Share

Mistaken Love Spell (Season 1)
Mistaken Love Spell (Season 1)
Author: Hadlee Zircon

Prologue

KRISTINE’S POV 

Okay okay. 

Candles? Check. 

Locks? Check. 

Peaceful atmosphere? Check. 

I sat in the middle of the circle-formed candles. Hawak-hawak ko ang vial at ang papel. Tiningnan ko ang nakasulat sa likod na label ng bote. 

One Time Use Only. 

Ayy taray, so bawal magkamali! 

Ito na. Wala na talagang atrasan toh. Huminga ako ng malalim saka pumikit. Inalala ko ang mukha niya, ang bawat galaw niya kanina. Hopefully, after this magiging akin ka na.

Napangiti ako nang maalala ko ang maamo niyang mukha. Ang neatly combed niyang buhok. Ang magaganda niyang mata behind his eyeglasses. Yung boses niyang cute. Yung simpleng ngiti na binigay niya sa akin. 

“Please work,” sabi ko nang idilat ko ang mga mata ko at tingnan ang vial. Binuksan ko ito at pinahid sa may pulso ko. 

I just have to read this and say his name. And that's it. Muli kong tiningnan ang papel na kanina ko pa inaaral kung paano sabihin at talagang minemorize ko pa para mas sigurado. Pinikit ko ang aking mga mata, itinapat sa ilong ko ang pulso kong may pahid ng mahika, at saka inalala ang mukha ni Chad habang nakangiti. 

Three times, then the name. 

“Amabo te mihi in sempiternum” 

You will love me forever in Latin.

“Amabo te mihi in sempiternum” 

Napangiti ako ng maalala ko ang palakad niya kanina. 

“Amabo te mihi in sempiternum” 

Masyado akong focused sa pag-aalala ng nangyari kanina, nang biglang pumasok sa isip ko ang lalakeng pinaka-ayoko. 

“Jairo Guevarra” 

Late na nang marealize ko na nasabi ko out loud yung pangalan niya at bago ko pa ‘yun mabawi, nawalan na ako ng malay. 

Potek!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Victoric Val
Oh! This one sounds nice. I'm looking forward to reading this one XD
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status