Share

Chapter 4

KRISTINE’S POV 

Sasabihin ko ba? Kapag sinabi ko, ano namang mangyayari? 

Saka sino ba ako para sabihin sa kanya that his girlfriend is playing him? 

“Hay! Naguguluhan na ako!!” Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. 

Simula nang makauwi ako, yun at yun pa rin ang laman ng utak ko. I was about to close my eyes when I remembered something. 

I don’t want Chad to get hurt. I don’t think he deserves to feel that pain. Tiningnan ko ang vial ng potion. Should I? Umupo ako ng maayos at inabot ang bote. Am I gonna do it now? Umalis ako sa kama at nagpalakad-lakad sa kwarto. To use it or not to use it? That is the question. 

Hay!! “Sige na nga!” 

Naglakad na ako papuntang kusina at naghanap ng matchbox or lighter. Sakto namang may ilang piraso match sa cabinet. 

“Kandila, kandila, kandila.” Binuksan ko na lahat ng cabinet na pwedeng paglagyan ng kandila, ultimong yung ref, pero wala. Wala kaming kandila. 

Kagaling! Hindi naman ako pwedeng bumili sa labas kasi sobrang gabi na, hayst! 

Next time na lang siguro. Kapag nakabili na ako ng kandila. For now, I’ll wish you all the best, my dear Chad. 

Hay!! Bibili na ako ng kandila bukas! Bago ako umuwi! Promise ‘yan, Chad. Cross my heart, mamatay man ang ipis ng kapitbahay. 

Wala tuloy akong magawa kundi bumalik sa kwarto, ipatong ulit yung bote sa study table ko at humiga sa kama. Itutulog ko na muna ito. At sana, hindi ko na ulit maencounter ang bullies. 

Teka nga, alam ko may pangalan yung grupo nila eh. Kasi if I’m not mistaken, parang gang ang grupo nila at may kaaway sila sa kabilang school. 

Or baka naman chismis lang yun. Ayy hindi!! Sabi kanina ni Blaire, baka madamay siya sa gang fights nila Jairo, kaya… 

“Oh my! Gang nga sila!” 

Dangerous kids, tsk tsk tsk. Kaya dapat ko silang iwasan. Pero pano ko sila iiwasan kung sila mismo ang kusang lumalapit?

Hayst!! Natandaan ko na naman yung mga linya ni Bryle! Kala niya naman naapektuhan ako. Kung di ako naaapektuhan, edi bat ko iniisip?? 

Kainis naman, Tine!! Ayusin mo nga yang sarili mo!! Myghad!! Loyal ako kay Chad! Loyal ako kay Chad! Chad lang malakas! Tama tama. Amporkchop naman eh! Itutulog ko na nga lang ‘to! 

Buti na lang nakisama sa akin ang antok ko, at mabilis din akong nakatulog. 

Kinabukasan, nakahinga ako ng maluwag nang walang Jairo o Bryle na humarang sa akin. Laking pasasalamat ko na rin at lesson lang ang ginawa ni Miss April kahapon, at least hindi ako mahihirapang maghabol. 

My day went well at lunch na, so balik sa dating gawain. Tambay sa ilalim ng puno sa field habang kumakain nagpapatugtog. 

Maganda pa ang sumunod na kantang nag-play sa phone ko kaya naman nasabayan ko yun. Always be my baby by Mariah Carey. Buti na lang at walang taong dumadaan. 

Damang-dama ko pa ang pagkanta, as in ginawa kong mic ang kutsara ko habang nakapikit. 

Kaya lang may iba akong boses na narinig pagdating ng chorus. 

Hala! Ang ganda naman talaga. Kaya naman napangiti ako at tuloy pa rin sa pagkanta hanggang sa matapos ito. 

“Ganda din pala ng boses mo, Kristine.” 

Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Dahan-dahan pang lumaki ang mga mata ko nang makita si Mister Bully na nakasandal sa punong sinasandalan ko at prenteng naka-upo habang nakapikit ang mga mata. 

“J-Jairo…”

“Shh… Wala naman ako sa mood na pagtripan ka ngayon, so let me be.” May bahid ng pagod sa boses niya. 

Kung titingnan ng maigi, Jairo Guevarra has the looks that can make any girl fall for him easily at habang nakapikit siya at kalmadong nakasandal, aakalaing mabuti siyang tao. 

“You know… kung crush mo ko, umamin ka na lang pero di ko sigurado kung maka-crushback kita,” biglang salita niya na nagpasira sa moment kong pagpupuri sana sa kanya.

Oh I take it back! ‘Di na nga mabait, sobrang hangin pa! 

“Asa ka!” Bumalik na lang ako sa pagkain ko at pakikinig ng music kaya lang tiningnan ko ulit siya. “B-Bat may mga pasa ka?” 

He turned his head to my side, looked at me, and smiled teasingly. “Concern ka ‘no?”

“‘Wag kang feeling, ‘di ba pwedeng curious lang?” Inirapan ko siya saka nag-focus sa pagkain ko. 

“We had a gang fight again. I had to cool off some steam.” Napalingon ako sa kanya, ng medyo lang ha? yung tipong ‘di niya mapapansin. “Maybe she’s right. Maybe this is the way I really am.” I wasn’t expecting him to answer that honestly. 

He’s talking about Blaire. Hay! Ang lalim ng pagkakabaon ng mga salita ni Blaire. 

I stayed quiet the whole time and he did too. Natapos ko na ang lunch ko at nagliligpit na nang bigla siyang tumayo at pinagpagan ang pants niya. 

“Welp! Thank you for your company. I’ll assume na lang na crush mo talaga ako. Bye Tingting!” paalam niya bago tumakbo pabalik sa school building. 

Ang ayos na sana eh. Porkchop talaga yung lalaking ‘yun!

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang skirt ko bago naglakad papuntang classroom ko. Nilagay ko lang sa bag ko ang lunchbox ko saka naglakad ulit palabas nang harangin ako ng Concepcion Twins. 

“Umm... Excuse me.” Dadaan na sana ako sa gilid nila pero humarang ulit sila. 

“May tanong muna kami,” sabi ni Hyaciel habang naka-ngiti. 

“Kapag satisfied kami sa sagot mo, we'll let you go,” litanya naman ni Xei. 

“O… kay?”

“What’s with you and Bryle?” tanong ni Hyaciel. 

“Hindi hindi!! What’s with her and Jairo muna kasi.” 

At nagtalo na naman ang fraternal twins. Tatakas na sana ako pero nagsalita na naman sila. 

“And where do you think you’re going?” sabay nilang tanong.

I sighed and looked at them. “To the library, I need to borrow a book,” sagot ko. 

“But we’re asking you a question.” Xei pouted. 

“That’s okay, twin. Kaklase naman natin si Kristine. We can ask her about that some other time,” Hyaciel told her sister bago tumingin sa akin. “Next time, we won’t let you go unless you answer us, hmm?” nakangiting sabi niya sa akin. Tumango naman ako bago pumunta ng library. 

I still got fifteen minutes but I gotta move quickly. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng library ay agad ko siyang nakita. 

I took a random book from a random shelf then I sat on a chair across from his place. Binuksan ko yung libro para kunwaring nagbabasa ako at saka ko siya pinanood magreview. 

Akala ko, katulad lang ‘to ng dati pero hindi eh!! 

Napatingin siya sa direksyon ko kaya naman nagkatitigan kami saglit bago ako umiwas ng tingin at nagtakip ng libro. Pero syempre silip ulit, kaya naman nakita ko siyang ngumiti. 

OHMYGHAD! IS THAT TRUE?? NAPANGITI SIYA DAHIL SA'KIN?! 

Kinikilig ako—potek! Ba’t ‘to nandito?! 

“Babe, naghintay ka ba ng matagal? Sorry ha.” Blaire even kissed his cheek. 

Saka lang nagsink-in sa utak ko. 

Most probably, I wasn’t the reason why he was smiling. It was because Blaire was standing behind me. 

Kainis! 

Agad kong ibinalik yung libro sa shelf at nagmamadaling naglakad palabas ng library. Nakayuko akong lumabas kaya naman ‘di ko napansing may makakabanggaan ako. 

“Ano ba?! ‘Di marunong tumingin sa daanan eh!” sigaw ng nakabangga ko. 

Kanina lang kalmado toh ah. B-Bat ngayon galit na galit na? 

Nilampasan ako ni Jairo na hindi man lang tinutulungang tumayo. 

Bwiset na lalakeng yun!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status