Share

Chapter 91:

last update publish date: 2026-05-29 21:43:18

CHAPTER 91

DRAVEN’S POV:

“We have to be careful. Baka saktan niya si Isabelle,” mariin kong saad sa earpiece habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking may hawak sa kanya.

Mabagal itong umatras habang mahigpit na nakakapit sa leeg ni Isabelle. Nakatutok ang baril nito sa sentido ng babae habang nanginginig naman si Isabelle sa takot.

“Do we need a sniper, sir? Para matapos na agad ito,” tanong ng isa sa mga security personnel.

“It’s possible,” seryosong sagot ng head of security. “But one wron
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 95:

    DRAVEN'S POV:⚠️Trigger Warning:Ang sumusunod na nilalaman ay maaaring maglaman ng mga tema ng karahasan, patayan, at iba pang sensitibong eksena. “Sigurado ako na ikaw ang paglalamayan nila ngayon.” malamig na saad nito. “By the way, I want to tell you something before I end your life.”I shrugged. “Go ahead.”Isang nakakatakot na ngisi ang sumilay sa labi ni Roman habang dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin.“You know why I loathe you, Draven.” malamig na saad nito.“Yeah I know. Same here." nakangising saad ko."You know the reason? It's because you're not really my son.”Parang biglang tumigil ang mundo ko.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig dito.Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay napangisi ako. “Now I know.”“Yes.” Tumalim ang tingin nito. “Niloko ako ng ina mo. Nagsinungaling siya sa akin sa loob ng maraming taon. Ang tunay kong anak ay namatay habang ipinagbubuntis niya.”Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril. “Then who am I?”Napangisi ito. “Interestin

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 94:

    DRAVEN'S POV:“Sir, nagising na raw si Isabelle Ravena.”Agad akong napalingon kay Simon nang marinig ko ang ulat nito.“Tell them I'm on my way.”Habang nagpapatuloy ang paghahanap namin kay Roman Imperiale, agad akong dumiretso sa ospital.Pagdating ko roon ay walang pag-aalinlangan akong nagtungo sa ICU.Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita si Isabelle.Maputla ang mukha nito. Halatang hirap pa rin itong huminga at nanghihina pa ang katawan. Ang dating babaeng puno ng kumpiyansa at kayabangan ay tila wala nang natitira.“Draven... finally, you're here.” mahinang saad nito habang pilit na bumabangon.Ngunit agad din itong napahiga muli dahil sa panghihina.Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan.Hindi ko alam kung kailan tuluyang nawala ang awa ko para sa babaeng ito.Marahil noong makita kong duguan si Solara.Noong muntik nang mawala ang babaeng pinakamahalaga sa akin nang dahil sa kanya.After everything she did...All I feel right now is hatred.Naglakad ako palapit sa kama nit

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 93:

    DRAVEN'S POV:“Did I surprise you? Don’t you want to hug this old man?”May bakas ng ngisi sa labi ni Roman habang nakaupo sa harapan ko.Ngising puno ng pagmamayabang.Parang natutuwa pa siya na matapos ang lahat ng ginawa kong imbestigasyon. Pagkatapos ng napakaraming buwan ng paghahanap ay ngayon ko lang nalaman na siya pala ang nasa likod ng lahat ng ito.Ang totoong halimaw.Dahilan para lalo pang tumalim ang tingin ko rito.“It took you this long to find me.”Hindi ako sumagot.Nakatitig lamang ako sa mukha niya.Sa mukha ng lalaking matagal ko nang itinuring na patay.Ang lalaking responsable sa pagkawasak ng buhay ko.Sa pagkamatay ng aking ina.Sa nagkait sa akin na mabuhay ng isang normal na bata.At sa bawat bangungot na gumigising sa akin gabi-gabi.“Why?” malamig kong tanong.Bahagya siyang natawa.“Why?” ulit niya habang nakasandal sa upuan. “After everything I built for you, that's the first thing you're going to ask me?”Unti-unting umiigting ang panga ko.“Built for m

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 92:

    SOLARA'S POV:Habang nakatayo ako sa balkonahe at tahimik na nakatanaw sa madilim na kalangitan, bigla akong nakaramdam ng kakaiba.Parang may mga matang nakamasid sa akin.Dahilan para agad akong mapalingon sa paligid.Mabagal kong sinuyod ng tingin ang buong bakuran ng mansyon. Maging ang mga puno at madidilim na sulok ay isa-isang tinutukan ng mga mata ko.Ngunit wala akong nakitang kahit anong kahina-hinala.Ni anino ng isang tao ay wala.“Maybe I'm just overthinking things...” mahina kong bulong sa sarili habang pinapakalma ang mabilis kong paghinga.Napahaplos ako sa aking mga braso nang maramdaman ang pagtaman ng malamig na hangin sa aking balat.Hindi ko maipaliwanag pero hindi na ako naging komportable sa pananatili roon.Kaya pumasok na lamang ako sa loob ng kwarto.Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba ako patungo sa kusina.Nadatnan ko roon si Daddy na tahimik na umiinom ng kape habang may binabasang dokumento.Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng pitsel ng malamig na

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 91:

    CHAPTER 91DRAVEN’S POV:“We have to be careful. Baka saktan niya si Isabelle,” mariin kong saad sa earpiece habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking may hawak sa kanya.Mabagal itong umatras habang mahigpit na nakakapit sa leeg ni Isabelle. Nakatutok ang baril nito sa sentido ng babae habang nanginginig naman si Isabelle sa takot.“Do we need a sniper, sir? Para matapos na agad ito,” tanong ng isa sa mga security personnel.“It’s possible,” seryosong sagot ng head of security. “But one wrong move and Isabelle could take the bullet instead.”Mariin kong ikinuyom ang kamao. Hindi puwedeng magkamali buhay ang nakataya rito.Hindi ngayon.“I have an idea,” malamig kong saad habang hindi inaalis ang tingin sa hostage taker. “Someone has to distract him so we can get Isabelle.”“Negative, sir,” mabilis na kontra ng head of security. “Masyadong delikado. Nakatutok ang baril niya sa ulo ng hostage.”Bahagyang humigpit ang paghinga ko.Damn it!Patuloy na umatras ang lalaki palapit sa emer

  • Mistaken Night with the Billionaire (R18)   Chapter 90:

    ⚠️Trigger Warning:Ang kabanatang ito ay naglalaman ng sensitibong tema tulad ng karahasan, barilan, dugo, at mga eksenang maaaring makapagbigay ng matinding emosyon sa ilang mambabasa. Pinapayuhan ang maingat na pagbabasa.DRAVEN'S POV:Naging mabigat at halos nakakasakal ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan papunta sa private detention facility.Tanging ang mahinang tunog lamang ng makina at boses ni Romel Santos mula sa tablet ang maririnig sa loob.“At kung sakaling may masamang mangyari sa akin…” mahinang saad nito sa video habang nanginginig ang tinig nito. “Si Isabelle Ravena lang ang dapat sisihin… kasama ng kanyang kaalyado.”Mariing humigpit ang hawak ko sa tablet.Kitang-kita sa mga mata ni Romel ang takot. Hindi iyon simpleng pangamba lamang. Kundi iyon ay takot ng isang taong alam na anumang oras ay maaari siyang patahimikin habang buhay.Ngunit mas nangingibabaw doon ang desperasyon nitong mailabas ang katotohanan.Pagkatapos kong mapanood

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status