"HOY, girl! Gising na!" Paulit-ulit na niyuyugyog ni Darren ang balikat ni Katrina upang magising siya.Naalimpungatan siya. Napakapa siya sa sariling katawan at luminga-linga. Hindi lang niya masambit ang pangalan ni Enrico lalo na nang nahumalatang si Darren lamang ang kasama niya sa loob ng nakatilang sasakyan."Haller! Mukhang nabangungot ka ah. Kanina pa po tayo nakahinto rito sa gate. Waiting na nga si Manong guard na lumitaw ka para papapasukin ka. Alam mo naman here, mailap sila sa strangers. Baka mapagkamalan pa akong masamang tao," patuloy ni Darren. Kumilos naman siya kaagad at dinampot ang nakalapag na bag sa upuan."Oo na, sige na bababa na ako. Pasensiya ka na napalalim yata ang tulog ko. Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin. Hihintayin na lang kita bukas ng umaga." Inayos ang sarili at saka bumaba."O sige. Basta ang gasolina at meryenda ko huwag mong kalilimutan, huh?" pilyong paalala ng kaibigan.Tumangu-tango siya. Isinara niya ang nilabasang pinto. Hinintay mu
TINANGHALI ng gising si Enrico dahil napuyat siya sa kahihintay kay Katrina. Dagdag pa ang nangyari sa lola niya. Marami siyang gustong sabihin kay Katrina ngunit mailap ang pagkakataon upang makapag-usap sila. Naiintindihan niya na mahirap ang pinagdadaanan nito at hindi maiwasang batuhin siya ng mga sisi sa naging kapalaran nito. Pati sana ang pag-resign niya sa trabaho sa FBI ay babanggitin niya ngunit nawawalan siya ng pagkakataon. Mas madalas kasing mainit ang ulo ni Katrina kapag nagkakaharap sila. Gusto niya ang ugali nito kahit masungit at sinusupladahan siya. Alam niyang may nakakubling kabutihan sa puso nito. Hindi naman niya masisi dahil may pagkakamali naman talaga sila ng lola niya. Malungkot nga lang ang gising niya dahil naalala niya ang nasabi niya tungkol sa pasya niya. Mahirap para sa kaniya na masaktan ang lola niya sa naging disisyon niya na palayain na si Katrina. Iyon na lang ang naisip niyang paraan upang makabawi at mapagaan ang loob ni Katrina. Wala siyang
NARINIG lahat ni Katrina ang pakikipag-usap ni Enrico sa kabilang linya. Malinaw na ina nito ang kausap. Hindi naman dapat big deal iyon para sa kaniya ngunit kakaibang lungkot ang lihim na sumagi sa puso niya.Talagang paninindigan na ni Enrico ang pagpapa-annul sa kasal nila. Wala na itong pakialam kung marinig pa ng iba ang pasya nito. Hinintay muna niyang matapos ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya saka siya lumapit at naupo sa bakanteng silya na malapit dito. Pinakiusapan ni Enrico ang katiwala na iwanan muna silang dalawa. "Kumain ka na ba? Ang sarap mo palang magluto. Sabayan mo na ako," anito."I'm done, thanks.""Pasensiya ka na kung tanghali na ako nagising. Hinintay mo ba ako kaya hindi ka nakapasok sa trabaho mo?"Mailap ang mga tingin niya rito. "N-Nagpaalam muna akong hindi papasok today. Naintindihan naman ni Darwin iyon dahil napuyat ako. Sinabi ko rin nang maaga kay Darren na huwag na muna niya ako sunduin."Natapos nang kumain si Enrico. "So, nakapag-decide
"IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal
HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya. Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya. "W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito. Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya. "Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya. "S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital.""Pumasok na siya sa elevator."Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos. "Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya. Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi
"SIGE na po, Tita! Kahit ngayon lang. Pupunta kasi si Darwin diyan. Sabihin mo na lang po na bumalik na po ako sa apartment dahil antok na antok at pagod ako. Sabihin mo na rin po na kagagaling ko lang diyan. Kailangan ko ng rest, please!" pakiusap ni Katrina sa Tita Lorna niya.Tinawagan niya kaagad ito matapos basahin ang mensahe ni Darwin. "O siya-siya! Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" usisa pa ni Lorna na kausap niya sa kabilang linya."Um, sa... sa sasakyan po ni Darren. Pauwi na ako ng apartment. Ayaw ko muna ng istorbo, magpapahinga lang po ako."Panibagong kasinungalingan na naman ang nanulas sa bibig niya. Pinanindigan na niya kaysa mabuking siya. Nagkaintindihan na sila roon ng tita niya. Hindi pa niya ni-reply-an si Darwin. Ini-off muna niya ang cellphone upang hindi siya matawagan nito at isiping nakatulog siya. Ibinilin naman niya sa tita niya na kapag tumawag si Darwin ay ipaliwanag na lamang nito.Balisang ibinalik niya sa sling bag ang cellphone. Malamig ang centralized
KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi
HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang