Share

Chapter 22

HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya.

Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya.

"W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito.

Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya.

"Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya.

"S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital."

"Pumasok na siya sa elevator."

Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos.

"Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya.

Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status