Of course! Hello Kyla nice meeting you, finally," baling niya sa akin. Nakangiti siya pero parang pilit na pilit. Ngumiti na lang ako ng sobrang lapad kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko at sobrang pawis na din ng mga kamay ko. "Nice to meet you too Kyran," bati ko. "So shall we?" yaya niya. Tumango lang ako at ngumiti pagkatapos ay inabot niya ang kamay ko at inalalayan ako palabas ng bahay. Para akong napaso sa pagdantay ng kamay niya sa akin. Ngayon ko lang din na-experience iyong ganitong pakiramdam. Tagaktak pawis ko men! Sumakay kaming dalawa sa Limousine at magkaharap kami ngayon. Habang nasa biyahe kami'y ang lagkit ng titig niya na ani mo'y parang kakatayin niya ako. Hindi ako nagpatalo sa kaba ko at sinalubong siya ng tingin. Parang nag-uusap kami nang mata sa mata. Ang maamo niyang mukha kanina ay napalitan ng isang mabangis na Lion. Mukhang nagpapanggap lang siyang masaya sa paningin ng iba. Napagawi ang tingin ko sa gilid niya, ang bintana. "Stop the car," madiin kong sabi. Takang-taka naman siyang napatitig sa akin pero pinahinto niya ang sasakyan. "Wait a second," sabi ko. Maarte akong lumabas ng Limousine at tumawid sa kabilang kalasada. "Mike!" tawag ko pa."Ate!" tuwang-tuwa niyang sabi nang makita ako. Niyakap naman niya ako bigla at 'di ko alintana ang pagkadungis niya. "Anong ginagawa mo dito sa kalye ha?" nag-aalala kong tanong. "Lumipat na kasi kami ni nanay ate simula nang umalis ka." Napabuntong-hininga ako at kumuha ng sampung libo sa pitaka ko. "Umuwi ka na, ito number ko, nagbago na kasi ako ng phone. Tawagan mo ko kapag may kailangan ka pero 'wag mo ipaalam kay nanay na nagkita tayo." Tumango naman siya sa bilin ko. "Ba-bye ate," paalam niya at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay tumakbo na siya palayo sa akin. Bigla namang may namalimos sa akin at ang dami nila. "Oh ayan isang libo paghatian niyo yan ah!" "Opo ate!" Ngumiti lang ako at tumawid na at bumalik sa pagpasok sa sasakyan. Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pagtataka. Nagkibit-balikat lang ako at sa labas ibinaling ang tingin ko. KYRAN'S POV I looked at her puzzledly. Habang pinagmamasdan ko siya kanina ay para bang balewala lang sa kanya na makisalimuha sa mga batang kalye. Pansin ko ring matulungin siya at mahilig sa mga bata. Mukhang kumuha talaga si Mama ng babaeng papasa sa standard ko. Well, hindi ko pa naman nababasa ang information tungkol sa kanya, maybe later. UMUNA akong lumabas at hinawakan ang kamay niya. I've noticed that her hand was so sweat, I think she's too nervous. When I hold her hand so tight, she didn't react and gave the visitors a wide smile. I pretend to smile too. Naglakad kami papuntang gitna at naupo sa mesa. I act as gentleman as I could be. The party started and I'm getting bored. "Let's call the couple for our first dance," the emcee announced. I stood up and held her hand. Pumwesto kami sa gitna and we started to dance slowly hanggang sa nagsayaw na din iyong iba. AFTER an hour, the party was over and all of them greeted us, congratulated us for our wedding. But my fiancee are just smiling and not even talking, even me, she's not talking to me. I find her so weird and interesting. Matapos ang party, we decided to go home early. Wala rin kaming imikan sa loob ng sasakyan. Nang makarating kami sa bahay nila ay naging gentleman pa rin ako at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. "Nice meeting you again Kyran, see you in the wedding," she said and gave me a peek kiss on my left cheek. Napakunot noo na lang ako. See you in the wedding too?[MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...