Share

Chapter 2

Penulis: Xitah
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-28 09:06:48

INIS na inis na hinarap ni  Katrina ang groom nang magtapat na sila sa altar.

"Anong kalokohan ito? Pilikula ba 'to o teleserye? Bakit mo ako hinila papunta dito? Nagkamali lang ako ng pinasok. Uuwi na nga ako eh!" bulalas niya.

Akmang tatalikod siya ay muling kumalawit ang kamay nito sa braso niya. Bigla tuloy napalitan ng inis ang paghanga niya sa kaguwapuhan nito.

"Pakiusap, huwag mo akong ipahiya. Hindi ko alam ang magagawa ng lola ko kapag binigo ko siya. May sakit siya sa puso at nagtatangka siyang magpakamatay kapag bibiguin ko siya sa araw na 'to," pagmamakaawa nito. Pairap niyang hinarap ang groom.

"Anong pakialam ko sa lola mo? Ni hindi nga kita kilala, tapos basta na lang akong pakakasal sa iyo? Ano'ng tingin mo sa akin, pick-up bride? Nasaan ba ang pariwara mong bride at hindi ka sinipot?!" singhal niya.

Nangibabaw ang tinig niya sa buong simbahan hanggang sa lumapit ang matandang babae na nasundan ng dalawang makikisig na bodyguard. Gigil na gigil ang kamay nitong ipinapaypay sa mukha ang mamahaling abaniko.

"Hindi puwedeng maudlot ang kasalang ito! Ikaw, hija, huwag mong sinisigawan ang magiging asawa mo. Nasa altar na kayo, ikakasal na kayo," biglang sermon ng matanda na agad naman niyang binalingan.

Hindi niya nakontrol ang sarili habang kaharap ang matanda.

"Lola, bakit ko po pakakasalan ang lalaking ito, eh hindi ko nga 'to kilala? Hindi ko rin po kayo kilala. Aksidente lang ang pagpasok ko rito sa simbahan. Kung gusto po ninyo, kayo na lang ang magpakasal sa lalaking 'to! Nababaliw po ba kayo? Pamimilit ang ginagawa n'yo!" hindi niya napigilang bulalas na nagpatulala sa matanda hanggang sa mapalapat ang palad nito sa dibdib.

"Lola?" biglang alala at lapit ng groom sa matanda.

Nag-ingusan ang mga tao nang mag-alala rin.

Nakonsensiya pa tuloy siya sa ginawa niyang pagsagot sa matanda. Pinaypayan ang mukha ng matanda nang maghabol ito ng hininga. Naalala tuloy niya ang mama niya na inatake noon at tulalang natingnan lang niya hanggang sa mabawian ng buhay sa harapan niya mismo.

Sinagot-sagot din kasi niya noon ang mama niya at nagdamdam kaya inatake sa puso. Inusig siya ng kaniyang konsensiya hanggang sa makita niyang napapaluhod na ang matanda. Mangali-ngali siyang lumapit at sumiksik para harapin ang matanda. Nagtataka naman ang mga nakapansin sa ginagawa niya pati na ang groom na si Enrico. Nataranta siya.

"Lola, patawad po! Patawarin po ninyo ako sa pagsagot ko. Pakiusap, lumaban po kayo. Sorry po talaga! Hindi ko po sinasadyang saktan kayo," nalukuhang paghingi niya ng despensa.

Nagtatakang napatitig sa kaniya si Enrico at ang mga nakakita.

"P-Papayag na po ako!" hindi na niya alam ang pinagsasabi niya sa takot na may mangyaring masama sa matanda.

Napagitla si Enrico habang balisa niyang kinakausap ang matanda. Ilang sandaling nakipaglaban ang matanda sa karamdaman nito bago humuma. Nagpatawag pa ng medical assistance para makasiguro na maayos na ang kalagayan ng matanda. Pati ang pari ay nag-alay ng dasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng matanda.

Nang mahimasmasan ang matanda ay saka ito lumapit sa kaniya. Nabigla siya sa pagyakap nito sa kaniya. Tuwang-tuwa ito sa pagsang-ayon niya para maikasal sa pinakamamahal na apo nito.

Gulung-gulo ang isip niya at hindi malaman kung paano pa tatakasan ang biglang gulo na napasok niya. Pinabago ng matanda ang kontrata ng kasal at ipinalit ang pangalan niya sa pangalan ni Joyce na hindi sumipot. Hindi niya mawari ang naging damdamin niya sa biglang naging pasya niya at inisip na sana ay panaginip lang ang lahat at sa paggising niya ay magiging normal muli ang buhay niya.

Nagmistula na lamang siyang robot habang ginaganap ang seremonya hanggang sa namalayang magkaharap na sila ni Enrico dahil tinatanong na siya ng pari kung tatanggapin ba niya ito bilang kabiyak. Nagising siya sa reyalidad at saka siya nag-alinlangan na sumagot.

"Paano ako mag-a-I do, eh hindi naman natin kilala ang isa't isa at hindi pa naman kita mahal, hindi mo rin ako mahal?" anas niya kay Enrico na titig na titig sa nanlulumong mukha niya.

"Ako rin, pero nag-aalala lang ako kay lola. Pakiusap, pagbigyan muna natin si lola. Pagkatapos nito saka natin pag-uusapan ang gagawin. Um-oo ka na lang muna, tutulungan na lang kitang makaalis sa gusot na 'to," mahinahong pakiusap nito. Namanglaw ang mga mata niya hanggang sa magtanong muli ang pari.

"Katrina Gonzales, inuulit ko, tinatanggap mo ba si Enrico Bushin bilang asawa maging sa hirap man o ginhawa?" pagtatanong ng pari.

Sandali siyang napayuko na nagpakaba naman kay Enrico pati sa mga nakasaksi. Napapanganga ang matanda na nag-hang pa ang pamaypay sa kamay.

"Opo! Tinatanggap ko po!" tugon niya. Sumigabong ang palakpakan at umapaw ang tuwang sigaw ni Estela, ang lola ni Enrico.

Hindi naman maipaliwanag ang pangingibabaw ng tuwa sa puso ni Enrico sa pagsang-ayon niya. Alam niyang natuwa ito dahil sa kapakanan ng lola nito. Dineklara na ng pari ang ganap nilang kasal at ang pagsisilyo ng halik bilang ganap na mag-asawa.

Naramdaman na lang niya ang pamumulupot ng mga braso ni Enrico sa maliit niyang baywang at kung bakit natangay naman siya sa biglang bugso ng damdamin niya nang unti-unting lumapit ang mukha nito. Unang kita pa lang niya ay nahumaling na siya sa kaguwapuhan nito ngunit hindi niya aakalaing hahalikan na siya nito.

Kusang pumikit ang mga mata niya kasunod na niyon ay naramdaman niya ang malalambot na mga labi nito na humahalina sa mga labi niya para sagutin din niya ng halik. Nawala siya sa huwisyo niya na hindi niya ito kilala pero hinayaan niyang tangayin siya ng mga masusuyo't matatamis na mga halik nito.

Naging bingi siya sa mga tuwang hiyawan ng mga naroon sa simbahan at masigabong palakpakan ng mga ito. Inisip niyang panaginip lang talaga niya ang lahat. Hindi na niya alintana na saksi rin pala si Darren sa biglaang kasal niya ngunit dahil kabisado na nito ang buhay niya ay naging karamay niya ito sa gulong pinasukan niya.

Pinagtakpan muna siya ni Darren nang mangusisa ang nobyo niya kung saan siya pumunta. Tumawag kasi si Darwin para kumustahin siya at dinahilan niya ay nasa party siya ng kaibigan niya ngunit ang katotohanan ay nasa shower party siya ng kasal nila ni Enrico. Lagi rin kasing subsob sa trabaho ang nobyo kaya minsan lang sila nagkikita at magkasama.

"Girl, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Bigla akong napasubo dahil lang kay Lola Estela. Anong mukha ang ihaharap ko kay Darwin at kay papa kapag nalaman nila ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Enrico?" pagsisintemiyento niya habang pinagsasaluhan nila ni Darren ang isang bote ng tequilla.

Hindi siya sanay uminom pero napainom siya sanhi ng sobrang kalituhan. Nasa mansiyon na sila ng lola ni Enrico at abalang-abala ang pamilyang Bushin sa pag-asekaso ng mga bisita. Umulan man ng kalituhan at mga katanungan sa biglaang pag-iba ng bride ngunit hindi na naging malaking isyu dahil si Estela naman ang may kagustuhan ng lahat.

"Kat, pag-usapan ninyo ng instant husband mo para ayusin ang gulo na pinasok mo. Hindi puwedeng malaman ni Darwin ang totoo. Magpaalam ka sa kaniya na uuwi ka muna sa inyo para makapag-isip ka. Kahit ako, gulong-gulo rin sa kaiisip kung paano ka matulungan. Mag-usap tayo nang masinsinan 'pag wala ka nang amat, kanina ka pa yata nahihilo sa kalasingan," ani ni Darren.

"Kaya ko pa, Darren! Kinaya ko nga ang magpakasal sa lalaking hindi ko pa kilala nang lubusan. Hayaan mo muna akong ibuhos ang saloobin ko ngayon. Manyakin mo, bilyonaryo pala ang napangasawa ko ng wala sa oras? P-Paano ako aasal na asawa niya eh w-wala naman akong kaalam-alam sa pamumuhay nila?" Nadidighay siya sa dami ng nainom niya.

Alalang-alala si Darren sa kaniya. Panay ang pigil nito tuwing nais pa niyang tumungga.

Walang tigil ang pagsimsim niya sa goblet ng tequilla kahit hilung-hilo na siya. Hindi na tuloy siya nakadalaw sa papa niya dahil sa sobrang kalasingan niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 29

    WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 28

    NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 27

    NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 26

    "ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 25

    HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 24

    KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status