Share

Chapter 10

MAGHAPON na nanatili sa hospital si Katrina dahil nais niyang makasama ang papa niya. Nahintay naman niya ang pagkamalay nito matapos ang ilang oras na operasyon. Hindi man niya ipinahahalata ngunit nasasaktan siya tuwing mamasdan niya ang naputol na paa ng papa niya.

Habang abala ang Tita Lorna niya sa pag-aayos ng mga gamit sa silid na iyon ay kausap naman niya ang papa niya. Masaya ito dahil naglaan siya ng mahabang oras upang magkasama sila.

"Hindi ba naabala ang trabaho mo dahil sa pagpunta mo rito, Anak?" Mahina ang tinig ni Amado.

"Hindi naman po, Pa. Nagpaalam naman ako nang maayos kay Darwin. Alam naman niya na kailangan ninyo ako ngayon." Hawak niya ang kamay nito.

"Nagkausap kami ni Darwin bago ako ipinasok sa operating room. Nangako siya na sasagutin niya ang bayad sa operasyon ko. Napakabuti niyang tao, anak. Hindi ako magdadalawang-isip na ipagkatiwala ka sa kaniya. Masyado namang matagal ang tatlong taon kung hihintayin n'yo. Bakit hindi pa ngayong taon kayo magpakasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status