Share

Chapter 6:

last update publish date: 2026-03-04 23:10:48

SOLARA'S POV:

Pagdating sa New York ay damang-dama ko ang bigat ng bawat paghakbang. Lalo na’t buntis na ako. Ang simpleng grocery trip ay nagiging isang misyon. Lalo na kapag dinagalaw ako ng cravings. Kaya’t nag-hire ako ng tauhan para may tumulong sa pamimili at sa mga simpleng gawain dito sa bahay.

“Kaya natin ‘to, anak,” bulong ko habang hinihaplos ang tiyan ko. Malapit ko nang masilayan ang munting sanggol na ito sa loob ng tiyan sa susunod na buwan.

— — —

Makaraan ang isang buwan, habang papunta sana ako sa banyo ay biglang humilab ang tiyan ko. Paunti-unti sa simula, hanggang sa nakaramdam ako ng matinding kirot. Dahilan para hindi ko na maitimpla ang mukha ko sa sobrang sakit.

"Ahhh! Manganganak na yata ako!” bulalas ko, halos hindi na makontrol ang boses ko.

Mabilis na dumating ang kasambahay at ang tauhan ko na mag-asawa.

“Bilisan mo! Manganganak na si Ma’am!” natatarantang saad ni Ate Lena.

“Heto na nga, kumalma ka nga muna, Lena,” nakasimangot na saad ni Kuya Efren dito, ramdam ang tensyon sa bawat kilos niya.

Mabilis akong binuhat ni Kuya Efren at sinakay sa kotse. Kasama ko sa likod si Ate Lena at nakahanda sa anumang mangyayari. Kung nagtatanong kayo kung bakit Tagalog ang ginagamit nila salita ay pinili ko talagang Pilipino ang magiging kasama ko dito sa New York.

“Inhale, exhale ka lang señorita. Malapit na tayo sa ospital,” malumanay pero diterminadong saad ni ate Lena.

“Ahhh! Sobrang sakit na!” halos sumigaw ako habang pinipilit huminga ng malalim para makakalma, pero ng hirap palang pigilan.

Pagdating namin sa ospital ay muling binuhat ako ni Kuya Efren. Sinalubong kami ng mga nurses at inihanda ang stretcher.

“Please wait here.” saad ng isa sa mga nurses kay Ate Lena at Kuya Efren, sabay tulak sa stretcher ko nang tuluyan.

Pagpasok sa delivery room ay amoy ko agad ang malakas na amoy ng antiseptic. Halos mawalan ako ng hininga sa kirot at pawis na bumabalot sa katawan ko.

“Ahhh!” grabe ang kapit ko sa bed rails, halos maputol ang circulation ng dugo sa kamay ko.

Ang bawat contraction ay parang hinahati ang katawan ko sa dalawa.

“You’re doing great, Solara. Just breathe,” malumanay na saad ng nurse, ngunit paano ako makakahinga habang tila unti-unting nabibiyak ang katawan ko?

Breathe. Inhale. Exhale.

Isa na namang paghilab ang nararamdaman ko. Mas malakas at mas matagal.

“Doctor!” halos sumigaw ako, habang ang luha ay dumadaloy sa pisngi ko. “I can’t… I can’t do this!”

Lumapit ang doktor sa paanan ng kama, kalmado sa bawat kilos nito. “You’re fully dilated, Solara. This is it. On the next contraction, I need you to push.”

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko sa matinding kaba. Ito na talaga ang sandaling pinakahihintay ko.

Ang siyam na buwan ng bawat sakripisyo, bawat walang tulog na gabi at bawat tahimik na pagluha.

Isang matinding paghigpit ng tiyan ang naramdaman ko, tila parang alon na babagsak sa akin.

“Okay, Solara! Big push! Hold it for ten seconds!” utos ng doktor.

Sumigaw ako nang buong lakas para mailabas ko na ang aking anak.

“One… two… three… keep going!” saad nito.

Nanlabo ang paningin ko at nanginginig ang bawat kalamnan ko sa halu-halong sakit na nadarama ko.

“I can see the head!” anunsyo ng doktor, dahilan para magkaro'n ako ng lakas ng loob at saya dahil konti na lang at makikita ko na siya.

Saka ako muling umire.

“Just one more strong push!” utos ng doktor.

Ginamit ko ang huling natitirang lakas sa loob ko, sumigaw at nagpuwersa na parang buong mundo ay nakatingin.

“Ahhh!” malakas na pag-ire ko.

At saka biglang tumigil ang lahat at namayani ang katahimikan. Nakaramdam ako bigla ng takot at kaba.

“Why isn’t the baby crying?” bulong ko, ramdam ang takot na pumuno sa dibdib ko.

Ilang segundo ang hinintay ko.

At saka biglang may isang malakas, malinaw, at tila ba musika na iyak ang pumuno sa silid.

Ang iyak ng aking anak.

Biglang bumuhos ang luha sa pisngi ko habang ramdam ko ang ginhawa at ligaya.

“It’s a healthy baby boy,” ngiti ng doktor. “What will you name him?”

“I will name him Draexis. That means, ‘Powerful ruler born of fire and shadow,’ or ‘The heir of strength and light.” mahinang saad ko habang pinagmamasdan ang munting buhay sa harapan ko.

Dahan-dahang inilapag ng Doktor sa dibdib ko ang sanggol.

Napakagwapo niya. Hindi ko mapigilang titigan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ang maliliit na daliri niyang kusang kumakapit sa akin.

“Hello, anak ko.” bulong ko rito. “Welcome to the world.”

Tumigil siya sa pag-iyak na para bang nakilala niya ang tinig ko. At sa sandaling iyon, bawat kirot, bawat takot at bawat paghihirap ko naging sulit.

“Nagawa ko,” sabay hinga ko ng malalim.

Hindi.

Nagawa natin.

— — —

AFTER 7 YEARS…

“Mommy, do we really need to go back to the Philippines?” nakangusong tanong ni Draexis habang nag-aayos ako ng mga dapat naming dalhin.

“Yes, anak. Kailangan kong dalawin ang ama ko sa ospital. At kailangan mong makilala ang lolo mo,” paliwanag ko habang lumuhod sa harapan niya, hinaplos ang maamo at gwapong mukha niya.

“Okay, mommy. I understand po,” saad niya.

“Good boy,” sagot ko, sabay haplos sa buhok niya.

“Nakahanda na po kayo, Señorita?” tanong ni Kuya Efren.

“Oo, kuya,” sagot ko, hinawakan ang kamay ng anak ko bago binuhat ni Kuya Efren ang maleta.

Paglabas namin ng bahay ay naroon si Ate Lena at naghihintay.

“Mag-iingat kayo, Señorita. Hihintayin namin ang pagbabalik niyo rito,” saad niya, puno ng init at tila ba pamilya kadugo ko na ito.

“Salamat, Ate Lena,” sabay yakap ko dito.

Sakay ng kotse ay hinatid kami ni Kuya Efren patungong airport. Pagdating doon ay tinulungan niya kaming ibaba ang maleta papasok ng terminal.

“Dito na lang, kuya. Salamat,” maikling saad ko.

“Mag-iingat po kayo, Señorita,” saka nito binalingan ang anak ko. "See you again soon, Draexis,” ngiti niya rito.

Tinanguan ko na lamang ito.

“See you po,” magalang na sagot ni Draexis.

Nagpunta kami sa Check-in counter, dumaan sa Immigration at hindi nagtagal ay natapos ang lahat ng dapat naming asikasuhin.

Habang nakaupo sa isang bench ay naghintay kami sa final boarding call.

Sa wakas ay narinig namin ang pinakahihintay naming anunsyo.

“Attention all passengers of Philippine Airlines Flight PR 126 from New York (JFK) to Manila (MNL). This is the final boarding call. All remaining passengers are requested to proceed immediately to Gate 14. Please have your boarding pass and valid ID ready for inspection. The gate will close in 10 minutes. We wish you a safe and pleasant journey to the Philippines.” saad nito.

“Let’s go, Draexis?” tanong ko rito.

“Okay, mommy,” sagot nito habang magkahawak-kamay kaming pumasok sa gate.

“I’m ready. See you, Philippines,” nakangiting saad ko.

Saka sinuot ang shades ko habang tinatamaan ng liwanag ng hapon ang aming mukha.

Sa bawat paghakbang sa gate ay ramdam ko ang halo-halong kaba at excitement para sa bagong yugto ng buhay namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 111:

    SOLARA'S POV:Habang ang aking anak ay napaka seryosong nanonood sa amin ay patuloy silang nag-aasikaso sa aking kasal. Tila ba binabantayan nito ang bawat galaw ng mga glam team. Parang sinisigurado na hindi magkamali ang mga ito sa pinakamahalagang araw ng aking buhay. Napangiti ako sa isip ko. He’s always been my little protector, at kahit ngayong ikakasal na ako, tila hindi pa rin nagbabago ang pagiging maalaga niya.Nakasuot na ito ng kanyang black slacks at simpleng white sando, ipinapakita ang unti-unti niyang paglaki. Mamaya na siguro nito isusuot ang kanyang peach long sleeves na sadyang itugma sa magiging tema ng aming kasal ng kanyang ama.“Oo, saka good boy 'yon. We’ve been close friends for three years now, kaya kilalang-kilala ko na ang ugali niya," kwento ko sa aking makeup artist at hair stylist ko.Habang pinapasadahan ng huling brush ng blush-on ang aking pisngi. Nililibang ko ang aking sarili upang hindi tuluyang mapuno ng kaba ang dibdib ko.“Ay, talaga ba, ma’am?

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 111

    DRAVEN'S POV:"Thank you, sir! I won't make any grand promises to you today. Because promises, more often than not, are just meant to be broken in the end. Instead, I will simply do everything within my power every single day to make her feel just how much I love her and how important she is to my life, along with our children," sagot ko nang may buong katapatan."Nah, don't call me sir anymore. Just call me Dad from now on, Draven. Miyembro ka na ng pamilya namin,” nakangiting saad ni Dad.Ang kanyang mukha ay bakas ang pagtanggap sa akin bilang isang tunay na anak. Ang pag-aalinlangan na baon ko kanina nang pumunta kami dito sa balkonahe ay tuluyang natunaw sa init ng kanyang mga ngiti."Okay then, thank you, Dad,” masayang saad ko.Naramdaman ko ang tila pagkawala ng nakadagan na mabigat na bato sa aking dibdib. Ang bawat paghinga ko ngayon ay tila mas magaan na.“Just promise me one thing, son. Do not ever waste the trust that she has so selflessly given to you. Do not fail her th

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 110:

    SOLARA'S POV:“Hello, Draexis! Come here, baby. I have some wonderful news for you, anak," malambing na saad ko sa kanya.“Wow! Really, mom? What is it?" tila excited na saad nito.Mabilis na ibinaba ang kanyang iPad sa lamesa at humarap sa amin nang buong atensyon. Ang kanyang maliliit na kamay ay magkapatong sa kanyang kandungan, punong-puno ng pag-asa ang mukha.Umupo ako sa tabi niya dito sa malambot na sofa ng sala. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Maging si Draven na nasa kabilang gilid ko naman ay umupo naman sa tabi ko. Ang kanyang init ay nagbigay sa akin ng lakas upang sabihin ang magandang balita.Saka ako dahan-dahang bumaling kay Draven. Tila ba nangungusap ang mga paraan ng tinginan naming dalawa. Nagbabahagi ng isang sikretong tila ba kay tagal naming hinintay na maisakatuparan para sa aming pamilya.“Go ahead, my love. Tell it to Draexis," nakangiting saad nito sa akin.Ang kanyang mga mata ay nagniningning habang hinihikayat ako.“Okay… Draexis, sweetie,

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 109:

    SOLARA'S POV:"Are you seriously nervous already? We haven't even arrived at the clinic yet, baby." tanong ni Draven habang nasa byahe kami.Napakurap ako at agad na napabuntong-hininga.Pakiramdam ko kasi ay bawat minutong lumilipas ay lalo lamang lumalala ang kaba sa dibdib ko."Eh paano kung..." napakagat ako sa ibabang labi ko. "Paano kung mali pala 'yung nakita ko? What if it's just a false positive?"Sunod-sunod na lumabas ang mga tanong sa bibig ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.Sa totoo lang, simula nang makita ko ang dalawang guhit sa pregnancy test ay para akong nakalutang sa pagitan ng sobrang saya at sobrang takot.Masaya dahil may posibilidad na magkaroon ulit kami ng anak.Takot dahil baka umasa ako nang sobra.At baka sa huli ay mali pala ang akala ko."Hey, stop overthinking things." malambing na saad nito.Naramdaman ko ang mabilis ngunit mariing paghalik ni Draven sa noo ko.Kasunod noon ay ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko.Parang magic.Parang sa sim

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 108:

    CHAPTER 108:SOLARA'S POV:“We need to wait for at least five minutes bago natin tuluyang malaman ang magiging resulta nito,” mahinang saad ko. Halos manginig ang aking mga kamay habang maingat kong inilalapag ang puting plastic kit sa ibabaw ng makintab na lababo.Bawat segundo ay tila kaybigat, at ang tibok ng aking puso ay lumalakas. Pumupuno sa buong espasyo ng banyo. Ang kaba sa aking dibdib ay tila isang bagyong unti-unting nabubuo, nag-iiwan ng malamig na pakiramdam sa aking mga palad."Okay then, let's wait together, baby,” bulong ng pamilyar at malalim na boses sa aking likuran.Sabay dampi ng isang marahan at mainit na halik sa aking noo.Ang simpleng haplos na iyon ay sapat na upang mapangiti ako nang husto sa gitna ng aking labis na pag-aalala. Sa kabila ng lamig na dulot ng aircon at ng tensyon, ang presensya niya ang nagsisilbing kanlungan ko. Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kanyang mga bisig hanggang sa tuluyan niya akong ikulong sa loob ng isang maiinit at prot

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 107:

    SOLARA’S POV:"Daddy? Bakit ngayon lang po kayo lumabas ng kwarto ni mommy? Anong ginawa niyo po sa loob kanina?” inosente at lubos na mausisang tanong nii Draexis habang nakatingala sa kanyang ama.Dahilan para bigla kong maimulat ang aking mga mata mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Agad na nagising ang natutulog kong diwa at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig."You want a baby sister, right, buddy? That's exactly why your mommy and I were drawing inside earlier. We're busy making you one right now.”Seryoso, diretsahan, at walang kapre-preno na saad ni Draven sa bata, na tila ba nagpapaliwanag lang siya ng isang simpleng takdang-aralin sa paaralan.Kaya naman napabangon ako nang wala sa oras mula sa aking pagkakahiga ko dahil sa narinig na nakakalokong katwiran ng lalaking ito."What the— Draven!” nanlalaki ang mga matang saad ko.Saka mabilis sinamaan ng tingin ang magaling na lalake. Halos mamula ang buong mukha at leeg ko sa tindi ng hiya. Paano niya n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status