Share

Chapter 9

MUNTIK nang makita si Katrina ni Darwin kung nagdiri-diretso siya sa paglabas ng sasakyan ni Enrico. Mabuti na lamang at umalis ang lulang sasakyan ni Darwin. Pagkalabas niya ng kotse ay sinenyasan niya kaagad si Enrico na umalis na.

Nasa loob na siya ng ospital nang maisipan niyang tawagan si Darwin at sinabing hindi muna siya makapapasok sa trabaho. Kailangan man siya sa kompanya ni Darwin ngunit pinagbigyan naman siya. Pinaalala na lamang sa kaniya na matutuloy ang dinner date nila ng nobyo.

"Mabuti at dumating ka, Anak! Nasa operating room ang papa mo," malungkot na batid ng Tita Lorna niya sa kaniya.

Sinalubong siya nito sa hallway. Talagang inabangan siya nito.

"Operating room po? Bakit doon po siya dinala?" balisang tanong niya.

Umingay ang mga yabag niya dahil sa kamamadali niyang madako ang kinaroroonan ng papa niya. Sinabayan siya ni Lorna sa paglalakad.

"Oo. Kailangan na raw kasing tanggalin ang isang paa ng papa mo dahil lumala at lumalaki na ang sugat. Baka raw kumalat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status