LOGINSOLARA'S POV:
Makaraan ang ilang oras na byahe ay tuluyan na kaming nakarating sa Pilipinas. Sa bayang sinilangan ko. Sa lugar kung saan ako unang natutong mangarap at unang nasaktan. Pagbaba ko ng eroplano ay marahang tinanggal ko ang aking shades at sinalubong ng mainit na hangin ang aking mukha. Iba ang amoy ng sariling bayan. Pamilyar, mabigat sa dibdib, ngunit may parte sa puso ko na nakakagaan. “Finally… I’m back,” mahina kong bulong sa sarili. Sa tabi ko ay naroon si Draexis, suot ang maliit niyang backpack. Tila ba isang munting hari na bumalik sa sariling kaharian. “Wow! Mom, everything looks so different!” manghang saad niya habang iniikot ang paningin dito. Napangiti ako. “Let’s go, anak?” malambing kong baling sa kanya habang hawak ang kamay niya. “Yes, Mom. I’m excited,” sagot niya, may ningning ang mga mata nito. Agad na kinuha ng mga tauhan ni Daddy ang aking maleta. Nakahilera silang lahat, nakaitim na coat, puting dress shirt sa loob, itim na slacks, at makikintab na leather shoes. Tila ba presidente ng Pilipinas ang kanilang sinasalubong. “Welcome back to the Philippines, Señorita Solara and Señorito Draexis,” sabay-sabay nilang bati. Tumango ako. “Bring me to my dad,” utos ko ng diretso at walang paligoy-ligoy. “Masusunod po, Señorita. Hinihintay na niya ang inyong pagbabalik,” tugon ng kanilang pinaka leader. “Good,” maikli kong sagot. Lumuhod ako sa harap ni Draexis at hinaplos ang kanyang pisngi. Napakagwapo at maamo ang mukha nito. “You know what to do, Draexis. I told you about your grandpa, remember?” saad ko rito. “Yes, Mom. I remember. Babatiin ko po siya at igagalang.” sagot niya nang seryoso. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. “Good boy.” “Sakay na po kayo, señorita,” saad ng isa habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Thank you,” tugon ko. Habang nasa byahe ay pareho kaming nakatanaw sa labas ng bintana. Ang siyudad ay mas maingay, mas maraming mga establisyemento at mas moderno. Marami na ring naging pagbabago sa buhay ko. Pero mananatili ang tapang at lakas ng loob na mayro'n ako sa puso ko. Pitong taon ang lumipas. Pitong taon akong naging ina sa dayuhang bansa. Pitong taon akong hinubog ng panahon. Hindi bilang anak ng isang makapangyarihang tao, kundi bilang isang ina na handang isugal ang lahat para sa anak ko. Iba na ang laban ko ngayon. Hindi na para patunayan ang sarili ko sa ama ko. Kundi para protektahan ang anak ko lalo na sa ama nito. Kung sakali mang kunin niya ito sa akin ay hindi ako papayag na agawin niya si Draexis. Makaraan ang ilang minuto ay huminto ang aming sinasakyan sa harap ng isang napakalaking ospital. Isa sa mga pagmamay-ari ng aming pamilya. Ang Hilario Crest Holdings. “Nandito na po tayo, señorita, señorito,” anunsyo ng tauhan namin. Pagbukas ng pinto ay agad napatingala si Draexis sa malaking building. “Mom… this hospital is really big. Is this ours?” puno ng paghanga ang tinig niya. “Yes, Draexis. This is part of our responsibility,” sagot ko, habang nakatingin din dito. Responsibilidad. Hindi lamang yaman ang minana ko. Dala ko rin ang bigat ng pangalan na ito. “Let’s go, puntahan na natin ang lolo mo.” saad ko rito. “Yes, Mom.” sagot nito, bakas ang excitement sa mga mata. Magkahawak kamay kaming pumasok dito. Sinalubong kami ng mga doktor, nurses at staff. “Welcome back, señorita.” masayang saad nila. “It’s good to be back,” ngiti ko, bagaman may kaba sa dibdib ko. Habang tinatahak namin ang hallway ay may tauhang nagsalita, may kausap ito sa headset. “Nagtatanong na po ang señor kung nasaan na kayo.” baling nito sa akin. “Okay, let’s go,” saad ko, mas pinatatag ang loob. Huminto kami sa Room 707. Parang biglang huminto ang oras. Huminga ako nang malalim para kumalma ang puso ko. “Is there a problem, Mom?” tanong ni Draexis, bahagyang nag-aalala sa akin. “Nothing, baby. I’m okay,” sagot ko, kahit hindi ako sigurado sa sarili ko. Pinihit ko ang seradura saka binuksan ang pinto. Maaliwalas ang kwarto. Malamig ang hangin dulot ng aircon. Ngunit ang bumungad sa akin ang tunay na nagpatigil ng hininga ko. Naroon si Daddy. Nakaupo sa hospital bed, may suwero, payat at tila nanghihina na. Wala na ang dating tindig ng isang Leandro Hilario na kinatatakutan ng lahat. Napalitan ito ng isang tao na puno ng pagsisisi at lungkot sa mga mata nito. Dumako ang tingin niya sa aking kinatatayuan. Pagkatapos ay sa anak ko. “Kumusta ka, anak?” paos ngunit malinaw ang boses niya. Anak. Isang salitang matagal kong inasam. Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya. “D-Dad…” bulong ko. “Anak… patawad.” yumugyog ang balikat niya saka biglang umiiyak. Parang may pader sa dibdib ko na biglang gumuho. Lahat ng galit, lahat ng sakit ay sumabay sa pag-agos ng luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Kalimutan na natin ang nakaraan, Dad. Ang mahalaga ay ngayon,” umiiyak kong saad. Saka kami sabay na umiyak dulot ng sakit at puot mula sa nakaraan. Makaraan ng ilang minuto ay humugot siya ng malalim na hininga. “I need to tell you something important,” seryoso niyang wika. Napakunot ang noo ko. “What is it, Dad?” “May rason kung bakit naging ganoon ang trato ko sa’yo noon. Pero hindi iyon sapat para saktan kita.” napayuko ito. Bigla akong kinutuban sa hindi ko mawaring dahilan. “Lumaki akong may galit sayo,” mahinahon kong saad. “Ni minsan ay hindi ko man lang naranasan na mahalin ng isang Leandro Hilario. Hindi mo ako itinuring na anak.” puno ng hinanakit na saad ko habang inaalala ang nakaraan. “Patawad kung dinamay kita sa galit ko sa ina mo,” nanginginig niyang sagot. “Niloko niya ako, Solara… at ikaw ang naging bunga ng kanyang kasalanan.” tila bomba na isiniwalat nito. Parang may sumabog sa tenga ko. “A-ano?” napaatras ako mula sa kinatatayuan ko. “Anak ka ng mommy mo sa ibang lalaki. Kasal na kami noon nang mangyayari ang panloloko niya. Pero kinupkop pa rin kita dahil ayokong mawalan ka ng isang pamilya.” malungkot na saad nito. Unti-unting nag-sink in sa akin ang katotohanan. Hindi niya pala talaga ako kadugo. It make sense. Buong buhay ko ay naghabol ako sa pagmamahal ng isang lalaking hindi pala ang tunay kong ama. Napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak. “Oh my God… why?” nanginginig kong tanong. “Mommy? Why are you crying again? Did this old man hurt you?” galit na tanong ni Draexis. Napahalakhak si Daddy kahit may luha sa mga mata. “Silly boy,” napapailing na saad nito. Lumapit si Draexis at niyakap ako nang mahigpit. “Please stop crying, Mom. I don’t like seeing you like this. It hurts me,” malungkot niyang sabi. Mas lalong nadurog ang puso ko. Hindi dahil sa rebelasyong narinig ko, kundi sa pagmamahal na nararamdaman ko mula sa anak ko. “N-No, baby. I just learned something. I will explain it to you later, okay?” paliwanag ko. “Okay, mommy. I promise that I will protect you.” sagot niya, seryoso at matatag. Pinunasan ko ang luha ko at hinalikan ang noo niya. “Oh, Draexis… kaya mahal na mahal kita. Palagi kang nandiyan para i-comfort ang mommy mo.” tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. “I’m so proud of you, Solara,” sabi ni Daddy. “Napalaki mo siya nang maayos.” Tumingin ako sa kanya. “Yes, Dad. I’m very grateful he came into my life. He’s my treasure. My greatest blessing.” nakangiting saad ko habang nakatingin sa anak ko. Sa sandaling iyon ay may nagbago sa puso ko. Oo, masakit malaman ang katotohanan. Oo, parang nabura ang identidad na pinanghawakan ko. Pero isang bagay ang malinaw. Hindi nasusukat sa dugo ang pagiging pamilya. At bilang isang ina ay alam ko kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi ito perpekto. Hindi ito palaging masaya. Pero ito ang uri ng pagmamahal na handang masaktan, handang magsakripisyo at handang lumaban. Habang yakap ko ang anak ko at nakatingin sa amin ang lalaking minsang naging dahilan ng pagluha ko ay naunawaan ko ang isang bagay… Maaaring hindi niya ako kadugo. Pero pinili niya akong maging anak. At ako? Pinili kong maging ina. At sa mundong puno ng kasinungalingan at sakit, minsan ang pagpili ang pinakamahalagang katotohanan. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako ang batang babaeng naghihintay mahalin at magkaro'n ng kalayaan. Isa na akong ina. At handa akong ipaglaban ang karapatan ko bilang ina ni Draexis. Habang hawak ko ang kanyang kamay.SOLARA'S POV:Habang ang aking anak ay napaka seryosong nanonood sa amin ay patuloy silang nag-aasikaso sa aking kasal. Tila ba binabantayan nito ang bawat galaw ng mga glam team. Parang sinisigurado na hindi magkamali ang mga ito sa pinakamahalagang araw ng aking buhay. Napangiti ako sa isip ko. He’s always been my little protector, at kahit ngayong ikakasal na ako, tila hindi pa rin nagbabago ang pagiging maalaga niya.Nakasuot na ito ng kanyang black slacks at simpleng white sando, ipinapakita ang unti-unti niyang paglaki. Mamaya na siguro nito isusuot ang kanyang peach long sleeves na sadyang itugma sa magiging tema ng aming kasal ng kanyang ama.“Oo, saka good boy 'yon. We’ve been close friends for three years now, kaya kilalang-kilala ko na ang ugali niya," kwento ko sa aking makeup artist at hair stylist ko.Habang pinapasadahan ng huling brush ng blush-on ang aking pisngi. Nililibang ko ang aking sarili upang hindi tuluyang mapuno ng kaba ang dibdib ko.“Ay, talaga ba, ma’am?
DRAVEN'S POV:"Thank you, sir! I won't make any grand promises to you today. Because promises, more often than not, are just meant to be broken in the end. Instead, I will simply do everything within my power every single day to make her feel just how much I love her and how important she is to my life, along with our children," sagot ko nang may buong katapatan."Nah, don't call me sir anymore. Just call me Dad from now on, Draven. Miyembro ka na ng pamilya namin,” nakangiting saad ni Dad.Ang kanyang mukha ay bakas ang pagtanggap sa akin bilang isang tunay na anak. Ang pag-aalinlangan na baon ko kanina nang pumunta kami dito sa balkonahe ay tuluyang natunaw sa init ng kanyang mga ngiti."Okay then, thank you, Dad,” masayang saad ko.Naramdaman ko ang tila pagkawala ng nakadagan na mabigat na bato sa aking dibdib. Ang bawat paghinga ko ngayon ay tila mas magaan na.“Just promise me one thing, son. Do not ever waste the trust that she has so selflessly given to you. Do not fail her th
SOLARA'S POV:“Hello, Draexis! Come here, baby. I have some wonderful news for you, anak," malambing na saad ko sa kanya.“Wow! Really, mom? What is it?" tila excited na saad nito.Mabilis na ibinaba ang kanyang iPad sa lamesa at humarap sa amin nang buong atensyon. Ang kanyang maliliit na kamay ay magkapatong sa kanyang kandungan, punong-puno ng pag-asa ang mukha.Umupo ako sa tabi niya dito sa malambot na sofa ng sala. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Maging si Draven na nasa kabilang gilid ko naman ay umupo naman sa tabi ko. Ang kanyang init ay nagbigay sa akin ng lakas upang sabihin ang magandang balita.Saka ako dahan-dahang bumaling kay Draven. Tila ba nangungusap ang mga paraan ng tinginan naming dalawa. Nagbabahagi ng isang sikretong tila ba kay tagal naming hinintay na maisakatuparan para sa aming pamilya.“Go ahead, my love. Tell it to Draexis," nakangiting saad nito sa akin.Ang kanyang mga mata ay nagniningning habang hinihikayat ako.“Okay… Draexis, sweetie,
SOLARA'S POV:"Are you seriously nervous already? We haven't even arrived at the clinic yet, baby." tanong ni Draven habang nasa byahe kami.Napakurap ako at agad na napabuntong-hininga.Pakiramdam ko kasi ay bawat minutong lumilipas ay lalo lamang lumalala ang kaba sa dibdib ko."Eh paano kung..." napakagat ako sa ibabang labi ko. "Paano kung mali pala 'yung nakita ko? What if it's just a false positive?"Sunod-sunod na lumabas ang mga tanong sa bibig ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.Sa totoo lang, simula nang makita ko ang dalawang guhit sa pregnancy test ay para akong nakalutang sa pagitan ng sobrang saya at sobrang takot.Masaya dahil may posibilidad na magkaroon ulit kami ng anak.Takot dahil baka umasa ako nang sobra.At baka sa huli ay mali pala ang akala ko."Hey, stop overthinking things." malambing na saad nito.Naramdaman ko ang mabilis ngunit mariing paghalik ni Draven sa noo ko.Kasunod noon ay ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko.Parang magic.Parang sa sim
CHAPTER 108:SOLARA'S POV:“We need to wait for at least five minutes bago natin tuluyang malaman ang magiging resulta nito,” mahinang saad ko. Halos manginig ang aking mga kamay habang maingat kong inilalapag ang puting plastic kit sa ibabaw ng makintab na lababo.Bawat segundo ay tila kaybigat, at ang tibok ng aking puso ay lumalakas. Pumupuno sa buong espasyo ng banyo. Ang kaba sa aking dibdib ay tila isang bagyong unti-unting nabubuo, nag-iiwan ng malamig na pakiramdam sa aking mga palad."Okay then, let's wait together, baby,” bulong ng pamilyar at malalim na boses sa aking likuran.Sabay dampi ng isang marahan at mainit na halik sa aking noo.Ang simpleng haplos na iyon ay sapat na upang mapangiti ako nang husto sa gitna ng aking labis na pag-aalala. Sa kabila ng lamig na dulot ng aircon at ng tensyon, ang presensya niya ang nagsisilbing kanlungan ko. Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kanyang mga bisig hanggang sa tuluyan niya akong ikulong sa loob ng isang maiinit at prot
SOLARA’S POV:"Daddy? Bakit ngayon lang po kayo lumabas ng kwarto ni mommy? Anong ginawa niyo po sa loob kanina?” inosente at lubos na mausisang tanong nii Draexis habang nakatingala sa kanyang ama.Dahilan para bigla kong maimulat ang aking mga mata mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Agad na nagising ang natutulog kong diwa at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig."You want a baby sister, right, buddy? That's exactly why your mommy and I were drawing inside earlier. We're busy making you one right now.”Seryoso, diretsahan, at walang kapre-preno na saad ni Draven sa bata, na tila ba nagpapaliwanag lang siya ng isang simpleng takdang-aralin sa paaralan.Kaya naman napabangon ako nang wala sa oras mula sa aking pagkakahiga ko dahil sa narinig na nakakalokong katwiran ng lalaking ito."What the— Draven!” nanlalaki ang mga matang saad ko.Saka mabilis sinamaan ng tingin ang magaling na lalake. Halos mamula ang buong mukha at leeg ko sa tindi ng hiya. Paano niya n







