Share

Chapter 16

WALANG naging reaksiyon si Katrina sa tanong ni Darren kung makapapayag ba siyang gagamitin ni Enrico ang babayaran niyang babae para ipagbubuntis ang magiging apo sa tuhod ni Estela. Natapos na lang ang maghapong trabaho ay hindi niya nasagot nang direkta si Darren. Kagagaling na nila sa ospital. Kinahapunan na kasi natuloy ang pagdalaw nila roon.

Maayos naman ang kalagayan ng papa niya nang dalawin nila. Hindi nga lang sila nakapagtagal ni Darren dahil naalala niya ang usapan nila ni Darwin. Dumating si Darwin upang sunduin siya.

"Oh, nandito na pala ang fiance mo. So ano, hihintayin ko pa ba ang signal mo para masundo kita at maihatid sa mansiyon?" anas ni Darren sa kaniya habang nasa kalayuan pa si Darwin.

Natatanaw lang nila si Darwin na papasok sa entrance ng gusali. Salamin kasi ang nakapaligid na dingding. Nasa hallway sila papuntang information desk.

"Tatawagan o ite-text na lang kita. Basta huwag mo akong tutulugan dahil anytime akong kokontak sa iyo. Baka kasi ihatid ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status