SOLARA'S POV:Makaraan ang ilang oras na byahe ay tuluyan na kaming nakarating sa Pilipinas. Sa bayang sinilangan ko. Sa lugar kung saan ako unang natutong mangarap at unang nasaktan.Pagbaba ko ng eroplano ay marahang tinanggal ko ang aking shades at sinalubong ng mainit na hangin ang aking mukha. Iba ang amoy ng sariling bayan. Pamilyar, mabigat sa dibdib, ngunit may parte sa puso ko na nakakagaan.“Finally… I’m back,” mahina kong bulong sa sarili.Sa tabi ko ay naroon si Draexis, suot ang maliit niyang backpack. Tila ba isang munting hari na bumalik sa sariling kaharian.“Wow! Mom, everything looks so different!” manghang saad niya habang iniikot ang paningin dito.Napangiti ako. “Let’s go, anak?” malambing kong baling sa kanya habang hawak ang kamay niya.“Yes, Mom. I’m excited,” sagot niya, may ningning ang mga mata nito.Agad na kinuha ng mga tauhan ni Daddy ang aking maleta. Nakahilera silang lahat, nakaitim na coat, puting dress shirt sa loob, itim na slacks, at makikintab na
Last Updated : 2026-03-05 Read more