Her world turns into chaos when she met her new boss. He is dazzling with sex appeal. He is perfect but his arrogance is killing her. She wants to drew the line but he keeps on shaking her feelings. Will she manage to keep her heart from falling to that arrogant yet handsome man?
Lihat lebih banyak(Evie's POV)
"Narinig niyo na ba ang balita? Babalik na daw dito sa Pilipinas ang anak ng Chairman." Narinig kong bulung-bulungan ng mga katrabaho ko habang naglalakad ako palabas ng cafeteria.
Kagagaling ko lang kasi sa cafeteria para kumain. Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad. Totoo nga bang babalik na dito ang anak ni Chairman? Kaya ba parang ipinagbibilin niya sa akin na alagaan ang kumpanya?
"Oo, confirm na mga bruha. Babalik na daw dito ang anak ni Chairman. Narinig ko sa kaibigan ng mama ko. Doon kaya siya nagtatrabaho bilang katulong kina Chairman." sabi naman ng isa pang babae.
"Ano kayang hitsura ng anak ni Chairman? Hindi naman siguro gwapo iyon dahil hindi naman gwapo yung tatay. Sayang balak ko pa namang akitin siya." nanghihinayang namang sabi ng isang babaeng makapal ang make-up.
Bahagya akong napalingon sa gawi nila. Wala silang karapatan na laitin si Chairman o ang anak nito! Sinamaan ko sila ng tingin Agad naman nila akong napansin. Alanganin naman silang ngumiti sa akin saka nag-alisan. Marahil nakikikilala nila ako. Executive secretary ako ng kasalukuyang Chairman ng kumpanyang ito. Palagi ba naman akong nakabuntot kay Chairman sa opisina.
"Wow naman kung makapanglait ang mga iyon! Akala mo naman ang gaganda! Mukha namang mga nakatakas sa circus ang itsura. Mga babaeng iyon talaga!" Napasentido ako saka ako bumuntong-hininga.
Chairman Andrew Kim is a billionaire. Hindi naman siya gaanong gwapo talaga kasi pure iyong pagiging Koreano niya. Walang halo, kumbaga sa aso pure breed, hindi cross-breed. Iyong anak niya lang ang natatanging halo ang lahi. Na-inlove ba naman kasi siya sa Pinay na diyosa din ang ganda. Si Madame Kassandra Smith-Kim isang simpleng babae lang naman si madame nang magkakilala sila. May kaya lamang ito sa buhay. Cross breed ang asawa niya dahil iyong tatay ng asawa niya ay isang Amerikano at ang nanay naman nito ay isang Pilipina.
Maging ako ay curious din sa hitsura ng anak niya. Dahil sa tagal kong nagtatrabaho dito sa loob ng walong taon. Ni anino ng anak nito ay hindi ko man lang nakita. Balita ko ay busy ito sa Korea. Ito kasi ang nagma-manage ng kumpanya doon.
Tuwing kaarawan nito, ako ang inuutusan ni Boss na magpadala ng regalo para rito. Madalas ako sa kanila ni Chairman lalo na kung may event sa bahay nila. Mababait ang mag-asawa na iyon sa akin. Para na ngang magulang ang turing ko sa kanila. Sila kasi ang kumupkop sa akin noong wala man lang akong mahanap na trabaho. Tapos kamamatay lang ng kapatid namin sa isang insidente. Nasunog ang tinutuluyan namin at dahil gawa sa light materials madali nitong nilamon ang bahay namin. Kaya hindi ko maatim na laitin lang ng mga babaeng iyon ang mga amo ko.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mag-vibrate ang phone ko. Agad kong dinukot sa aking bulsa ang cellphone ko. Thanks to Chairman Kim at niregaluhan niya ako ng mamahaling phone noong birthday ko. Latest model ang phone na iyon. Niregaluhan din ako ng mamahaling singsing ni Madame Kassandra. Isa iyong gold ring na may nakabaon na mga diamonds. Masyado ngang makinang iyon kaya nga hindi ko isinusuot dahil baka ma-hold up ako sa kanto. Sayang naman kapag nangyari iyon.
Riregaluhan nga sana ako ng mag-asawa ng condo unit ngunit hindi ako pumayag dahil sobra-sobra na ang naitulong nila sa amin ng kuya ko. Si Kuya Genesis ay isa ng ganap na lawyer. Siya rin ang kasalukuyang family lawyer ng pamilya Kim. Kaya abot langit ang pasasalamat ko sa kanila.
Nangako akong paglilingkuran ko sila habambuhay. Kahit pa inuudyukan na ako ng mga magulang ko na mag-asawa ay hindi ko magawa. Sinagot ko ang tawag. Si Janella iyon, bestfriend ko mula high school. Ano kayang kailangan nito? Bakit kaya siya napatawag?
"Hello beshy, anong meron at napatawag ka?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Babaeng ito! Akala ko patay ka na! Hindi ka man lang nagparamdam sa akin ng isang taon. Kung hindi ko pa hiningi iyong number mo sa kuya mo, hindi kita matatawagan." may halong tampo niyang saad sa kabilang linya.
Napangiti na lamang ako. Hindi man kami nag-uusap alam ko ang takbo ng buhay niya. Dahil halos sila ng mapapangasawa niya ang laman ng mga tabloid at balita. Sikat na actor ba naman ang mapapangasawa nito. Hindi lang iyon, balita ko ay bilyonaryo din ito. Swerte talaga ng bruha na ito. Siya na yata ang may pinakamahabang buhok sa universe.
"Sorry talaga, Beshy. Masyado lang akong naging busy sa trabaho. Alam mo naman masyado akong dedicated sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas." pabiro ko pang wika sa kanya.
"Sige na nga! Pinapatawad na kita. Alam mo naman siguro kung bakit ako tumawag di ba? Kasal ko sa isang araw. At gusto ko sana nandoon ka! Hindi magpapakasal sa kanya kapag wala ka doon! Promise mo sa akin nandoon ka sa araw ng kasal ko." Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya.
"Okay fine, a-advance pa ako ng isang araw bago ang kasal mo. Hindi ka pwedeng magpakasal ng wala ako sa bachelorette party mo. At isa pa, huwag ka ngang nega. Natanggap ko yung invitation noong isang araw pa. Alam kong maid of honor ako kaya hindi ako pwede na hindi makapunta sa kasal mo." pag-aassure ko sa kanya.
"Talaga beshy! Salamat! Akala ko wala ka na namang oras. Alam kong busy ka kaya naman hindi na kita ginambala habang nagpe-prepare ako sa kasal ko. Kaya nga promise mo iyan. Bumiyahe ka na! Alam mo naman siguro kung saan ang kasal ko di ba? Cebu ha! Baka mamaya mawala ka na naman!" Paalala pa nito sa akin.
"Oo na! Magpapaalam lang ako sa amo ko. Ginamit ko iyong leave ko. Hindi ko pa naman iyon nagagamit. Nandito si Madame Kassandra, aaliwin ko muna, bye!" Paalam ko sa kanya ng mapansing papasok ng building si Madame Kassandra.
"Bye beshy. See you tomorrow." masaya nitong paalam sa kabilang linya.
Ibinaba ko na agad ang phone ko. Agad akong naglakad papunta kay Madame Kassandra. She was smiling while she's waving at me. Napakaganda ng ngiti niya. Hindi ko kailanman nakita ang ngiti na iyon mula sa kanya. Siguro ay masaya ito ngayon.
"Good afternoon, madame." bati ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.
"Drop the formality, hija. My son is coming back. Napaaga ang pag-uwi niya. Hindi ko alam kung saang parte ng Korea siya nabagok at nagdesisyon siyang umuwi dito. I am very happy. Finally, after ten long years na hindi siya umuwi dito. Para akong idinuyan sa alapaap nang tawagan niya ako kanina." She immediately grabs my hand.
"Ah, madame, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"We are going to fetch my son. Gusto ko kasama kita, hija. Huwag kang mag-aalala, alam na ng asawa ko na dudukutin kita ngayon. Ang alam ko mamaya pang gabi ang flight mo papuntang Cebu. Kaya pagbigyan mo na ako." pakiusap pa nito.
Wala sa loob na napatango na lang ako. Agad na niya akong hinila palabas ng building. Nakarinig ako ng bulung-bulungan sa paligid. Siguro pati sila ay nabigla sa iniasal ng Chairwoman namin. Ganito lang kasi talaga siya kalambing sa akin. Wala daw kasi siyang anak na babae kaya naman parang ako na iyong itinuring niya. Naghihintay na ang kotse sa labas ng gusali. Agad kaming sumakay sa backseat.
"May I ask, madame? Bakit po ako iyong isinama niyo? Hindi po ba dapat si Chairman ang isinama niyo?" tanong ko sa ginang.
"Gusto ko lang na salubungin siya ng mga diyosa sa pagdating niya sa Pilipinas." Kibit-balikat nitong saad.
Napatango na lang ako saka tumahimik. Hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin. Ginantihan ko na lang din ang ngiti niya. Saka ko ibinaling ang paningin ko sa bintana. Kung gayun, seryoso si Chairman nang sabihin niya sa akin na yung anak nila ang magte-take over ng kumpanya.
Sa madaling salita, siya ang magiging bagong amo ko. Sana man lang napaghandaan ko ang pagkikita namin ng bago kong amo. Teka nga, maayos ba ang buhok ko? Pasimple akong tumingin ako sa rearview mirror sa harapan. Maayos naman ang buhok ko. Gayundin ang aking mukha. Sana man lang nakapag-retouch muna ako bago ako nahila ni madame. Napansin ni madame kung saan ako nakatingin.
"Don't worry, hija. Maganda ka kahit wala kang lipstick. At saka bakit ba kailangan mo pang mag-lipstick? Natural na naman na mapula iyong labi mo." Nakangiti nitong saad sa akin.
"Kinakabahan lang po kasi ako. Hindi ko po kasi inaasahan na ngayon ang dating niya. Kung alam ko lang sana, nag-ayos man lang ako kahit papaano." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"I like the way you dress, hija. Kahit na gaano ka-simple ang damit nagiging special kapag naisuot mo na. Napakaganda at napakabait mo pa. Iba na talaga kapag diyosa ka ng kagandahan. Kaya nga gusto ka namin para sa kanya—" Natigil sa pagsasalita si Madame nang mapalingon ako sa kanya. Tumawa siya ng pagak.
"I mean, gusto ka namin bilang secretary niya." Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Thank you for giving me a chance. Huwag po kayong mag-alala. Pangako, aalagaan ko po ang anak niyo. Kahit na hindi na ako mag-asawa. Nang sa ganoong paraan makabawi naman ako sa inyo. Sa lahat ng naitulong niyo sa amin." Pangako ko sa kanya.
"Huwag kang magsalita ng tapos, hija. I'm sure you'll meet someone. At nasisiguro kong makakapag-asawa ka." Nakangiti pa niyang sabi.
I just smiled at her. Wala na siguro akong makikilalang magpapatibok ng puso ko. Kahit naman kasi mga foreigner hindi ako tinatablan. Iyong iba laglag panty na. Iyong panty ko intact pa! Sa madaling salita, masyado akong pihikan. Kaya nga siguro sa twenty-eight years na existence ko sa mundong ito. Wala man lang akong naging nobyo. Abnormal nga siguro ako.
----------------------------------------------------------
(Keith's POV)
"Bro, where the hell are you?!" I tried to calm myself as I was nagging this person on the other line.
Kararating ko lang sa bansa kung saan ako ipinanganak. Nasa Mactan Cebu International Airport ako. I am wearing my Barton Perreira sunglasses, Ralph Lauren white long-sleeve shirt and slacks. Napalinga-linga ako sa paligid. Hinila ko na ang maleta ko. Napakaraming tao at masyadong maingay ang paligid.
Pinagpapawisan na ako dito. Where the hell is he? My father is a pure Korean and my mother is a Filipino-American. Kung bakit magaling ako magsalita ng tagalog? Isa lang naman ang dahilan. Araw-araw akong tinatawagan ni Mommy. Isang Pilipina din ang taga-linis ng condo ko sa Korea kaya naman bihasa ako sa pagtatagalog.
"Bro, masyado kang highblood. Pinaglihi ka ba ng nanay mo sa sama ng loob, ha?" pabiro nitong sabi sa kabilang linya.
He is Michael Gregory Santos. He is my best friend since High School. He is a famous rockstar in the Philippines and in Asia. I was shocked when he decided to get married again to the same woman, Janella Christine Lorenzo. They started in a fake marriage arranged by their parents. Then they fell in love. Fate must be crazy. She literally turned my best friend into a living fool. I don't believe in Sarang (Love). Why? They just made for foolish people.
"I am just wasting my precious time, here. Can I go back instead?!" I sarcastically ask him.
I massage my temple. This is the only way to calm me. I heard him sigh on the other line. Maybe I was just too harsh on him. Sa isang linggo pa sana ang balik ko sa Pilipinas. But I just received the invitation last night. I am flying for seven hours. Kahit na ba nasa first class ako ng eroplano na sinakyan ko. I still feel exhausted. I wanted to take a rest.
"I am here, bro. Traffic jam is the main problem in the Philippines. Nasanay ka kasi sa Korea. Palibhasa walang traffic doon." Napapalatak ito sa kabilang linya.
"That is why, I never wanted to come back early. If it wasn't for your wedding, bro. I am still in Korea, right now." I immediately hang up as I saw him waving at me with a large smile on his face.
He was disguised in shades and cap. Medyo nakabalot pa ang mukha niya. Para siguro hindi siya makilala ng mga tao. He immediately approached me. Inakbayan niya kaagad ako. I immediately removed his arm from me.
"Don't touch me. Baka isipin nila mag-syota tayo." reklamo ko sa kanya.
"Hindi ka pa rin, nagbabago, Keith Andrei Kim. Maarte ka pa rin." nangingiting sabi nito.
Napailing na lang ako. Nauna na siyang naglakad. Hinila ko na ang maleta ko saka ako sumunod sa kanya. Napapanganga ang mga babaeng madadaanan ko. Kapwa humahanga ang mga mata nila. I can't blame them. I was born with a dazzling appeal. Any woman could easily fall in love with me. I don't doubt that. Pare-pareho lang naman silang mga babae. Marupok sa katulad kong ubod ng gwapo. Lalo na sa katulad kong napakayaman.
Nasanay na ako sa lahat ng atensyon. Ilang babae na din ang nagtangkang mang-akit sa akin pero hindi sila nagtagumpay. Alam kong habol lang nila ang kayamanan at kagwapuhan ko kaya naman wala ni isa man lang sa kanila ang niligawan ko. Maybe I am just looking for my physical needs but I don't give a fuck about falling in love and everything that involve romance.
"Kagwapo ba adtong lakiha sa? Asa man to siya gikan?" The woman behind my back murmured.
I just ignore them. Hindi ko rin naman maintindihan ang sinasabi nila. I don't care what they say. Either they praised me or curse me. They can praise me all they want. And they can curse me either. I don't really care!
Nang makalabas kami ng airport. Naghihintay na doon ang sasakyan ni Michael. The driver gets my luggage and put it on the trunk. Sumakay na kaagad kami ni Michael sa sasakyan. Magkatabi kami sa backseat ng sasakyan niya. Binalingan niya ako nang maisarado na niya ang pinto.
"How have you been, Keith? You've been in Seaul, Korea for so many years. It's been a long time since we last see each other." tanong ni Michael sa akin.
I am about to answer him when my phone starts vibrating. I immediately take it from my pocket. My mom is calling. I forgot to call her that I am going to straight to Cebu. She may be in NAIA right now. I immediately answer the phone.
Evie's POVNakauwi na kami mula sa lugar kung saan siya nagpropose. Pero bago pa man yun dumaan muna kami sa kanto kung saan nandoon ang dati kong inuupahan. Nakilala agad ako ni Aling Patty yung matagal ng nagtitinda ng ihaw ihaw dito sa amin."Evie! Matagal kitang di nakita. Gumaganda ka yata lalo, ineng." Nakangiti nitong sabi sa akin.Napangiti din ako sa kanya. Siya din pala yung madalas kong inuutangan ng ulam dati pero hindi naman niya ako sinisingil dahil may gusto sa akin yung anak niya. Pero nakapag-asawa na din ito at may anak na ngayon. Napansin niya si Keith sa likod ko. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin kay Keith. Well di ko siya masisisi dahil napakagwapo at napakakisig talaga ng magiging future husband ko. Kinilig ako sa naisip. Tila nagtatanong ang mga mata ni ni Aling Patty sa akin kung sino si Keith."Siyanga pala, fiancee ko po, si Keith Andrei Kim. Love, si Aling Patty pala, dati kong kapitbahay." pakilala ko sa kanya.Agad namang lumapit si Keith
Keith's POV It was an ordinary Saturday afternoon, and yet, everything felt different. The air seemed to hum with anticipation as I walked beside Evie, her hand in mine, our fingers intertwined effortlessly like they had always belonged there. We’d spent the morning wandering through the city, stopping at our favorite café for coffee, just the two of us, with no rush, no distractions. And it felt perfect — the kind of ordinary day that made me realize how extraordinary she was to me. We wandered into the park by the river, the golden hues of the setting sun casting long shadows on the grass and the gentle hum of the world around us fading into the background. The peacefulness of it all made me feel like I could hear my own heartbeat, pounding in my chest like a countdown. It had been months in the making — the planning, the thinking, the rehearsing — and yet, now that I was here, with her, standing at the edge of this moment, the nerves were like a wild storm inside me. I had know
Evie's POVNapamulagat ang mga mata ko sa nakita. Gulat na mukha iyon ni Madame Kassandra habang nakatingin sa amin ni Keith. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. Tila nagtatanong ang mga mata nito sa amin. Napahalukipkip ito habang di pa din niya ang inaalis ang nagpalipat-lipat na tingin niya sa aming dalawa."Well? Wala ba kayong balak sagutin ang tanong ko?" tanong nito sa amin na tila naiinip na.Binalingan ko si Keith. Nakangiti lamang ito sa akin. Tila lalong gumwapo ito sa paningin ko. Nawala yata lahat ng problema ko sa mundo nang makita ko ang ngiti niya. He's so sexy and I love him so much. Magulo ang buhok niya pero parang dumagdag pa yata iyon sa kagwapuhan niya. Parang gusto ko tuloy maglambitin sa leeg niya na parang sawa!"Answer your mom, Keith." tinig iyon ni Chairman Kim.Napabaling ulit ako sa kanila. Tila nakalimutan ko na nandoon nga pala ang mga magulang ni Keith. Bakit ba kasi nauuna pa ang kalandian ko?! Damn! Ang gwapo kasi ni Keith. Nakakadistra
Evie’s POVTahimik ang buong kwarto. Ang tunog ng aircon ay tila bumubulong, ngunit para sa akin, parang sigaw ito sa kawalan ng sagot mula sa kanya. Si Keith, nakahiga sa ospital bed, nakatitig sa akin nang hindi kumikibo. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang siya tumingin—parang nagbabasa ng isang kwento na wala siyang intensyong tapusin.Ako naman, nakaupo sa maliit na upuan sa tabi ng kama niya. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero sino ba naman ang kakalma sa ganitong sitwasyon? Kami lang ang narito sa kwarto. Walang ibang tao, walang ibang ingay. Nakakatakot ang ganitong klaseng katahimikan, lalo na kapag kasama mo ang taong hindi mo mabasa ang iniisip.Ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Mainit ang palad niya, ngunit nararamdaman kong nanginginig ito nang bahagya. Ang mga daliri niya, mahigpit ngunit banayad ang kapit, halos hindi umaalis sa singsing na suot ko. Ang singsing na ibinigay niya sa akin noong araw na halos hindi ko naisip na posible pa siyang maw
Evie's POVGabi na noon, tahimik ang paligid ng ospital, ngunit sa loob ng isip ko ay napakaingay. Nakatitig lamang ako sa puting kisame, naglalakbay ang mga mata sa kung ano-anong porma ng ilaw na sumasalamin doon. Nababagot ako ng husto, pero higit sa lahat, nami-miss ko si Keith. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat oras ay parang taon. Sabik na sabik na akong makita siya, marinig ang boses niya, at sabihin sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin—handa na akong magpakasal sa kanya.Bakit ba hindi ko kaagad tinanggap ang proposal niya? Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing iniisip ko ang mga oras na nasayang dahil sa mga alinlangan ko. That day, I let my insecurities win. May mga taong nagsabi sa akin na hindi niya ako deserve, na hindi ko siya deserve, na hindi kami bagay. Noong una, hindi ko iyon pinansin, pero habang tumatagal, naging lason ito sa isipan ko. Lalong lumalim ang mga duda ko sa sarili ko. Sino nga ba ako para dalhin ang apelyido ng isang pamilya tulad ng K
Keith's POVThe waiting is unbearable. Every second feels like an eternity as I sit here, desperately clinging to the hope that there will be news about Evie soon. The thought of losing her... it’s a hollow, suffocating ache in my chest. My world would be nothing without her. She’s my light, my reason for living. I want to stand by her side, not just as a lover but as her husband. I want to wake up every day and see her smile, to hold her in my arms and never let go. I dream of being the father to our children, building a future together where every moment is filled with her presence. But right now, all of that feels so far away. Am I selfish for wanting all of this? Am I too greedy to wish for her to stay by my side forever?The memories won’t stop haunting me. This is my fault. If it weren’t for me, she wouldn’t be in this situation. She’s lying in critical condition because of the choices I made, the enemies I failed to stop. She saved me, not once, but over and over again. Even wh
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen